Chapter 2

1150 Words
Chapter two JEZRA POV LUMIPAS ang mga araw at buwan tuluyan ng naglaho ang pag-asa kong bumalik pa ang dating Brix na nakilala, pinakasalan at minahal ko. Tinanggap ko na bukal sa aking kalooban na siguro ito na talaga siya. Hindi ko na mababago ang ugali niya. Lately ko lang nalalaman na hindi lang pala siya naglalasing kundi nagsusugal na rin. Marami na nagbago sa kanyang ugali. Ngunit hindi ko siya kayang sawayin dahil bugbog na naman ang aabutin ko. Naghahanap na rin ako ng sideline para s mga anak namin dahil minsan na lang siyang magbibigay ng pera sa akin. Martyr na kung tawagin pero hindi ko kayang iwan ang asawa ko. Mahal ko siya kahit nagbago man siya. Dahil ang tunay na pagmamahal hindi naman iyan nagbabase sa ugali. Wala ano man rason kung bakit minahal mo ang isang tao. “Tamad ka talagang babae ka! Bumangon ka riyan at ipaghanda mo ako ng makakain. Kay aga-aga nakahilata ka pa rin diyan!” asik sa akin ng mahal kong si Brix. Masama ang pakiramdam ko dahil sa buong araw kong paglalaba kahapon kaya nagpahinga muna ako sandali. “Pasensiya na mahal. Masama lang talaga pakiramdam ko.” “Ah, dami mong sat-sat kumilos ka na! At baka matamaan ka pa sa akin! Wala ka talagang kadala-dala!” Pabagsak nitong sinarado ang pinto. Dahan-dahan akong bumangon kahit mabigat ang pakiramdam ko. Hindi na ako nagsuklay at diritsong tinali ang mahaba kong buhok. Pumasok ako sa banyo at naghilamos. Tinitigan ko ang aking sarili sa salamin. Mugto ang aking mga mata dahil sa gabi-gabi kong pag-iyak at may kulay itim na bilog sa ilalim nito. Hindi pa rin tuluyang nawala ang pasa ko sa may balikat dahil sa malakas na pagkasuntok sa akin nitong nakaraang araw. Pinahid ko ang aking mga luha at nagmamadaling lumabas ng silid. Baka babalik na naman ito wala pa akong naihain na pagkain. Naabutan ko siya sa may sala. Nakatitig sa may kisame may hawak na sigarilyo ang kaliwang kamay at bote ng red horse ang kanang kamay. Tinungga niya ang bote at kasunod ang paghit-hit ng sigarilyo. Matagal na natili ang usok sa bibig nito bago binuga. Dati hindi ko naman siya nakitang gumagamit ng yosi.Mabuti na lang at inuwi ko muna ang mga anak namin sa probinsiya. Ayaw kong makita ng mga anak ko ang kanyang ama na nagkakaganyan. At madalas na rin niya ito napagbuhatan ng kamay ang mga anak namin. Nang mabaling ang atensiyon nito sa gawi ko, matalim ang tingin ipinukol sa akin. “Ano may sasabihin ka ba? Ikaw, Jezra. Kung ayaw mong matamaan sa akin huwag mong pakialaman ang buhay ko. Ano may pagkain na ba? Nagugutom na ako!” “Wa-wala pa magluluto pa ako mahal.” “Oh, ʼyon naman pala. Ano pa ang tinutunga-nga mo rʼyan? Kumilos ka na!” Mabilis ang mga hakbang ko tinungo ang kusina. Dumaan ako sa kanyang harapan at ramdaman ko ang mga titig niya sa aking likuran hanggang tuluyan na akong makapasok sa loob. Nagmamadali akong nagluto ng kainin sa may rice cooker at pinirito ko ang tuyo, itlog at nagluto rin ako ng beef noodles. Wala na kasing laman ang ref at ito na lang natira. Wala rin akong maipamalengke dahil hindi naman siya nagbibigay sa akin ng pera at ang kita ko sa paglalabada ay pinapadala ko sa mga anak ko. Habang naghihintay na maluto ang kanin. Sinimulan ko na rin linisin ang kusina. Napaigtad ako nang biglang bumukas ang pinto ng kusina. “Ano hindi ka pa ba tapos diyan? Putek ka talagang babae ka.. Pinaghihintay mo ako! Hindi ba sabi ko sa iyo bilisan mo!” Napaigik ako dahil sa lakas ng pagkakahila niya sa buhok ko. Napatingala ako nang mahigpit nito hinawakan ang panga ko. Nagsimulan ng tumulo ang aking mga luha dahil sa sakit na aking nadarama. “Tama na Brix. Parang awa mo na bitawan mo ako! Nasasaktan ako.” Umiiyak kong pagmamakaawa sa kanya kasabay ng paghawak ko sa kanyang mga kamay. Ngunit embes na maawa sa akin tila na sisiyahan pa itong nakikita akong nasasaktan. “Iyan ang bagay sa iyo dahil ang tigas ng ulo mo!” galit nitong saad kasabay ng pagbitaw sa akin. Mahigpit akong kumapit sa aming lababo dahil sa pangangatog ng aking mga tuhod na tila ba ano mang-oras l matutumba na ako. Patuloy ang pagdaloy ng aking mga luha na tila ba walang kapaguran at hindi nauubusan. Nakakapagod na paligi na lang ganito pero mas nanaig pa rin ang pagmamahal ko sa kanya. Kaya handa kong tanggapin ng pananakit niya sa akin kung iyan ang ikaliligaya ng asawa ko. Nagmamadali kong hinain sa mesa ang mga naluto kong pagkain. At pagkatapos lumabas na ako ng kusina upang tawagin siya. Nadatnan kong malakas itong tumawa habang may kinakausap ito sa kanyang cellphone ngunit mabilis nitong pinatay nang mapansin niya ang presensiya ko. Napalunok muna ako ng laway bago nagsasalita. Natatakot ako na baka nagalit na naman ito sa akin. “Ah, na-nakahanda na ang pagkain, ma-mahal.” Nangangatog ang mga tuhod ko sa paraan ng kanyang pagkakatitig sa akin. Lalo akong nakaramdam ng kaba nang tumayo ito at walang imik na naglalakad. Napapikit ako sa aking mata nang matapat ito sa akin. Akala ko sasampalin na naman niya ako. Ngunit ilang segundo ang nakalipas walang palad na tumama sa mukha ko. Nagmulat ako sa aking mga mata at nakita ko siyang nag tuloy-tuloy sa kusina. “Jezra! Halika ritong babae ka!” malakas nitong tawag sa akin. Malakas na buntonghininga ang pinakawalan ko at sumunod papasok sa kusina. Alam kong galit na naman ito. “Ba-bakit ma-mahal?” nauutal kong tanong sa kanya. “Anoʼng bakit? Ito ba ang ipapakain mo sa akin, ha! Ano'ng akala mo sa akin, pulubi!” singhal nito sa akin. “Pa-pasensiya na, wala na kasi tayong pera pambili ng pagkain,” nakayuko kong tugon sa kanya. “Pasensiya, puwes. Kainin mo ang lahat ng ito!” Bigla nitong hinablot ang braso ko at pinaupo sa silya. Hinawakan niya ang batok dahilan ng pagkatingala ko sa kisame at biglang nitong sinalampak ang pagkain sa bibig ko. "Sige, ubusin mo itong lahat. Wala ka talagang kuwentang babae ka! Pabigat ka talaga sa akin!” Napaubo ako dahil sa daming nilagay na pagkain sa aking bibig nais kong magsalita ngunit hindi ko magawa. Hindi pa siya nakuntento at ibinuhos sa aking ulo ang niluto kong noodles. “ʼYan, ewan ko lang kung hindi ka pa magtanda! Next time, maghanap ka ng desenteng pagkain para sa akin!” Binagsak nito sa mesa ang pinggan dahilan ng paglikha ng malakas na tunog at iniwan na ako sa kusinang nanghihina. Tuluyan na akong napasulampak sa tile habang walang humpay na pagtulo sa aking mga luha. Nakapanglulumo na ang dating masaya naming pagsasama ay naging babangunot na para sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD