Vaughn's P. O. V. Hindi ko na alam kung makakayanan ko pang pigilan ang aking sarili pagdating kay Faith. Masyado siyang mapusok. Ibang- iba siya sa mga babaeng nakasalamuha ko na sinubukan akong akitin. Hindi ko alam kung bakit napakalakas ng epekto niya sa akin. Simula nang magsilbi ako sa simbahang ito, walang mapangahas na babae ang nagkaroon ng ganitong epekto sa akin. Lahat ay walang epekto. Pero iba si Faith... At hindi ko alam kung bakit ganito ako sa kaniya. Dahil kaya ito sa pagiging magkamukha nila ni Beldandy? Dahil naaalala ko ito sa kaniya? O dahil sa pagiging pilya niya na hindi ko alam kung bakit nagugustuhan ko ito? Simula nang mapagdesisyunan kong manilbihan sa simbahan, iniwan ko na ang hindi ko magandang ugali noon. Aminado akong napakababaero ko noon. Kung sino-