Jasmine's P. O. V.
Dahil halos ilang linggo na rin akong wala sa bahay, naisipan kong umuwi na muna upang kumuha ng damit. At kung susubukan man akong harangin ni harangin ni daddy, hindi ako makapapayag. Talagang makikipagsagutan ako sa kaniya. Hindi na ako papayag na makontrol nila ang isang katulad ko. Hindi na ako bata.
"Father... aalis po muna ako," seryosong sabi ko nang makita ko si Father Vaughn.
Kumunot ang noo niya. "At saan ka naman pupunta, binibining Faith?"
Tumikhim ako. "Aalis na po ako sa simbahang ito. Tutal, hindi naman ako magandang impluwensiya sa lugar na ito. Isa akong makasalanang tao at nadadamay ka pa po sa akin. Kaya aalis na po ako."
Nanlaki naman ang mata niya. "Hindi... hindi, binibining Faith. Ako ang may kasalanan dahil nagpapatalo ako sa tukso. Dito ka lang. Huwag ka ng umalis. Baka kung ano pa ang mangyari sa iyo kung aalis ka dito. Sa simbahang ito, mas mababantayan pa kita at masisiguro kong ligtas ka dito."
Ngumisi naman ako. Mukhang kunwari pa itong si father Vaughn pero gusto naman yata niyang nilalandi ko siya. Well, maganda naman kasi talaga ako. At talagang nakaakit. Kaya nga paniguradong tigas na tigas ang alaga sa akin ni father Vaughn. Pinipigilan niya lang ang sarili niya.
"Joke lang, father. Hindi ako aalis. Kukuha lang ako ng mga gamit ko sa bahay. Dito po muna ako titira sa inyo pansamantala," nakangiting sabi ko.
Namilog ang mata niya. "Ha? Pupunta ka sa inyo? Pero paano kung hindi ka na makabalik?"
"Huwag ka pong mag- alala, ako po ang bahala. Babalik ako dito, father. Babalikan kita," sambit ko bago ko hinaplos ang matipuno niyang dibdib.
Tumalikod na ako at mabilis na naglakad dire- diretso palabas ng simbahan. May kaunting pera naman ako kaya sumakay na lang ako ng traysikel patungo sa amin. At nang matapat ako sa bahay, huminga muna ako ng malalim bago ako nag- doorbell. Bumungad sa akin si daddy.
"At ang lakas naman ng loob mong bumalik pa dito, suwail kong anak?" nakangising sabi niya.
Ngumiti ako. "Hindi na ako babalik dito at wala naman akong balak na bumalik pa dito. Aalis na ako. At kukunin ko ang mga gamit ko kaya kung puwede lang, umalis kayo sa daraanan ko."
Saglit siyang tumingin sa akin bago umalis sa gate. Mabilis akong nagtungo sa kuwarto at pinagkukuha ang mga damit ko pati na ang mahahalagang gamit. Medyo mabigat ang dalawang malaking bag na dala ko pero kaya ko naman ito. Wala na talaga akong balak na bumalik pa sa bahay na ito. Simula nang tumira ako sa simbahan, naging masaya ako. Hindi lang dahil kay father Vaughn, kun'di dahil parang nagkaroon ako ng peace of mind doon. Oo hindi ganoon kamahal at kasarap ang ulam namin, hindi ganoon kaganda ang kuwarto ko at kung ano- ano pa pero masaya ako. Simple man pero masaya.
"Talagang wala ka ng balak pang bumalik dito? Talagang malakas na ang loob mong lumayas? Akala mo ba pipigilan kita? Akala mo ba magmamakaawa ako sa iyo na manatili ka dito?" sabi ni daddy na nakatayo sa gate.
Nginitian ko si daddy. Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ako ng daddy na kagaya niya. Mayabang. Matapobre. Mataas ang tingin sa sarili. Boss na boss akala mo kung sino. At gusto lahat kontrolin ang nasasakupan niya.
"Sa lahat po ng nabanggit mo, daddy... wala akong gusto doon. Wala akong pakialam doon. At saka, mas okay na ito kaysa tumira sa puder ninyo na para akong isang manika na kontrolado ninyo na para bang wala akong sariling buhay."
Mahina siyang natawa. "At doon ka titira sa simbahan kasama ang pari na iyon?"
Nanlaki ang mata ko. "Paano mo nalaman?"
Ngumis siya ng nakaloloko. "Dahil marami akong mata, Jasmine. At kilala ko ang pari na iyon. May atraso iyon sa akin. Gusto mo bang malaman?"
Nanlaki ang mata ko kasabay ng pagkuyom ng kamao ko. "Talagang wala kayong magawa sa buhay 'no? Talagang lahat gusto niyong pakialaman! Walang ginagawang masama sa iyo si father Vaughn!"
Mahina siyang natawa. "Ano? Anong sinabi mo? Anong walang ginagawang masama? Wala ka lang alam, Jasmine! Tutal... malaki ka na rin naman. Matanda ka na at may isip na. Panahon na siguro para malaman mo ang totoo."
"Ha? Ano? Anong totoo?" Bumilis bigla ang t***k ng puso ko.
Nakapamulsang naglakad palapit sa akin si daddy. "Hindi mo tunay na ina si Rosie. Dahil ang tunay mong ina, namatay nang ipanganak ka."
Napaawang ang bibig ko kasabay ng panginginig ng aking kalamnan. "A- Anong pinagsasabi mo? Puwede bang tumigil ka na sa kasinungalingan mo! Huwag kang gumawa ng kuwento!"
"Hindi ako nagsisinungaling. Hindi ako gumagawa ng kuwento. Kailan ka ba naipagtanggol ni Rosie mula sa akin? Kailan ka ba niya nagawang tulungan sa mga bagay na gusto mo?"
Napaisip ako bigla. Oo nga. Ni hindi man lang ako nagawang ipagtanggol ni mommy kay daddy. Palagi lang siyang nasunod sa sinasabi ni daddy.
"Ngayon naiisip mo na? At alam mo ba kung sino ang totoong mahal ng mommy mo?"
Napalunok ako ng laway. "S- Sino?"
Ngumisi siya. "Ang paring 'yon. Si Vaughn Consuji. Siya ang totoong mahal ng mommy mo at hindi ako!"
Halos magimbal ang buo kong pagkatao sa sinabi ni daddy. Anong ibig sabihin nito? Hindi pa nga mag- sink in sa utak ko na hindi ako anak ni mommy Rosie tapos sasabihin niya sa akin na ang ina ko ay mahal si father Vaughn?
"Mayamang tao si Vaughn Consuji. Kilala ang pamilya nila. At nagkaroon sila ng relasyon ng mama mo. Tutol ang mga magulang niya sa relasyon nila dahil matanda na si Beldandy. Ayaw nila kay Beldandy kaya ginawa nila ang lahat para paglayuin ang dalawa. Pero ako, mahal ko si Beldandy. Mahal na mahal ko ang mama mo kaya naman ginawa ko ang lahat para mahalin niya ako. At sobrang saya ko nang mabuntis siya, at ikaw na nga ang anak namin. Pero sa kasamaang palad, kinuha siya sa akin kaagad. Naging mahina siya. Hindi siya kumakain ng tama dahil iyon sa kaiisip sa gagong Vaughn na iyon. Alam mo kung bakit?"
"Bakit?"
"Dahil hindi niya nagawang ipaglaban ang mama mo. Sinabi niya kay Beldandy na handa siyang ipaglaban ito pero hindi niya nagawa. Iniwan niya ito sa ere. Kaya napunta sa akin ang mama mo. Akala ko nga, aawayin ako ng lalaking iyon para kunin sa akin ang mama mo pero hindi. Nagkamali ako. Hindi pala ganoon kalalim ang pagmamahal niya sa mama mo. Awang- awa ako sa mama mo noon. Siguro kung hindi lang sa sobrang pag- iisip at sakit na dinulot ng lalaking iyon sa mama mo, buhay pa sana siya ngayon. Kasama mo pa sana ang mama mo."
Hindi ko napigilang maiyak. Ibig sabihin, hindi ipinaglaban ni father Vaughn ang pagmamahal niya kay mama? Na talagang sinukuan niya lang ito?
"Kung tutuusin, kayang- kayang ipaglaban ng lalaking 'yon ang pag- iibigan nila. Puwede silang magpakalayo- layo, tama? Pero hindi niya ginawa. Hinayaan niya lang ang mama mo na mapunta sa akin. Kitang- kita ko kung paano nagdusa ang mama mo kaiisip sa lalaking iyon kaya siya nagkasakit. At habang nagbubuntis siya, ginagamot siya. Sa totoo lang, muntik ka na ring mamatay. Dahil namatay na ang mama mo bago ka pa mailabas kaya hiniwa na ng tiyan ng mama mo. Isipin mo, kung ipinaglaban sana ng lalaking 'yon ang pagmamahalan nila, hindi sana magkakasakit ang mama mo. Buhay pa sana siya ngayon. Kaya kung ano man ang nangyari sa mama mo, kasalanan iyon ng lalaking 'yon. Kasalanan ito ni Vaughn. Dahil pinabayaan niya ang mama mo na walang ibang ginawa kun'di ang mahalin siya hanggang dulo."
Rumagasa ang masagan kong luha. Hindi ko alam ang tungkol dito. At ngayong alam ko na, awang- awa ako sa kalagayan ng totoo kong ina. Siguro sa sobrang pag- iisip niya, na hindi na kumakain ng tama, na napapabayaan na ang kaniyang sarili kaya siya nagkasakit.
"Jasmine... anak... isipin mo ang naging pagdurusa ng mama mo dahil sa lalaking 'yon. Isipin mo kung gaano siya naghirap at araw- araw na umaasang pupuntahan siya ni Vaughn. Kaya kung ako sa iyo, ipaghiganti mo ang mama mo. Gumanti ka, Jasmine. Iparamdam mo sa lalaking iyon kung gaano naghirap ang mama mo. Huwag kang mag- alala, mamaya ay ime- message ko sa iyo ang mga pictures ng mama mo at makikita mo na para kayong pinagbiyak na bunga..." dagdag pa niyang sabi.
Agad kong pinahid ang mga luha ko at saka matalim na tumingin kay daddy. "Tama na. Hindi ako makikinig sa iyo."
"Bahala ka, Jasmine. Pero lahat ng sinabi ko sa iyo ay totoo. Ikaw na ang bahalang umalam kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Pero sinasabi ko na sa iyo ngayon pa lang, totoo lahat ng sinabi ko. Na ang lalaking 'yon ang dahilan kung bakit nawala kaagad sa atin ang mama mo. Kaya kung mahal mo ang mama mo, ipaghiganti mo siya, Jasmine. Pahirapan mo ang pari na iyon," may diin niyang sabi.
Hindi na ako nagsalita pa at dire- diretso na akong naglakad paalis. Pero habang naglalakad ako, bigla akong binalot ng matinding galit. Kung totoo man ang sinasabi ni daddy sa akin...
Hindi ko mapapatawad si father Vaughn.