Book 2/Part 8: Kamandag Ng Buko Pie

5149 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full -----------------------  Puwersahang hinila ni John si Ian palayo kay Timmy atsaka pinaulanan ng suntok ni John ang mukha ni Ian.   Bumagsak sa sahig si Ian. Duguan ang kanyang bibig. Pinilit ni Ian na tumayo upang gumanti at paulanan din ng suntok si John. Ngunit dahil naunahan siya ni John at hilong-hilo pa siya dahil sa tindi ng suntok ni John, hindi siya makaporma. Sadyang magaling naman talaga si John sa self-defence kung kaya ay walang kalaban-laban sa kanya si Ian.   “Tama na! Tama na!” ang sigaw ni Timmy na pumagitna, pilit na hinila niya si John palabas ng bahay.   “Tangina mo! Dudurugin ko iyang mukha mo kapag ginawa mo uli ito! Tandaan mo iyan!” ang sigaw ni John kay Ian nang nasa lbas na siya ng bahay. Kung hindi lang siya hinila ni Timmy, siguradong may bali sa katawan si Ian.   “So ito ang sinasabi mong meeting ng student council? Ha? May halikan na pala ang meeting ng student council? Putangina!” ang sigaw ni John kay Timmy.   “Sa bahay na tayo mag-usap. Nakakahiya,” ang sagot ni Timmy.   “So ngayon ay nahihiya ka na!”   Hindi na umimik si Timmy. Sinuklian lang niya ng matulis na tingin si John. Nang makapara na sila ng tricycle at nakasakay na, wala silang imikan. Hanggang dumaan ang tricycle sa restaurant kung saan sila unang nagkainuman. Pinara ni John ang tricycle at dali-dali siyang bumaba.   “Mauna ka na sa bahay!” ang bulyaw niya kay Timmy.   “Sabay tayo,” ang sagot ni Timmy.   “Mauna ka na sabi!” ang giit ni John.   Ngunit bumaba rin si Timmy sa tricycle at binayaran ang driver.   Wala nang nagawa si John kundi ang hayaan si Timmy na sumunod sa kanya patungo sa restaurant. Tinumbok ni John ang isang bakanteng mesa at naupo sa bangko. Tumabi sa kanya si Timmy.   “Kalahating case ng beer po!” ang sigaw ni John sa waitress.   “Iinom ka?” ang tanong ni Timmy.   “Bakit? Ikaw lang ba ang marunong uminom? Mabuti nga sa iyo ay may humahalik eh.”   “H-hindi naman iyon humahalik. Nalasing lang iyon at dahil sa mga problema niya, inaakbayan niya ako,” ang pangangatuwriran pa ni Timmy.   “Hindi halik? Iyong naglapat ang mga labi ninyo ng may limang minuto, hindi halik iyon? Ano iyon? Aksidenteng nagdikit ang mga labi ninyo na parang may mga magnet? O bigla ka lang natumba tapos imbes na saluhin ng kanyang bisig ang iyong katawan, ang ginamit niyang pansalo ay ang bibig niya at bibig mo lang ang sinalo niya? Ganoon ba iyon?”   “Hindi nga iyon humahalik eh. Kulit mo!”   “Ay sus! Kitang kita sa mga mata ko ah! Hirap sa iyo, ginagago mo ako eh!”   “Eh, kung gusto mo, doon tayo sa bahay mag-inom... at hahalikan kita habang umiinom ka.”   “Putanginang iyan! Bakit sa bahay pa? Bakit hindi mo kaya rito?”   Nilingon ni Timmy ang paligid. Nakita niya na puno ng tao ang Carenderia. “Eh...”   “Hindi mo kaya...”   Hindi nakaimik si Timmy. Sa isip niya kasi ay bagamat alam ng mga barkada niya at ibang mga estudyante ang kanilang relasyon, hindi naman talaga sila officially na umamin sa publiko na sila talaga. Bagamat may pagpapahiwatig ngunit never nilang inamin. At isa pa, pmapublikong lugar iyon. Maraming magagalit o mababastos.   “Gusto ko ay iba naman ang kahalikan ko. Nagsawa na ako sa iyo eh,” ang sambit ni John nang hindi nakasagot si Timmy.   Hindi na umimik pa si Timmy. Alam niyang galit si John at kailangan niyang amuin ito. Sa parte ni John, bagamat galit siya kay Timmy, hindi rin niya magawang saktan ang taong mahal. Kaya hanggang sa salita na lang siya.   Nang dumating ang inorder niyang beer, agad niyang kinuha ang isang bote at binuksan. Nang dumampot si Timmy ng isang bote, “Hep... kahit sa isip ay huwag mong gawin iyan! Ako lang ang puwedeng uminom! Tapos ka na!”   Ibinalik ni Timmy ang bote sa mesa. Nakatingin na lang siya kay John na tumungga sa bote ng beer.   Nang naubos na ang inorder niyang beer, muling nag-order si John. Halatang tinamaan na sa kanyang nainom. “Miss, sampung beer pa.”   “Dalawang beer na lang, Miss. Lasing na iyan,” ang pagsingit ni Timmy.   Tinitigan ni John na matulis si Timmy. “Ba’t ka ba nakikialam dito?” at baling sa waitress. “Sampung beer pa Miss. Ako naman ang magbabayad nito eh.”   Tumalima ang waitress. Ngunit hindi pa siya nakalayo ay, “Miss, puwede ka bang i-table?” ang tanong ni John. Maganda rin kasi ang waitress. Ang mukha ay parang sa isang birhen. Makinis, inosente. Matangkad, sexy, at mahaba ang buhok.   Nilingon ng waitress si John. “Eh, bawal po sa amin, Sir,” ang sagot ng waitress.   “Wala ka bang kakilala o mai-refer sa akin?”   Bumalik ang waitress. “Seryoso ka? May kaibigan ako. Nandito siya, dinaanan ako para hintayin akong matapos sa trabaho. Nabo-bored lang siya kaya nandito,” ang sagot naman ng waitress na tila kinilig na nakangiti. Lingid sa kaalaman nina John at Timmy, kilala na silang dalawa sa restaurant na iyon at ang mga nagtatrabaho roon na babae ay kinikilig kapag naroon sila. At ang waitress na iyon ay isa sa mga nagkaroon ng crush sa kanila na agad naman niyang ibinulong sa kanyang nasabing kaibigan.   “Miss lasing lang itong kaibigan ko. Huwag mo nang pansi---” Hindi na magawang tapusin ni Timmy ang kanyang sasabihin. Muntik pa itong matihaya gawa ng pagbusal ng kamay ni John sa kanyang bibig.   “Talaga? Nasaan ang kaibigan mo?” ang tanong ni John.   “Itinuro ng waitress and kanyang kaibigang nasa isang sulok, nakaupo lang at abalang nakatutok sa kanyang cp.”   Tiningnan ni John at Timmy ang babae. Napansin ni Timmy ang babaeng iyon nang pumasok sila. Tingin ito nang tingin sa kanila. At kahit nakaupo na silang dalawa ay panay pa rin ang sulyap niya sa kanila.   Malakas ang appeal ng babae. Naka-t-shirt lang, ang ipinares ay faded ripped jeans at ang straight at maitim na buhok ay nakapony-tail. Morenang ganda. Matangos ang kanyang ilong, may nakabibighaning ngiti at mga mata, makinis ang mukha na kahit walang bahid na make-up, litaw pa rin ang ganda. Dalagang Filipina sa makabagong panahon.   “Ganda!” ang sambit ni John. At baling kay Timmy, “Di ba, Tok?” tanong niyang pang-aasar.   “Tatawagin ko?” ang tanong ng waitress.   “Ay huwag na Miss,” ang pagsingit ni Timmy.   “Bakit huwag? Ayaw mo ng babae? Bakla ka ba?” ang sarkastikong sabi ni John. At baling sa waitress, “Tawagin mo, Miss,” ang matigas na sambit niya.   Wala nang nagawa si Timmy kundi ang tumahimik.   “Pero hindi iyan call girl ha? Baka ma-misunderstand. Kaibigan ko lang iyan at nagyaya na mamasyal kami pagkatapos ng trabaho ko rito. Mabait iyan,” ang dugtong ng waitress.   “Walang problema, Miss. Kaibiganin lang namin,” ang sagot ni John. At baling kay Timmy, “Di ba Tok?” ang pang-iinis niya na kinindatan pa si Timmy.   “Kapag nandito na siya, gusto kong sa iyo siya tatabi. At gawin mo kung ano ang iuutos ko. Magtext ako!” ang mahinang pagsasalita ni John nang nakaalis na ang waitress. May pagbabanta sa tono ng kanyang pananalita habang dinilatan niya si Timmy.   “Ano?” ang pagreact ni Timmy. Ikaw itong ang nagyaya sa babae tapos sa akin mo ipapasa?”   “Sundin mo ang gusto ko! Kung hindi ay yari ka sa akin. Galit ako sa iyo! Tandaan mo iyan. Hindi kita kikibuin habambuhay at hindi ako uuwi sa bahay mo kapag hindi mo ako napasaya,” ang pananakot ni John.   Nang tiningnan nila ang waitress, nakita nilang nagbubulungan ang mga ito na parang kinilig at patagong tumitingin sa kinaroroonan nila.   Maya-maya lang ay hinatid ng waitress ang babae sa mesa namin. “Hi, ito pala si Bell. Kaibigan ko,” ang pag-introduce ng waitress sa kaibigan niya sa amin.   Tumayo si John. “Wow! Pangalan pa lang ay mapapalingon ka na!” ang sambit ni John habang inabot niya ang kanyang kamay.   “Bakit naman mapalingon?” ang tanong ng waitress.   “Syempre, Bell eh. ‘Di  ba kapag may dumaang nagtitinda ng ice cream ay mapapalingon ka rin?”   Tawanan.   “Ako pala si John. Kung nagbabasa ka ng bible, naroon ako. Kung gusto mong magpabinyag, sa akin ka lumapit, ako mismo ang magbinyag sa iyo,” ang pagpapakilala ni John.   Napahagalpak ng tawa ang waitress. Napangiting hilaw naman si Bell. Marumi ang nasa isip ng waitress. At kung gaano napatawa ni John ang waitress, siya namang pagka-inis ni Timmy na lihim na tiningnan ng matulis si John.   “Ito namang kasama kong ay si Timmy. Mag-ingat ka sa kanya. Huwag kang magtiwala sa nakikita ng mga mata mo sa kanya. Kahit pogi iyan, manyak iyan,” ang pagpapakilala ni John kay Timmy sabay tawa.   “Huwag kang maniwala sa kanya, Miss. Baliw iyan. Kalalabas lang niyan sa mental hospital. Mag-iingat ka sa kanya, pumapatay iyan ng mga magaganda,” ang pagganti rin ni Timmy habang iniabot din niya ang kanyang kamay kay Bell.   Tumawa ang dalawang babae. Tinanggap naman ni Bell ang pakikipagkamay ni Timmy.   “Palabiro pala kayong dalawa,” ang sambit ng waitress.   “Hindi biro ang sa akin, Miss.” At baling kay John, “Siya ang palabiro. Kahit seryosong bagay ay dinadaan sa biro niyan.”   “Wow naman,” ang sagot ni John sabay bitiw ng sarkastikong ngiti. “Biro pa pala iyong pambugbog ko kanina sa...” nahinto si John sa kanyang sasabihin habang tiningnan si Bell, “..sa taong iyon?” ang pagpapatuloy niya. “Pero sabagay kung biro, at least... nagpapatawa samantalang ang iba riyan ay nananaksak sa likod at ginagawang hanapbuhay ang pangangaswang.”   “O sya, iiwanan ko na ang kaibigan ko sa inyo,” ang sambit ng waitress na nakahalatang may kakaiba sa mga salita nina Timmy at John.   “Sandali, ano pala ang pangalan mo, Miss?” ang pahabol na tanong ni John sa waitress.   Lumingon ang waitress at ngnmiti. “Susan,” ang sagot niya at nagpatuloy sa kanyang paglalakad.   “Bell, tabihan mo si Timmy,” ang sambit ni John nang tatabi sana si Bell sa kanya.   Lihim naman na tiningnan ni Timmy nang matulis is John habang umupo si Bell sa tabi ni Timmy.   “Gusto mong uminom Bell?”   “Ayoko. Okay lang ako,” ang sagot niya.   “Ah, softdrink na lang. O may gusto kang i-order?” ang tanong uli ni John.   “Softdrink na lang.”   Nagkuwentuhan silang tatlo. Biniro-biro ni John si Bell habang si Timmy ay tahimik lang.   Nag-text si John kay timmy. “Uminom ka, at pilitin mong uminom din si Bell”   Hinugot ni Timmy ang kanyang cp mula sa kanyang bulsa at binasa ang text ni John. Nang mabasa niya ito, palihim na tinitigan ni Timmy ng matulis si John.   Seryoso ang mukha ni John na binitiwan ang expression sa mukha na sundin siya.   Nang dumampot si Timmy ng isang beer upang uminom, tinawag ni John ang isang waitress, “Sampung beer pa Miss!”   Nagkuwentuhan muna sila. Tinanong nila si Bell tungkol sa mga bagay-bagay sa kanya. Napag-alaman nilang 18 lang din si Bell at nasa Grade 12 sa unibersidad din na pinag-aralan nina Johnny. At dahil magkaiba ang campus ng high school at college kung kaya ay hindi sila nagkikita. Matagal na raw niyang kaibigan si Susan at best friend niya ito. Nahinto lang ng pag-aaral si Susan dahil namatay ang kanyang itay at napilitan siyang magtrabaho upang tumulong sa kanilang kahirapan. Si Bell naman, bagamat wala na ring inay, ang tita niya na ang tumulong sa mga gastusin sa pag-aaral. Kaya close silang dalawa ni Susan dahil nakakarelate daw sila sa isa’t-isa sa kanilang mga pinagdaanan.   Maya-maya ay ibinigay ni John kunyari ang ang cp number niya kay Bell, ngunit may isang digit na mali. Ginawa lang niya iyon upang magbigay din si Timmy ng number niya kay Susan.   Ngunit hindi nagbigay si Timmy. Ang ginawa ni John ay kinuha niya ang cp ni Bell at siya ang naglagay sa number ni Timmy sa contact ng cp ni Bell.   “I-misscall mo iyang number na iyan,” ang utos ni John kay Bell.   Nagmiss-call si Bell. Nang nagring ang cp ni Timmy, tumawa si John. “Number ni Timmy iyan,” ang sambit niya.   Napangiti si Bell. Kitang-kita ang tuwa sa kanyang mukha. Ngunit si Timmy, bagamat nakangiti ay may nararamdamang inis.   “Hikayatin mo na siyang uminom,” ang text ni John kay Timmy.   Kahit nainis, tumalima siya. Hikayat niya si Bell na uminom. Ngunit tumanggi si Bell. “May lakad pa kasi kami ni Susan eh,” ang pangangatuwiran niya.   “Okay magpaalam ako kay Susan,” ang pagsingit ni John. Tinawag ni John si Susan at nagpaalam. Nang pumayag si Susan, doon na napilitang uminom ni Bell.   “Sa tingin mo, Bell, sino ang mas pogi sa amin ni Timmy?” ang tanong ni John nang nakitang tinablan na ng pagkalasing si Bell.   Tahimik lang si Timmy bagamat napangiwi ang mukha na nakatingin kay John sa tanong niyang iyon kay Bell, ang isip ay nagtatanong. “Ano kaya ang ibig tumbukin ng mokong na ‘to?”   “Eh... p-pareho naman kayong guwapo eh,” ang sagot ni Bell.   “O come on. Huwag nang mahiya. Matatanggap ko naman kung si Timmy ang pipiliin mo, eh.”   “T-totoo namang pareho kayong guwapo eh.”   “Okay, ganito na lang. Kung halimbawa ay judge ka at isa lang ang papanalunin mo, sino iyon? Okay lang kung hindi ako,” ang giit ni John.   Tiningnan ni Bell si Timmy at binitiwan ang ngiting hilaw.   “Okay, Timmy it is,” ang sambit ni John.   Hindi na nakaimik pa si Bell. Nahiyang yumuko atsaka dinampot ang kanyang beer at tinungga ito. Parang gusto niyang tuluyan nang malasing dahil sa pagkabisto kung sino ang kanyang crush.   “Kung hahalikan ka ni Timmy, papayag ka?”   Halata ang pamumula sa pisngi ni Bell. Hindi siya nakasagot. “Eh...” Iyan lang ang nasambit niya.   Naramdaman ni John na gusto rin ito ni Bell. Minuwestrahan niya si Timmy na halikan si Bell. Hinalikan nga ni Timmy si Bell. Ngunit sa pisngi nga lang.   Nagtext si John kay Timmy. “Sa lips, gago! At yakap-yakapin mo!” Alam ni John na masakit ito para sa kanya ngunit ito lang ang paraan upang masubok niya ang loyalty ni Timmy sa kanya. Kung ibang tao lang si Timmy na hindi niya mahal at trinaydor at sinaktan siya, baka may kinalalagyan si Timmy. Baka napatay niya ito sa matinding galit. Ngunit hindi niya kayang gawin iyon kay Timmy. Kaya iyon ang paraan na naisip niya.   Nang binasa ni Timmy ang text, matulis ang binitiwan nitong tingin kay John. Nalilito siya sa mga pinapagawa ni John sa kanya. Ngunit minuwestrahan siya ni John na gawin iyon.   Dahil naramdaman ni John ang pagbugso ng adrenaline sa kanyang sistema sa maaaring gawin ni Timmy, tinunggga niya ang isang bote ng beer. Tuloy-tuloy. At sinundan pa ito ng dalawa pa.   Sa ipinakita ni John ay sumagi sa isip ni Timmy na nariyan pa ang galit ni John sa kanya. At sa isip niya ay maibsan ang galit ni John kapag ginawa niya ang utos niyang iyon.   Tinitigan ni Timmy si Bell. Iyong titig na nagsusumamo. Nakipagtitigan din si Bell kay Timmy. Maya-maya ay hinaplos ni Timmy ang mukha ni Bell. At iyon na... dahan-dahang idinampi ni Timmy ang kanyang bibig sa mga labi ni Bell.   Kitang-kita ni John ang buong pangyayari. Mistulang gumuho ang kanyang mundo at ang kanyang puso ay sinaksak nang paulit-ulit.   Tinawag ni John ang waitress. Tapos na raw kasi ang duty ni Susan at kasalukuyang nagbihis. Ibinigay ni John ang bayad niya sa waitress. Tangkang tatayo na sana si John nang bigla itong natumba. Sa sobrang kalasingan ay na outbalance siya.   Dali-daling tinulungan siya nina Timmy at Bell. Eksakto ring natapos na sa pagbibihis si Susan at tumulong din na makaupong muli si John. Ngunit sumuka na si John sa mesa. “Uuwi na ako,” ang sambit niya.   “Okay uuwi na kami,” ang sambit ni Timmy kina Susan at Bell.   “Sa apartment ako uuwi. Ihatid mo si Bell. Si Susan naman maghatid sa akin” ang sambit ni John.   “Hindi puwede. Hindi ka kayang buhatin ni Susan,” ang sagot naman ni Timmy.   “Sa apartment ako uuwi. Ihatid mo si Bell!” ang sigaw ni John.   “Lasing ka lang, tangina!” ang galit na sagot din ni Timmy na akmang kakargahin na si John.   Ngunit nagwala si John nang nakitang ipiggy-back na siya ni Timmy. Itinulak niya si Timmy dahilan upang matumba si Timmy at madaganan niya ang mesa. Gumawa ito ng ingay. “Kapag ayoko, ayoko! Si susan ang maghatid sa akin! Samahan mo si Bell!”   Wala nang nagawa si Timmy lalo na’t pati sina Bell at Susan ay sumang-ayon sa gusto ni John.   Wala nang nagawa si Timmy kundi sundin ang gusto ni John. Isinakay nila ng tricycle si John at sumama sa kanya si Susan samanatalang si Timmy naman at Bell ay naiwan.   BINUKSAN NG TITO ni John ang gate nang nakarating na sina John sa apartment. “Si Susan na ang bahala sa akin, Tito. Kaya niya iyan,” ang sambit ni John nang tangkain ng Tito niya na tulungan si Susan na alalayan siya upang makapasok ng bahay.   Wala nang nagawa ang Tito ni John. Si John naman kasi ang tunay na Boss sa apartment na iyon. Sa kanya nakapangalan ito, at lahat ng mga gastusin, kasama na ang pagkain ay nanggaling sa share niyang mana mula sa namatay niyang ama. Pati ang Tito niya ay siniswelduhan lang din niya. Kaya tuloy-tuloy lang si Susan sa loob ng apartment, hanggang sa kuwarto ni John.   “Gusto kong punasan mo ang buong katawan ko, Susan,” ang sambit ni John nang naihiga na siya ni Susan sa ibabaw ng kama. Iyon naman kasi ang talagang plano ni John. Plano niya talagang magdala ng babae sa apratment sa tatlong kadahilanana. Una, sa sobrang galit niya kay Timmy na hindi niya kayang maipalabas kaya gusto niyang makaganti. Pagalawa, gusto niyang patunayan sa sarili na lalaki siya at naroon pa rin ang libog niya sa babae katulad noong panahon bago pumasok si Timmy sa kanyang buhay, at ang pangatlong dahilan ay gusto niyang subukin ang sarili kung kaya ba niyang makipagtalik sa babae sa kabila ng pagmamahal niya kay Timmy.   Nagulat si Susan sa sinabing iyon ni John. Hindi niya akalain na ang simpleng araw niya ay mauwi sa isang pagkakataon kung saan ay hindi lang niya makilala ang matagal na niyang crush na customer kundi masilayan pa ang buong katawan nito, at sa sarili niyang bahay pa at kuwarto.   “S-sure ka?” ang tanong ni Susan.   “B-bakit? Ayaw mo ba akong tulungan?”   “H-hindi naman sa ganoon...”   “So...”   “Okay, okay,” ang pag-aalangang sagot ni Susan.   “Magpatulong ka lang kay Tito na magpakulo ng tubig sa kusina... O may hot water pala sa shower, kuha ka lang ng palanggana sa kusina.” Nang lalabas na sana si Susan sa kuwarto, “Salamat ah... at pasensya na ginawa kitang alila,” ang sambit ni John kay Susan.   Ngiti lang ang isinukli ni Susan. Sa kaloob-looban niya ay may kilig siyang nadarama. Tumuloy na siya sa kusina.   Nang nakabalik na ng kuwarto si Susan, dala-dala na niya ang palanggana at labakara. Dumeretso siya sa paliguan at binuksan ang shower. Doon siya nag-igib ng tubig atsaka bumalik sa kama ni John.   Inilatag ni Susan ang palangganang may maligamgam na tubig sa ibabaw ng maliit na mesa sa gilid ng kama. Pagkatapos ay nilapitan niya ang nakahigang si John.   Malakas ang kabog ng dibdib ni Susan nang sinimulan niyang tanggalin at hilahin ang damit ni John. Ngunit doon siya nanginginig nang binuksan na niya ang zipper ng pantalon ni John, tila nakoryente siya sa nakitang bukol sa puting brief ni John.   Ngunit hindi niya ipinahalatang naapektuhan siya. Habang hinila niya pababa ang pantalon ni John, idinaan niya ito sa pagkukuwento. “Ang yaman-yaman niyo pala,” ang sambit ni Susan.   “Ang daddy ko ang mayaman. Swerte lang na mayaman ang ang naging na daddy ko. Siguro mahirap din ang aking ama, mahirap din ang buhay ko. Pero ang gusto ko talagang yaman ay iyong pinaghirapan. Iyan ang target ko sa buhay.”   “Hindi malabo iyan sa iyo,” ang sambit uli ni Susan. Natanggal na ang pantalon ni John. Mismong brief na lang ang natira.   Tahimik.   “Ayaw mo bang tanggalin ang brief ko?” ang tanong ni John.   Tila nabilaukan si Susan sa narinig. Hindi agad siya nakasagot. “Eh... huwag na. Okay na iyan,” ang sagot ni Susan sabay lihis sa topic. “C-close talaga kayo ni Timmy, no?” ang tanong niya habang kinuha ang labakara, binasa iyon at sinimulang punasan ang mukha ni John pababa sa kanyang leeg.   Hindi nakasagot agad si John. Tila may isang sibat na tumusok sa kanyang puso sa pagkarinig sa pangalan ni Timmy. “Sobra,” ang naisagot lang niya.   “Magkamag-anak ba kayo? O magkaibigan lang?”   “Magkapatid... mas higit pa sa magkapatid.”   “Ah... Sabagay magkahawig talaga ang mukha ninyo. Parehong matangkad, parehong guwapo. Masuwerte ang mga babaeng mamahalin ninyo.   “Uhmmm” Iyon na ang huling salita ni John. Nakatulog na siya.   Kakausapin pa sana siya ni Susan ngunit nang nakita ni Susan na nakapikit na ang mga mata ni John at hindi na nagsalita, hindi na siya nag-ingay pa. Tinapos na lang niya ang pagpunas sa katawan ni John at nang matapos ay sandaling tumayo sa gilid ng kama at buong paghangang pinagmasdan niya ang hubad at matipunong katawan ni John. Hindi niya maiwasang hindi mapahanga sa ganda at kinis nito. At nang itinutok pa niya ang kanyang mga mata sa umbok ni John, may init siyang nadarama sa kanyang katawan.   Tinakpan ni Susan ng kumot ang katawan ni John atsaka muling dinampot ang palangganang may lamang tubig at dinala iyon sa kanilang banyo. Nang bumalik siya sa kuwarto ay nakita niyang himbing na himbing na si John. Kaya nagpaalam na lang siya sa Tito ni John na uuwi na siya.     Ang totoo, hindi talaga tulog si John. Sinadya niyang magtulog-tulugan dahil naramdaman niyang hindi pa rin pala niya kayang pagtaksilan si Timmy. Sobrang mahal niya iyong tao na kahit sa harap ng tukso ay mas nangingibabaw pa rin sa utak niya ang pagmamahal sa kanya. Sumisingit sa isip niya ang mukha ni Timmy, ang mga magagandang alaala at samahan nila.   Nang nakalabas na si Susan, pinagsusuntok ni John ang dingding ng kanyang kuwarto.   Samantala, dahil wala sa mood na umuwi si Timmy sa bukid, nakipamasyal na lang siya kasama si Bell. Naglakad sila patungo sa downtown. Nagkuwentuhan. “Pasensya na, Bell, nadamay ka sa init ng ulo ni John,” ang sambit ni Timmy habang nakupo sila sa isang bangko sa central plaza.   “Okay lang iyan…” ang sagot naman ni Bell.   Tahimik.   “B-bakit pala mainit an gulo ni John?” ang tanong ni Bell.   “Ah…” ang naisagot lang ni Timmy. Hindi niya alam kung sasabihin niya ang totoong dahilan o mag-imbento ng kuwento. “M-may isang bagay lang kasing hindi namin namin napagkasunduan,” ang sagot lang ni Timmy.   Muli silang natahimik.   “Uhm… k-kung gusto mong mapag-isa, Timmy, aalis na lang ako, baka naka-istrobo ako sa iyo,” ang sambit ni Bell nang mapansin niyang sobrang lungkot ni Timmy at hindi siya nakikipag-usap sa kanya.   Biglang napa-angat ang mukha ni Timmy at tiningnan niya si Bell. “Hindi ah! Okay lang sa akin na nandito ka.”   “Talaga? So puwedeng mag-usap tayo?”   “Oo naman.”   “Kung ganoon, puwede ba akong magtanong?”   “Okay lang.”   “S-single ka pa ba? O may kasintahan na?” ang tanong ni Bell.   Mistulang may bumatok sa ulo ni Timmy sa narinig na tanong. Hindi siya nakasagot agad. Naisip niya na kung sasabihin niyang mayroon na, baka tanungin siya kung sino. At kung hindi naman, baka isipin ni Bell na may gusto siya sa kanya, lalo na’t naghalikan na sila. “Ah… mayroon na,” ang sagot niya.   “Ay talaga?”   Tumango si Timmy. “Oo…”   “Pero kung mayroon na, ba’t hindi mo siya kasama? Sabi ni Susan, wala raw siyang nakitang kasama mong babae kapag dumadaan kayo sa restaurant nila. Kung hindi barkada ang kasama mo, si John lang.”   “Eh… s-sikreto lang kasi ang relasyon namin.”   “Sikreto? Bakit sikreto? Ang sakit naman noon. ‘Di  ba kung mahal mo talaga ang isang tao, proud kang iladlad ito sa lahat na hayan, kasintahan mo siya, mahal mo siya at mahal ka rin niya?”   Mistulang nabilaukan na naman si Timmy sa sinabi ni Bell. Hindi makasagot.   “Ikaw ba ang ayaw na ilantad ang relasyon ninyo? O siya?”   “Ah… I mean, alam ng mga barkada namin na kami nga, at ang ibang mga estudyante sa unibersidad ay may alam na rin siguro pero walang confirmation galing sa amin. Iyong haka-haka lang, iyong nagdududa lang, iyong tsinitsismis na ganoon. Pero iyong ilalantad namin ang relasyon namin, hindi,” ang dugtong ni Timmy.   “Ay bakit naman?”   “Hindi pa kami handa siguro...”   “Para sa akin kasi, kapag magkasintahan na talaga kayo, sa punto pa lang na iyon ay handa na kayo. Iyong iba nga d’yan, kapag sinagot na sila sa babaeng nililigawan, nagtatalon sila sa saya, ipagsigawan sa buong mundo na magkasintahan na sila. Ang sarap kaya ng pakiramdam kapag ganoon. Iyong proud na proud sa iyo ang kasintahan mo. Iyong taas-noo na masasabi mo sa ibang tao na, ‘Hoy! Akin siya, at ako ang mahal niya!’ Mahirap kasi ang patago eh... kung sa akin mangyari iyan na may boyfriend ako, tapos hayun may kasamang iba at dahil hindi naman kasi officially na kami, parang nakakahiyang sumingit at sasabihin doon sa babae na, ‘Boyfriend ko iyan, Miss!’ Ang sakit kaya.”   Hindi nakasagot si Timmy. Sa isip niya ay may punto si Bell. Pero may excuse din siya sa isip niya. Iyong usual na magkasintahan ang tinutukoy ni Bell, hindi iyong katulad sa relasyon nila ni John na lalaki sa lalaki. Wala siyang kaalam-alam sa tunay na sitwasyon niya..   “Alam mo, kung ako ang kasintahan mo, masasaktan ako kapag hindi ako ipnakilala sa mga tao na ako ang kasintahan mo. Para ka na ring idini-deny eh. Parang ikinahihiya ka. Parang… ewan. Basta masakit. Parang hindi ka niya mahal.”   Hindi nakaimik si Timmy. Bagamat suportado ang relasyon nina Timmy at John ng mga barkada nila, hindi nila kayang ibunyag ito sa buong unibersidad. Hindi nila alam kung ganoon ka open ang kanilang unibersidad.   “So… hindi kayo puwedeng maghalikan talaga sa public?” ang dugtong ni Bell   Umiling si Timmy.   “Mas masuwerte pa pala ako dahil hinalikan mo ako sa gitna ng maraming tao sa restaurant?” ang nakangiting sambit ni Bell.   Tumango uli si Timmy.   “Wow!” ang sambit ni Bell na ang pakiramdam ay mistulang nanalo ng lotto.   Binitiwan ni Timmy ang isang matipid na ngiti.   “Mamasyal na lang tayo sa mall!” ang pag-anyaya ni Bell.   Tumayo silang dalawa habang naka-abresiete si Bell sa bisig ni Timmy. Tinumbok nila ang malapit na mall. Kung may makakakita sa kanilang ayos habang naglalakad at tumingin-tingin ng mga paninda, hindi malayong pagdududahan silang magkasintahan. At habang ganoong namamasyal sila, ikinuwento naman ni Bell kay Timmy ang buhay niya. Kaya kinuwento na rin ni Timmy ang buhay niya kay Bell. At doon ay nakaramdam ng pagkaawa si Bell kay Timmy.   KINABUKASAN sa eskuwelahan…   “Bakit? Anong mayroon? Bat ganyan kayo kung makatingin?” ang tanong ni Timmy. Habang ang buong barkada ay nakaupo sa student center at pinaligiran siya, lahat sila ay nakatitig sa kanya, iyong titig na may pagtatanong at mistulang naninisi.   Hindi sila sumagot. Nanatiling nakatitig silang lahat sa kanya.   “Woi! Guwapo lang ako. Mukhang celebrity. Pero kung type ninyo ako, sorry, may nanirahan na sa puso ko,” ang pabirong sambit ni Timmy.   “Wee? Ilan ba silang nanirahan sa puso mo?” ang tanong naman ni Joy.   “Oo nga ilan ba sila?” ang pagsegunda naman ng ibang barkada.   Hindi makasagot agad ni Timmy. Napangiwi siyang tiningnan ang barkada. Naguluhan. “Bakit?”   “Bakit? Tingnan mo iyan…” sabay turo ni Joy sa kinaroroonan ni John na nakaupong mag-isa sa isang sulok.   Tiningnan ni Timmy ang kinaroroonan ni John. Nakita niyang malungkot ang mukha ni John at malalim ang iniisip.   “At bakit nakita ka nina Fe at Jane na may kasamang magandang babae sa mall kahapon? At naka abresiete pa sa iyo?” ang dugtong pa ni Joy. “Sino iyon?”   Napakamot ng ulo si Timmy. Saka naman nagring ang kanyang cp. Si Bell ang tumawag.   “Hello Bell… okay naman ako.” “Ikaw?” “Sorry hindi na kita natawagan kagabi.” “Ganoon ba? Mabuti naman.” “Nasa school ka na? Ako rin. Kumain ka na? Ingat… Huwag magpagutom ah!” ang mga narinig na sagot ni Timmy sa tawag ni Bell.   Ginagagad naman ni Joy ang pagsasalita ni Timmy sa kanyang cp. Nang natapos na niyang kausapin si Bell, tumango-tango ang barkada na tila alam na kung sino ang babaeng iyon at kung kaya ay nag-alburuto si John.   “Bell pala ha?” ang sarkastikong sambit ni Jeff.   “Woi! Marumi ang mga nasa isip ninyo ah! Hindi ganyan!”   “Ano ba ang mayroon ang babaeng iyon na wala si Hang?” ang pagsingit ni Daniel.   Nagtitinginan ang mga barkada kay Daniel na agad na binatukan ni Jeff sabay sabing, “Syempre may ganoon iyon, pagmuwestra niya sa kanyang kamay sa kanyang harapan, pagpahiwatig na may p********e iyon, at pagkatapos ay sa kanyang dibdib naman, na pagpahiwatig na may boobs.   Nagtatawanan ang mga lalaki. “Aw doon na tayo kay Bell!” ang sambit nila habang nagtatawanan.   Agad naman silang pinagpapalo ng mga notebooks ng mga babae. “Mga salawahan! Mga walang puso!”   “Mali nga iyang nasa isip ninyo eh!” ang giit pa ni Timmy.   “Puwes, Mr. Timmy Suarez, explain it to us. Makikinig kami!”   “Haist! Bahala na nga kayo!” ang padabog na sambit ni Timmy habang nag-walk out, tinungo ang likuran ng building kung saan naroon ang malaking lawn at botanical ng unibersidad. Naupo siya sa lilim ng isang puno. Sinundan siya ni Joy.   Doon na sinabi ni Timmy ang lahat kay Joy, na nagsimula ang lahat sa kaso ni Ian, tapos nagalit si John kaya kung anu-ano ang ginagawa sa restaurant na iyon.   “May babaeng dinala rin si Hang sa apartment niya?”   Tumango si Timmy.   “So kaya ka gumanti?”   “Hindi Joy… si John ang tumawag kay Bell na maging kapartner ko. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. Tapos nang umuwi na si John sa apartment niya, napilitan akong magpalamig muna ng ulo at mamasyal dahil sa sama ng loob ko. Sinamahan ako ni Bell. Doon ko nakitang mabait si Bell. Naintindihan niya ako. Pinapayuhan niya ako. Kagaya mo, mabait, maalalahanin. Paano mo iiwasan ang ganoong klaseng tao, ‘di ba? Ikaw nga, heto, kapag wala ka sa grupo, namimiss ka namin, lalo na ako. Ganoon ‘di ang nararamdaman ko kay Bell. Ramdam ko ang kagandahang-loob niya.”   “Hmmm. Touched naman ako at the same time, selos… Joke!” sabay tawa.   “Huwag kang magselos, Joy. Ikaw pa rin ang number one loyal na member at friend ng grupo, ang numero unong nagpapasaya ng buhay namin. Hindi ka na mabubura sa aming isip. Palagi ka na naming hahanap-hanapin. Lalo na ako.”   “Ayiii! Salamat,” ang sagot ni Joy na touched sa sinabi ni Timmy. “Pero…” nahinto si Joy, igunuri-guri ang hintuturo niya sa kanyang bibig. “…itong Ian na ito ay tila may isang malaking talinghaga. Hahanapin ko nga kung saan nanggaling ang tigas ng apog niya na sirain ang relasyon ni ninyo ni Hang. Makatikim iyan sa akin.”   “Hayaan mo na lang siya, Joy. Hindi na rin naman ako sasama sa kanya eh.”   “Hindi puwede. Dapat ay mapatunayan natin kung intentional ba iyong ginawa niya o talagang isa rin siya sa mga nabighani sa taglay mong alindog,” sabay tawa.   Natawa na rin si Timmy.   “In the meantime, suyuin mo na si Hang, please… magsorry ka.”   “Oo. Gagawin ko iyon,” ang sagot ni Timmy.   Nang pumasok na si Timmy sa loob ng klase, narooon si John na nakaupo sa likuran ng upuan niya, nakasubsob ang ulo sa kanyang desk. Tahimik na inilagay ni Timmy sa ibabaw ng desk ni John ang dalang isang karton ng buko pie, ang paborito ni John atsaka tahimik din siyang umupo sa kanyang silya.   Nang dumating na ang kanilang guro, saka inangat ni John ang kanyang ulo at umupo ng tuwid.   Nilingon ni Timmy si John na kasalukuyang tiningnan ang nakaplastic na box ng buko pie. Nang nagsalubong ang kanilang mga mata, kinindatan ni Timmy si John at nginitian.   Ngunit hindi siya pinansin ni John. Biglang ibinaling ni John ang kanyang tingin patungo sa harapan ng silid-aralan kung saan ay kasalukuyang nakaupo ang guro sa harap ng kanyang mesa. Hindi niya pinansin si Timmy at hindi rin niya ginalaw ang box ng buko pie. Sa isip ni John ay masyadong malalim ang hinanakit niya kay Timmy upang tutumbasan lamang sa isang karton na buko pie...   (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD