It took me seconds to respond. My hands are shaking, even my knees are trembling. Napahawak ako nang mahigpit sa purse ko.
“Are you okay, Mic?” tanong ni Enzo na may bahid na pag-alala. Sumilip pa siya sa’kin. “You’re pale. May nararamdaman ka ba? Are you sick?” He even placed his palm on my forehead.
Umiling ako sa kanya. ”Let’s go home, please. Medyo sumama yung pakiramdam ko,”mahinang sabi ko kay Enzo– sapat lang para marinig niya.
“Is everything okay?” tanong naman ni Maxine.
“Max, I’m sorry but we need to go home. Sumama raw kasi pakiramdam ni Michaela. She needs rest. I’m really sorry,” paliwanag ni Enzo.
“No, no. It’s totally fine,” umiiling na sagot niya. “Go ahead, guys.” Bumaling siya sa’kin. “Get well soon, Michaela. We’ll meet na lang some other time, okay? Mag-iingat kayo.”
Nginitian ko si Maxine. “Thanks, Maxine. Congratulations again to both of you,” nakangiting wika ko, but I’m only looking at Maxine.
Inalalayan na ako ni Enzo’t nagpaalam na siya kila Maxine at Gael, “We’re going home. Thanks, Max!” Then he looked at Gael. “To you as well, Mr. Dela Vega.” He even bowed a little to show respect.
We’re about to leave nang pigilan kami ni Gael.
“You two lived together?” he asked habang magkasalubong ang kilay.
The three of us— Me, Maxine, and Enzo are a bit confused with Gael’s question. Pare-parehas kaming napakunot ang noo sa tanong nito. What’s the big deal if ever nga na magkasama kami ni Enzo sa iisang bahay? Does it matter to him?
“If yes, ano naman ‘yon sa’yo, Mr. Dela Vega?” may halong inis na tanong ni Enzo.
Tila natigilan si Gael sa ibinato na tanong ni Enzo sa kanya.
“Enzo, tara na,” pag-aaya ko para lang hindi na mapunta pa sa iba ang usapan. Ramdam ko na rin ang tensyon sa pagitan nila and I’m getting uncomfortable of it. I’m also afraid na may mababanggit si Gael na hindi dapat niyang mabanggit— our past.
Buti na lang at hindi na nagmatigas si Enzo.
“We’re going,” I casually smiled at them, then I mouthed ‘sorry’ to Maxine.
While we’re heading our way outside the venue, walang imik si Enzo. Kapag ganitong hindi siya umiimik, alam kong wala siya sa mood. Hinihintay ko na lang na makasakay na kami sa sasakyan niya bago ko siya kinausap.
“Enzo.” Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya sa pag-start ng engine.
He immediately looked at me.
“Ayos ka lang ba? Are you mad?” tanong ko.
“That Gael Dela Vega is annoying.”
I smiled at him. “Hayaan mo na ‘yon. Don’t let him ruin your night, okay? Please calm down.”
Tumango-tango naman siya. “As I should.”
Pagkahatid ni Enzo sa’kin sa condo ay umalis na rin siya agad. He needs to go back to the event since hinahanap daw siya ni Ma’am Miranda – Maxine’s mom. Even though he didn’t want to, wala siyang magawa.
Pagkadating ko sa unit ay nag-halfbath na ako agad para makapagpahinga na. Nang makahiga ako ay saka ko muling inalala ang nangyari kanina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na nagkita kaming muli ni Gael. Sadyang mapagbiro talaga ang tadhana at sa dami ng lugar o event na pwede kaming magkita, sa mismong engagement party niya pa talaga.
Nakahalata kaya si Maxine sa naging actions ko kanina? Now that Gael saw me, ano kaya ang tumatakbo sa isip niya? Sa paraan pa lang ng pagtitig niya kanina, alam kong galit pa rin siya sa’kin. Should I explain myself to him? Should I ask for an apology?
Marahan akong umiling saka huminga nang malalim. “I know that he deserves an explanation pero it doesn’t matter already,” pakikipag-usap ko sa sarili. Totoo naman kasi. Masaya na siya’t engage na rin. Sisigiraduhin ko na lang na iyon na ang una at huling beses na magkikita kami. I will never let our path cross again.
Hindi ko namalayan na sa daming bumabagabag sa isip ko’y nakatulog na pala ako.
Nagising ako kinabukasan nang marinig kong may kumakatok sa labas ng unit ko. Napakamot pa ako ng ulo dahil naistorbo nito ang tulog ko
“Wait!” sigaw ko habang kinukusot ang mga mata ko.
Mabilis kong dinampot ang cellphone na nasa ibabaw ng unan ko and checked the time. Napakunot ako ng noo nang makitang alas otso na pala ng umaga. Napasarap yata ang tulog ko.
I lazily got up and walked through the door para buksan iyon habang inaantok pa rin ang mga mata.
“Enzo, why are you early—“ Natigilan ako nang mapagtanto na hindi si Enzo ang nasa labas ng unit ko.
I never thought of someone para puntahan ako rito sa condo. Paano niya nalaman na ito ang unit ko? How the hell did he knew na dito ako nakatira?
Ang kaninang inaantok na diwa ko ay biglang nagising.
“We met again,” he said in a cold tone while blankly staring at me. Pinagmasdan niya pa ako mula ulo hanggang paa na parang hinuhusgahan nito ang buong pagkatao ko.
I can hear my heartbeat pounding. Gusto ko siyang itulak o pagsaraduhan ng pinto but my body can’t even move.
“What are you doing here, Gael?” I asked, nervously.
He’s casually standing right infront of me.
“Before asking me, can you atleast present yourself decently? You’re not even wearing a bra,” aniya.
Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niya iyon. Mabilis kong ibinaba ang tingin ko sa sarili only to realize that I’m not wearing a bra at naka-sleep nightwear pa rin ako. I’m only wearing a silky black nightdress for Pete’s sake!
Napatakip ako ng dibdib at sinamaan siya ng tingin.
“You, p*****t!”
Lalong kumunot ang kanyang noo. “Is this how you welcome your visitor?”
“You are not my visitor. You didn’t even ask permission from me na dadalaw ka. So please, Mr. Dela Vega, umalis ka na.”
“No,” matigas niyang sambit. “You owe me an explanation, Michaela.”
“Wala akong dapat na i-explain sa’yo, Gael. That was seven years ago for Pete’s sake! Does it still matter to you?”
“Yes, it does!” I know that he’s been controlling his tone of voice kahit ramdam kong gusto niya na akong sigawan. He continued, “You left me without even bidding your goodbye, Michaela. Alam mo ba kung gaano kasakit ‘yon?”
Natahimik ako.
“Until now, I’ve been asking myself the same question… ba’t mo ako iniwan?” dagdag niya pa.