Chapter one
JEZRA POV
KAHIT hindi man sabihin sa akin ng asawa ko na may problema siya ay nararamdaman kong may tinatago ito. Ilang araw ko ng nakikitang tulala ito nakatitig sa may kesame. Mainitin lagi ang ulo nito at apektado na ang aming mga anak namin dahil na niya magawang pakipaglaro rito.
“Mahal may problema ba? Puwede mo naman e-share sa akin ʼyan. Para ano pa at mag-asawa tayo. Huwag mong solohin iyan. Sige ka baka madali kang tatanda niyan,” sinubukan kong ko siyang kausapin at idaan ko na lamang sa biro. Ngunit nagulat ako sa sagot nito hindi ko ito inaasahan.
“Puwede ba Jezra, kung wala kang matinong sasabihin manahimik ka na lang. Huwag mo ng dagdagan pa ang iniisip ko!” singhal nito sa akin. Aminin kong nasasaktan ako sa inasta ng asawa ko. First time niya akong sininghalan. Pero iniitnindi ko na lamang ito.
“Hindi naman sa ganoon mahal. Sa akin lang puwede mo naman sabihin sa akin ng sa gayon ay hindi ka mabibigatan,” malumanay kong saad sa kanya. Ayaw kong patulan ang init ng ulo niya. Ganoon kasi kami.
“Fine, kung iyan ang gusto mo. Hindi ko na alam kung paano isasalba ang kompanya natin. Lubog na tayo sa utang Jezra. I felt disappointed to myself. Our company was already bankrupt. I'm afraid paano ko kayo bubuhayin ang mga anak natin. Ako, hindi ako sanay sa hirap. Now, tell me ano'ng maitutulong mo, ha? Pawang gawaing bahay lang ang alam mo!” Napalunok ako sa aking narinig. Nalulungkot ako sa kompanyang pinamana sa kanya ni Daddy. Pero mas nasasaktan ako dahil wala akong magagawa na tulungan siya.
“lʼm sorry. Brix.” Napayuko na lamang ako dahil nagsisimula ng nagbabadya ang aking mga luha.
“Tssk...sorry. Hindi nakakatulong iyang sorry mo!”
Tuluyan na itong lumabas sa silid namin. At naiwan akong impit na napaiyak. Hindi ko akalain na darating ang araw na ito. Na ganito ako pagsalitaan ni Brix.
Simula nang araw na iyon ay naging simula na naging impyerno ang buhay ko. Nagbago na ang pa kikitungo niya sa akin. Tila kay lamig ng yelo ang mga tingin na ipinukol nito sa tuwing nakatingin ito sa mukha ko. Wala na ang dating init ng pagmamahal na pinagsasaluhan namin. Walang araw na hindi ito maglalasing at pagkatapos sa akin niya ibaling at galit. Tiniis ko ang lahat ng mga masasakit na salita na ibinabato sa akin. Sinisisi niya ako sa nangyari sa kompanya. Simula raw na mag-asawa kami puro kamalasan ang dala ko. Tinuturing niya akong salot.
Hindi ko naman siya masisi kong bakit naghihirapan itong tanggapin na mawala na sa kanya ang pinamana sa kanyang kompanya sa kanyang ama. Marangyang pamumuhay ang kinagisnan ni Brix. Nakukuha at nabibili niya lahat na gusto niya. Namatay sa car accident ang manugang ko ilang araw ang lumipas pagkatapos namin ikasal.
Hindi katulad ko na sanay sa hirap dahil namulat ako sa buhay namin sa probinsiya na tanging pagsasaka lang ang kinabuhay ng aking mga magulang. High school graduate lang ang natapos ko. Nakipagsapalaran dito sa malaking siyudad ng Maynila. At pinalad na makapasok ng sales lady sa isa sa malaking mall at doon ko nakilala si Brix.
Unang kita ko pa lang sa kanya ay may kakaiba na akong nararamdaman sa kanya. Ang akala ko ay hindi na kami magkikita ulit ngunit nagkakamali ako dahil simula noon ay halos araw-araw na kaming nagkikita at lagi niyang request na ako ang mag-entertain sa kanya. Hanggang hiningi niya ang number ko para tawagan na lang daw niya ako kapag may kalailangan siya. Hindi rin ako nagdalawang isip na ibigay sa kanya dahil na puno ng kilig ang puso ko.
Umabot ng limang uban ang panliligaw niya sa akin dahil nagdadalawang isip pa ako noon. Natatakot ako na baka pinaglalaruan lang niya ako dahil sa layo ng agwat ng pamumuhay namin. Isa lamang akong hamak na trabahanti samantalang siya na pag-alaman ko na CEO sa sariling companya. Ngunit napaka-consistent ng kanyang panliligaw sa akin kaya hindi nagtagal ay binigay ko na sa kanya ang matamis kong Oo.
Second monthsary namin ng inalok niya ako ng kasal. Hindi na rin ako tumanggi pa dahil natatakot ako na baka maagaw siya ng iba sa akin dahil alam kong maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya dahil sa taglay nitong kagwapohan at kakisigan. At isa pa sino ba naman ako natatanggi sa isang Brix Fernandez.
Mapait akong ngumiti at pinahid ang aking mga luhang nag-uunahan nagsilaglagan sa aking pisngi. Sobrang sakit na umabot kami sa ganito. Ang bahay namin na puno ng tawa ng aming mga anak. Puno ng pagmamahalan ay napalitan ng luha at pighati.
Limang taon kaming nagsasama na puno ng saya at ligaya. Lalo na nang biniyayaan kami ng panginoon sa aming dalawang supling na manang-mana kay Brix. Dati larawan kami ng isang masayang pamilya. Kinaiinggitan ako ng aking mga kaibigan dahil napaka suwerte ko raw sa kanya. Guwapo, mayaman at mabait halos na sa kanya na ang lahat. Pero ngayon hindi ko na alam kong ang mararamdaman ko. Matatawag na na suwerte ang pagpapakasal ko sa kanya.
Mabilis kong pinahid ang aking mga luha nang marinig ko ang tinig ng aking asawa. Hating gabi na, pero ngayon lang siya umuwi at usual lasing na naman ito. Ngunit hindi na ako nagtataka dahil sanay na ako. Tatayo na sana ako nang biglang binuksan nito pabalibag ang pintuan ng aming silid. At bumungad sa akin si Brix na pasuray-suray na naglalakad.
“Jezra! Ka-nina pa, hek. Tawag, hek nang tawag sha iyo! Bi-bingi ka, hek ba? hek!” nagkandautal-utal nitong sabi sa akin at napasinok pa ito dahil sa labis na kalasingan.
“Pasensiya ka na Brix. Nakatulog na kasi ako.”
“Ah! Pa-shen siya, hek. I-ikaw sha-lot ka ta-lagang babae ka! Da-dahil sha iyo, hek. Nagkanda litse-litse ang buhay ko!”
Napaigik ako dahil sa malakas natumama ang malaki niyang palad sa aking pisngi. Ganito naman lagi. Kung hindi niya ako sampalin ay suntukin. Sanay na ang katawan ko. Pero kahit ganoon pa man handa kong tanggapin lahat ng pananakit sa akin. Dahil mahal ko siya. Nangako ako ng pangingoon na sasamahan ko siya sa hirap at ginhawa.