Kabanata 3

1226 Words
"Father Vaughn...kumain na po ba kayo?" malambing na wika ni Jasmine kay Father Vaughn. Tumingin sa kaniya ang pari. At habang nakatingin siya kay Jasmine, hindi niya maiwasang maalala ang yumao niyang nobya na si Beldandy. Talaga kasing malaki ang pagkakahawig nila ni Jasmine at Beldandy kaya naman hindi niya maiwasang maalala ang yumao niyang nobya. "Father Vaughn?" muling banggit ni Jasmine sa pangalan ng pari dahil nakatitig lamang sa kaniya si father Vaughn. Napakurap naman si Father Vaughn sabay tikhim. "Pasensya ka na, binibining Faith May naisip lamang ako at naalala. Nga pala, huwag mo akong alalahanin. Hindi pa naman kumakalam ang sikmura ko. Ikaw ba ay kumain na?" Marahang umiling si Jasmine. "Hindi pa po eh. Sasabay po sana ako sa inyo kaya tinanong ko po kayo. Pero sige po, mauuna na po akong kumain. Kapag po nagutom na kayo, kumain na po kayo, ha?" malambing na sambit ni Jasmine. Gustong mapalapit ni Jasmine sa guwapong pari kaya naman naisip niyang kumilos para maging close silang dalawa. Kahit na sa totoo lang ay hindi niya alam kung tama bang magkaroon siya ng kaunting crush sa guwapong pari na si father Vaughn. Tumango si Father Vaughn at saka ngumiti. "Sige lang, binibining Faith. Salamat..." "Walang ano man po, father Vaughn. Sige po, kakain na po ako," wika ni Jasmine sabay ngiti. Sinundan ni Father Vaughn ang papalayong naglalakad na si Jasmine. At pagkatapos ay napayuko siya. Hindi ko na dapat iniisip pa si Beldandy dahil isa na akong pari. Hindi na dapat ako nag- iisip pa ng kahit ano tungkol sa aking nakaraan. Dahil sa simbahan ko na iniaalay ang aking sarili. Bumuntong hininga si Father Vaughn at saka nagtungo sa altar. Lumuhod siya at saka nagdasal. Humingi siya ng kapatawaran dahil sa kaniyang naisip. At pagkatapos ay nagtungo na siya sa kaniyang kuwarto. Habang si Jasmine naman ay tahimik na kumakain nang lapitan siya ni Ivan. "Bakit dito la kumakain mag- isa?" tanong ng binata sa kaniya. Tiningnan siya ni Faith. Mestizo si Ivan. Matangkad din ito. Mahaba ang pilikmata, may pagkasingkitin, matangos ang ilong, mapula ang manipis na labi at mayroon ding magandang pangangatawan. May masasabi rin ang itsura ni Ivan pero ibang- iba pa rin si father Vaughn para kay Jasmine. "Wala lang. Gusto ko lang kumain dito banda kasi maganda ang view. Mahangin pa," wika naman ni Jasmine sabay ngiti. Kumakain kasi siya sa mesa at upuan na gawa sa bato kung saan nakatayo ito sa gilid ng simbahan. Ang simbahan kasing iyon ay maraming halaman sa paligid, bulaklak at puno. Kaya naman malamig doon at malilim. "Sabagay, tama ka nga. Minsan ay dito rin ako kumakain. Pero madalas na dito ako nananatili para magpalipas ng oras dahil talagang nakaka- relax dito...." wika ni Ivan sabay tingin sa mga naggagandahang bulaklak. Tumango- tango si Jasmine. "Siya nga pala...totoo bang pinalayas ka sa inyo dahil sa inaakalang malas ka?" biglang sabi ni Jasmine. Bumuntong hininga si Ivan sabay tango. "Oo...hindi ko nga alam kung bakit nila naisip 'yon. Eh ang sabi sa akin ni Father Vaughn ay wala namang taong malas. Mabuti na lang talaga at dito ako napunta. Dito ako tumira dahil sa lugar na ito...payapa ang mundo ko. Doon kasi sa amin ay palagi akong nasisigawan. Palagi akong nasasabihan ng masasakit na salita. Eh dito, walang ganoon. Palagi pa akong nakakausap ng maayos ni father Vaughn kung saan talagang gumagaan ang loob ko. Pinapayuhan niya ako..." Ngumiti si Jasmine. "Ako naman eh umalis sa amin dahil hindi ko na kayang tiiisin pa ang ugali ng mga magulang ko. Buong buhay ko sumunod ano sa kanila. Naging mabuting anak ako. Pumapayag ako sa mga gusto nila kahit ayaw ko. Sobrang higpit nila lalo na si daddy. Pero itong huli ay 'di ko na talaga kinaya. Gusto kasi nila ikasal ako sa lalaking hindi ko mahal. Eh paano naman ako? Magdudusa ako kasama ang taong ni hindi ko man lang nakita tapos sasabihin papapakasalan ko?" "Naintindihan kita. Mali naman kasi ang mga ganyan. Para siguro 'yan sa mga negosyo nila 'no? Para maging matibay ang pagkakaibigan nila," sabi naman ni Ivan. Agad na tumango si Jasmine. "Oo tama ka. At nakakainis pa doon....mayaman na kami. May pera na. Pero gusto pa magpakayaman ni daddy na parang wala siyang kakuntentuhan. Nakakainis talaga!" sabi ni Jasmine sabay irap. Tumikhim si Ivan. "Hayaan mo na sila. Maiisip din nila na mali ang ginagawa nila. Ang importante ay nandito ka na kung saan malayo ka sa kanila." Ngumiti si Jasmine. "Oo tama ka. Mabuti na lang talaga at napunta rin ako dito. Iwas stress. Walang dapat isipin." Ngumiti rin si Ivan at saka tinitigan si Jasmine nang maigi sa mukha. Sa loob- loob niya, napakagandang dalaga ni Jasmine. Na sa kutis pa lang ay mahahalata ng mayaman ito. Kaya naman naisip niya na siguro ay maraming lalaki ang nahuhumaling sa dalaga. "Bakit?" tanong ni Jasmine nang mapansing kanina pa nakatitig sa kaniya si Ivan. "Wala lang. Nagagandahan lang ako sa iyo," diretsahang sabi ni Ivan. Mahinang tumawa si Jasmine sabay hawi ng buhok. "Alam ko naman 'yan at hindi mo na kailangang sabihin pa. At ikaw naman, guwapo ka rin." Tumawa si Ivan. "Hindi ko lang sigurado. Pero si Father Vaughn talaga ay guwapo. Kaya maraming babae ang nagsisimba dito nang dahil sa kaniya. Kitang- kita ko nga ang ningning sa mga mata nila kapag nakikita si Father Vaughn. May iba pa nga na hinaharang si Father para makapagpa- picture kaso tumatanggi si Father." "Sa guwapo ba naman kasi niya maraming talagang magpapantasya sa kaniya. Eh hindi naman kasi siya mukhang pari. Para siyang Hollywood star. Kaya talagang hulog ang panty ng mga kababaihang nagsisimba dahil sa kaniya," wika ni Jasmine sabay hagikhik. Tumawa naman si Ivan. "Loko ka! Baka mamaya marinig ka diyan ni Father Vaughn..." "Ano 'yon?" Nagulat ang dalawa sa biglang pagsulpot ni Father Vaughn sa kanilang likuran. Napahawak tuloy si Jasmine sa kaniyang dibdib dahil bumilis ang t***k ng kaniyang puso. "Kaloka ka naman, Father Vaughn! Nakakagulat ka po. Bigla ka na lang sumulpot!" wika ni Jasmine sabay halukipkip. Tumawa naman si Father Vaughn. "Patawad, bbinibining Faith. Titingnan ko lang naman sana kung kumain ka nga bang talaga. Hindi ko sinasadyang magulat ka." "Sige po, ayos lang. Nag- uusap lang naman po kami ni Ivan habang kumakain kami. Minamaretes ka po niya sa akin," wika ni Jasmine sabay tingin kay Ivan. Kumunot ang noo ni Father Vaughn. "Marites?" "Opo. Kumbaga chinichismis ka niya. Marites kasi itong si Ivan. Ang guwapo niyo raw po kaya na lalaglag mga panty ng mga babaeng nagsisimba dito," sabi ni Jasmine sabay hagikhik. Natawa naman si Ivan. "Loko ka, Jasmine! Wala akong sinabi!" sambit ni Ivan sabay gulo sa buhok ni Jasmine. Tawa naman nang tawa si Jasmine. Kinikiliti pa siya ni Ivan kaya mas lalo siyang natawa. At habang pinagmamasdan ni Father Vaughn si Jasmine, muli na naman niyang naalala si Beldandy Dahil magkaparehas ng tawa ang dalawa. Kaya naman bigla na lang umalis si Father sa kanilang harapan dahil ayaw ni Father Vaughn na maalala pa si Beldandy. Nagkatinginan naman sina Jasmine at Ivan at saka nahinto sa kanilang kulitan. "Bakit umalis si Father Vaughn? Nagalit ba siya sa kulitan natin?" nagtatakang sabi ni Ivan. Nagkibit balikat si Jasmine. "Siguro? Kasi naman eh! Kumakain ako tapos kinikiliti mo ako! Pasaway!" bulyaw ni Jasmine kay Ivan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD