bc

Tok-Hang

book_age16+
485
FOLLOW
5.4K
READ
family
badboy
sweet
LGBT+ Writing Contest
LGBT+ Patimpalak sa Pagsulat
bxb
bisexual
enimies to lovers
first love
mxm
like
intro-logo
Blurb

Kabaligtaran halos ang lahat ng bagay sa kanila. Mahirap si Timmy, mayaman si John; sa bukid lumaki si Timmy, sa malaking syudad naman si John; responsable at matalino sa klase si Timmy, si John naman ay easy-go-lucky; law-abiding si Timmy, basagulero naman si John.

Mistulang isang anghel at isang demonyo ang pinagtagpo.

Enter si tadhana. Pinaglaruan ang buhay nila...

chap-preview
Free preview
Ang Alamat Ng “Tok” at “Hang”
By: Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full   -------------   “Class, welcome to Grade 12!” ang paunang salita ng aming teacher-adviser na si Mr. Cervantes. Nakatayo siya sa klase, suot ang kulay asul na polo barong na uniporme ng mga guro, halatang bagong pinalantsa. Ang kanyang pang-ibabang suot naman ay itim na sedang pantalon, at ang kanyang itim na sapatos ay mistulang hindi malapagan ng langaw dahil sa sobrang kintab. Si Mr. Cervantes ay nasa edad na 50. Siya ang pinaka-istriktong guro sa aming municipal high school. Bagamat first time ko siyang magiging guro, kilala siya sa buong campus na mabagsik, tyrant, at walang sinasanto.   “Since this is our first meeting, I need you to introduce yourselves,” dugtong niya. Isa-isa niya kaming tinawag. Dahil nasa may likuran ako, ako ang pinakahuling nag self-introduce.                                                                                                                                                                    “My name is Timmy. Timmy Suarez. My mother and some very close friends call me Toktok. They call me that name because when I was a kid, I liked to knock on woods and anything that sounds, especially bamboo,” ang pagpapakilala ko.   Nagtawanan ang mga ka-klase ko.   “I live near the bank of Daungan River, an hour’s walk from here. I am 18 years old,” dugtong ko.   Narinig ko namang naghiyawan ang mga babae habang nakatingin kay Emily, panunukso nila dahil alam ng lahat na ako ang crush niya. At syempre, crush ko rin siya ngunit ayaw ko lang ligawan gawa nang nag-aaral pa kami at may sakit pa ang inay. Ayaw kong dagdagan ang aming problema kung papasok ako sa isang relasyon.   Napangiti na lang ako sa hiyawan ng mga kaklase. May kilig akong nadarama. Gusto ko rin naman talaga si Emily. Hindi lang siya maganda, mabait pa. Palagi niya akong tinutulungan.   Pagkatapos ng self-introduction, ipinaliwanag ng aming guro ang mga expectations namin sa year level na iyon. Tinalakay din niya sa amin ang mga rules, guidelines, at mga dapat gawin at hindi dapat sa klase, pati na ang mga requirements na dapat i-comply. Nang wala nang nagtanong, nagsalita uli ang si Mr. Cervantes. “We will now proceed with the election of class officers. The table is now now open for the nomination of class president.”   Tumaas ng kamay si Emily, “I nominate Mr. Timmy Suarez for president.”   Naghiyawan na naman ang aming mga ka-klase. Ako naman ay tumingin kay Emily na medyo disppointed ang mukha. Ayaw ko na kasing maging leader. Simula pa kasi noong Grade 7 pa kami, ako na ang class president n gaming batch. Nakakasawa na. Masakit pati sa ulo, lalo na at graduating students pa kami.   Nakita pala ni Joy ang expression ko na iyon kay Emily. “Tanggapin mo na iyan, Tok. Ikaw lang ang tanging alam naming leader simula’t-sapul. Ngayon pa ba kami maghahanap ng iba?” ang bulong ni Joy. Nilapitan niya talaga ako.   Mabigat man sa aking kalooban, wala akong choice.   “Timmy Suarez is nominated. Any other nominations?” ang tanong uli ng guro.   Pagkatapos ng nomination sa akin ay may dalawa pang na-nominate. At as expected, ako ang nanalo.   Tinawag ako ng guro upang ipagpatuloy ang nomination process para sa iba pang mga posisyon mula Vice President hanggang sa Sgt.-At-Arms. Tumalima ako. At ang naging resulta; sa pagka Vice President, ang nanalo ay si Joy, sa pagka-Secretary naman, si Fe, sa pagka-Treasurer ay si Jane, sa pagka-Auditor ay si Daniel, sa pagka-PIO ay si Jeff, at sa pagka-Sgt.-at-Arms ay si Tony.   Babalik na sana ako sa aking upuan dahil tapos na ang trabaho kong mag-conduct ng election. Ngunit nahinto ako nang biglang may estudyanteng pumasok. Ang pintuan kasi ng aming silid-aralan ay nasa gilid sa mismong harapan ng classroom. Kaya kapag late ang isang estudyante, nakikita naming lahat ang pagpasok niya.   Nagkasalubong ang aming tingin nang nilingon ko siya. Napatitig siya sandali sa akin, marahil ay nagulat na isang naka-unipormeng estudyante ang nasa harap ng klase imbes na ang guro. Noon ko lang nakita ang estudyanteng iyon. Kilala ko ang lahat ng mga estudyanteng ka-batch ko sa paaralan namin dahil hindi naman ito kalakihan. Tinitigan ko rin ang nasabing estudyante. Matangkad, maputi, may hitsura, malakas ang dating, bagamat sa tingin pa lang ay mukhang suplado at mayabang. Kahit nginitian ko siya ay hindi man lang siya nagreact. Bagkus ay nakasimangot na tila galit sa mundo. Naka-suot siya ng puting polo at khaki na pantalon, ang aming uniporme.   Nakakabinging katahimikan ang bumati sa kanya sa kanyang pagpasok. Mistulang may biglang dumaan na anghel, o demonyo at natigilan ang lahat na nakatingin sa kanya habang naglakad siya papasok at tinumbok ang kanyang upuan. Iyon bang parang ang nasa isip ng lahat ay, “Sino siya?” o “Ang yabang ah!” samantalang ang nasa isip naman ng mga babae ay maaaring, “Uy, fierce pero guwapo! Single pa kaya ang mokong na ‘to?”   Ngunit wala siyang pakialam. Tuloy-tuloy lang siya sa pagtumbok sa bakanteng upuan na nasa may likuran ng classroom. Tila siya lang ang tao sa silid-aralan na iyon at kami ay mga fixtures at furnitures lamang.   “Hey! Hey! What is your name?” ang sigaw ni Mr. Cervantes na ang boses ay dumadagundong. Alam naming na-offend siya. Kabago-bagong estudyante ba naman ay basta na lang pumasok sa klase niya at ni-ho o ni-ha ay wala man lang.   Mistulang gulat na natauhan naman mula sa malalim na pagkatulala ang mga estudyante sa sigaw na iyon ni Mr. Cervantes. Lahat kami ay napalingon sa kanya.   Inilatag ng bagong estudyante ang kanyang dalang itim na knapsack sa ibabaw ng arm ng upuan. “John,” ang maiksi na sagot niya. Ni walang bahid na reaksyon ang makikita sa kanyang mukha. Pagkatapos ay umupo at kinakalikot ang kanyang cell phone.   “John the Baptist? John Paul II, or John Cena?” ang sigaw ng guro habang pilit na pinigilan naman ng mga ka-klase ko ang kanilang pagtawa.   Hindi sumagot si John. Tila wala siyang narinig. Patuloy pa rin niyang iginuri-guri ang kanyang kamay sa kanyang cell phone.   “We don’t accept student in this class without introducing himself first. So come in front and say something about yourself!” ang utos ng guro na halata sa boses ang pagkairita.   Nag-aalangang tumayo si John. Ngunit dahil tinitigan siya ng matulis ni Mr. Cervantes dagdagan pa na nakatutok an gaming mga mata sa kanya kung kaya ay wala siyang nagawa.   Nang nasa harap na siya, ako naman ang pumuwesto sa isang tabi upang Malaya siyang magsalita. Nanatili lang akong nakatayo malapit-lapit kinauupuan ng mga kaklase ko. Sa gilid na aking kinatatayuan ay may naririnig akong mga babaeng nagbubulungan, “Pogiiiii! Cute, Ayiiiiii! Ang ganda ng mata! Ang ganda ng lips. Ang tangos ng ilong! Flawless! OMG!” mga ganyang paghanga.   “I’m Johnny Iglesias, John for short. I’m 19 years old,” ang maiksi niyang pagpakilala. Nakasimangot pa rin siya.   Hiyawan ang mga babae.   “Ok class, you can ask him questions,” ang sabi ni Mr. Cervantes.   Tumaas ng kamay si Joy, ang kahahalal pa lamang na class vice president at may pagka-kumedyante.   “Go ahead Joy, ask your questions,” ang sabi ni Mr. Cervantes.   “Where do you love? I mean… live?” ang tanong ni Joy,   Tawanan ang mga babae.   “I am from Manila…”   “Ay lumipat ka na pala?” ang pagfollow up ni Joy.   “Excuse me?” ang sagot ni John na halata sa kanyang mukha na naguluhan siya.   “Lumipat ka na pala ng address ang sabi ko,” pagfollow up niya.   “Sorry, I don’t get you. Kilala mo ako?”   “Oo… kilala kita. ‘Di ba ang dati mong address ay sa puso ko? Ba’t sa Manila na ngayon? Hindi ako na-inform!” ang pagpapatawa ni Joy na sinabayan pa ng pagpapakita ng malungkot na mukha.   Tawanan ang buong klase.   Napangiti ng hilaw si John. In fairness, kahit pilit na ngiti ay mas lalong lumitaw ang kapogian niya. Kahit ako na lalaki ay napahanga. Artistahin kasi ang dating niya. Nakakabighaning tingnan ang mapuputi at pantay niyang mga ngipin na tila sinadyang ipagmatch sa kanyang magagandang labi. Maliban sa maputi, makinis din ang balat niya, lalo na ang mukha. Sa ganyang klaseng balat, alam kong galing siya sa isang mayamang pamilya.   “Hang-cute! Hang-guwapo! Hang-ganda ng ngiti! Hang-ganda ng katawan! Lahat ng ‘Hang’ ay nasa kanya na. Siya na ang aking pinapangarap na ‘super-Hang’ ng buhay ko! Hang-sarap niya!” ang narinig kong bulong na patawa ni Joy sa kanyang katabing kaibigan.   Napalingon na lang akong natawa kay Joy. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya na isinisingit ang pabulong na biro, binigyan niya ako ng dalawang thumbs up.   Nang nasa Grade 11 pa kasi kami, may nakakaaliw na karanasan kami kay Joy. Habang nagkaklase noon ang aming guro sa Filipino subject, siya naman ay hindi maawat sa pakikipagkuwentuhan sa katabi niya. Hindi niya namalayang tinawag na pala siya ng guro at pinaparecite sa kanya ang pangungusap gamit ang salitang “Nang”. Dahil hindi pa rin siya tumayo kahit naka-dalawang tawag na ang guro, kinalabit na siya ng isang malokong lalaking estudyanteng nakaupo sa likuran niya. Binulungan siya, “Sabi ni teacher gamitin mo raw sa pangungusap ang salitang ‘Hang’!” “Hang???” ang nalilitong bulong din ni Joy sa kaklaseng nasa likuran niya, kinaklaro kung tama ba ang kanyang narinig. Ngunit dahil galit na tinawag na uli siya ng guro, wala na siyang time para iklaro pa ang tanong. Kaya kahit naguluhan, dali-dali siyang tumayo at sumagot. “Hang-pogi po ng aming kapitbahay. Hang-tangkad, hang-kinis ng mukha, hang-ganda ng katawan. Hang-sarap!”   Doon na pumutok sa tawa ang buong klase. Pati ang guro ay imbes magalit, tumawa na rin. Iyon ang isa sa mga nakakaaliw na experience ng aming klase kay Joy nang nasa Grade 11 kami. Kaya kapag may guwapo na nakikita ang magkakabarkada, bibiruin na nila si Joy ng, “’Hang’ Joy o!” na sasagutin naman ni Joy ng “Oo nga! Hang-ganda ng kilay, Hang-cute ng mata, Hang-tangkad, Hang-amo ng mukha!” Tapos magtatawanan sila.   “Silence! Ang iingay ninyo! Ang lalandi ng mga babae sa klase na to! Unahin ninyo ang pagtapos ng pag-aaral bago lumandi! Kawawa ang mga magulang ninyo! Nagsakripisyo sila upang makapag-aral kayo, mabigyan ng magandang bukas tapos nandito kayo, naglalandi! Kung ganyan lang ang mga itatanong ninyo, wala nang puwedeng magtanong pa!” ang galit na pagsingit ni Mr. Cervantes. At baling niya kay John, “Go to your seat!” bulyaw niya kay John.   Tumalima si John habang ramdam ko naman ang pagmamaktol ng mga babae. “KJ!” ang narinig kong bulong ni Joy.   “And by the way, John, I’ve already finished giving orientation to the class regarding the rules, regulations, and requirements. You can ask Timmy, our class president to orient you or to give you some information, especially that you are a transferee. There are many things to learn here,” ang dugtong ni Mr. Cervantes.   Hindi sumagot si John. Tila wala siyang narinig.   “Now, let us proceed with the election of your Class Muse and Prince Charming,” ang dugtong ng guro.   Nagulat naman ang lahat. Nang nasa lower years pa kasi kami ay appointed lamang ng teacher adviser ang muse at prince charming. Kasi ang kadalasang nangyayari ay ginawa lamang itong katuwaan ng mga kaklase namin. Puro na lang kasi kabalbalan ang karamihan sa aking mga classmates. Iyon bang kahit sino na lang basta mukhang kenkoy sa klase, ginagawa na kaagad nilang muse o prince charming. Tapos pagtatawanan, lokohin. Kaya iyon, appointed. Kaya sa puntong iyon ay tuwang-tuwa ang lahat na may chance na uli silang pumili. Syempre, mga dalaga’t binata na kaya alam na nila na dapat, ang piliin ay iyong karapat-dapat.   “I nominate Emily Reyes for muse,” ang pagnominate ng isang kaibigan na kaklase rin ni Emily.   “I nominate Marrie….”   “I nominate Cherry Anne…”   Nang magproceed na sa botohan, si Emily ang nanalo. Nagpalakpakan ang mga estudyante.   “Now, let’s proceed with the election of Prince Charming. The table is now open for the nomination of “Prince Charming”   “I nominate John Iglesisas!” ang sigaw ni Joy.   Nagpalakpakan ang buong klase. Tiningnan ko ang reaksyon ni John kung payag siya sa nomination ngunit wala siyang pakialam. Disconnected sa activity, tila pagod, nakadukdok lang sa kanyang desk. Tulog.   At dahil wala naman siyang reaksyon, itinuloy ko ang nomination process. “Any other nominations?” ang tanong ko.   “I move to close the nomination!” ang mabilis na sambit ni Joy.   “I second the motion,” ang pagsegunda naman ng kaibigan ni Joy.   Halos hindi ako makakibo sa bilis nila. “Grabe naman! Isa lang ang nominee natin?” ang tanong ko sa klase.   “Wala nang tatalo sa jan sa Hang ni Joy Tok!” ang sigaw naman ni Jeff. “Kahit maligo pa kami oras-oras sa isang araw, ‘di na kami makahabol sa gandang lalaki niya. Sobrang guwapo eh. Nababakla na nga rin ako d’yan. Baka nga liligawan ko pa yan, eh,” ang biro niya.   Nagtawanan ang buong klase. Nang nakita ng klase na gumalaw si John at inangat saglit ang kanyang ulo, marahil ay nagising sa ingay, bigla ring natahimik ang lahat.   “Okay, let’s proceed with the voting.”   “Wala na tayong pagbobotohan Tok!” ang sigaw uli ni Jeff.”   Natawa na naman ang lahat.   “For formality na lang.”   Kaya hayun, sa 48 ka estudyante ng Grade 12 Class Masugid, 44 ang tumaas ng kanilang kamay. “Mr. John Iglesias is hereby declared elected as the class’ Prince Charming,” ang pag-confirm ko.   Nagpalakpakan ang lahat.   Nakumpleto rin ang set of officers ng Class Masugid. Nang mag-ring ang bell para sa uwian, nagsimulang magsitayuan ang mga estudyante upang lumabas ng kuwarto. Naunang lumabas ang aming guro, sumunod ang iba pang mga ka-klase namin. Habang inayos ko ang laman ng aking bag upang tatayo at aalis na rin, nakita ko si Jeff na kinuwelyuhan ni John.   “Anong sabi mo? Liligawan mo ako? Anong palagay mo sa akin, bakla?” ang narinig kong sigaw ni John kay Jeff.   “P-pare, sorry, sorry na. Nagbibiro lang ako. Ganyan talaga ako, pare, pala-biro lalo na sa klase!” ang paliwanag ni Jeff na halatang namutla.   “Nagbibiro ka? Natawa sa biro mo ang klase? Tapos ako ang pinagtatwanan nila?” ang sagot ni John na matalim ang tingin kay Jeff.   “S-sorry na. S-sorry na...”   “Hindi puwede sa akin ang ganyang biro. Hindi kita kaibigan para biruin mo ako ng ganyan. Naintindihan mo?”   “Okay pare. Hindi na mauulit. Sorry talaga!”   “Pakawalan mo siya, John. Ganyan talaga si Jeff sa klase,” ang pagsingit ko.   Pinakawalan ni John si Jeff atsaka ako ang hinarap, bakas pa rin sa kanyang mukha ang galit. “Isa ka pa, no?” ang sambit niya habang bumaling siya sa akin.   “Ha? A-anong kasalanan ko?” ang sagot kong nabigla sa kanyang sinabi.   “Anong kasalanan mo?” ang pagtutok niya ng kanyang hintuturo sa aking mukha at idiniin iyon. “Bakit ka pumayag na gawin akong Prince Charming?”   “Huh!” ang reaksyon ko dahil sa hindi inaasahang tanong. “Malay ko bang ayaw mo pala,” ang sagot ko sabay din salag sa kanyang hintutro na sumagi sa mukha ko.   “E, ‘di sana ay tinanong mo muna ako kung papayag ako o hindi! Hindi iyong nagdesisyon ka para sa akin! Tatay ba kita para magdesisyon ka para sa akin?” ang galit niyang sabi.   “Eh, tulog ka eh!” Ang sagot kong tumaas rin ang boses.   “E, sana ay ginising mo ako! Mahirap bang gawin iyan!” ang mas lalo pang tumaas niyang boses.   Napatitig na lang ako sa kanya sa napaka-irrational niyang sagot. “Arghhh!” ang gigil kong bulong sa aking sarili. Hindi ko na siya sinagot pa. Tumalikod ako sa kanya at tinumbok ang aking upuan. Dinampot ko ang aking knapsack.   “Hoy! Kahit presidente ka pa ng Pilipinas, hindi mo ako mapasunod kung ano man ang gusto mong ipagawa sa akin!” ang sigaw niya.   Hindi ko na pinansin ang kanyang sinabi. Ayaw kong magkainitan pa kami at hahantong sa pisikal na away. Hindi ko pa rin naman kasi alam ang tunay niyang ugali. Baka ganoon talaga siya.   Nang papalabas na ako ng silid-aralan ay nakita kong nag-umpukan ang mga kaklase ko. Nang mapadaan ako sa kanila ay may narinig akong mga kumento.   “Gash! Hang-bagsik. Hang-tapang! Hang-macho! Kung sa simula pa lang ng klase ay siya ang aking campus Hang, ngayon ay itinaas ko na ang ranggo niya sa pambansang ‘Hang’!” ang sabi ni Joy. “Psst. Atin-atin lang, ang tawag natin sa kanya ay ‘Hang’ na ha? Type ko kasi siya, ayiiiiii! At para rin hindi niya malalaman na siya ang pinag-uusapan natin kapag ganitong nag-uumpukan tayo! Ang bagsik kasi niya kapag nagagalit eh! Sobrang fierce! My type!” dugtong niya.   “Narinig ko iyon!” ang pagsingit ko naman.   Napalingon silang lahat sa akin. “Huwag mo kaming isumbong ah!” ang sagot ni Joy.   “Paano ko sasabihin iyan. May uwang ata sa ulo iyong ‘Hang’ mo eh. Parang adik. Pati ba naman ako ay binulyawan. Anong pakialam ko kung gustoniya o hindi iyong pagka Prince Charming niya. Hindi naman ako ang nag-nominate sa kanya. Anong kasalanan ko? Mabuti nga at ni-nominate siya eh. Ibig sabihin ay kahit papano, may naguwapuhan pa rin sa kanya!”   “Ako ang pinaparinggan mo eh!” ang pagreact naman ni Joy.   “Oo… dahil noon, ako ang crush mo pero napadayo lang ang taong iyon, crush mo na kaagad!” ang pabiro kong sabi habang dire-diretso lang ako sa paglalakad pauwi.   Hinabol ako ni Joy na umabre-syete pa sa aking bisig. “Ito naman. Marami kasi akong karibal sa iyo eh! Kainis ka! Ayoko namang saktan ang muse natin na love na love ka… At least d’yan kay super-Hang, ako ang nakadiskubre sa kanya!”   Tumawa ako. “Oo na, sa iyo na siya. Mag-ingat ka lang. Animal yata ang taong iyan. Baka ngatngatin ka!”   “Ay type kong magpangatngat! Kailan? Saan? Ba’t ang tagal?”   Tawanan.   (Itutuloy)   

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
6.2K
bc

My Secret Agent's Mate

read
118.3K
bc

NINONG III

read
384.1K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
72.4K
bc

OSCAR

read
236.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.2K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
86.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook