Kabanata 5: His Eagerness

1352 Words
Hindi ko siya iniwan. I was left with no choice. I had to choose myself over him. I had to be selfish at that time. Hindi ko intensyon na iwan siya nang walang paalam. Mahal na mahal ko si Gael at hindi naging madali para sa’kin na gawin iyon pero kailangan. I gulped, my heart was racing so fast. He pinned me on the wall sabay sarado niya ng pinto. Lalong nagwala ang puso ko sa kanyang ginawa. Ramdam ko ang panginginig ng mga binti ko. He’s trying to catch his breath. Alam kong pinipigilan niya lang ang kanyang sarili na saktan ako o sigawan ako. Nakatingin lang ako sa dibdib niya. Wala akong lakas ng loob na mag-angat ng mukha dahil hindi ko yata kakayanin na makipagtitigan sa kanya. I would met by his deadly eyes. “Michaela,” tawag niya sa pangalan ko. “Minahal mo ba talaga ako? Or you were just after my family’s wealth?” Napakunot ako ng noo’t labag man sa kalooban ko’y inangat ko ang mukha ko para makita siya. “What the hell?!” singhal ko. “What made you think na pera niyo ang habol ko?” “Then why won’t you answer my goddamn question!” Kinalma ko ang sarili ko bago sumagot, “My love was pure, it was unconditional, Gael. Hindi iyon dahil sa yaman na meron kayo. Wala kang karapatan na husgahan ako at kwestyunin ang pagmamahal ko.” His forehead creased. “I don’t believe you.” Ngumisi siya saka niya inilayo ang kanyang sarili sa’kin. “I was waiting for you to tell me the truth but you didn’t. Mom already told me everything.” “E-Everything? Anong ibig mong sabihin? Anong alam mo?” sunod-sunod na tanong ko. Bigla siyang napangisi kahit na may bahid pa rin na galit ang kanyang mukha. “10 million?” He paused for awhile, “Pinagpalit mo ako sa sampung milyon. For what?” “Gael—“ He immediately cut me off. “Humingi ka ng sampung milyon para layuan mo ‘ko dahil nalaman mo kay Mom na hindi siya sang-ayon sa relasyon natin. Really, huh?” Marahan akong umiling. “Gael, no!” “Stop making me stupid, Michaela! You already did that seven years ago!” “Dahil hindi naman talaga ‘yon ang totoo!” singhal ko sa kanya. “Now you’re trying to play the victim. Stop it.” Tumalikod na siya sa’kin at pinihit ang doorknob. “I’ll give you time to think about telling me everything or not. You have until tonight.” “What if I won’t?” Binuksan niya na ang pinto ngunit bago pa man siya tuluyang makaalis ay sinagot niya muna ang tanong ko, “I’ll destroy your life just like how you did on mine.” Then he closed the door and left me dumbfounded. Napaupo ako sa sahig at natulala. Paulit-ulit na nag-play sa utak ko ang huling sinabi ni Gael. Is he threatening me? Hindi naman niya siguro gagawin ‘yon. Hindi ganoon ang pagkakakilala ko sa kanya. I know that he’s fuming mad at me and I understand that. Pero alam ko rin na hindi ganoon kababaw si Gael para gawin niya ‘yon, that’s out of his line. My mind got preoccupied the rest of the day. Hindi ko maiwasang mag-overthink na baka totohanin ni Gael ang kanyang sinabi. Pinaghirapan ko kung ano man ang naabot ko ngayon, and by Gael’s image and reputation, alam kong madali lang para sa kanya na sirain ang buhay na mayroon ako ngayon — at ‘yon ang kinatatakutan ko. Nang mag-alas singko ng gabi ay dumalaw si Enzo sa unit ko. May dala siyang mga pagkain just like what he usually do. Habang parehas kaming abala sa pag-ayos ng mga pagkain na dala niya’y bigla siyang nagbukas ng usapan. “Mic, before I forgot. Maxine is inviting us for dinner tomorrow. We can go there after the shoot. Are you going?” Saglit akong napatigil sa ginagawa. “Para saan ‘yong dinner?” Halatang nagtaka si Enzo sa tanong ko kaya muli akong nagsalita. “I mean, may occasion ba?” pahabol na tanong ko. He smiled. “No,” umiiling pa na sagot niya. “She just wants to spend time with you. Nabitin raw kasi siya kagabi. Alam mo naman kung gaano ka-eager ‘yon na makausap at makilala ka.” Me, too, but it makes me uncomfortable. Pakiramdam ko may tinatago ako kay Maxine. I feel like I’m betraying her and Enzo as well. Hindi ako komportable sa presensya niya lalo na kapag kasama niya si Gael. “I’m meeting a friend tomorrow evening. I don’t think I’m going.” “I see. Okay, I’ll just tell her. Hindi mo nakwento sa’kin ‘yan, ah. Who’s that friend? Are you seeing someone?” Tumikhim pa siya na para bang nang-aasar. Hinarap ko siya’t tinaasan ng kilay. “I’m trying to make a move here. Ayoko naman tumanda nang mag-isa, ‘no! Hindi ako kagaya mo na walang interes magka-jowa,” pagbibiro ko pa. “That’s a waste of time,” tila napipikon niyang sabi. Tingnan mo ‘to, siya ang nagsimula tapos ngayon siya pa ang napipikon. “Paanong waste of time, ni hindi ka nga nag-a-allot ng time for that. You’re always busy with your work, you don’t even prioritize your happiness.” “I prioritize it that’s why I’m here,” he straightforwardly said. “Huh?” Natawa siya’t napailing. “Our food is ready. Let’s eat then.” Iniwan ko na muna ang plastic na naglalaman ng mga gulay. Nalaman ko kasi na nasa grocery store kanina si Enzo kaya nagpa-favor na rin ako sa kanya na bumili ng mga gulay para sa’kin. Dapat talaga mag-go-grocery ako ngayon pero dahil kay Gael nawalan ako ng gana. Speaking of Gael, if he’s really eager to know the truth, paano ko sasabihin iyon sa kanya kung wala naman akong means to communicate with him? Unless… Unless, pupunta siya rito! No, it can’t be. Umilaw ang cellphone ko tanda na may natanggap akong message. Napakunot pa ako ng noo when I saw na it’s from an unknown number. Pagbukas ko ng mensahe na ‘yon ay muntik ko namg mabitawan ang hawak kong kubyertos sa kabilang kamay. From: *Unknown number* Meet me at Blackbird. Just tell the crew about a reservation under my name. I’ll give you an hour to save your image. Blackbird… that’s a few blocks away from this condo. Nag-iisip ba itong si Gael? Ano nalang iisipin ng mga tao kung sakaling makita kami na magkasama? Is this his way of destroying my image? Kung sa tingin niya’y mauuto niya ako sa pamb-blackmail niya pwes nagkakamali siya. I ignored the message and turned my cellphone off. “Who’s that?” Enzo asked. “8080,” pagsisinungaling ko Hindi ko na muling inisip pa si Gael at nag-focus nalang sa pagkain ko. Nang mag-alas otso na ng gabi ay nagpaalam na si Enzo na umuwi, at dahil wala naman akong ginagawa ay nagprisinta na akong ihatid siya hanggang sa labas ng condo. “Pakisabi na lang kay Maxine na sa susunod na lang, ah? I hope she understands.” “I’ll make her understand. Don’t worry,” sagot ni Enzo. Ilang saglit lang ay dumating na ang sasakyan niya. Nagpaalam na siya sa’kin at nang makaalis na siya’y saka lang ako pumasok ulit sa loob. Nang nasa tapat na ako ng elevator ay saktong bumukas ito. Pumasok na ako’t pinindot ang button kung saang floor ang unit ko. Akala ko’y mag-isa lang akong sasakay ngunit biglang may pumasok na ibang guest. Hindi ko na iyon pinansin at nanatiling nasa mga numero ng floors ang atensyon ko. Not until the person beside me talked… “You made me wait for seven f*****g years, and then now for three hours? How many times will you make me feel stupid, Michaela?” Mabilis akong napalingon sa katabi ko only to find out that it was Gael, and if I’m not mistaken… he’s drunk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD