Jasmine's P. O. V.
Hindi muna ako dumiretso kaagad sa simbahan matapos ang lahat ng nalaman ko. Tumunog ang cellphone ko at saka nakita ko ang message sa akin ni daddy. Naka- send sa akin ang picture ni Beldandy na sinasabi niyang totoo kong ina. At napaluha na lang ako nang matitigan ito ng maigi. Kamukhang - kamukha ko nga ang babaeng ito. Para nga kaming pinagbiyak na bunga. Ibig sabihin, totoo ang sinabi sa akin ni daddy?
Mariin akong napapikit. Hindi ko maiwasang makaramdam ng matinding galit kay father Vaughn. Kung mahal niya si mama noon, bakit hindi niya nagawang ipaglaban ang pagmamahalan nila? Bakit hinayaan na lang niya si mama sa piling ni daddy? Hindi kaya... playboy si father Vaughn noon? At kaya siguro siya nagpari upang pagsisihan ang nangyari kay mama?
Pero huli na ang lahat. Wala na si mama. Hindi na mababalik ng maraming beses niyang pagdadasal ang buhay ni mama. Kaya humanda siya sa akin. Ipaghihiganti ko si mama. Ipaparanas ko sa kaniya kung ano ang dinanas ni mama noon. Paiibigin ko siya bago ako maglalaho na lang bigla.
Marahas kong pinahid ang mga luha ko bago ako tumayo. Nagsimula na akong maglakad patungong simbahan. Ito na ang simula ng araw ng paghihiganti ko kay father Vaughn. Humanda siya sa akin. Gagawin ko siyang makasalanan.
Ako ang tuksong hinding- hindi niya maiiwasan.
"Binibining Faith...." tawag niya sa akin nang makarating ako sa simbahan.
Mapang- akit ko siyang nginitian. "Hi, father Vaughn..."
Humanda ka sa akin, father. Hindi ako titigil hangga't hindi ka bumibigay sa akin. Gagawin ko ang lahat kahit na katawan ko pa ang nakataya dito.
"Halika na," aniya at saka binitbit na ang mga dala kong gamit.
Siya na ang nagbuhat lahat patungo sa kuwarto ko. Nakasunod lang ako sa kaniyang likuran. Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang humanga sa matipuno niyang katawan. Siguro nag- eehersisyo ang lalaking ito. Ang ganda kasi ng katawan niya.
"Mabuti at nakabalik ka. Akala ko hindi ka na makababalik dito," sambit niya nang makapasok sa kuwarto ko.
Inilapag niya ang mga gamit ko sa isang tabi. "Hindi na ako nagpauto pa kay daddy. Tama na ang pagkontrol niya sa akin noon. Gusto ko namang maging malaya. Matanda na ako. Hindi na ako bata."
"Ilang taon ka na ba?"
"Twenty five na po ako. Kayo ba, father?"
"Forty five na ako. Matanda na ako," sabi niya sabay ngiti.
Nagulat naman ako. Talaga? Forty five na siya? Eh mukhang nasa 30s lang ang edad niya! Ang layo sa mukha niya! Bakit ganito kaguwapo ang lalaking ito? Akala mo bampira! Parang hindi tumatanda.
"Hindi po halata sa mukha niyo na matanda na kayo. Pero kung sakali pa lang hindi ako nakabalik dito, anong mararamdaman ninyo?" nakangising tanong ko.
Bumuntong hininga siya. "Syempre, malulungkot ako. Kahit papaano ay naging parte ka na rin ng simbahang ito. At saka ginagawa mo naman ang maitutulong mo dito."
Ngumisi ako. "Talaga po?" ani ko sabay lapit sa kaniya.
Hinawakan ko ang kamay niya. Hinaplos- haplos ko ito. "Medyo magaspang po ang kamay niyo, father Vaughn. Halatang masipag po kayong tao..." sambit ko at inilagay ko sa aking pisngi ang kaniyang kamay.
Nakita ko ang paglunok niya. "Ah.... o- oo kasi mas sanay ako na maraming g- ginagawa..." halos nauutal niyang sabi.
"Ang sarap sigurong maging asawa ang isang lalaking katulad niyo, father. Sa totoo lang, gusto ko ng magkaroon ng asawa. Iyong ipaparamdam niya sa akin ang totoong pagmamahal dahil doon ako kulang. Gusto kong maramdaman iyon. Siguro ayos lang naman na mag- asawa na po ako, 'no? Para hindi na rin ako maging sagabal sa simbahang ito."
"Hindi ka naman sagabal dito, binibining Faith." Mabilis niyang sabi.
Napangiti ako. Mukhang may epekto na nga ako sa kaniya. Mukhang ayaw niyang umalis ako dito.
"Sigurado po ba kayo? Kasi iba ang nararamdaman ko. At saka, nagiging makasalanan kayo nang dahil sa akin. Pasensya na po kayo sa mga ginagawa ko sa inyo, father. Tao lang po ako. At wala pang alam sa ganoong bagay kaya talagang nacu- curious po ako. Gusto kong maranasan iyon. At pasensya na po kung sa inyo ko ginagawa. Nagiging mahalay ako sa inyo. Hayaan niyo po, sa ibang tao ko na lang gagawin...."
Namilog ang mata niya. "Huwag!"
Umarko ang kilay ko. "Anong huwag po, father?"
Sunod- sunod siyang napalunok ng laway. "H- Huwag... h- huwag mong gagawin sa iba ang... ang bagay na 'yon."
"Ha? Eh hindi ko nga po kasi puwedeng gawin sa inyo 'yon dahil isa po kayong pari. Naisip ko na ang sama ko pala dahil hinahalay ko kayo. Kaya pasensya na po talaga, father..." malambing kong sabi sabay halik sa kaniyang kamay.
"Binibining Faith..." tawag niya sa akin.
"Yes po, father?" nakangiting sabi ko sa kaniya habang nakatitig sa mata niya.
"Huwag ka ng umalis dito. Naisip ko na ... mas mabuti kung dito ka na lang para mabantayan kita at masiguro ko ang kaligtasan mo. Ikaw na rin ang nagsabi na kulang ka sa pagmamahal. At sa ting ko, magagawa kong punan iyon. Siguro... ibibigay ko ang makakaya ko para punan iyon kahit papano... basta't dito ka na muna hangga't hindi ko pa nasisigurado kung magiging okay ka kapag umalis ka dito," sabi niya sa akin sa malumanay na tono.
Napangiti naman ako. Mukhang magiging madali sa akin ang maisakatuparan ang plano ko. Magiging madali sa akin na pabagsakin siya. Kawawang pari. Madaling matukso. Hindi pala ganoon katibay ang pananampalataya niya sa itaas kung ganito siya.
Marupok.
"Maraming salamat, father Vaughn...." sambit ko at kaagad siyang niyakap ng mahigpit.
Tinapik- tapik niya ako sa balikat. Habang ako naman ay mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kaniya at mas idiniin ko pa ang aking sarili sa kaniya. Sigurado ako na nararamdaman niya ang malusog kong dibdib. Mabuti na lang talaga at biniyayaan ako ng ganito kalaking dibdib.
"B- Binibining F- Faith...." nauutal niyang sabi na bahagya akong itinulak pero niyakap ko pa rin siya.
"Father.... hayaan niyo muna po akong yakapin kayo. Gumagaan kasi ang pakiramdam ko habang yakap ko kayo ng mahigpit..." malamyos kong sabi at bahagya kong idiniin ang dibdib ko sa kaniya.
Tiningnan ko siya at nakita kong napapikit siya. Mukhang may naninigas na kay father Vaughn dahil parang may umbok na akong nararamdaman sa pagitan ng kaniyang hita na nakadiin sa aking puson.
Tinitigasan si father.
Gusto ko tuloy matawa.
"Binibining Faith.... mag... magpahinga ka na..." tila kinakapos hininga niyang sabi. Ramdam ko ang panginginig ng kaniyang kalamnan.
"Teka lang po, father... ano po iyong matigas na nararamdaman ko?" painosente kong sabi sabay dakma ng kaniyang alaga.
"Binibining Faith huwag!"