chapter 3

2403 Words
“Amboy, saan mo ba ako dadalhin? Bakit ba ang hilig mong pagbigla-biglang maghatak sa akin? Alam mo naman na kailangan kong maghanap ng pera ’di ba? Kilala mo naman si Anti Milet daig pa ang tigre no’n kung magalit.” “Ah! Basta. Ako ang bahala sa iyo at anti mong demonyita. Wala ka pa bang bilib sa akin, babe Piyang? Sa guwapo kung ’to nag-aalangan ka pa rin sa akin?” saad nito na pumipitik pa sa ere ang kamay. Ngunit napahawak din ito sa ulo nang batukan ito ni Sofia. “Aray! Bakit mo naman ako binatukan. Siguro may lihim kang pagnanasa sa akin ano?” Kumikindat nitong wika. “Ikaw kasi, puro ka kalokohan. Baka ano pa ang isipin ng mga taong makakarinig sa iyo. Eighteen pa lang ako noh? Wala pa sa isip ko ang jowa at isa pa baka mapapatay na ako ni anti kapag nagkataon.” Simula noong pinagtagpo ng tadhana ang dalawa. Naging mag-best friend ito at halos hindi na ito mapaghiwalay pa. Malaki ang pasasalamat ni Sofia na nakilala nito si Enzo o Amboy dahil hindi na siya nakakaranas ng nagugutom. Dahil to the rescue ito sa kaniya. Palagi siya nitong tutulungan sa paghahanap ng pera para sa demonyitang anti ni Sofia. Kahit ilang taon na ang nakalipas at nagdadalaga na siya hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo nito sa kaniya. “Oo, na. Binibiro lang naman kasi kita. Napakaseryoso mo kasi. Chill, ka lang kasi parang hindi mo ako kasama. Ipapahamak ba kita? Siyempre hindi.” Inakbayan siya nito habang naglalakad sa kalsada ngunit mabilis namang tinanggal ni Sofia ang nakaakbay nitong braso sa kaniyang balikat. “Ikaw talaga Amboy, pahamak ka!Alam mo naman na maraming Marites dito sa amin. Paano na lang kapag may nakasumbong kay Anti. Baka mabugbog na naman ako nito.” nakasimangot niyang turan sa kaibigan. “Tsk... ang arti naman. Parang akbay lang, eh. Bilisan mo na kasi diyan. Sabi ni Aling Melinda isasama niya tayo sa kanilang probinsiya. Maghahabas daw tayo ng damo roon sa kanilang taniman at siyempre may bayad iyon. Limang daan isang araw. Eh, sabi niya mga dalawang araw tayo roon. Eh,’di may isang libo ka nang ibigay sa hudas mong Anti!” Mabilis na tinakpan ni Sofia ang walang prenong bibig nito. “Ikaw talaga! Pero magpaalam muna ako sa tiyahin ko.” “Naku! Halika ka na! Baka maiwan na tayo kay Aling Melinda.Wala namang paki iyon sa iyo. Ang mahalaga sa kaniya ay may maibigay kang pera.” saad pa ni Amboy sa kaniya na ikinalungkot niya. Totoo naman ang tinuran nito. Walang pakialam sa kaniya ang kaniyang pinsan at tiya. Kaya hindi na pumalag pa si Sofia nang hatakin muli ang kamay niya patungo sa tindihan ni Aling Melinda at sa likuran nito ang bahay na ng ginang. “Mabuti naman at nandito na kayo? Ano? Nakapagpaalam ka na ba sa tiya mo Sofia?” Nagkatinginan silang dalawa ni Enzo dahil sa tanong ni Aling Melinda. Nag-alangan siya na sabihin sa ginang ang totoo na hindi siya nagpaalam sa kaniyang anti Milet baka hindi na siya pasamahin nito. Sayang ang kikitain niya at excited siyang pumunta ng probinsiya ito ang unang pagkakataon na malayo sa magulong lugar na kinalikhan niya. “Ano? Bakit nakatulala lang kayo riyan? Hindi ka ba nagpapaalam kay Milet Sofia? Naku! baka hanapin ka. Alam mo na man na walang preno ang bibig ng Anti mo.” Muli silang nagkatinginang dalawa. Pinanlakihan ni Sofia si Enzo dahil idea nito ang hindi na siya magpaalam pa sa kaniyang tiyahin. “Aheem, siyempre naman tita gwaps ay este...Aling Melinda. Napakabait na bata iyang best friend ko. Hindi iyan aalis ng hindi nagpapaalam.” Inakbayan pa nito ang ginang. “‘Di ba Piyang?” dugto pa ni Enzo habang lihim na kumikindat sa kaniya. “Ah, Oo. Totoo po iyon Aling Melinda. Hindi naman po nagsinungalung iyang si AMBOY!” sinadya niyang ipinagdiinan ang pangalan nito dahil naiinis siya sa tinawag sa kaniya Enzo. Kahit ilang taon na ang nakalipas hindi pa rin siya nasanay na tawaging Piyang ng binata. Pakiramdam niya pangmatanda ang palayaw na Piyang. Ngunit napahagikhik naman si Amboy dahil sa alam nitong galit na ang dalaga. Puno nang pagkamangha ang rumihistro sa mukha ni Sofia nang marating nila ang lungsod ng Tayabas. Lalo na at nadadaanan nila ang isa sa Philippine Heritage ang Casa Cumunidad de Tayabas na unang itinayo ni Gobernador Silyo Francisco Lopez noong 1776. Ilang minuto lang ang itinakbo ng kanilang sasakyan mula sa lungsod hanggang sa baranggay Isabang Tayabas Quezon. Nakapikit ang mata na niyakap ni Sofia ang kaniyang sarili na sumalubong sa kaniya ang malamig at sariwang hangin nang makababa sila ng sasakyan. Ngayon lang niya nararanasan na makahalanghap ng preskong hangin. Tahimik ang buong paligid at medyo may kalayuan ang bawat kabahayan. Hindi katulad sa Tondo na tila walang pahinga ang mga tao. Araw at gabi ang ingay at nagkadikit-dikit na ang mga dingding sa bawat bahay. “Hoy, ano’ng ginagawa mo?” Napamulat si Sofia nang tumama sa kaniyang punong tainga ang mainit na hininga ni Amboy. Na amoy pa ni Sofia ang bango ng chewing gum sa bibig nito. “Tse... pakialamero ka talaga!” Kunwaring naiinis si Sofia sa kaniya. Dahil ang totoo hindi niya maiintindihan ang kaniyang nararamdaman. Biglang bumilis ang kaniyang puso. Ganiyan naman lagi ang kaniyang nararamdaman sa tuwing tinitigan siya ni Amboy. Hindi lang niya ito pinapalahalata. “Hoy, kayong dalawa. Nag-aaway na naman ba kayo diyan? Halika na kayo pasok na sa loob!” sigaw ni Aling Melinda sa kanila. Matalik nga silang magkaibigan ngunit madalas din magkairingan para mapagtakpan ni Sofia ang kaniyang kakaibang nararamdaman. “Si Piyang lang naman itong nang-aaway sa akin, tita gwaps. Lagi na lang itong naiinis sa guwapong mukha ko. Parang araw-araw regla yata nito.” Naiiling nasambit ni Amboy habang ngumunguya ng chewing gum. “Ewan ko sa’yo! Napakayabang naman nito? Asan ang sinasabi mong guwapo diyan? Hindi ko nakita!” tugon ni Sofia upang pagtakpan ang kaniyang kahihiyan. Akmang tatalikuran na niya ito ngunit mabilis na hinaklit ang kaniyang braso at isinandal siya ng binata sa sasakyan. Mariing pinakititigan ang mukha ng dalaga at dahan-dahang inilapit ang mukha nito sa kaniya. Pigil hininga ang ginawa ni Sofia.Hindi niya alam kung ano ang gagawin dahil halos mabingi na siya sa lakas ng t***k ng kaniyang puso habang nakipagsukatan ng tingin kay Amboy. Totoo naman kasi napakaguwapo nito. Simula sa matangos nitong ilong kulay brown na buhok at brown nitong mata. Unang tingin hindi mo akalain na tubong kalye ito dahil maputi nitong balat at maskuladong pangangatawan kahit ba labing siyam na taong gulang pa lamang ito. Mas nanaig ang dugong banyaga nito. Sunod na sunod na lunok ang ginawa ni Sofia nang tuluyang mapang-abot ang tungkil ng kanilang ilong. Kahit malamig ang hangin ay may namumuong pawis pa rin sa noo ng dalaga. “A-Amboy!” mahinang sambit nito sa pangalan ng binata. Ginawa ni Sofia ang lahat upang hindi pumiyok ang kaniyang boses ngunit hindi niya kinaya ang tense na kaniyang nararamdaman. Kaagad na lumipad ang kaniyang dalawang kamay sa dibdib nito. Pinagpapalo niya ito dahil bigla na lamang bumulunghalit ng tawa ang binata. “Kitam! Hindi ka pala na gugwapohan sa akin, ha! Akala mo nga hahalikan kita. Aminin mo na kasi na crush mo ako.” Natatawa pa rin saad ni Amboy sa kaniya. “Huh? Crush ka diyan! Ano tumitira ka na siguro ano? Lakas ng trip mo! May pa crush-crush ka pang nalalaman!” Naiinis na tinalikuran ni Sofia si Amboy. Ngunit mabilis na humabol ito sa kaniya at inakbayan siya nito papasok sa bahay ni Aling Melinda. Ngunit mabilis na pinaklis ng dalaga ang brasong nakapatong sa kaniyang balikat. “Lumayo ka nga sa akin. Naalibadbaran ako sa kayabangan mo.” inis pa rin niyang turan nito. Ngunit hindi nagpatinag ito muli naman siya nitong inakbayan at seryoso ang mukhang nakatingin ng diretso sa dinadaanan. Kaya hinayaan na lamang ng dalaga ito hanggang sa tuluyan na silang nakapasok ng bahay. PAGKATAPOS kumain ng pananghalian hindi muna sila pinapatrabaho ni Aling Melinda. Dahil ang pangunahing dahilan kung bakit niya isinama ang dalawa dahil gusto muna niyang kahit isa araw makitang mag-relax si Sofia at Enzo. Kahit papaano naawa siya sa dalawa dahil maaga itong nagtrabaho at nagbanat ng buto. Hindi naman puwede na kupkupin naman niya ang mga ito dahil sapat lang din ang kaniyang kinikita niya sa kaniyang karenderya. Balo na ito maagang namatay ang kaniyang asawa at wala silang anak. “Aling Melinda, ang sarap po tumira rito sa inyo. Napakatahimik at napakasarap ng simoy nang sariwang hangin. Hindi katulad doon sa siyudad. Puno na ng polusyon ang hangin.” manghang saad ni Sofia sa ginang. Nasa may maliit na mesa sila ngayon sa ilalim nga punong mangga sa bakuran ng bahay ni aling Melinda. “Tama ka, Piyang. Masarap tumira rito. Pero ayaw ko naman iwan ang bahay ko roon sa Tondo. Iyon na lang ang nag-iisang alaala sa aking namayapang asawa,” may himig nalungkot nitong sabi. Ngunit napaismid naman si Sofia dahil nahawa yata ang ginang kay Amboy.Tinawag siya nitong Piyang. “Bakit? Gusto mo ba magpaiwan tayo rito, Mahal?” nakangising sabat naman ni Amboy. Ngunit kaagad din itong nabatukan ni Sofia. “Tse...mahal? Mahalin mo iyang mukha mo? Ikaw kung hindi lang kita kaibigan isipin kong manyakis ka. At isa pa nakakahiya kay Aling Melinda kung ano-ano iyang pinagsasabi mo!” inis na sigaw nito kay Amboy. Pakiramdam niya umaakyat lahat ng dugo niya sa paa at napunta lahat sa kaniyang mukha. “Naku, huwag kang mag-aalala Piyang. Sana’y na ako kay Amboy. Utoy pa lang iyan kilala ko na iyan.” Naiiling na saad ni aling Melinda. “Oh, siya. Baka gusto niyong mamasyal muna? Maganda ang mga tanawin dito sa amin. May batis diyan sa unahan. Baka gusto ninyo munang magtampisaw. Bukas na lang kayo maglilinis.” masayang turang ng ginang. Nakita naman sa mukha ng dalawa ang pagkamangha at excitement. “Talaga Tita Gwaps? Oh, ano Piyang tara ligo tayo. Ang baho muna mukhang ilang araw ka ng hindi naliligo.” Umakto pang nababahuan si Amboy pero ang totoo inaasar lamang niya ang dalaga dahil alam niyang napakapikonin nito. “Wow! Nagsalita ang mabango. Dito pa lang amoy na amoy ko na iyang putok mo!” tugon ni Sofia sa kaibigan. Nais niyang mapatawa sa reaksyon ng binata. Inamoy-amoy pa nito ang sarili. Hindi naman totoong amoy putok ang binata. Gusto lang niya makaganti rito sa laging pang-aasar sa kaniya. “Ah, amoy putok pala, ha!” Kumaripas nang takbo si Sofia at sumunod kay Aling Melinda nang akmang lumapit sa kaniya si Enzo. Kaagad naman napatigil ang dalawa nang sawayin sila ni Melinda ng marating na nila ang batis. Napanganga si Sofia dahil sa ganda ng kapaligiran. Napakadalisay ng tubig sa batis na napapalibutan ng mga malalabong na, puno at mga magagandang hugis na mga bato. “Wow! Aling Melinda ang ganda naman dito!” Hindi maitago ni Sofia ang pagkamaha. “Oo, Piyang dahil lahat ng mga residenti rito inaalagaan nila ang batis. Hindi katulad doon s siyudad na napuno na ng mga basura ang mga ilog.” “Sige maiwan ko na muna kayo, ha. May aasikasuhin pa ako sa bahay. Alam naman siguro ninyo ang daan pauwi?” Parehas na tumango ang dalawa. Nang tuluyan ng nakatalikod si Melinda nagkatinginan ang dalawa at napangiti. Mabilis na hinubad ni Enzo ang kaniyang t-shirt na suot at tanging boxer short ang kaniyang tinira. Excited din na hinubad ni Sofia ang kaniyang blusang suot at naiwan ang kaniyang suot na puting sando at cotton shot. Bakat ang kaniyang malalaking dibdib dahil wala siyang suot na bra. Wala kasi siya kahit isa man lang, hindi kasi siya nakabili. Dahil kukunin lahat ng kaniyang tiyahin ang lahat ng kaniyang kita. Sandaling natigilan si Enzo s kaniyang nakita. Napanganga siya at napalunok ng ilang beses habang sinusundan ng kaniyang mga mata ang tila batang paslit na masayang nagtatampisaw na malamig ng tubig. “Halika na Enzo! Masarap ang tubig!” sigaw niya sa binata na hindi pa rin kumukurap habang tinatanaw siya. Ito ang pinapangarap niyang buhay masaya at tahimik. “Si-sige ma-mauna ka na lang,” tugon ni Enzo. Ngunit tila sinisilaban ng apoy ang binata nang makitang umaahon siya mula sa batis. Nagmamadali siya lapitan ito nang makitang hindi pa rin kumikilos at nanatiling nakatayo pa rin ang kaibigan at walang pag-alinpangan na nilapitan niya ito at hinila palusong sa tubig. May kakaibang damdamin ang nararamdaman ang katawan ni Enzo nang nagdaiti ang kaniyang balat sa dalaga. Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili. Hindi niya kayang ihiwalay ang kaniyang paningin sa malulusog na dibdib ng kaibigan. Na ngayon ay malinaw niyang nakikita dahil sa manipis na suot nitong puting sando. Hindi niya maikakatwa ang kaibang damdamin para sa dalaga. Mabilis na nag-iwas ng tingin si Enzo nang lumingon sa kaniya ang dalaga. Na walang kamalay-malay na iba na pala ang tinatakbo ng utak ni Enzo sa katunayan kanina pa buhay na buhay ang kaniyang alaga. Gustong kumawala at manuklaw. Ngunit sinikap ni Enzo na maging normal ang kaniyang kilos, ayaw niyang mahalata ni Sofia na may pagnanasa siya rito. Masayang naglalangoy ang dalawa na tila bang wala ng bukas. Sinulit nila ang araw na ito dahil pagbalik nila ng Maynila paniguradong kayod kalabaw na naman ang kanilang gagawin lalo na si Sofia. Enjoy na enjoy sila sa kanilang ginagawa lalo na at walang ibang naliligo sa batis bukod sa kanilang dalawa. “Enzo! Umuwi na tayo napagod na ako. Baka hinahanap na rin tayo ni Aling Melinada," saad ni Sofia at nagpatinuna na siya sa pag-ahon sa tubig. “Ah!” malakas na tili ng dalaga dahil naapakan niya ang madulas na bato kaya na out of balance ang dalaga. Mabilis ang naging kilos ni Enzo upang hindi tuluyang bumagsak si Sofia sa batuhan. Mabilis na nagmulat nang mata si Sofia dahil hindi man lang tumama ang kaniyang sa bato taliwas ng inaakala niya kanina. Ngunit bumungad sa kaniyang paningin ang nakangiwing mukha ni Enzo halatang nasasaktan nasa ibabaw siya sa matigas na katawan ng binata. “Oh, my God! Enzo, ayos ka lang ba?” Nataranta siyang umalis sa pagkakadagan niya sa binata ngunit bigla siyang niyakap nito nang mahigpit at siniil ng halik sa kaniyang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD