"Ayan! Nilagyan ko na ng gamot iyang napapaso mong braso, pati sa dibdib at legs mo. Naku! Umulit ka pa sa pagkakamartir mo riyan sa asawa mo! Tingnan mo ang nangyari sa'yo?! Lapnos ang balat mo sa kawalanghiyaan ng Ramcess Morgan na iyan!" litanya ni Kia. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko siya masisi kung bakit galit na galit siya kay Ram. Kadarating lang niya sa bahay. Hindi ko nga inaasahan na pupunta siya ngayong araw. Saktong pagka-alis ni Ram at siyang pagdating niya. Nang makita niyang ginagamot ko ng mag-isa ang lapnos kong balat na namumula pa hanggang ngayon, laking galit niya lang ng kuwenento ko sa kanya ang nangyari. "Bakit kasi sobrang martyr mo sa asawa mo. Oo guwapo siya, pero wala namang puso!" paglilitanya niya ulit. "Ano'ng gagawin ko? Hindi siya tumutupad