"Beshy! Nasaan ka ba, ha? Hinahanap ka sa akin ng mommy at daddy mo! Akala nila kasama ka namin ni Kate. Nag- aalala na yata sa iyo ang mga magulang mo, beshy..." sabi ni Cecelia mula sa kabilang linya.
Bumuntong hining si Jasmine. "Beshy...may ime- message ako sa iyo. Lugar iyon kung nasaan ako ngayon. Ikukuwento ko na lang sa iyo ang lahat, okay? Huwag na tayong mag- usap dito sa phone dahil marami akong sasabihin sa iyo para maintindihan mo," malumanay na sabi ni Jasmine.
"Now na ba tayo magkikita?" tanong ni Cecelia.
"Oo, beshy ngayon. Sige na. Bye na," sabi ni Jasmine at saka ibinaba na ang tawag.
Pagka- message niya kay Cecelia ng lugar kung nasaan siya ngayon, ilang minuto ang lumipas ay dumating na si Cecelia. Bakas sa mukha ng kaniyang kaibigan ang pag- aalala. Wala naman kasi siyang pinagsabihan kung nasaan siya dahil hindi pa niya ginagamit ang cellphone niya simula ng lumayas siya. Nagamit niya lang ito nang sagutin niya ang tawag sa kaniya ni Cecelia. Pero hindi niya sinasagot ang tawag ng mga magulang niya.
"Beshy! Bakit nandito ka sa simbahan na ito? Kailan ka pa naging banal eh makasalanan ka?" pagbibiro sa kaniya ni Cecelia sabay tawa.
Tumawa naman si Jasmine."Hoy bakit? Bawal ba akong magpunta dito? Nandito ako dahil lumayas ako sa amin. Naiinis kasi ako kay daddy pati na rin kay mommy. Si daddy kasi masyado niyang kinokontrol ang buhay ko. At si mommy naman hindi naman niya ako kayang ipaglaban. Parang walang kuwenta lang, 'di ba? Ang pangit talaga ng mga magulang ko. Hindi na sila nakakatuwa. Palagi na lang sila ang nasusunod. Naiintindihan ko naman na kailangan talagang masunod ang mga magulang pero kasi masyado na nila akong kinokontrol. At wala na akong kalayaan sa kanila," naiinis na sambit ni Jasmine.
Napailing naman si Cecelia. "Grabe ka naman sa mga magulang mo, Jasmine! Talagang lumayas ka na sa inyo! Akala ko joke lang ang sinabi mo sa akin na malapit mo na silang layasan. Pero nandito ka na nga, nilayasan mo na nga sila."
Inirapan naman siya ni Jasmine. "Anong grabe doon? Alam mo naman kung gaano kahigpit sa akin si Daddy, 'di ba? Kung pagbawalan ako... akala mo nanlalalaki ako ano pa man. Oo nga pala, hindi ko pa pala nasasabi sa iyo na ipakakasal niya ako sa lalaking hindi ko naman gusto! Sa tingin mo ba, tama 'yon? Mali 'di ba? At saka siguro hindi mo ako maiintindihan dahil mabait sa iyo ang mga magulang mo. Suwerte ka sa mga magulang mo. Samantalang ako naman ay hindi. Kaya tama lang itong ginawa ko. Baka sakaling matauhan si daddy sa mga pinaggagawa niya sa akin. Nakakainis siya."
Napakamot naman ng ulo si Cecelia. "Sabagay tama ka. Mabait kasi ang mga magulang ko at hindi naman sila ganiyan. Bakit pa kasi ganiyan ang naging mga magulang mo? Lalo na 'yang daddy mo? Napaka istrikto na wala naman sa lugar."
Tumango si Jasmine. "Tama ka. Kaya nga umalis na ako doon dahil napupuno na ako kay daddy at hindi ko na kaya ang pagkontrol niya sa akin. Kaya dito na muna ako sa simbahan na ito. At least, 'di ba okay ako dito at hindi nila malalaman kung nasaan ako."
Kumunot naman ang noo ni Cecelia. "Ha? Eh paano kung malaman nila na nandito ka? Hindi naman ito ganoon kalayo sa bahay ninyo."
Ngumisi naman si Jasmine. "Hindi naman nila maiisip na nasa simbahan ako. Eh "di kung sa inyo ako nagpunta, nalaman na nila na nandoon ako, 'di ba? Eh dito...hindi papasok sa isip nila na nandito ako sa simbahan dahil ang alam nila ay hindi naman ako nagpupunta sa ganitong lugar."
"Hiinahanap ka nga rin sa akin ni Kate. Sasabihin ko ba sa kaniya kung nasaan ka?" nakangiting tanong ni Cecelia.
Tumango naman si Jasmine. "Puwede mo namang sabihin sa kan'ya dahil wala namang magkakalat kung nasaan ako, 'di ba? Kokotongan ko kayong dalawa kapag sinabi ninyo! Kahit anong sabihin o itanong sa inyo ni Daddy at ni Mommy, huwag niyong sasabihin kung nasaan ako. Gusto ko munang maging payapa ang buhay ko. Iyon bang walang nangingialam sa akin. Walang palaging nakabantay. At kayong dalawa naman, kapag dadalawin niyo ako dito, mag- ingat kayo dahil baka mamaya sundan kayo ng dalawang na 'yon. At malaman na nandito ako. Gets?" sabi ni Jasmine sabay taas ng kilay.
Tumango naman si Cecelia. "Oo hindi namin sasahihin. Mag- iingat kami. Basta mag- iingat ka rin dito, ah. Pero baka naman pagpunta namin eh banal na banal ka na? 'Yon bang hindi ka na makapagsalita ng mga kalokohan o mga kabulastugan."
Natawa naman si Jasmine. "Loko! Hindi naman ako magbabago. Siguro mababawasan lang ang kalokohan ko sa buhay at magkakaroon ako ng ugali kung saan magiging mabait na ako."
Tumawa naman si Cecelia. "Sabagay hindi ka naman mabait talaga. Bruha ka."
Natatawang inirapan ni Jasmine si Cecelia. "At isa pa, kaya rin gusto ko dito eh ang guwapo pala ng pari. Binata pa siya. Mukhang bago nga lang kasi ngayon ko lang nakitang mayroong binatang pari dito. Eh 'di ba iyong mga pari kadalasan matatanda na. Iyong last na pari na nakita ko dito eh matanda na."
Namilog naman ang mata ni Cecelia. "Paano mo naman nasabing binata eh 'di ba kalimitan nga sa mga pari dito eh matatanda na? Iyon bang ano... basta matanda na sila. Iyong tipong malapit nang mamatay."
Tumawa naman si Jasmine. "Grabe ka naman sa malapit na mamatay! Pero sinasabi ko sa iyo, binata nga ang pari dito at ang guwapo niya pa. Sobrang guwapo as in! Na akala mo artista! At sa tingin ko nga eh siya bago lamg siya dito. Bagong pari kumbaga. Hindi ko nga maalis ang titig ko sa pari na iyon eh. At pakiramdam ko ay nagkakasala na ako dahil titig na titig ako sa kaniya!"
Hinampas siya sa braso ni Cecelia. "Pasaway ka talaga! Sinasabi ko na nga ba't maghahasik ka lang ng lagim sa simbahan na ito!"
Malakas na tumawa si Jasmine at saka gumanti rin ng hampas sa kan'yang kaibigang si Cecelia habang tumatawa.
"Anong maghahasik ng lagim? Eh magpapakabuti na nga ako. At sinasabi ko na nga sa iyo, hindi na nga ako gagawa ng mga kalokohan pa dahil may inspirasyon na ako sa simbahan na ito. At iyon ay si Father!" maharot na sabi ni Jasmine sabay bungisngis habang si Cecelia ay napangiwi.
Pinandilatan siya ng mata ni Cecelia. "Tumigil ka nga diyan, Jasmine! Isang pari ang crush mo at hindi naman simpleng tao lang. Ibig sabihin, hindi siya puwedeng mag- asawa o magkaroon ng karelasyon dahil ang buhay niya ay para lamang sa simbahan. Dahil isa siyang tagapaglingkod ng Diyos! Kaya itabi mo 'yang kaharutan mo sa katawan! Porke guwapo ang pari eh maglalandi ka na!"
Umirap ng mariin si Jasmine. "Ito naman! Kontra nang kontra! Masama bang magka- crush sa isang pari? Hindi ko naman sinabing makikipag relasyon ako sa kan'ya o ano. Sinabi ko lang naman na crush ko siya. Kaya huwag ka ngang masyadong overacting diyan."
Tumawa si Cecelia. "Okay sige. Pero gusto ko muna makita si Father Pogi bago ako umalis. Para naman masabi ko kung talagang guwapo siya o baka naman guwapo lang siya sa paningin mo," nakangising sabi niya
"Okay fine!" sabi naman ni Jasmine.
Akma na sanang papasok sa loob ng simbahan si Jasmine nang biglang lumitaw sa kanilang harapan si Father Vaughn. Muntik pa ngang mapaatras si Jasmine dahil sa gulat.
"Father Vaughn...ginulat ninyo naman po ako," sambit ni Jasmine sabay tawa ng mahina.
Ngumiti naman si Father Vaughn kaya naman lumabas ang malalim na dimple nito. Napalunok naman ng laway si Jasmine.
"Pasensya ka na bbinibining Faith. Sino nga pala ang kasama mo? Kaibigan mo ba siya?" pagtutukoy ni Father Vaughn kay Cecelia.
"Opo. Siya po si Cecelia. Dinalaw niya po ako dito. Hinahanap daw po kasi ako ng mga magulang ko eh. Pero ayoko muna talagang umuwi. Pansamantalang dito na muna ako at mag- iisp kung anong puwede kong gawin para hindi matuloy ang kasal namin ng lalaking gusto nilang ipakasal sa akin," sabi naman ni Jasmine.
Nakatitig lang si Cecelia kay Father Vaughn dahil nagulat siya nang makita ito. Hindi niya kasi inasahan na isa ngang guwapong pari nga si Father Vaughn.
"Ayos lang, binibining Faith. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo. Basta kung sakaling may kailangan ka ay sabihan mo lang ako," sabi ni Father sabay ngiti ng matamis.
Napakagat labi naman si Jasmine sabay tango. "Opo, Father Vaughn. Marami pong salamat sa kabaitan niyo. Mabait na nga po kayo, at ang guwapo niyo pa. Sayang at pari kayo dahil sigurado akong maraming babae ang nagkakagusto sa inyo."
Natatawang napakamot ng kaniyang ulo si Father Vaughn habang si Savannah naman ay humagikhik.
"Pasaway kang bata ka. Sige na, mauuna na ako sa inyo dahil may gagawin pa ako," wika ni Father Vaughn bago tuluyang umalis.
Pagkaalis ng pari ay mahinang naghagikhikan sina Cecelia at Jasmine. Para silang bulate na pakisay- kisay dahil sa kilig.
"Oh my gosh! Ang guwapo nga ni Father Vaughn! Grabe! Hindi ko nagawang makapagsalita dahil nakatitig lang ako sa kaniya! Shet ka! Ang suwerte mo naman na nakakasama mo ang guwapong nilalang na iyon! Puwede bang dito na lang din muna ako?" maharot na sabi ni Cecelia.
Inirapan siya ni Jasmine. "Tumigil ka nga diyan. Baka masampal lang kita. Maghanap ka ng pari mo dahil sa akin lang si Father Vaughn," sambit ni Jasmine sabay irap sa kaniyang kaibigan.
SAMANTALA, matapos makapagdasal ni Father Vaughn ay huminga siyang malalim bago naupo sa gilid ng kaniyang kama. Naisip niya bigla si Jasmine. Kamukhang- kamukha ito ng babaeng una niyang minahal. Ang kaniyang first love. At ang babaeng ito ay si Beldandy. Hindi alam ni Father Vaughn kung ano ang naging sakit ni Beldandy nang mamatay ito. Hindi rin kasi naging maganda ang takbo ng relasyon nila dahil mas matanda kasi si Beldandy kay Father Vaughn. Kaya naman tutol ang mga magulang ni Father Vaughn sa pag- iibigan nilang dalawa.
At nang malaman ni Father Vaughn na wala na si Beldandy, doon na niya napagdesisyunan na magpari dahil para sa kaniya, si Beldandy lang ang babaeng mamahalin niya at wala ng iba pa.
"Jasmine Faith....." mahinang banggit ni Father Vaughn sa pangalan ng dalaga habang nakatingin kay Jasmine mula sa bintana ng kaniyang kuwarto.