Jasmine's P.OV.
Pasimple akong sumusulyap kay father Vaughn. Hindi ko lang talaga maiwasang hindi siya tingnan. Nakaupo siya sa isang tabi habang nagbabasa ng banal na libro. Ang guwapo niya talaga. Ako ang nanghihinayang sa kaniya kung bakit pa siya nagpari.
Ay dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi siya lapitan, lumabas na ako sa pinagtataguan ko at saka lumapit kay father Vaughn. Bahala na kung maging maharot man ako sa paningin ng iba. Basta ako, gusto ko si father Vaughn. Crush na crush ko siya. At isa pa, hindi lang naman ako ang may gusto sa kaniya. Marami kami. Sadyang ako lang ang sinuwerte dahil ako ang palaging nakakasama ni father Vaughn dito sa simbahan.
"Father Vaughn..." tawag ko sa kaniya nang makalapit ako.
Ngumiti siya sa akin nang makita ako. "Oh binibining Faith...bakit ka naparito? Anong sadya mo? May gusto ka bang sabihin sa akin?"
Napangiti ako. Ang pormal niyang magsalita. Ang cute pakinggan. Pero para sa akin, parang hindi bagay sa kaniya ang maging pormal. Sa itsura kasi ni father Vaughn, parang isa siyang lalaking magaling sa kama. Iyon bang hindi ka na makababangon ng ayos kapag natirador ka niya.
"Kumusta naman po kayo? Pansin ko po kasi na parang malat po kayo habang nagmimisa. Inuubo pa rin po ba kayo? Uminom po ba kayo ng gamot?" sunod- sunod na tanong ko sa kaniya habang pinalambing ko ang aking boses.
"Ayos na ako, binibining Faith. Hindi na ako masyadong inuubo dahil may ininom akong herbal. Hindi rin naman kasi ako mahilig sa gamot. Hindi ako sanay uminom ng gamot," sabi niya sabay ngiti.
Lumabi ako. "Ahm...father Vaughn...may gagawin ka na po ba?"
Ngumiti siya. "Wala naman. Nagbabasa lang ako ng bibliya. Bakit mo pala naitanong?"
Tumikhim ako sabay hawi ng buhok ko sa aking tainga. "Gusto ko po sanang makipagchikahan sa inyo. Kung okay lang po. Mga kuwento tungkol sa buhay niyo. Kung okay lang naman..."
Muling ngumiti si father Vaughn. Labas ang maganda niyang pantay- pantay na mapuputing ngipin. Mas lalo siyang gumaguwapo kapag nakangiti. Parang may kaharap akong isang artista na may role na pari ngayon. Nakakainis lang talaga dahil isa siyang pari. Gusto siyang landiin sa totoo lang. Kahit na hindi naman ako sanay lumandi dahil hindi naman ako nagkaroon ng pagkakataong lumandi dahil sa daddy ko.
"Ayos lang naman sa akin. Marahil ay naiinip ka dito kaya gusto mong makipagkuwentuhan sa akin, tama ba?" tanong niya sa akin habang nakangiti.
Agad naman akong tumango."Opo, father. At saka sa tingin ko po kasi ay masarap po kayong kausap...." pang- uuto ko sa kaniya.
Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. "Hindi ko alam kung masarap nga ba akong kausap. Sa palagay ko kasi ay hindi."
Bumungisngis ako. "Nga pala, father Vaughn... matanong ko lang, noong hindi pa kayo pari eh nagkanobya na po ba kayo?"
Tumikhim siya. "Oo. Mahal na mahal ko ang babaeng 'yon pero sa kasamaang palad, namatay siya. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na siya na ang magiging una at huling babae na mamahalin ko bago ako magpari. Hindi kasi naging maganda ang takbo ng pagmamahalan naming dalawa..." malungkot niyang turan sabay yuko.
Napakagat labi ako. Sa tingin ko ay masyadong malungkot ang buhay pag- ibig niya. Dahil nang sabihin niya ang tungkol sa babaeng minahal niya, bigla na lang siyang naging malungkot.
"Bakit po pala hindi naging maganda ang takbo ng pagmamahalan ninyo ng babaeng minahal mo, father Vaughn?" tanong ko sa kaniya.
Bumuntong hininga siya. "Mas matanda kasi sa akin si Beldandy. Hindi na nagkakalayo ang edad ng mama ko sa kaniya. Dahil doon, tutol sa amin ang mga magulang ko. Talagang ayaw nila kay Beldandy. Pero wala namang masama kung magmahal ang isang tao nang hindi niya kaedad, 'di ba?"
Tumango ako. "Opo, father Vaughn. May iba nga eh parang lolo o lola na nila ang partner nila pero wala silang pakialam dahil nagmamahalan silang dalawa."
"Iyon nga ang ipinaiintindi ko sa mga magulang ko noon pero wala akong nagawa. Sa totoo lang, mayaman ang pamilya namin. Maraming negosyo ang papa ko at kilala ang pamilya namin. Pero lahat iyon tinalikuran ko para kay Beldandy dahil wala namang silbi ang yaman ko kung wala siya. Pero sa kasamaang palad, nagkalayo kami. Hanggang sa nalaman ko na wala na siya. Sobrang nadurog ang puso ko. Hanggang sa naisipan ko na lang na magsilbi sa simbahan at ipasa- Diyos na lang ang lahat," wika ni father Vaughn sabay ngiti.
Nginitian ko siya. Sa tingin ko ay talagang mabuting tao si father Vaughn kaya naisipan niyang magpari. Siguro palagi na lang niyang ipinagdarasal ang mga taong may hindi magandang ginawa para sa kaniya.
"Ang lungkot po pala ng buhay pag- ibig ninyo. Medyo magkaparehas po pala tayo. Hindi ko magawang ipaglaban ang taong mahal ko noon dahil kay daddy ko. Masyado siyang mahigpit sa akin dahil gusto niya na sa anak ng kaibigan niyang negosyante ako ikasal. Para mas maging matibay pa ang relasyon nila. Lahat na lang kontrolado niya na dapat hindi na kasi matanda na ako eh. Nasa tamang edad na ako eh. Kaya nga talagang umalis na ako sa bahay na 'yon," sabi ko sabay buntong hininga.
"Huwag kang mag- alala, binibining Faith. Lahat ng paghihirap mo ngayon ay may kapalit na kaginhawaan..."
Muli akong napangiti at saka napatingin ako sa mapupulang labi ni father Vaughn. Napalunok ako ng laway sa isiping masarap sigurong makatikim ng isang mula sa kaniya. Mula sa guwapong pari na katulad niya. Palihim akong napangiti dahil nakaisip ako ng kapilyahan.
"Sige po, father Vaughn doon po muna ako sa kuwarto ko para po makapagbasa na kayo ng ayos..." wika ko sabay tayo.
Nagkunwari ako na ako ay natisod kaya naman awtomatiko niya akong sinalo. Agad ko siyang niyakap at saka idiniin ko ang malusog kong dibdib sa kaniyang katawan at saka ako nag- angat ng tingin. Nakita ko ang paggalaw ng kaniyang adams apple habang nanlalaki ang matang nakatingin sa akin.
"Sorry po, father Vaughn...natisod po ako..." madramang sabi ko at umakto na maiiyak na.
Hinawakan ko ang paa ko at nagkunwaring hindi ako makalakad. "Ang sakit po ng paa ko father Vaughn..." sambit ko sabay kagat labi.
"Halika...bubuhatin na lang kita patungo sa kuwarto mo. At hihilutin ko na lang ang paa mo," wika niya at saka marahan akong binuhat.
Palihim akong napangiti dahil nagtagumpay ako sa aking plano. Agad akong kumapit sa kaniyang leeg dahil binuhat niya ako na parang batang nadapa. Hindi ko maiwasang kiligin. Pasimple kong sininghot sa leeg si father Vaughn at napangisi ako nang makitang nanindig ang kan'yang balahibo.
"Ang bango niyo po, father Vaughn...ang sarap niyo pong singhutin..." maharot na sabi ko at saka muli siyang sininghot sa leeg.
"B- Binibining F- Faith...huwag....huwag mong gawin iyan...." nauutal niyang sambit sabay lunok ng kaniyang laway.