bc

Owned by the CEO

book_age16+
69
FOLLOW
1K
READ
HE
second chance
dominant
kickass heroine
boss
heir/heiress
bxg
lighthearted
mystery
loser
campus
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Michaela left Gael seven years ago without him knowing. Sa tingin ni Gael ay hindi sapat ang kanyang pagmamahal para manatili sa kanyang buhay si Michaela. He thought that Michaela left him in exchange of money. She disappeared in a blink of an eye, left Gael clueless, and never came back. Seven years later, their path crossed unexpectedly. Gael thought he was already done with her. Subalit, nagbago iyon nang malaman niya ang kasagutan sa mga katanungan na pilit niyang ibinaon sa limot seven years ago. Suddenly, he wants to win her back. Will it still be possible kung siya mismo ay ikakasal na sa ibang babae?

chap-preview
Free preview
Simula: Gael Dela Vega
Nakatutok ako ngayon sa laptop habang tinitingnan ang mga shots na kinuha nila sa’kin kahapon. Kasalukuyan akong nasa coffee shop na pinagmamay-ari ni Tita Claudette – Enzo’s mother. “Here’s your coffee.” Speaking of Enzo, here he is. Nginitian ko siya nang ilapag niya ang tasa ng kape sa tabi ng laptop ko. Then he sat beside me saka siya nakisilip sa screen. “Wala talagang kupas ang kagandahan mo,” puri niya nang nakangiti, ang atensyon niya’y nasa screen pa rin. I took a sip on my coffee saka napatingin na rin sa tinitingnan niyang picture. Enzo’s been my friend for almost five years, nah, I mean he was my boss five years ago dahil five years ago ay naging personal assistant niya ako. Sinasamahan ko siya tuwing may photoshoot siya since he is a brand model. However, his manager has seen my potential to be a model, too, and luckily, hindi umayaw si Enzo no’n. He supported me since day one at ngayon ay more than two years na akong nagmo-model. We’re also being shipped by other people pero para sa’min, magkaibigan lang talaga kami. I owe him everything I have now. Naging stable ang buhay ko because of his help at sa pagtitiwala niya rin sa’kin. Hindi ko kailanman naramdaman sa kanya na mababa ang tingin niya sa’kin kahit pa no’ng personal assistant niya pa lang ako. Kaya nga ako tumagal bilang PA niya ay dahil sa ugali niya. Hindi ko nga alam kung ba’t hindi pa ‘to nagkaka-girlfriend, eh, mukhang nasa kanya naman na ang lahat. “Are you free this weekend?” tanong niya out of nowhere. “Wait. Check ko lang sched ko,” sagot ko sa kanya at mabilis na dinampot ang cellphone ko na nakalapag sa lamesa. Pumunta ako sa calendar to check my schedules. “Hmm, so far wala akong sched. Bakit?” Umayos siya ng upo. “Be my date,” diretsahang sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko at napaubo. “A-Ano?!” Date? Niyaya niya akong makipag-date sa kanya this weekend? “Enzo, malinaw naman iyong usapan natin na hanggang kaibigan lang tayo, ‘di ba?” Nagsalubong ang mga kilay niya. He looks confused but in just a snap ay biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Napangiti ito at biglang ngumisi. Sumandal siya sa kanyang inuupuan saka humalukipkip at nakangising humarap sa’kin. “Crystal clear, Mic. But what I meant was, be my date at my cousin’s engagement party. She wants to meet you kaya kailangan mo akong samahan,” paliwanag niya. Suminghap naman ako at biglang nag-iwas ng tingin. Ramdam ko ang biglang pag-iinit ng mga pisngi ko. Maryosep! Ba’t ba kasi napakadumi ng utak ko? Nakakahiya kay Enzo! Baka isipin niyang nag-assume ako na gusto niya talaga ako i-date in a romantic way. “Are you gonna say something, Michaela Isidro?” nakangising tanong niya habang hinuhuli nito ang tingin ko. Humarap ako sa kanya and acted like I’m not affected. “A-Ano?” He smirked. “Nothing.” Ibinalik niya ang kanyang tingin sa laptop ko saka siya muling nagsalita, “But if you think the other way around, puwede rin naman. Actually that idea is better.” “May sinasabi ka?” tanong ko na kunwari’y wala akong narinig. Natawa na lang ito saka umiling. Bigla siyang tumayo. “Pack your things now. May pupuntahan tayo. I’ll be back,” aniya saka ito tumalikod sa akin at naglakad papunta sa cashier. Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko saka siya hinintay na makabalik. Binuksan ko pa ang camera sa phone ko para silipin ang mukha ko. Nang makitang maayos pa naman ang itsura ko’y isinilid ko na ang cellphone sa loob ng bag ko. Nang sumulyap ako kay Enzo ay sakto namang naglalakad na siya pabalik sa puwesto ko. Tumayo na ako saka kinuha ang mga gamit ko. Gaya ng nakasanayan ay kinuha niya sa akin ang bag na bitbit ko. Mula noong naging magkatrabaho kami, pinilit niya ako na mag-resign na bilang PA niya. Hindi pa ako pumayag no’n dahil gusto kong may mahanap muna siyang magiging kapalit ko. Oo nga’t may nahanap siya ngunit hindi rin naman nagtatagal dahil naiinis lang si Enzo sa kanila. Sa limang PA na na-hire ni Enzo, mahahalata mo talaga na atensyon lang ni Enzo ang habol nila. Puro pagpapaganda, pa-cute, at pagpapapansin kay Enzo ang tanging ginagawa nila. After hiring his fifth PA na naligwak din, hindi na siya muling nag-hire pa ng bagong PA. “Saan ba tayo pupunta?” tanong ko sa kanya nang sinimulan niya na ang pag-andar ng kanyang sasakyan. “Basta,” kalmadong sagot niya, then he started driving the car. I inclined the seat saka ko isinandal ang ulo ko sa headrest. Kung ang kape ay nagpapagising sa ibang tao, kabaligtaran naman ‘yong akin dahil mas lalo akong inaantok sa kape. Hindi ko namalayan na sa pag-idlip ko’y tuluyan na akong nakatulog. “Gael, hindi ‘to puwede…” nanghihinang sabi ko nang maghiwalay ang mga labi namin. “I like you… no, I’m in love with you, Cai.” Alam kong nasabi niya lang iyon dala ng kalasingan niya, pero… “Gusto rin kita, Gael. Pero–” He began kissing me again but this kiss is more passionate, slowly and deep. Para akong nalulunod sa mga halik niya. Sa lalim ng halik niyang halos nalalasahan ko na ang alak na ininom niya. Alam kong hindi puwede itong ginagawa namin but why do I want more? Mababaliw yata ako kung sakaling hindi namin ituloy ito. He started to undress my clothes. Medyo nahirapan pa siya kaya tinulungan ko na lang siya. Pagkatapos niyang hubarin ang pang-itaas ko’y inihiga niya ako sa kanyang kama. He broke the kiss and stared at me. Mabilis akong napahawak sa pisngi ko dahil pakiramdam ko’y bigla itong uminit. Naghuramentado ang mga kulisap sa tiyan ko nang bigla siyang naghubad ng kanyang pang-itaas habang nakaibabaw siya sa’kin. "Do you trust me?" mapupungay ang mga matang tanong niya sa'kin. Humugot ako nang malalim na paghinga saka dahan-dahang tumango bilang sagot. Naalimpungatan ako nang maramdam kong may tumapik sa pisngi ko. "Mic, are you okay?" bungad na tanong ni Enzo sa'kin nang idilat ko ang mga mata ko. "Here…" He offered his handkerchief. "Tadtad ka ng pawis. Ayos ka lang ba?" muling tanong niya. Bigla akong natigilan. That dream. That man. Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Pitong taon na ang nakalilipas ngunit bakit tila sariwang-sariwa pa ito sa panaginip ko? Gael Dela Vega… anong meron at bigla kang nagparamdam sa panaginip ko?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
284.5K
bc

AKO ANG NAUNA [SPG]

read
6.3K
bc

The Real About My Husband

read
24.3K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
9.8K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
63.1K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
87.7K
bc

DON'T FALL IT'S DANGEROUS

read
6.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook