chapter four

1012 Words
JEZRA Alas-diyes na ng gabi nang ihatad ako ni Gen sa aming bahay. Hindi na rin siya pumasok kasi may pupuntahan pa siya. Gusto sana niya na sa condo na lang ako nito matutulog pero tumanggi ako. Walang maghahanda ng pagkain kinaumagahan pagdating ni Brix. Nagmadali akong nagpaalam kay Gen at bumaba ng sasakyan. Natanaw ko kasi na maliwanag ang bahay namin. Ibig sabihin na riyan si Brix. Samo’t sari ang aking nararamdaman. Nakaramdam ako nang saya baka nag-alala at naawa ito sa akin kanina kaya bumalik ito ng bahay. Eh, hindi na lang sana ako umalis pa ng bahay. Mabilis ang naging kilos ko. Kaagad kong kinuha ang pungpong ng mga susi na sa aking bag at kaagad binuksan ang gate. Halos takbuhin ko na ang maindoor ng aming bahay para makapasok kaagad. Nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang doorknob ng pinto dahil sa labis katuwaan ko. Pagbukas ko pa lang ng pinto sumalubong sa akin ang mabangong amoy ng nilutong ulam. Lihim akong napangiti sa aking naiisip. Hindi kaya bumalik ang dating Brix na mahal ako? “Sana nga Lord totoo itong naiisip ko.” lihim kong dasal. Inilapag ko sa center table ang aking dalang shoulder bag at pumasok sa loob ng kusina. Napatakip ako sa aking bibig sa aking nakita. Puno ng mga masasarap na pagkain ang mesa namin. May dalawang nakataob na plato. May mga maraming prutas pa. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili na mapaluha dahil sa labis na kagalakan. Ito na kaya ang katupasan ng aking paghihirap? Dininig na ba ng panginoon ang aking panalangin na sana bumalik sa dati ang mahal kong asawa. Napabaling ang atensiyon ko sa kumukulong niluto sa kalan. May nakasalang pa kahit ang dami ng pagkain sa mesa. Kaagad ko itong nilapitan at bahagyang pinahinaan ang apoy. “Hmmp, ang bango.” kumento ko ng malanghap ko ang amoy ng mabangong ulam. Pinahid ko ang luha sa aking mga mata. “Smile ka lang , Jezra. Hindi ka na dapat umiyak.” Hinalo ko ang kumukulong ulam pagkatapos tinakpan ko ito ulit. Nagpalinga-linga ako sa paligid wala si Brix dito sa loob. Hindi kaya nasa kwarto pa namin at may inihandang surpresa? Hinila ko ang isang upuan namin at umupo roon. Hindi muna ako umakyat sa amjng silid. Ayaw kong masira kung ano man ang inihanda niya. Bigla akong natakam habang pinagmamasdan ko ang mga ulam na nakahain sa mesa. Kaya nagpasya akong tikman ang kaldereta. Ngunit isubo ko na lang sana sa aking bibig nang bumukas ang pinto ng kusina. Inilapag ko ang hawak na kutsara. Hindi na lang ako titikim dahil nandito na si Brix. Kaagad akong pumihit sa kaniya paharap at nakahanda ang matamis na ngiti sa aking labi at sinugod ko siya nang mahigpit na yakap habang napahikbi na akong nanghiya. “B-Brix, T-thank you. Akala ko hindi na ito mauulit pa. Akala ko hindi mo na ako ma-” Ngunit hindi ko naituloy ang nais kong sabihin dahil mahigpit na nitong hinawakan ang magkabila kong braso na nakayakap sa kaniya at tinanggal ito sa kaniyang leeg. Nagtaka ako sa kaniyang ginawa. Akala ko ba magbabago na siya? Kahit malabo ang aking paningin dahil hilam sa luha ang aking mata nag-angat ako ng tingin. Ngunit napaatras ako sa aking nakikita. Nanlilisik ang mata na nakatingin ito sa akin na tila ba isang mabangis na leon na handang kainin ako ano mang oras. “Ano ginawa mo sa pagkain namin?” galit na tanong sa akin ni Brix. Napaigtad ako dahil sa kaniyang ginawang pagsigaw na dumadagundong sa loob ng kusina. Hindi ko magawang sumagot dahil sa labis na paninikip ng dibdib ko. Dumagdag pa na tuluyan na akong napagulhol. Tila ako ngayon sinabuyan ng isang balde ng malamig na tubig. Nagising ako sa realidad. Isang masakit na katotohan na kahit kailan hindi ko na maibababalik ang dating siya. Masyado lang akong assuming. Nagkakamali lang pala ako ng akala. “I-I’m so-sorry Brix. Akala ko kasi para sa atin ang pagkaing ‘yan,” nagkandautal-utal kong saad. Nagsimula na rin kasing nanlambot ang aking mga tuhod. “Sorry! I’m tired for your sorry! Wala ka ng ibang ginawa kundi bigyan ng sakit ang aking ulo! Kahit kailan kamalasan ang dala mo!” Hindi ko alam kung bakit nasabi sa akin ni Brix ang lahat ng iyon. Wala naman akong ginawang masama. Ako ba ang sinisisi niya kung bakit nalugi ang kompaniya nito? Napaigik ako dahil sa sobrang hapdi ng aking ulo dahil sa pagkakasabunot nito sa aking buhok. Nariyan ang sugat sa aking ulo kaninang umaga. “A-aray! B-Brix. Bitawan mo ako.” puno ng pagmamakaawa ko sa kaniya. “Hindi ka talaga marunong magtanda babae ka! I will kill you! You b***h!” muling sigaw nito sa akin. Mariin akong napapikit ng itinaas nito ang kaniyang isang kamay akmang sasampalin na ako nito. Ngunit ilang sandali ang nakalipas walang lumapat na palad sa aking mukha. “Hey, babe. What’s happening here?” malambing natinig ng babae. Npamulat ako sa aking mata dahil sa narinig. Akala ko wala ng mas sasakit pa sa ginawang pag mal-trato sa akin ng aking asawa. Ngunit mali pa pala ako dahil tila napunit ng ikawalong libong beses ang aking puso sa aking nasaksihan. Kaya pala hindi tuloy ang pagsampal sa akin dahil kaagad nitong sinalubong ang babaeng nakasuot ng kulay pula maiksing nighties. Matangkad ang babae at medyo wavy ang kulay itim nitong buhok. “Babe, you're awake. Come, I cook something for you. And I’m sure you’re gonna love this,” malambing nasalubong sa aking asawa sa babae at walang pag-alinlangan na inangkin nito ang labi ng babae. “Yeah, that's why I love you babe. You’re so sweet.” Humahagikhik naman ito. Nanatili akong nakatayo sa sulok ng kusina. Nanlalambot ang mga tuhod at hinayaan ko lang na umagos ang masaganang luha sa aking pisngi. Dahan-dahan kong naikuyom ang aking kamao. Gusto kong saktan ang babae. Wala siyang karapatan sa pamamahay ko. Pero wala akong lakas upang gawin ang nasa isip ko. Nanginginig ang mga kamao ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD