"Saan mo gustong makasal, iha?" Natuod ako sa tanong niya. Totoo nga ang sinabi ni Dennis, walang alam ang Mommy ni Ram kung ano ang pinagagawa ng kanyang anak. Talagang tuloy pa rin ang kasal na pinaplano niya para sa amin ni Ram. Gusto kong makonsensiya pero ang sabi sa akin ni Dennis sabayan ko lang si tita Katherina. At sumang-ayon dapat ako sa kasal. "Sa beach po," nakayukong saad ko. "I see... May napili na akong veniew ng kasal niyo. Puwede kayo roon makasal sa lalong madaling panahon." "Okay po." Napakagat ako sa pang-ibabang labi. I don't know what to do anymore. Kahit ayaw ko na kasalan na ito, pero ewan ko ba kung bakit na papayag ako ni Dennis na sabayan ang Mommy ni Ram sa mga plano nito. There's something about him. He's a mysterious guy who knows everything. Gust