Kabanata 7

1206 Words
Jasmine's P.O.V. Nagising akong bigla nang hindi ko alam kung bakit. Pagkatingin ko sa orasan na nakasabit sa pader, alas tres pa lang ng madaling araw. Napatingin ako sa labas. At nanlaki ang mata ko nang may makita akong taong nakatayo mula doon. Nanindig ang mga balahibo ko. Kaya naman napapikit ako. Ngunit pagmulat ng mata ko, wala ng ang taong nakatayo sa labas. Madilim kasi kaya hindi ko makita kung sino iyon pero hulmang tao ito at lalaki ito. Nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya naman lumabas ako ng kuwarto upang magtungo sa kusina. Agad akong naghanap ng maiinom sa kusina. Pagkatapos ay nagulat ako nang makita ko si father Vaughn na naroon at umiinom ng tubig. "Bakit gising pa po kayo, father Vaughn?" tanong ko sa kaniya. Nanlaki ang mata niya nang makita ako na tila ba nagulat. Dumiretso naman ako sa ref upang kumuha ng maiinom. Mayroong orange juice doon kaya iyon na lang ang naisip kong inumin. "N- Nagising lang akong b- bigla..." nauutal niyang sambit. Ininom ko na ang kinuha kong juice. At hindi ko sinasadyang magawi ang aking paningin sa pagitan ng hita ni father Vaughn. Sa suot niyang pajama, mayroong malaking umbok doon. Napalunok ako ng aking laway. Iyon na ba ang alaga ni father Vaughn? Bakit kaya ang umbok nito? Tulog pa kaya ang alaga niyang iyon? Pero bakit parang ang laki naman yata? "Binibining Faith..." tawag sa akin ni father Vaughn kaya naman napatingin ako sa kaniya. "B- Bakit po, father?" painosenteng tanong ko sa kaniya. Bumuntong hininga siya bago nagsalita. "Kung ano man ang nangyari sa atin, isa iyong pagkakamali. Patawarin mo ako kung nagawa ko iyon sa iyo..." malungkot niyang sabi sabay yuko. Kumunot naman ang noo ko. "Bakit ka po nanghihingi ng sorry sa akin, father Vaughn? Ginalaw mo po ba ako? Hindi naman, 'di ba? Kaya hindi mo kailangang manghingi ng sorry. Sayang nga eh. Dapat ginalaw mo na lang ako..." sambit ko sabay bungisngis. "Faith!" biglang sabi niya. Napangisi ako. "Ang sarap namang pakinggan. Parang mas gusto ko pang tawagin mo na lang ako sa pangalang Faith. Para kasinh kagalang- galang kapag may binibini pa eh..." mapang- akit na sabi ko sabay k lapit sa kaniya. Napaatras si father Vaughn. Patuloy lang siya sa pag- atras habang ako naman ay lapit lang nang lapit sa kaniya. Ano kayang iniisip ni father Vaughn ngayon? Naaakit kaya siya sa akin? Napatingin ako sa suot kong bestida kung saan wala akong suot na bra kaya naman bakat na bakat ang u***g ko. Lumawak ang pagngiti ko nang mapasandal na sa pader si father Vaughn. Na- corner din kita, yummy father Vaughn. "Father Vaughn... bakit po kayo umaatras? Natatakot po ba kayo sa akin?" pinalungkot ko ang boses ko nang sabihin ko iyon. Kitang kita ko ang paglunok niya ng kaniyang laway at ang pagsulyap niya ng mabilis sa aking dibdib. Mukhang marupok si father Vaughn. Matagal na kaya siyang pari? Pero bakit parang ang rupok niya? Sabagay... napakaganda ko pa naman. At talaga namang kaakit- akit ang hubog ng aking katawan. Ang sabi nga ng mga kaibigan ko, bagay daw ako bilang porn star. Bukod sa nakakaakit na ang katawan ko, nakakaakit din ang mukha ko. Lalo na kapag kung maglalandi pa ako. "B- Binibing F- Faith... ang mabuti pa ay b- bumalik ka na sa silid mo. Baka makita ka pa ni Ivan na ganiyan ang s- suot mo," sambit niya sabay tingin sa ibang direksyon. "Bakit father Vaughn? May masama po ba sa suot ko? Pantulog ko po ito..." mapang akit na sambit ko sabay haplos sa matipunong katawan ni father Vaughn. Nanlaki ang mata ko nang mapahawak sa kaniyang sikmura. Ang tigas. Kaya naman inangat kong bigla ang suot niyang pang itaas at nanlaki ang mata ko nang makita ang kaniyang six pack abs kung saan napakaganda ng kaniyang V line. "Faith!" bulyaw niya sa akin sabay hawak ng aking kamay. Hinahabol niya ang kaniyang paghinga nang tumingin siya sa akin diretso sa mata. Habang ako naman ay nakatingin lamang sa kaniya gamit ang inosente ngunit mapang akit kong mukha. "Patawarin mo sana ako father kung mayroon akong pagnanasa sa isang katulad mong nagsisilbi sa simbahang ito. Pilitin ko mang pakalmahin ang sarili ko pero hindi ko magawa..." pinalambing ko ang boses ko nang sabihin ko iyon sa kaniya. Mariin siyang napapikit. "Binibining Faith... mali ito. Maling- mali. At labis akong nagagalit sa sarili ko dahil naging mahina ako at muntik nang may mangyari sa atin. Sana maintindihan mo na sa simbahan ko ng ito iaalay ang buhay ko. Sa Poong Maykapal ko na iaalay ang aking sarili. Kaya kung maaari sana...huwag mo na akong akitin pa. Huwag ka ng gumawa ng kung anong bagay na hindi kabuti- buti para sa simbahang ito. Banal ang simbahang ito, Binibining Faith. Kaya kung maaari lang sana, huwag mo itong dungisan..." tila nagmamakaawa niyang sabi sa akin. Napalunok ako ng laway. Mukhang napipikon na siya sa akin. Pero hindi ako titigil. Kaya naman umakto akong naiiyak na. Nanlaki naman ang kaniyang mata. "Kung ganoon po ba'y... isa lang akong dumi sa simbahan na ito? Isa lang akong makasalanang babae na naghahasik ng kababuyan sa simbahang ito? Kung ganoon pala, pasensya na father kung nagagawa kong dungisan ang simbahang ito..." sambit ko kasabay ng pag- agos ng aking luha. Nanlaki ang mga mata ni father Vaughn. Gusto kong mapangiti dahil parang ang galing kong umarte. Mabuti na lang talaga at mababaw ang luha ko. Nagamit ko pa tuloy ito. Akma na sana akong tatakbo pabalik sa kuwarto ko nang hawakan ako sa pulsuhan ni father Vaughn. Napatingin ako sa kaniya. "Bakit po father? May sasabihin ka pa po ba? Hayaan niyo na ang makasalanan at maduming babaeng kagaya ko na bumalik sa silid ko. Matutulog na ako. At baka bukas.... ay umalis na ako dito," sambit ko sabay yuko. Nagulat ako nang yakapin ako ni father Vaughn. Damang- dama ko ang init ng kaniyang katawan. Napapikit tuloy ako dahil doon. Oohh ang sarap yumakap ni father Vaughn. Dahil matangkad siya at malaki ang katawan, talagang nakulong ako sa kaniyang bisig. Kaya naman yumakap na rin ako sa kaniya pabalik at idiniin ko ang aking sarili sa kaniya. "Pasensya ka na binibining Faith sa nasabi ko sa iyo. Hindi ko sinasadya. Patawarin mo sana ako..." mahinang sabi niya sa akin bago siya kumalas ng yakap. Tinitigan niya ako. "Gusto ko lang na maunawaan mo na ang ginagawa mo sa akin ay isang kasalanan. Kaya sana... itigil mo na ito. At patawad muli sa aking nasabi kanina..." Napangisi ako. Hindi ako papayag na wala akong gagawing kalokohan ngayong araw. "Hindi sapat ang paghingi mo ng sorry sa akin, father Vaughn lalo na't napaiyak mo ako...." "Ano---" Hindi ko na siya hinayaang makapagsalita pa dahil kinabig ko na siya at saka mariing hinalikan. Kulang na lang ay sipsipin ko ang mga labi ni father Vaughn sa gigil ko sa kaniya. Hindi siya kaagad nakagalaw. Malawak akong napangiti nang pakawalan ko ang kaniyang mga labi. Habang siya naman ay nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin at tila ba naestatwa sa kaniyang kinatatayuan. "Bye, father Vaughn... matulog ka na po ulit," malanding sabi ko sabay kagat labi bago ko siya tinalikuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD