bc

Sin With Me, Father

book_age18+
5.9K
FOLLOW
51.6K
READ
forbidden
HE
drama
bxg
office/work place
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

WARNING: RATED SPG MATURE CONTENT

Read at your own risk

"Kung ang ibigin ka ay isang kasalanan, tatanggapin kong ako'y isang taong makasalanan, mahalin ka lamang. Handa akong maging makasalanan mapatunayan lang ang pag-ibig ko ay tunay....." - Vaughn Consuji

#ForbiddenLove

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
"Jasmine....please anak...sundin mo na lang ang daddy mo. Para sa ikabubuti mo rin ito," malumanay na sabi ng ina ni Jasmine sa kaniya. Matalim na tiningnan ni Jasmine ang kaniyang ina. "Ano? Anong sinabi niyo? Anong para sa ikabubuti ko? Para sa ikabubuti ng kompanya natin! Wala namang ibang inisip si daddy kun'di ang negosyo niya...ang kompanya niya! Pakiramdam ko nga ay hindi niya ako anak dahil sa ginagawa niya sa akin! Buong buhay ko... sinunod ko lahat ng gusto niyo. Lahat ng pagiging strikto niyo sa akin at paghihigpit, hinayaan ko! Para ngang kinuha niyo sa akin ang buhay ko dahil masyado niyo akong kinokontrol! Tapos ito? Itong pagpapakasal sa lalaking hindi ko gusto sa tingin niyo ba ay tama?" Bumuntong hininga si Rosie. "Anak...alam kong mahirap pero wala akong magagawa pa. Kilala mo naman ang daddy mo. Hindi iyon papayag na hindi masusunod ang gusto niya.." Asar na ngumisi si Jasmine. "At para saan pa na naging ina ko kayo kung hindi niyo ako kayang ipagtanggol? Buong buhay mo ay naging sunod- sunuran ka kay daddy. Wala kang sariling desisyon dahil na kay daddy lang lahat ang desisyon.. Mariing napapikit si Rosie. Totoo naman kasi ang sinasabi ng anak niyang si Jasmine. Naging sunod- sunuran siya sa kaniyang asawa na si Alberto. Ayaw kasi niya ng away kaya hinahayaan na lang niya ito. "Anak...please huwag na natin pang pahabain pa ito. Sumunod ka na lang sa amin ng daddy mo..." tila nagmamakaawang sambit ni Rosie sa anak. Marahas na umiling si Jasmine. "No, mommy. Tama na ang pagkontrol niyo sa akin. Sawang- sawa na ako sa inyo. Hindi ko na kaya pa ang ginagawa niyo sa akin," matigas na sambit ni Jasmine. Buo na ang desisyon ni Jasmine. Ayaw na niyang magpakontrol pa sa kaniyang ama. Sawang- sawa na siya sa pagkontrol nito sa kaniyang buhay. Gusto na niyang maging malaya. Gusto na niyang gawin ang mga bagay na nais niyang gawin. PAGSAPIT NG GABI, dinala ni Jasmine ang kaniyang bag na may lamang pera kung saan i-winidraw niya ang lahat ng perang nasa kaniyang bangko bago pa ito makuha ng kaniyang ama. Marahan siyang naglakad palabas ng kaniyang kuwarto. Madilim sa paligid ng buong bahay nila at tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay ilaw. Maingat ang bawat paggalaw ni Jasmine hanggang sa makalabas siya ng kanilang bahay. Hindi na niya dinala pa ang kaniyang sasakyan dahil maglilikha pa iyon ng ingay. Lakad- takbo ang kaniyang ginawa. Patuloy lang siya sa paglalakad sa gilid ng highway. Wala na masyadong dumadaan na sasakyan. Napahawak si Jasmine sa kaniyang ulo dahil nakaramdam siya ng matinding pagkahilo. Nag- iinit na rin ang kaniyang katawan dahil nagsisimula na siyang lagnatin. "Argh...shit ang sakit ng ulo ko..." daing niya na patuloy pa rin sa paglalakad. Hanggang sa maduling na ang kaniyang paningin dahil sa sobrang sakit ng kaniyang ulo. Hindi niya namalayan na nasa gitna na pala siya ng highway naglalakad. Habang isang sasakyan ang muntik nang makabangga sa kaniya. Mabuti na lang nakapreno kaagad ito. Bumagsak sa gitna ng highway si Jasmine dahil hindi na niya kinaya pa ang kaniyang nararamdaman. Kaagad namang lumabas ng kaniyang sasakyan ang lalaki at saka lumapit kay Jasmine. "Diyos ko po...napakainit niya. Inaapoy siya ng lagnat!" sambit ng lalaki sabay buhat kay Jasmine patungo sa kaniyang sasakyan. NAGISING si Jasmine sa isang kuwarto kung saan maliwanag ang paligid. Marahan siyang bumangon at saka pinalibot ang kaniyang paningin sa loob ng kuwarto. Kapansin- pansin ang mga santo at krus sa maliit na mesa. Mayroon ding bulaklak sa paligid. "Nasaan ako?" tanong ni Jasmine sa kaniyang sarili. Ilang sandali pa ay pumasok sa loob ng kuwarto ang isang guwapong lalaki na may suot ng damit pampari. Kumunot ang noo ni Jasmine nang makita ang lalaki. "Magandang gabi, binibini. Mabuti at nagising ka na. Kumusta na ang pakiramdam mo? Inaapoy ka pa ba ng lagnat?" wika ni Father Vaughn sa dalaga. "Maayos na po ang pakiramdam ko. Hindi na po ganoon kasakit ang ulo ko at hindi na rin po ako masyadong mainit. Sino po pala kayo? At nasaan po pala ako?" magalang na tanong ni Jasmine at saka muling pinalibot ang paningin palibot sa kuwarto. "Ako si Father Vaughn Consuji. Ako ang pari sa simbahang ito. At ikaw naman, ano ang pangalan mo binibini?" malumanay na sabi ni Father Vaughn. Agad na tumingin sa ibang direksyon si Jasmine nang mapansin niya sa kaniyang sarili na kanina pa siya nakatitig kay Father Vaughn. Ito kasi ang unang beses na nakakita ng guwapo at binatang pari si Jasmine. Madalas kasi ay may edad na o matanda na ang paring nakikita niya at nakakausap. "Ako naman po si Jasmine Faith Dela Vega," sabi niya saka tipid na ngumiti. Tumango si Father Vaughn. "Ah okay. Bakit ka pala nasa kalsada naglalakad mag- isa? Alam mo bang delikado sa panahon ngayon maglakad mag- isa sa kalsada lalo pa't babae ka?" Bumuntong hininga si Jasmine. "Umalis po ako sa bahay. Lumayas po ako." Namilog ang mata ni Father Vaughn. "At bakit mo naman ginawa iyon? Sa tingin ko ay nag- aalala na sa iyo ang mga magulang mo, binibini. Kailangan mo ng umuwi sa inyo dahil alam kong nag- aalala na sila kaiisip sa iyo lalo pa't maraming napapabalitang panggagahasa sa mga kababaihan. Mapabata man o matanda." Mabilis na umiling si Jasmine. "Father...ayoko po. Ayokong bumalik sa bahay. Hindi niyo alam kung anong dinaranas ko doon. Hindi niyo po alam na para sa akin ay impiyerno ang bahay na iyon," nangingilid ang mga luhang sabi ni Jasmine. "Binibining Faith, paano mo naman nasabing impyerno para sa iyo ang bahay na iyon?" Nanlaki ang mata ni Jasmine nang tawagin siya ni Father Vaughn sa isa pa niyang pangalan. Bihira lang kasi siyang tawagin sa pangalang iyon. Madalas na Jasmine o Jass ang itinatawag sa kaniya. Kaya naman tila masarap sa kaniyang tainga ang pagtawag na iyon ni Father Vaughn sa kaniya. "Binibining Faith...kinakausap kita. Narinig mo ba ang sinabi ko? Paano mo nasabing impyerno ang bahay ninyo para sa iyo?" pag- uulit ni Father Vaughn. Napakurap ng ilang beses si Jasmine dahil hindi na naman niya namalayan ang kaniyang sarili na nakatitig na ng matagal sa guwapong mukha ni Father Vaughn. "Dahil palagi na lang sila ang nasusunod. Wala na akong kalayaan. Wala akong sariling desisyon. Umabot na ako sa ganitong edad pero wala pa rin akong sariling desisyon. Pakiramdam ko...nakakulong ko sa isang hawla..." malungkot na sambit ni Jasmine habang pinaglalaruan ang kaniyang sariling daliri. Lumapit si Father Vaughn kay Jasmine at saka naupo sa tabi nito. Tila nagulat naman si Jasmine sa pagtabi sa kaniya ni Father Vaughn kaya naman bumilis ang t***k ng kaniyang puso. "BBinibining Faith, sa tingin ko ay dapat mo talagang sundin ang mga magulang mo dahil sila ang nakakaalam ng makakabuti sa iyo. At isa pa, magulang mo sila. Kailangan mo silang sundin. Alam mo naman siguro na nakasulat sa bibliya na dapat nating sinusunod ang mga magulang natin, 'di ba?" malumanay na sabi ni Father Vaughn sabay ngiti. Mabilis na umiling si Jasmine. "Father... nagkakamali po kayo. Ibang klase po ang magulang ko. Si mommy, nagiging sunod- sunuran siya kay daddy dahil natatakot siya dito. Hindi niya ako magawang maipagtanggol. At nagkakamali po kayo na alam nila ang makakabuti sa akin dahil ginagamit lang nila ako para sa pansarili nilang interest. Lalong- lalo na si daddy. Ni minsan ay hindi ko naramdaman na mahal niya ako bilang anak niya.... masyado siyang abala sa negosyo niya at kompanya. Wala siyang ibang nais kun'di ang magpayaman. Hindi naman po sa pagmamayabang pero mayaman na po kami, Father. Pero si daddy ay gusto pa rin niyang magpayaman at gagamitin niya ako para lalo siyang yumaman." Kumunot naman ang noo ni Father Vaughn. "Anong ibig mong sabihin binibini?" Tumikhim si Jasmine. "Pinalaki nila ako at inalagaan para lang ipakasal sa lalaking hindi ko naman mahal. Gusto nilang makasal ako sa anak ng kasosyo nila sa negosyo na magiging dahilan para mas lalo pa silang yumaman. Napakasama ni daddy. Hindi man lang niya inisip ang magiging buhay ko sa lalaking hindi ko naman mahal. Paano kung nananakit ang lalaking iyon? Paano kung ano ang magawa sa akin ng lalaking iyon? Hindi nila inisip iyon. Basta dumami lang ang pera nila, ayos na sa kanila. At hindi ko na kinaya pa ang pagkontrol nila sa buhay ko. Hinding- hindi. Dahil gusto ko, ang lalaking mamahalin ko ay ang lalaking pakakasalan ko." Bumuntong hininga si Father Vaughn. Bigla niyang naalala ang kapatid niyang pinagkasundo rin ng mga magulang niya sa lalaking hindi niya mahal para maisalba ang kanilang negosyo. At ang lalaking napangasawa ng nag- iisa niyang kapatid ay mapanakit na lalaki. Hindi naman kasi nagsusumbong sa kaniya ang kapatid niyang iyon. Hanggang sa nalaman na lang niya na nagpakamatay ang kapatid niya dahil hindi na nito kinaya pa ang pagdurusa niya sa lalaking hindi naman niya mahal. Naisalba ang kanilang negosyo at naging makapangyarihan muli ang kanilang pamilya. Makapangyarihan naman talaga sila ngunit nalugmok lamang dahil sa pagsusugal ng kaniyang ama. Kaya naman nang maging mayaman ulit sila, tumigil na sa pagsusugal ang kaniyang ama. Sobrang galit na galit si Father Vaughn sa asawa ng kapatid niya at naisipan pa nga niya itong gantihan. Pero pinili niyang maging mabuti at ipasa- Diyos na lang ang lahat. Kaya naman pinasok niya ang pagpapari dahil gusto niyang maglingkod sa Poong Maykapal. "Naiintindihan kita, binibining Faith. Kung ayaw mo talagang umuwi sa inyo, saan ka naman mamamalagi?" mahinahong tanong ni father Vaughn. Humingang malalim si Jasmine at saka tumingin sa mga mata ni Father Vaughn. "Kung okay lang po sa inyo, puwede po bang dito na lang po muna ako tumira sa simbahan? Kahit gawin niyo na lang po akong utusan. Huwag niyo na po akong alalahanin sa pagkain dahil may pera naman po akong panggastos sa sarili ko. Ako na po ang bahala sa sarili ko. Kailangan ko lang po talaga ng matutuluyan. At isa pa po, ayokong makita ako ng ibang tao dahil baka mamaya eh makilala po nila ako at sabihin sa mga magulang ko kung nasaan ako ngayon..." nangungusap ang mga matang sabi ni Jasmine. Bumuntong hininga si Father Vaughn at saka tumango. "Sige, binibining Faith. Ayos lang naman sa akin kung dito ka muna. Mayroon din namang kagaya mo ang nandito at ang pangalan niya ay Ivan. Pero hindi mo siya katulad na umalis sa kanilang bahay, siya naman ay pinalayas dahil sa inakala ng mga magulang niya na malas siya. Na siya ang nagdala ng malas sa kanilang pamilya." "Naku po...nakakaawa naman po pala siya. Bakit po kaya may mga ganoong klaseng magulang?" gulat na sabi ni Jasmine. Marahang umiling si Father Vaughn. "Hindi ko rin alam. Marahil ganoon talaga ang isang tao kapag walang Diyos sa kaniyang puso. Kaya naman ginagawa ko talaga ang lahat para makapaglingkod sa itaas kung saan humahatak ako ng mga taong maniniwala sa Kaniya at mananampalataya sa Kaniya." Tipid na ngumiti si Jasmine. "Salamat po pala, Father Vaughn dahil pumayag po kayo na dito po muna ako tumira. Huwag po kayong mag- alala sa akin, hindi po ako magpapasaway." Ngumiti ng matamis si Father Vaughn kaya naman lumabas ang mapuputi at pantay- pantay niyang mga ngipin. Pati na rin ang malalim nitong dimple sa kaliwang pisngi. Mas lalong gumawapo si Father Vaughn sa ginawa nitong pagngiti. Dahilan para mapatitig ng maigi si Jasmine sa mukha ng guwapong pari. "Walang ano man, binibining Faith. Siya pala, nagugutom ka na ba? Padadalhan na lamang kita ng makakain mo dito. Magpahinga ka lang at magpagaling, naiintindihan mo ba?" Agad namang tumango si Jasmine. "Opo, Father. Marami pong salamat ulit, Father." "Sige. Aalis na muna ako, ha? Magtutungo na muna ako sa aking silid. Hintayin mo na lamang ang pagkaing ipadadala ko sa iyo dito. Pagkatapos mong kumain ay ilapag mo na lang sa mesa mo at bukas mo na ligpitin. Basta magpahinga ka," nakangiting sabi ng pari bago tuluyang umalis. Muling bumilis ang t***k ng puso ni Jasmine dahil sa matamis na ngiti ni Father Vaughn sa kaniya. Bigla niya tuloy na isip na sayang si Father Vaughn dahil naging pari ito. At sigurado siyang maraming nagkakagustong babae kay Father Vaughn dahil sa taglay nitong kaguwapuhan. Bigla tuloy naisip ni Jasmine kung mayroon bang magandang pangangatawan ang guwapong pari. Hindi kasi ito halata sa suot nitong pang pari na damit. "Argh ano ba itong naiisip ko?" bulong ni Jasmine sa kaniyang sarili. Napakagat labi si Jasmine at saka mariing pumikit sabay sampal ng mahina sa kaniyang sarili. "Jasmine...ano ba? Bakit nagkakaroon ka ng pantasya sa isang pari? Hindi porke guwapo siya ay nagkakaganiyan ka na!" suway niya sa kaniyang sarili sabay pikit.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
151.7K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
95.2K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.6K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
48.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.5K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
69.8K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
38.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook