"Do you still remember what you told me?" tanong ko kay Lauren. Hindi mawala-wala ang bumalandaryang ngisi sa kanyang labi. Kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Gusto mong pahirapan si Joyce. Nag-request ka sa akin na ipagpatuloy ko ang pinapakitang magandang loob sa kapatid mo, pagkatapos eri-reject ko siya. Before you will say your yes to me, I need to do your request. And I am glad, we made it." Ngumiti siya nang malaki. Bumalikos ang kanyang mga braso sa leeg ko. "I can still remember that. Nag-request pa ako sa'yo kung paano mo pahirapan si Joyce. Nainis talaga ako ng sobra nang malaman niya agad na may namamagitan na sa atin. Sayang, nag-enjoy pa akong makita siyang miserable. Kung alam mo lang kung gaano siya ka lugmok sa bahay. She's damn funny, Ram. I like seeing her like tha