Chapter 4

1726 Words
Halos mapugto na ang kanilang mga hininga nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin kay Enzo. Pakiramdam niya pulang-pula ang kanyang pisngi. Nahihiya siya sa kanyang sarili dahil nagpadala siya sa init ng halik ng binata. Unang beses niyang naranasan na makipaghalikan pero ang mas malala nagugustuhan niya iyon at kusa siyang tumugon sa halik ni Enzo. “Sophia,” mahinang tawag ni Enzo sa kanyang pangalan. Hinuli nito ang pisngi niya at pinakatitigang mabuti ang kanyang mga mata. Kahit ano’ng pigil niya sa kanyang sarili na huwag mapapikit sa ginawang paghaplos ng binata sa kanyang pisngi. Ngunit tila may sariling utak ang kanyang mga mata dahil kusa na lamang sumara ang talukap ng kanyang mga mata. Pero kaagad din siyang natauhan nang muling lumapat ang labi ng binata sa kanyang labi. Maagap niyang inilayo ang kanyang mukha at mabilis na tumayo. “A-alam mo umuwi na tayo. Baka hinahanap na tayo ni Aling Melinda.” patay malisyang saad niya. Pero ang totoo hindi niya maintindihan ang malakas na kabog sa kanyang dibdib. Hindi na niya hinintay na sumagot si Enzo at nagsimula na siyang nagmartsa papalayo sa binata. Hindi niya alam kung paano haharapin ito. “Pi-Piyang sandali lang! Hintayin mo ako!” sigaw ni Enzo na humabol sa kanya. Ngunit tila wala siyang narinig bagkus mas lalo pa niyang binilisan ang kanyang mga hakbang para hindi maabutan ng binata. Ngunit sadyang mas mabilis ang mga hakbang ng binata at madali siyang naabutan. “Sophia, patawarin mo ako sa ginagawa ko kanina.” Napatitig siya sa mainit na kamay ni Enzo na nakahawak sa kanyang braso. Ngunit kaagad din niyang binawi iyon dahil tila napapaso at may boltahi ng kuryenti na dumadaloy sa kanyang buong katawan partikular sa kanyang puso. Hindi niya mawari ang lahat kung bakit ganoon na lamang ang reaksiyon niya sa tuwing nalalapit sa kanya ang binata. Pero kahit ganoon pa man hindi iyon nagugustuhan ni Sophia. She's only eighteen kaya hindi pa malinaw sa kanya ang lahat. Masyado pa siyang ignoranti sa ganoong pakiramdam. Mula sa pagkakayuko dahan-dahan niyang inaangat ang kanyang ulo. At sumalubong sa kanyang paningin ang malamlam na mata ni Enzo na nakatitig sa kanya. Halo-halong emosyon ang napapaloob sa kulay brown nitong mga mata. Hindi niya mababasa kung ano ba talaga ang nilalaman ng isip ng binata. Mabilis niya ibinaling ang kanyang paningin sa paligid dahil muli na namang nahuhurumentado ang kanyang baliw na puso. “Sophia, huwag ka ng magalit sa akin. Hindi ko sinasadya ang ginawa ko kani—” hindi na ituloy ang nais sabihin ni Enzo dahil maagap na itinaas ni Sophia ang kanyang kamay. “Kalimutan na natin 'yon, Enzo. Walang gustong mangyari iyon. Nadadala lang tayo kanina.” “Pero So-Sophia. Hayaan mong magpaliwanag ako sa iyo.” “Sinabing kalimutan na natin 'yon! Bakit ba ang kulit mo?” napataas na ang boses ni Sophia dahil sa inis. Hindi siya naiinis sa binata kundi sa kanyang sarili dahil iba ang hatid sa kanya bawat titig nito. “Pe-pero gusto ko lang malaman mo Piyang kung bakit nagawa kitang halikan, ka-kasi. Hi-hindi ko alam kung paano sasabihin sa iyo ito. Pero kasi mahal kita, Piyang,” nauutal na saad ni Enzo habang seryoso itong nakatingin sa kanya. Pakiramdam ni Sofia dagling tumigil ang pag-inog ng kanyang mundo dahil sa kanyang narininig. Biglang lumundo ang kanyang puso. Pero kaagad din niyang sinupil ang nararamdaman dahil malamang gino-good time lang siya nito. Ilang segundo niyang pinakatitigan ang mukha ng binata. Hinahanap niya doon ang larawan ng pagbibiro pero makalipas ang ilang sandali nanatiling seryoso itong nakatitig sa kanya pabalik. Kaya kaagad siyang nag-iwas ng tingin hindi niya kinaya ang mga titig ni Enzo dahil pakiramdam niya hinihigop nito ang kanyang buong lakas dahil sa biglang panlalambot ng kanyang mga tuhod. Naaasiwa siya, hindi siya sanay na seryosong Enzo ang nasa harapan niya dahil sa ilang taon nilang magkakakilala bilang kaibigan. Minsan lang niyang nakita itong seryoso dahil puro kalokohan lang ang alam nito. Tumikhim si Amara para tanggalin ang bara sa kanyang lalamunan. Makailang beses din siyang huminga ng malalim dahil pakiramdam niya mas lalong bumigat ang kanyang nararamdaman. “A-ako? Mahal mo? ha-hah!” kunwaring natatawang saad niya para itago ang kanyang tunay na naramdaman. “Pero Piyang, seryoso ako,” giit ni Enzo sa kanya. “Enzo, nagpapatawa ka ba? Kailan ka pa naging seryoso pagdating sa akin, ha? Hindi lang ito unang beses na gino-good time mo ako. Ang tanga ko naman yata kung maniniwala ako sa iyo,” muling naging seryoso ang mukha ni Sophia. “Oo, aminin ko. Palagi kitang binibiro, Piyang. Pero para man sa’yo biro lang ’yon pero para sa akin ang lahat ng 'yon ay totoo. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa iyo ang nararamdaman ko. Wala akong lakas ng loob, para sabihin ko sa iyo na noon pa man mahal na mahal na kita. Maniwala ka, Piyang. Ginawa ko ang lahat para pigilan itong nararamdaman ko. Pero, alam mo kahit ano'ng pigil ko mas lalong lumago ang pagmamahal ko sa'yo,” mahabang salaysay ni Enzo. Ramdam ni Sophia ang bigat na nararamdaman ni Enzo. Hindi pa niya nakikita na ganito kaseryoso ang binata. Nanatiling nakatitig lamang ang dalaga sa mukha ng binata. Hindi niya alam kung ano ang kanyang isasagot sa binata. May parti ng kanyang puso na lumundag sa saya. Aaminin man niya o hindi. Alam din ni Sophia sa sarili niya na hindi lang bilang kaibigan ang tingin niya kay Enzo. Mas higit pa sa kaibigan at mas malalim ang nararamdaman niya sa kaibigan. Pero sa tuwing naisip niya ang kanyang tiya Milet. Paniguradong magagalit na naman ito sa kanya kapag nalaman nitong maaga siyang nakipagrelasyon. “Piyang, patawarin mo ako sa kapangahasan ko. Kung sinuway ko man ang pangako natin na walang talo-talo. Pero handa kong kalimutan ang nararamdaman ko huwag ka lang magagalit sa akin. Hindi ko kakayanin kapag lumayo ka sa akin." Mangiyak-ngiyak itong nakatingin sa kanyang mukha. Napaigtad pa si Sophia sa biglang paghawak ng mahigpit ng kaibigan sa kanyang kamay. “Hi-hindi ako galit, Enzo. Ka-kahit kailan hindi ko kayang magalit sa iyo,” sa wakas na isatinig din ni Sophia. .“Talaga, Piyang? Salamat-salamat talaga.” Bakas ang matinding saya ni Enzo sa narinig kaya hindi nito mapigilang ang sarili. Nakayakap nito ng mahigpit ang kaibigan. Ngunit kaagad din itong kumulas sa dalaga dahil baka magagalit na ito sa kanya. “I'm sorry, Mahal. Este. . . Piyang. Natutuwa lang ako. Akala ko kasi magagalit ka sa akin tapos layuan mo ako. Hindi ko kaya 'yon ang ganoon.” Napangisi naman si Sophia sa inasta ng binata dahil halata ang takot nito.Totoong hindi niya kaya ang magalit kay Enzo, simula nakilala niya ito nagkaroon ng munting saya ang malungkot niyang buhay. Lagi itong nandiyan sa tuwing sinasaktan siya ng kanyang tiya. Nariyan lagi ang si Enzo napatawanan siya kapag nalulungkot siya. “Kapag magagalit ako sa iyo. Wala na akong kaibigan na GGSS.” Natatawang saad ni Sophia na kinakunot ng noo sa binata. “Ano'ng GGSS?” “Eh, 'di guwapong-guwapo sa sarili.” “Ah! Ganoon? Guwapo naman talaga ako, ah. Marami kaya ang nagkakagusto sa akin. Iyong si Bernadette na magandang anak ni Aling Memay lagi nga 'yong nagpapa-cute sa akin. Pati si Odette maganda din 'yon panay ang lapit sa akin pe—” “Ah! Maganda pala, ha? Eh, doon ka sa kanila! Huwag ka ng lalapit sa akin!” singhal ng dalaga kay Enzo at pagkatapos mabilis itong nagmartsa paalayo sa kanya. Naiwang napakamot sa ulo si Enzo. “Oy, Piyang. Bakit hintayin mo ako! Bakit mo ako iniwan?” sigaw ni Enzo habang mabilis itong naglalakad para makahabol kay Sophia. “Tse. . .bahala ka r'yan! Doon kay Bernadette at Odette mo!” Hindi maitago ni Sophia ang inis niya sa binata. Nasasaktan ito kasi kanina lang sabi nito mahal siya ng lalaki pero ngayon may iba na namang nagagandahan ang binata. “Hindi naman maganda ang mga 'yon. Lamang lang 'yon ng isang paligo sa akin.” “Bakit ka nagagalit, Piyang? Teka, nagseselos ka ba? Kasi nagagandahan ako sa kanila?” tudyo ni Enzo sa dalaga nang maabutan niya ito. “Nagseselos? Napapatawa ka ba Enzo? Bakit ako magseselos, hindi naman tayo 'di ba?” Mas lalong binilisan ng dalaga ang kanyang nga hakbang dahil ayaw niyang makikita nito ang namumulang mukha dahil sa inis. “Huwag ka ng mag-deny, Piyang. Sabihin mo na kasi nagseselos ka sa kanila.” “Sinabing hindi ako nagseselos, eh!” Nabigla si Enzo dahil sa biglang tumigil si Sophia sa paglalakad at galit itong humarap sa kanya. Ngunit hilam sa luha ang mga mata. “Piyang, sorry na. Binibiro lang naman kita. Huwag ka ng umiyak.” “‘Yan ka naman magaling, Enzo. Lagi mo na lang ginawang biro ang lahat. Wala kang pakialam sa nararamdaman ko.” Tuluyan ng napahagulhol ang dalaga. Mabilis namang itong niyakap ni Enzo. Ayaw niyang makikita itong umiiyak. “Patawarin mo na ako. Hindi ko naman alam na magagalit ka sa mga tinuran ko.” “Hi-hindi alam! Doon ka kay Be-Bernadette at Odette mo!” nagkandautal-utal na saad nito dahil sa paghikbi. Ngunit embes na mag-alala napangisi ang binata sa narinig. “Nagseselos ka nga, Piyang. Huwag kang mag-alala kung maganda sila ikaw naman pinakamaganda sa paningin ko. Ikaw lang ang babaeng mahal ko. Kaya sinasagot mo na ba ako?” Mabilis na pinahid ni Sophia ang kanyang mga luha at puno ng pagtatakang lumingon sa binata. “Bakit kita sasagutin? Nanliligaw ka ba sa akin?” maktol nitong tanong. “Kailangan pa ba ng ligaw? Sinabi ko na sa iyo na mahal kita, Piyang.” “Aba! Dapat lang. Paano kita sasagutin kung hindi ka manliligaw sa akin.” “Sige, sinabi mo 'yan, ha. Basta kapag nanligaw na ako sa'yo sasagutin mo ako, ha!” Hindi na sumagot ang dalaga bagkus kumaripas na ito ng takbo pabalik sa bahay ni Aling Melinda. Ayaw niyang makita ni Enzo kung gaano siya kinikilig. Ganito ba talaga ang umiibig? Parang baliw? Nababaliw na nga siya. Kanina umiiyak, naiinis at nagagalit. Pero ngayon hindi naman halos mapugto ang ngiti ng kanyang mga labi. Hindi niya akalain na mahal siya ng kanyang kaibigan na lihim din niyang tinatangi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD