JEZRA
“‘Yan na nga ba sinasabi ko sa iyo, friend. Diyos ko naman! Bakit ayaw mong iwanan ang walang kuwenta mong asawa?” naiinis na saad ni Genelyn sa akin. Tapos na nitong nilinis ang aking sugat at ngayon nilagyan nito ng cold compress ang bukol sa aking ulo. Alam kong naawa lang sa akin ang kaibigan ko kaya niya ito na sabi.
Marahas akong bumuntonghininga at ilang ulit ng buga ng hangin upang makahinga ako ng maayos dahil sa bigat ng aking pakiramdam. Pakiwari ko tila may malaking kamay na pumipiga sa aking puso at halos hindi na ako makahinga. Makailang ulit din akong napakurap upang pigilan ang aking sarili at hindi na muling mapaiyak pa.
Huminga ako nang malalim bago sinagot si Gen dahil tila nay bumara sa aking lalamunan at nahirapan akong magsalita.
“Mahal ko si Brix. Nangako ako sa harap ng Diyos na sasamahan ko siya sa hirap at ginhawa.” halos pabulong kong tugon kay Genelyn. Napaigtad ako ng ibinagsak nito ang kaniyang bitbit na cold compress bag. Nanatili itong nakatayo at nakapamaywang sa gilid ko at mataman akong pinakatitigan. Kapag kuwan hinila nito ang isang upuan at tumabi ito sa akin. Napaangat ako ng tingin nang ginanap nito ang kamay ko bilang simpatiya nito sa akin.
“Jezra naman. Aanhin mo ang pagmamahal na iyan kung ikamatay mo naman? Hindi nauso ang martir-matiran ngayon friend. Lumaban ka. Hindi iyong magpapa-api ka. Asawa ka niya kaya wala siyang karapatan na saktan ka niya nang ganyan! Sabi ko na nga ba, eh. Unang kita ko pa lang sa lalaking iyan ayaw ko na siya para sa iyo. Naku! kung hindi ako makapagpigil ipapabugbog ko iyan sa mga tambay sa kanto namin!”
“Gen, please. Huwag mong gawin iyan. Asawa ko pa rin si Brix.” puno ng pagsusumo kong saad. Kilala ko siya alam kong gagawin nito kung ano ang lumabas sa bibig niya.
“Asawa? Walang asawa na kung tratuhin ka parang alipin niya! Walang siyang puso daig pa niya ang demonyo! Tulad ngayon kung hindi pa ako dumating baka pinaglamayan ka na namin. Dahil iniwan ka lang ng walang kuwentang Brix na iyon na sugatan at duguan. Jezra, tama na. Maawa ka naman sa sarili mo. Sa pamilya mo. Ano ba ang gusto mo umuwi ka sa kanila na bangkay dahil sa pagmamahal mo sa lalaking iyan.” nagsimula na rin manubig ang aking mga mata. Totoo naman ang lahat ng sinabi nito. Pero kahit ganito ang pakikitungo sa akin ni Brix hindi mababago ang katotohanan na asawa ko pa rin siya. Mahal na mahal ko at hindi ko gugustuhin na may mangyaring masama sa kaniya.
Hindi ko na mapigilan ang luha kong dumaloy sa aking pisngi nang maramdaman ko ang bisig ni Genelyn. Niyakap ako nito nang mahigpit. Tuluyan na akong napahikbi. Gusto kong ibuhos lahat ng sakit.
“Sige, Iiyak mo lang iyan friend. Don’t worry hindi kita pababayaan.’ Hinimas-himas nito ang bandang likuran ko. Kapag muling nagsalita ito.
“Jezra, iwanan mo na siya. Maawa ka naman sa sarili mo. Hindi mo deserve ang tratuhin ng ganiyan. Nasaan na ang dating kaibigan ko na matapang at hindi magpapaapi. Ibalik mo na ang dating ikaw.” napahikbi na rin ito habang yakap-yakap ako. Sa kabila na aking hirap na nararanasan nagpapasalamat pa rin ako na may tunay akomg kaibigan na nagmamalasakit sa akin. Siya lang ang nakakaalam sa totoong sitwasyon ko ngayon dahil ayaw kong ipaalam kay Inay at Itay. Ayaw kong pati sila madamay sa problema ko. At mas lalong hindi ko nais na mapasama si Brix sa mga magulang ko.
“Hi-hindi ko kaya,Gen. Hindi ko kayang iwan siya. Kailagan siya ang mga anak namin.” Umiiling-iling kong saad habang walang humpay ang pag-agos ng aking mga luha. Marahas na buntonghininga ang naging tugon ng kaibigan ko.
“Sige, wala na akong magagawa kung iyan ang kagustuhan mo, friend. Basta kapag hindi mo na kaya tawagin mo lang ako, ha.”
Tumango-tango ako sa naging pahayag ni Gen. Hanggang makakaya ko hindi ako bibitaw. Hindi ko hahayaan na mauwi sa wala ang marriage na ito. Hindi ko susukuan ang asawa ko dahil naniniwala pa rin ako na babalik pa ang dating Brix na asawa ko. Balang-araw maging masaya rin ulit ang pamilya ko.
“Gusto mo ba umalis muna rito? Sasamahan kita para naman. makalimutan mo ang nangyari ngayong araw. Lumabas ka rin ng bahay minsan para naman makalanghap ka rin ng hangin na hindi galing sa electric fan.”
Inabot ko ang kamay ni Genelyn na nakapatong sa mesa at ginanap ko ito. Bahagya akong ngumiti sa kaniya.
“Salamat, dahil nandiyan ka lagi sa tabi ko. Siguro kung wala ka hindi ko ma alam ang gagawin ko.” seryoso kong saad sa kaniya. Pinahid nito ang luhang namumuo sa kaniyang mata.
“Ano ka ba, Jez. Bata pa lang tayo matalik na tayong magkaibigan. Hindi lang magkaibigan amg tingin ko sa iyo. Kaya wala kang dapat ipagpasalamat sa akin. Amanus lang tayo dahil nandiyan ka rin sa tuwing kailangan kita.”
Hindi na ako nag-atubili pa na sumama kay Gen dahil nais gusto ko rin kalimutan ang lahat na masamang nangyari sa araw na ito. Hindi ko rin masisisi si Brix kung bakit nasaktan ako nito dahil kasalanan ko rin naman. Alam kong hindi sanay sa mga pagkain na pangmahirap pero noodles ang inihanda kong pagkain sa kaniya.
Gumagabi na pero hindi pa rin ako umuuwi ng bahay. Wala pa akong ganang umuwi. Mag-isa lang naman ako roon dahil paniguradong hindi na naman uuwi ang asawa ko sa bahay. Ilang gabi na siyang hindi natutulog sa amin. At kinabukasan na ito umuwi. Gusto kong tanongin siya kung saan ito natutulog pero wala akong lakas ng loob para gawin iyon. Dahil paniguradong bugbog sarado naman ang aabotin ko kapag pakialaman ko siya.
Dito ako dinala ni Gen sa aming dating tambayan. Sa rooftop ng kaniyang condo. Dito kami madalas noon sa tuwing gabi. Magpapahangin at magkukwentohan hanggang dalawin ng antok.
“Here, uminom ka muna ng juice. Parating na ang inorder kong pagkain. And guess what? Nag-order ako ng chickenjoy, ang favorite mo.” Masiglang saad ni Gen sa akin. Mabini akong ngumiti sa kaniya bago tinanggap ang baso ng juice na binigay nito sa akin.
Naramdaman ko ang pagtabi ng upo nito sa akin.
Napabaling ang tingin ko sa aking kaibigan ng muli itong nagsalita Nakatingala sa langit at may ngiti sa labi habang pinagmasdan ang mga bituin.
“Napakaaliwalas ng kalangitan, ano? Napakaraming bituin. Sana ganoon din ang mukha ng kasama ko ngayon kaso tila pinagtakloban ng langit at lupa ang hitsura niya ngayon.” napakunot ang noo ko sa aking narinig. At kinurot ng pino ang kaniyang tagiliran.
“A-aray, friend! Binibiro lang naman kita. Gusto lang kitang patawanin. Napakabigat kasi ng mukha mo na tila laging pasan ang daigdig. Pero sabagay totoo naman ang tinuran ko,” reklamo nito sa akin.
Napatawa ako sa kaniyang tinuran. Napakabuti sa akin ni Gen.
Kahit paano lumuwag ng kaunti ang nararamdaman ko. Nagpagkuwentuhan namin ang mga karanasan namin noon. At panaka-nakang nagtatawanan.
“Salamat friend. Kahit paano gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko na kasi alam kung kailan ako huling tumawa.” malungkot saad.
“Naku! Huwag kang laging magpapasalamat sa akin. What are friends are for?”