chapter one

1028 Words
THIRD POV Malakas ang naging paglunok ni Sofia sa bawat pagsipsip ng bata sa straw ng softdinks na nasa kanyang harapan. Habang ang mga kamay nakahawak sa kanyang manipis na tiyan na kanina pa kumukulo at ang mga alaga niyang bulate kanina pa naghurumentado dahil sa matinding gutom. Uhaw at gutom ang sinoong niya ngayong araw. Kagabi pa siya hindi kumakain. Kinatulugan na lamang niya ang sakit ng kaniyang katawan at kumukulong sikmura. Ni kahit pag-inom ng tubig hindi niya magawa. Nagalit ang kaniyang tiya dahil sa dalawang daan lamang ang naibigay niya rito. “Ano ang gagawin ko sa dalawang daan, ha! Wala ka talagang silbi! Ano ang ipangtataya ko sa tong its nito?” galit na tanong ng kaniyang tiya sa kanya. Habang itinaas ang dalawang daan na inabot niya. Kita niya iyon sa pag-iigib ng tubig at pamamalimos sa lansangan sa buong maghapon. “Pa-pasensiya na ti-tiya. ’Yan la-lang ka-kasi ang ki-kita ko ngayon,” nauutal na sagot ni Sofia. Nagsimula ng nanginig ang kaniyang mga tuhod dahil nanlilisik na mata ng kaniyang tiya. Dahil alam na niya ang aabutin niya kapag nagalit ito sa kaniya. Pero wala namang araw na hindi siya pinagdiskitahan nito. Kaya halos hindi nawawalan ng pasa ang kaniyang manipis na pangangatawan. Nang lingunin niya ang kaniyang dalawang pinsan nakangisi itong nakatingin sa kaniya. Na tila nasisiyahan sa ginagawa ng kanilang ina. “Ang sabihin mo kahit kailan tamad kang bata ka! Pabigat ka talaga sa amin! Mana ka sa iyong ina na malandi!” walang nagawa si Sofia nang dumapo sa kanyang maliit na binti ang hawak nitong pamalo na kahoy. Pikit mata niyang tinanggap ang bawat pagdampi sa matagis na bagay sa kaniyang katawan na tila ba tumatagos sa kanyang buto ang sakit dahil sa kanyang kapayatan.Walang tinig na lumabas sa kaniyang bibig. Pinipigilang bumalong ang luha sa mga mata dahil mas lalong magagalit ang kaniyang tiyahin kapag nakitang umiiyak siya. Maging ang pagpalahaw na pag-iyak hindi nito magawa. Sa kabila ng matinding sakit na nararamdaman. “Ano? Tamad ka pa rin ba, ha! Wala ka talagang utang na loob!” Nang gigil na sambit ni Milet. Mas lalong sumiklab ang galit nito dahil aksidenting nalaglag ang kaniyang inipit na fifty pesos sa garter ng kaniyang suot na panty. Gusto niyang makapag-ipon para pambili ng gamit sa darating na pasukan. Kahit malabo na payagan siya nito. Subukan pa rin niyang papasok sa eskuwela. Hindi nito mabilang kung ilang hataw pa ng kahoy ang tumama sa kaniyang katawan bago siya iniwan ni Milet. Kung kaya’t kailangan niyang makadilihensiya. Hindi puwede na wala siyang maiuwing pera sa kanyang tiya Milet. Dahil tiyak na bugbog at gutom ang aabutin niya. Kaya alas- sais pa lang ng umaga umalis na siya ng bahay para malaki ang maibigay niya sa tiyahin. Sana’y na siya sa bawat araw na lumipas na nagkaroon siya nang muwang sa mundo. Sa edad niyang sampung taon na dapat papel at ballpen ang hawak niya. Ay naging mabigat na balde ang pasan sa araw-araw. Nakipagkarerahan sa ibang batang hamog at palaboy upang makahanap ng kunting barya na ipangbibili ng makakain ng kanyang pinsan at tiya. Sa patpatin niyang katawan inaasa na ng kanyang walang hiyang tiya Milet ang bigat na responsibilidad na hindi dapat sa kanya. Na tila nakagapos na ito sa kaniyang balikat at walang pag-asang makawala pa sa bigat ng kaniyang pinapasan. Samantalang ang kaniyang mga pinsan ay laging pasarap sa buhay. Na tila ba mga prensisa at anak ng mga mayayaman na walang ibang ginawa humiga at magpaganda. Kung sa iba ay naging bagong pag-asa ang bawat pagsikat ng araw. Ngunit sa kaniya, naging isa itong kalbaryo. Dahil umaga pa lang kailangan na niyang kumilos at magbanat ng buto. Nais man niyang tumakas at magpakalayo sa kaniyang malupit na tiyahin at mga pinsan. Pero wala siyang ibang matutuluyan at mapupuntahan. Ang mga ito lamang ang alam niyang mga kadugo. Magkapatid sa ina ang kaniyang tiya Milet at ang mama niya na matagal ng sumakabilang buhay noong ipinanganak siya. Samantalang hindi man lang niya nakita at nakilala ang kaniyang ama. Pati tunay na pangalan hindi man lang nito alam. Ang sabi ng kaniyang tiya Milet dahil daw sa kalandian ng kaniyang ina. Nagpabuntis daw ito sa lalaking mayroon ng pananagutan sa buhay. Naging kabit daw ang ina nito. Marahas niyang pinahid ang luhang dumadaloy sa kanyang manipis na pisngi. Walang maitutulong sa kaniya ang pagluha. Mabilis.nitong inihakbang ang kaniyang mga paa na wala man lang suot na tsinelas. “Ate! pahingi ng pambili ng tinapay! Sige na ate. Masakit na ang tiyan ko. Kahapon pa ako hindi kumakain,” pagmamakaawa niya sa babae. Kanya-kanyang diskarte ang mga ito. para magkaroon ng kita ngayong araw. Ngunit sadyang hindi nakikiayon sa kanya ang panahon dahil kakasimula pa lamang niya sa pamamalimos dumating na ang mga pulis. “Mga parak! Takbo!” sigaw ng isang batang hamog na look out kapag dumarating ang mga police. Mabilis na kumaripas silang lahat kung ayaw nilang mahuli ng pulisya at mga kawani ng DSWD. Kanya-kanya nagsitakbohan ang kapwa niya mga bata namalimos. Na katulad din niya tila pinagkaitan ng tadhana. Dahil karamihan sa kanila ulila na sa mga magulang. Hindi maigalaw, maikhakbang ang kaniyang mga paa. Hindi magawang tumakbo ni Sofia. Naguluhan siya, gusto na lang din sana niyang magpahuli kung ito ang paraan para na makaalis siya sa puder ng kaniyang demonyitang tiyahin. Ngunit na pasunod siya sa pagtakbo nang may mga kamay na mahigpit na humahawak sa kaniyang braso. “Hoy! bata. Ano magpapahuli ka na lang ba? Bilisan mo ang pagtakbo kung ayaw mong makulong sa center ng DSWD!” tumakbong sigaw ng batang lalaki. Habang hila pa rin ang kamay niya. Hindi magawang tingnan ni Sofia ang dahil bumilis na rin ang t***k ng kaniyang puso. Kung kanina mas gusto na lang niyang sumama sa mga pulis. Ngunit ngayon napalitan na ito ng takot dahil sa narinig niya. Marami ang tumatakbo sa kanyang isipan. Paano kung mas impyerno pa ang center kaysa bahay ng kaniyang tiyahin? At paano kung babalikan pa siya ng kaniyang ama. Baka hindi na sila magkita kapag umalis siya sa makipot at magulong lugar ng Tondo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD