PROLOGUE
PROLOGUE:
"Bullshit! Will you f*****g leave me alone! You ruined my freaking night!"ubod sigaw niya sa pagmumukha ko. “Kahit kailan talaga, bwesit ka sa buhay ko! Kahit kailan, salot ‘yang pagmumukha mo sa paningin ko. f**k it, Joy! Kailan mo ba ako titigilan!”
Biglang nanginig ang binti ko dahil sa nakikita kong galit sa kanya ngayon. Nangilid ang luha ko, nangingimi ang labi ko sa tensyon.
"No! I will not let you do some stupid thing. I'm sorry kung pinuntahan kita roon. Hindi puwedeng hahayaan lang kita sa mga pinanggagawa mo!" pigil ko sa kanya.
He laughed sarcastically and based on his face he felt so irritated.
“Hindi ka lang pala mukhang palaka sa paningin ko. Nagmumukha ka rin pa lang tuta kasusunod sa akin. I told you! Leave my life alone! Huwag kang buntot nang buntot. I was embarrassed in that damn place because of you!" He pointed his finger at me. Makikita mo talaga ang pagpupuyos niya sa galit dahil lang sa pinuntahan ko siya sa Club.
"Sinundo lang naman kita roon. Para makauwi ka na. Anong masama kong pupunt----"
Namumula ang mata niya sa galit, parang kulang na lang saktan na niya ako.
"Putangina, Joyce! Nilagay mo ako sa kahihiyan. Nag-eeskandalo ka roon. Nakita ka nila! Nando’n pa naman 'yong mga kaibigan ko, tapos ano!? Aasarin ako n’un dahil diyan sa itsura mo. Namimihasa ka na! What is your f*****g problem! Go to hell! You ruined everything!”
Nanginig pa lalo ang binti ko nang bigla niya akong tinulak nang sobrang lakas sa pader pagkapasok namin sa malaking bahay. Tumilapon agad ako sa gilid ng pintuan dahil sa lakas ng impact. Napadaing ako sa sakit. Pakiramdam ko, biglang tumigil ang paghinga ko.
Sobrang tahimik at walang kaaliwalas man lang pagkapasok naming dalawa. Tanging mabagsik na boses niya ang umaalingawngaw sa buong lugar at daing ko ang bumalot.
"Tinatanong mo pa talaga kung anong problema ko? Nadatnan kita roon na nakipaghalikan ka sa kung sino-sinong babae sa Club. Do you think, maging masaya ako sa nadadatnan ko sa'yo, sa lugar na 'yon, Mr.Morgan!?”
Buong tapang kong pinantayan ang malalim niyang mata. Makikita mo roon ang todo pagpipigil niyang saktan ako. Nakita ko pang umiigting ang kanyang panga sa galit. Mas lalo ring dumilim ang kanyang titig sa akin. Mas lumalala lang ang nag-aapoy niyang mga matang nakatutok sa akin. Para bang binabantaan ako sa bawat bigkas ko ng salita.
Kahit sinong makakita sa itsura niya ngayon manginginig ka talaga sa takot. He looks like a wild beast. He is dangerous. I can’t breath because of the tension I felt towards him.
"Di ba sinabi ko sa'yo nang paulit-ulit at idiniin ko na riyan sa putanginang utak mo na huwag mo akong pakialaman! Naintinidahan mo ba?! O sadyang bobo ka lang talaga para hindi mo makuha!"
“R-Ram…”nanghihina kong sambit.
“Wala kang pinagkaiba sa ibang mga babaeng naghahabol sa akin, sinisira mo ang buhay ko. Isa kang patapong babae! Nakakadiri ka!”
Mas lalo akong dumikit sa pader nang pabagsak niyang sinarado ang pintuan pagkatapos naglakad siya papalapit sa kinasasandalan ko. Halos mahugot ko ang hininga nang makarating siya sa harapan ko. Kasabay nang pag-angat niya sa panga ko upang matitigan niya pa ako lalo.
He smirked wickedly.
Hindi man lang ako makapagsalita lalo na't ganito kami ka lapit sa isa't-isa. Mula nang makarating kami sa bahay na ito mailap na siya sa akin. Walang pinagbago mula noong una ko siyang nakilala. Maski hawakan ako ay hindi niya ginagawa.
Kahit konting pag-uusap namin hindi niya pa ginagawa iyon. Lubos ang kanyang pandidiri sa akin. Lubos rin ang galit niya sa isang hamak na katulad ko. At hindi ko siya masisi kung bakit gan'to niya ako kung tratuhin.
"Wala kang pinanghawakan sa akin, Joy. Naintindihan mo! Wala kang karapatan sa akin! Pinikot mo lang ako kaya ako nandito sa sitwasiyong ito! Hindi ko ito gusto! Ikaw lang ang may gusto! Kaya magdusa ka sa paraan ng pagsama ko sa'yo!"
Mabilis niyang hinawakan ang braso ko na ika-daing ko sa sakit, lalo pa at nanuot ang kanyang matataas na kuko sa aking braso. Ramdam ko na ang pagkaroon ng dugo roon.
"B-Bitawan mo ako, R-Ramcess!" Pilit kong kinuha ang malaki niyang kamay sa pagkakahawak niya sa braso ko dahil humapdi na iyon. Ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkapit.
His mad face turn darker every minute. While I was moaning in pain. I bite my lower lips just to stop myself in screaming. It's hurt, the way he held me. Damn!
"Dapat sa'yo ang maturuan ng leksiyon!" Akmang sasampalin niya ako nang mabilis kong napigilan ang kamay niya.
Natulak niya pa ako.
"For pete's sake! Kahit konting respeto lang naman. Nasa iisang bahay tayo kaya may karapatan akong pigilan ka sa mga kahibangan mo. Payag akong hindi mo ako pansinin buong araw. Payag akong nagmumukha akong hangin sa paningin mo pero kahit respeto sa akin. Please! Don't cheat. Huwag mong ipamukha sa akin nang harap-harapan na nambabae ka! Respeto lang sa pagsasamahan natin ang kailangan ko.”
Nagkasalubong ang kilay niya habang pinakatitigan ang mukha ko ngayon na nagmamakaawa. Ilang sandali pa, lumabas ang mumunting ngisi niya sa labi, tila nagbabanta, tila winarningan ako sa kahibangan ko.
"Hindi ka na talaga nadadala? From the start, you’re just a burden to me! Now back off and stop acting like you're a jealous b***h! I can't gave you a respect, because even you, you can't respect your f*****g self either!”
Mas lalo akong napadaing at hindi na mapigilang sumigaw sa sobrang sakit nang pagkakahawak niya. Tinuro-turo niya ang noo ko, humikbi ako nang mahina.
"R-Ramcess, please!" Konti na lang luluhod ako sa harapan niya para lang pagbigyan niya ako.
"Are you begging? Com’ on, Joy! Ginawa mo lang katatawanan ang sarili mo. Ayaw mo akong nakikitang nambababe, pero pinasok mo ang sarili mo sa sitwasiyong ito. Sinugal mo ang sarili mo sa akin kaya panindigan mo 'yang kagagahan mo. Nagsisimula pa lang ako sa mga katarantaduhan ko. You can't stop me, because you choose this thing. Pinili mong makasama ako at maghirap ka, kay sa palayain ako. You're so stupid!"
Napahikbi ako nang malakas. Ang sakit masampal sa katotohanan. Dahil kahit saang anggulo tingnan tama siya.
"Ano pa ba’ng dapat kong gawin para mapatawad mo ako? Minahal lang naman kita, ah, kaya ko ito nagawa. Kaya tayo naging kasado, kaya tayo nasa iisang bahay. Mahal na mahal kita. Alam mo 'yan."
Hindi ko lubos maisip kung paano ko pa na buo ang mga salita sa bibig ko, gayong nahihirapan na akong huminga dahil sa kakaiyak. Nasasaktan ako sa mga pinagsasabi niya ngayon. Sobrang sakit sa puso.
"Ikaw lang ang nagmahal dito. Hindi kita gusto! Hinding-hindi ako magkakagusto sa desperadang katulad mo! Lalo na't nasusuka ako sa pagmumukha mo sa tuwing nakikita kita. Sukang-suka ako dahil pinakasalan ko ang babaeng ayaw na ayaw ko. This is the biggest regret of my life.”
Nanaliksik ang mata niya. Kahit anong oras kaya na niya akong patayin sa mga tingin niya sa akin. Hindi pa rin ako nagpatinag. Pinilit ko pa ring lumaban sa kabila ng mga binabato niya sa’king mga salita.
"Ano ba'ng kulang sa akin? Bakit hindi mo ako magustohan. Oo panget ako. Oo, wala akong maipagmalaki sa katawan ko dahil mataba ako, pero kaya kitang alagaan, at ibigay ang lahat para sa'yo. Ginawa ko lahat para maging magaan ang trato mo sa akin pero mas lalo ka lang lumalala. Ano ba talaga ang gusto mo, para matanggap mo ako.”
Binitawan niya ang braso ko at binalik niya iyon sa panga ko para pisilin naman iyon nang mariin. Kulang na lang babasagin na niya ang panga ko sa sakit nang pagkakahawak niya. Nilapit niya ang bibig sa punong tenga ko upang sabihin ang katagang nagpapaiyak pa lalo sa akin, sa samot-saring kirot ng damdamin. I felt exhausted.
"Ang gusto ko, mawala ka sa buhay ko. Get the hell out in my path. You disgusted slut! Sana mamatay ka na lang. Dahil masamang damo ka, matagal pang mangyari iyon, pepestehin mo pa ang buhay ko. Damn it! You disgusted b***h, you must die right now!”
Hindi ko namalayan tumulo na pala ang luha ko nang kay dami. Namanhid na ang buong katawan ko dahil sa sakit ng mga binabato niyang salita sa akin na paulit-ulit kong naririnig sa bibig niya sa tuwing nagkakasagutan kami.
Matagal na niyang gustong umalis ako sa paningin niya. Matagal na niyang gustong mamatay ako para hindi na niya ako makikita pa. Gusto niyang mawala ako noong una pa lang dahil tingin niya sa akin, ay parang delobyo na nakakahawa.
"Hindi ka ba talaga naawa sa akin, Ramcess? Kahit magmakaawa ako ngayon sa'yo, hindi mo pa rin ba ako susundin? Mahirap ba’ng ibigay sa akin na kahit panandalian lamang, tanggapin mo ako bilang asawa mo." Pinahid ko ang luhang tumutulo.
Yes! We're married. We had a fix marriage last month at tutol siya sa kasal namin noong una pa lang. Dahil ayaw na ayaw niya sa akin. He hate me that much. Kaya lang naman kami nagpakasal dahil sa kagagawan ko. Pinikot ko siya at ang pamilya niya para makasal kaming dalawa. Pinagbantaan ko ang magulang niya. Pinagbantaan ko siya. I'm obsessed towards him kaya ako napunta sa sitwasyong ikakasakit ko pala.
This is my fault but, I’ve never felt regret na pinakasalan ko siya kahit, pawang force marriage lang itong lahat. Ginamit ko ang kapangyarihan ng pera ng magulang ko para makuha siya. Expect ko nang ganito siya kung magalit pero hindi ko inasahan na mas malala pa siya sa inaasahan ko. He is a monster. He is dangerous and a ruthless man that can ruin my life.
I tried so hard, para mapatawad niya, pero hindi yata mangyayari iyon, dahil labis ang kanyang pagkasuklam sa akin.
"I will not accept you as my wife. Kung maari tig-aapat ang babaeng dadalhin ko rito sa bahay para maikama gagawin ko. You can't stop me. You can't do anything about it. You're just a piece of s**t whom a pest into my life.”
Mabilis na dumapo ang kamay ko sa kanyang pisngi. Nagtagis ang kanyang bagang habang nakabaling ito gawa nang pagsampal ko. Ito ang unang beses na sinampal ko siya mula noong magsama kami, kaya namanhid pa lalo ako. Hindi ako nakapag-isip ng mabuti. Sinampal ko siya.
Hindi ko na alam, pero nandidilim ang paningin ko sa mga pinagsasabi niya. Hindi ko hahayaang may dadalhin siyang babae sa pamamahay namin.
"I'm s-sorry. H-Hindi ko sinasad----"
"Did you just slap me?" Tumingin siya sa akin gamit ang makulimlim na mata. Nakita ko ring kumuyom pa lalo ang kamay niya.
"S-Sorry----"
Natigilan ako nang bigla niya akong sinampal nang malakas. Halos nabingi ako sa lakas ng pagkakasampal niya. Ito rin ang unang beses na sinaktan niya ako simula noong magkasama kami sa iisang bahay. Sobrang sakit, pakiramdam ko lalagnatin ako sa sampal niya.
"That's what you get. Wala kang karapatang saktan ako. Slap me again, hindi lang sampal ang aabutin mo sa 'kin."
"Walanghiya ka! Hindi ko akalain na ganyan ka kasama!" Hindi ko mapigilan ang malakas na hikbing kumuwala sa bibig ko nang maramdaman ko ang pananakit ng pisngi ko. Pakiramdam ko matatanggal na ang mukha ko sa lakas ng sampal niyang iyon.
Hinawakan niya ang buhok ko at hinila ng malakas para maharap niya ako sa kanya. Mas lalo akong napaiyak. Todo pigil ako sa buhok kong hawak niya nang mariin.
"P-Please, bitawan mo ang buhok ko. Ang sakit, R-Ram----" Kulang ang salitang pighati para iparamdam ko ngayon kung gaano ako na saktan sa pagiging sadista niya bigla.
"Are you out of your mind!? This is your all f*****g fault. Ngayon, iiyak-iyak ka sa harapan ko para magmakaawa? Pumayag akong magpakasal sa'yo dahil iyon ang gusto ng pamilya ko. Dahil sa utos mo na rin, ‘di ba? Gusto mo pa bang ipaalala ko sa'yo ang kahibangan mo? Para lang makuha ang gusto mo, Joy? Gusto mo pa bang ipaalala ko sa'yo kung anong mga banta mo para magpakasal ako sa'yo? You use your fuckin' money! I don't like you in the first place, and you know that!”
Humiyaw pa lalo ako sa kirot dahil mas hinila niya ang buhok ko at isunubsob niya ang pagmumukha ko sa dingding. Kahit hirap pinilit ko pa ring magsalita.
"K-Kahit kailan hindi ako nagsisi sa ginawa kong magpapakasal ka sa'kin dahil alam ko, balang araw mababago kita. Makukuha ko rin ang pagmamahal mo-----"
"Shut the f**k up! It will never happen. Hindi mo ako mababago, naintindihan mo?! Kung anong nakilala mong Ramcess Morgan ngayon, iyon na 'yon. Tanging makukuha mo lang sa akin, ang walang katapusang pagmamalupit ko sa iyo. You will suffer until your death came."
Kagat ko ang pang-ibabang labi nang pwersahan niya akong pinaharap sa kanya para sampalin pa muli, kaliwa't kanan ang ginawa niya. Nagdurugo na ang labi ko. Hindi pa riyan nagtatapos, dahil sinuntok niya ang tiyan ko ng isang beses. Hindi rin ako makalaban dahil hawak niya ang kamay ko nang mariin. Nanghihina na rin ako dahil sa natatanggap kong sampal at suntok sa tiyan.
"H-Hayop k-ka!" Pilit akong kumuwala sa pagkakahawak niya ngunit mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. Kulang ang lakas ko para labanan siya. Nanghihina na ang binti ko. Hirap na akong magsalita.
"You don't know me that much. Maling lalaki ang pinakasalan mo, Joy. Noong una pa lang mali na ang pinasok mong gulo. Mali ang desisyong pinili mo na pwersahan mo akong pakasalan ka. You made a wrong decision in your life. Get it? “
Ilang sandali pa, kinaladkad niya ang buhok ko paakyat sa ika-dalawang palapag. Nagkabuhol-buhol na ang mga paa ko kakamadali niyang paghila sa akin. Todo pigil ako sa kanya dahil kulang na lang matatanggal na ang anit ko sa lakas nang pagkakahawak niya sa buhok ko.
Kahit natapilok na ako kahihila niya, ay hindi niya pinagtuunan nang pansin ang paghihirap ko. Walang tigil sa pag-agos ang luha ko at paghiyaw sa pagdurusang nakamit galing sa kanyang ka lupitan. Ngayon niya lang ito ginawa sa akin. Ang saktan ako ng ganito ka lala.
Nang makarating kami sa harapan ng kwarto niya mabilis niya iyong binuksan. Todo iling ako ng ulo. Hindi ko na maproseso ang lahat nang nangyari. Parang hinalungkat ang tiyan ko sa takot.
"M-Maawa ka, Ram. I beg you, huwag mong gawin sa akin ito. Maawa ka!"
"Come on! Diba ginusto mo ito?. Huwag ka nang magreklamo!"
Nagtagumpay siyang maipasok ako sa kwarto niya. Nakikita kong maganda ang loob ngunit hindi ko kayang purihin pa iyon at pakatitigan ang bawat disenyo dahil bumalot sa akin ang labis na pag-alala sa sarili.
Hinagis niya ako sa kama, na para bang nanghagis lang siya ng isang hayop na walang kakwenta-kwenta. Tatayo na sana ako nang mabilis siyang nakalapit sa akin. Para pigilan ako sa pagtangka.
"Stay!" maowtoridad niyang utos.
Kahit malabo na ang paningin dahil sa luhang panay tulo. Naaninag ko pa rin ang mga mata niyang nagdidilim pa lalo, tagis ang bagang at mala-demonyo kong tumingin.
Hawak niya ang isang kamay ko habang ang isang kamay niya ginamit niya sa pagtanggal ng kanyang sinturon. Wala na rin siyang pang-itaas na damit.
"A-Anong gagawin mo?" kinakabahan kong tanong. Pilit akong tumayo kaso sa tuwing inaangat ko ang sarili mabilis niya akong na itulak pabalik sa higaan.
" I said stay!"
"Baliw ka na ba! Anong gagawin mo sa akin?" Malabo na ang mga mata ko sa luhang umaagos, lalo na't nanginginig rin ako sa samot-saring takot.
"Is it obvious? I will f**k you right now. Sa'yo ko na lang ilalabas ito. Kung ‘di ka naman tanga para puntahan ako sa club kanina, sa iba ko na sana na ilabas itong libog ko."
Ngumisi siya nang mala-demonyo. Suminghap ako nang pinunit niya ang suot kong t-shirt nang walang kahirap-hirap. Nalantad sa kanyang harapan ang itim kong bra. Mabilis ko iyong tinakpan. Ngunit mabilis niyang winaklis ang braso ko at nilagay iyon sa magkabilang gilid ko para hindi na ako makagalaw.
"R-Ram, please. Maawa ka, huwag!"
Nasa ibabaw ko siya, todo pigil sa mga galaw ko. Wala na siyang sinturon at naka boxer na lang siya ngayon. Amoy na amoy sa kanyang hininga ang alak nang hinalikan niya ang leeg ko nang marahas, pababa sa dibdib ko. Humikbi ako nang humikbi. Panay pagmamakaawa na itigil niya ang ginagawa niyang kahibangan.
“P-Please, stop! You're just drunk! Not this time. Not now!” I push his chest but he's too strong.
"Ikaw ang nagsabing bawal akong mambabae tapos ngayon pinipigilan mo ako sa gusto kong mangyari sa’tin? Kasal tayo kaya may karapatan akong galawin ka. Siguro ito na lang ang ambag mo sa pagiging kasado natin, at sa pagiging walang kwenta mong babae,"bulong niya sa tenga ko. Biglang nanayo ang balahibo ko sa katawan. Natatakot sa kanyang boses na sobrang lalim.
Mabilis niyang tinanggal ang suot kong bra at lumantad sa kanyang harapan ang dibdib ko. Nakita ko ang kakaibang titig niya roon, tila nalasing pa lalo. Pilit akong umiilag sa mararahas niyang halik nang magsimula nanaman siya sa ginagawa niya.
"Dahil sa pandidiri ko sa'yo. I didn't touch you. This is the first time that we gonna do this, since we had our fix marriage last month. You must be happy." He grit his teeth. His jaw tighten.
"H-Hwag ganito. H-Hindi ganito! T-Tumigil ka na!"
Lumakas ang hagulhol ko pagkaramdam ng sakit sa balat gawa ng mga kagat niya at pangigil sa dibdib ko. Nanghahapdi ang buo kong katawan sa paraan nang pagkakahawak niya at sa rahas nang galaw niya. Sabayan pa na hindi ako makagalaw.
Mula noong kinasal kami at mag-iisang buwan na ang nakalipas. Hindi kami magkasama ng kwarto, kahit pa iisang bahay lang kami nakatira. Dahil na rin sa galit siya sa akin. Maski mag-usap kaming dalawa hindi nangyari. Ngayon lang itong nangyari na nahawakan niya ako at nahahalikan sa kong saan. Akala ko maging maganda ang first day namin, mukhang isang pasakit na gabi yata ang mangyayari. Lalo pa't mukhang kukunin na niya ang pagka-babae ko.
Tanging hikbi na lang ang nagagawa ko sa mga oras na iyon. Nanghihina ang mga buto ko dahil sa mga nangyayari. Hindi na ako makalaban. Nakatulala na lamang ako sa kawalan. Pinakiramdaman ang mga halik niya, humihikbi ako ng walang tigil. Dinaramdam ang kirot ng dibdib.
Bakit ang unfair ng mundo? Tama ba itong mga desisyon ko sa buhay? Tama bang isugal ko ang sarili ko para sa kanya? Gayong ganito lang din naman ang kahinatnan ko? Nagmahal lang din naman ako, at tinatraydor, bakit hindi pa rin ako nakakaramdam ng saya para sa sarili?
"Get up! Get the hell out, in my room. Now!"
Galing sa pagtingin ko sa kawalan napabaling ako kay Ramcess na sinusuot ang kanyang pantalon pabalik. Nakatakip na rin ang hubad ko pang katawan sa unan nang tinapon niya ito sa akin. Kinapa ko ang ibabang bahagi. Nakasuot pa rin naman ako sa shorts ko. Tanging t-shirt at bra ko lang ang napunit niya.
"I said get up! Tutunganga ka lang ba riyan?!"
Nabalik ako sa ulirat nang mapagtanto kong, hindi niya tinuloy ang paggalaw sa akin. Pumikit ako nang mariin, nakahinga nang maluwag.
Thanks God! Akala ko itutuloy niya ang balak niya. Mukhang natauhan yata siya sa kahibangan niya. Hindi na ako gumagalaw kanina, nakatulala na lang ako. Mukhang iyon ang dahilan kaya siya napatigil sa kanyang balak.
Mabilis kong dinampot ang gutay-gutay kong damit para itakip sa dibdib ko. Nakatitig lang siya sa akin. Magkasalubong ang kilay.
"Get the f**k out, while, I'm still controlling myself not to hurt you.”
Tumango ako ‘tsaka mabilis na bumaba sa higaan niya. Hindi na magkamuwang-muwang sa kakaiyak.
"S-Salamat" nanunubig na mata kong saad.
"Huwag kang magpasalamat. Sa tingin mo, hahayaan ko ang sarili kong hindi ka galawin. Pinagbigyan lang kita ngayon dahil nagmumukha kang kaawa-awang bayarang babae sa paningin ko. Also you're ugly face make me stop from doing it. Nasusuka ako... So get out in my room!”
Tinuro niya ang pintuan. Mabilis naman akong sumunod sa gusto niyang mangyari. Tumakbo ako palabas ng kwarto niya na sumisikip ang dibidib. Umiiyak sa mga masasakit na salitang natatanggap ko galing sa kanya.
Bakit ang sakit sa pandinig ‘pag siya na ang manglalait sa akin? Bakit sobrang sikip sa pakiramdam. Halos mahimatay ako sa sobrang sakit niyang mang-insulto pagdating sa appearance ko. Lalo na sa mukha ko.
Yes! I am ugly. I don't have a pretty face na ipagmamayabang, isa rin ito sa dahilan kaya walang nagkakagusto sa akin at nagawa ko siyang pilitin na pakasalan ako dahil alam kong walang papatol sa akin. A side sa gusto ko siya, nabulag rin ako sa pagmamahal ko sa kanya kaya ginawa ko talaga ang lahat para makuha ko siya at makasama at saka matali sa akin. Pwersahan ang lahat. Naka-set-up ang pagpapakasal niya sa isang tulad ko. Kaya ito, mukhang habang buhay akong magdurusa sa piling niya.
Pagka-pasok ko sa kwarto ko. Isang malaking salamin agad ang bumungad sa akin. Ngunit nakatakip iyon ng puting tela. Dahil na rin natatakot ako sa mukha ko ‘pag nakakita ako ng salamin at masilayan ko ang mukha kong hindi maipinta sa sobrang ka pangetan.
Dahan-dahan akong lumapit doon. Pinuno ko ng hangin ang dibdib bago kinuha ang puting tela na nakaharang sa salamin na iyon. Nang matanggal ko na ito, halos mapaatras ako nang masilayan ko na ang mukha ko.
Tumulo ang luha ko habang pinakatitigan ang panget kong mukha. Hinawakan ko ito nang dahan-dahan, sinuyod bawat parte ng kalahati ng mukha ko na may sunog.
I have a pretty face when I was a child. Puring-puri ako sa mga bisita nina Daddy at Mommy noon. But now, here I am, suffering my ugliest face. Puno ako ng panghuhusga ng mga taong nakapalibot sa akin, dahil sa itsura ko.
Ang mukha ko ay sunog ang kalahati nito dahil sa acido na binuhos sa akin. May tahi rin ako sa may bandang noo dahil sa nangyaring aksidente noong bata pa ako. May peklat roon. Ang kalahati naman ay maganda. Ang totoong mukha ko, pero hindi na iyon makikita dahil natatakpan na ng kapangetan ang itsura ko dahil sa nangyaring kalahating sunog sa pagmumukha ko ngayon, na kahit sino, matatakot na lapitan ako.
"Dahil sa mukhang ito, nagdurusa ako ngayon. Dahil sa panget kong pagmumukha nakakagawa ako ng hindi maganda. Dahil dito. Nagmamalimos ako ng pagmamahal sa ibang tao. I may look bad for forcing him to marry me, but I wasn't regretting that we had our marriage fastly. I'll make sure, I will make him change. I'll make sure that he will love me, despite of my appearance."
Hinilamos ko ang kamay sa mukha at mas tinitigan pa ang itsura sa salamin. And the tears fall down in my cheeks. I wipe it away but it won't stop.
Naiisip kong, mukhang malabong mangyaring magkakagusto siya sa akin. Nagpapatawa lang yata ako sa mga pinapangako ko sa sarili na makuha ko ang batong puso ni Ramcess Morgan.
Sa itsura ko ba na ito? Malayong-malayong mahuhumaling siya. He hate me, he disgusted at me. Sobrang layo ng agwat ko sa mga naging ex-girlfriend niya. He is perfectly handsome, and a filthy rich man. Pero napunta lang siya sa kagaya ko.
And my tears fall again. It was continuesly fell from my eyes. Napangiti na lang ako nang mapait. Someday, this tears of mine will stop. My name is Joy. Based in my name, it should be the term for happiness? but, No. Only my name sounds good and enjoyable. Pero kabaliktaran iyon sa totoong buhay ko. In my entire life there's no joy after all. At itong luhang tumutulo sa akin ngayon ay kabaliktaran sa tinatawag nilang, tears of Joy. Because these tears in my eyes is tears of sadness and it well never be happiness. And I hate the thoughts, that I am sacrificing, myself as a wife of Ramcess Morgan.
The man who broked me, the man who made me sacrifices like this. Siya ang lalaking uubos sa dignidad ko sa sarili dahil sa pagkagusto ko sa kanya. I don't know, when it stop, but all I know, while I am still on his side I will not stop from loving him. Iiyak ko na lang lahat ng sakit na ibinibigay niya sa akin. Malaki ang tiwala ko sa sarili na mababago ko ang lalaking bato ang puso pagdating sa akin.
Kahit na tawag sa akin ng lahat, ‘I’M HIS SUFFERING WIFE'.