Book 2/Part 7: Ian

3414 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full ----------------------   Bumalik na naman ang pagiging sweet ng nina “Tok” at “Hang”. Dahil nakapagbitiw na ng salita si Timmy na hindi na niya ipapabago ang kanyang apilyedo, sinabi sa kanya ni John na ang mana niya ay magiging kanya na rin.   Dahil sa pagbabalikan nina Timmy at John, muling naging masaya ang samahan ng barkada. Palagi na naman ang kanilang pagsasama-sama sa umpukan, sa break time, at sa mga school activities. Marami rin silang plano.   Pero syempre, may isang nilalang na abot-langit ang inis dahil na out-of-place na siya at tuluyan nang hindi pinansin nina Timmy at John. Ngunit todo-effort pa rin si Julie sa pangungulit.   Isang araw habang nasa student center ang magbarkada at nagkukuwentuhan, biglang sumulpot si Julie, may kasamang tatlong estudyante na bagong kaibigan niya. Umupo sila sa may katabing mesa kung saan ay naroon sina Timmy, John at mga barkada. Mukhang mga anak-mayaman din. At kung titingnan ay may pagka matapobre sila. Taas-noo na dumaan sila sa umpukan ng grupo nina Timmy at John.   “Mabuti pa ang ibang lalaki d’yan... gagawin ang lahat magka-pera lang, kahit makipagboyfriend ng kapwa lalaki,” ang pasaring ni Julie kay Timmy nang nakaupo na sila sa katabing mesa. Nagtawanan ang grupo nila.   Napalingon si Timmy sa kinaroroonan nila. Kalmante lang si Timmy ngunit nag-init si John. Tatayo na sana siya upang tumbukin ang grupo nina Julie. Ngunit pinigilan siya ni Timmy. “Huwag mo nang pansinin!” ang sambit niya.   “Tama Hang. Huwag mo siyang pansinin. Away babae to. Ako ang bahala riyan,” ang pagsingit ni Joy.   “Ano kaya ang hitsura ng dalawang lalaking  naagsisex? Iyong isa ay titirahan sa puwet at pagkatapos ang isa naman ang titira doon sa unang tumira sa puwet?” ang pasaring uli ni Julie.   Muling nagtawanan ang grupo nina Julie.   Doon na sumingit si Joy, “Ano kaya ang nararamdaman ng isang p****k kapag hindi pinapansin ng guwapong lalaki no? Ang sakit lang bessssssss!” ang sigaw na pasaring din niya. Pagkatapos ay binulungan sina Jane, Daniel, Emily, Jeff na “Tumawa naman kayo!”   Kaya tumawa kunyari ang grupo.   “Bakit ‘di pinapansin ng lalaki ang isang p****k?” sabay sambit uli ni Joy sabay bulong kay Emily ng “Sagot!”   Kaya sumagot si Emily. “Bakit?”   “Kasi maluwag na!”   Tumawa uli ang grupo nin Joy.   Doon na umusok ang ilong ni Julie. Tumayo ito at hinarap si Joy. “Ako ba ang pinasaringan mo na p****k?” ang galit na galit na tanong niya.   Tiningnan ni Joy si Julie. “Bato-baot sa langit ang tamaan ay... sapol!” sabay tawa. “Wala naman akong binanggit na name Besssss! Bat ganyan ka kung makareact? Guilty ba besss?”   “Putangina moooo!” ang sigaw ni Julie na akmang sambunutan sana si Joy.   Ngunit mabilis na nakatayo si Joy at nakailag sa kanyang pagsambunot. Doon na nagtatalak si Julie. “Palibhasa ay mga hampaslupa kayo, low class, mga taga-bukid! Nakatungtong lang ng unibersidad ay akala mo mayaman na rin! Putangina ninyo! Iyang Joy na iyan akala mo naman kagandahan! Ang pangit ng mukha, ang pangit pa ng ugali!”   “Naka-drugs ka te? Kung maganda ka sana, e ‘di nakulembat mo na sana ang lalaking gusto mo. Hindi eh. Kaya quiet ka na lang,” ang sagot ni Joy habang minuwestrahan niya ang mga barkada na tumayo, atsaka binulungan, “Laruin natin ang ‘Taga-saan ka Challenge’ pero ang sagot ay ‘sa lugar ng mga p****k, sa kalye ng bahay ng haliparot na yan sa Paco Street.’”   Habang naglitanya si Julie ng panlalait sa kanila, tumayo ang magbarkada na ikinagulat naman ni Julie, akala ay susuguriin siya. “Fe... tagasaan ka?” sabay patugtog ng ng kanyang cp.   Natawang sinagot ni Fe ang tanong ni Joy. “Taga Paco, sa lugar ng mga p****k” at sumayaw si Fe. Nagtawanan ang barkada.   “Taga-saan ka Emily?” ang sunod na tanong ni Joy.   Ganoon din ang sagot ni Emily “Taga Paco, sa lugar ng mga p****k” at sumayaw din si Emily. Nagtawanan uli ang mga barkada.   Hanggang sa lahat sila ay natanong na ni Joy. At si Jeff naman ang nagtanong, “Taga-saan ka Joy?”   Doon na humarap si Joy kay Julie na mistulang natulala at hindi na makapagsalita sa kanilang ginawa, “Taga Paco, sa lugar ng mga p****k at bitter!” at sumayaw si Joy na nang-inis kay Julie.   At dahil nagsitayuan ang iba pang mga estudyante, tinanong na rin ni Joy ang mga nakita niyang freshmen, “Taga saan ka, Jick?”   Malakas na tawa naman ang isinagot ni Jick. “Taga roon sa lugar din na iyon!” ang sagot niya. At nang tumugtog na ang kanta, ay walang kyeme na sumayaw rin. Hanggang halos lahat na estudyante na naroon sa center ay tinanong ni Joy na masaya ring nakisali. Hanggang masayang nagpalakpakan ang lahat sa bawat sasayaw kapag tinanong ni Joy. Ang seryosong pag-uumpukan ng mga estudyante sa student center na iyon ay nauwi sa tawanan at kasiyahan para sa lahat na naroon, maliban na lang kina Julie at mga barkda niya.   Nang wala nang matanong si Joy, hinarap niya si Julie, “Ikaw Miss, taga-saan ka?” tapos pinatugtog ang kanta sa kanyagn cp.   Ngunit sinagot siya ni Julie at dinuro pa. “Fcuk You! Hindi pa tayo tapos! Tingnan natin kung masaya pa rin kayo sa gagawin ko sa inyo!” sabay talikod at nag-walk out na nagdadabog kasama ang kanyang mga barkada.   “Talaga Miss? Taga-saan ka nga Miss! Taga Paco ka rin ba? Missssss! Taga-saan ka!” ang sigaw ni Joy kay Julie at mga barkada niya habang nagmadaling naglakad sila palayo.   Nagtawanan na lang ang mga estudyante sa student center na iyon.   HALOS PERPEKTO na ang lahat sa panig nina Timmy at John. Ang hinihintay na lamang nila ay ang kanilang pagtapos ng pag-aaral upang tuluyan na silang magsama sa Maynila at doon ay pamunuan nila ang pagpapatakbo sa negosyo na iniwan ng ama ni John.   “Kapag nakapagtapos na tayo ng pag-aaral Tok, gusto kong magsama na tayo. Doon tayo sa Manila manirahan at pamunuan natin ang pagpapatakbo ng negosyo ng daddy. Maaari rin nating ituloy ang pag-aaral ng Master’s Degree sa ibang bansa at doon ay magsama rin tayo. Doon ay walang mapanghusga, ang mga tao toon ay tanggap ang ating relasyon. Puwede ring doon tayo magpakasal. Maaari rin tayong mag-ampon ng bata, o maghanap ng babaeng bayaran natin upang magsurrogate ng ating magiging mga anak,” ang sambit ni John isang gabi habang nakaupo sila sa tabi ng pampang.   “Malayo pa naman iyon… marami pang puwedeng mangyari. Hindi lang natin alam,” ang sagot naman ni Timmy.   “Syempre, marami pa talagang mangyayari. Kagaya ng gagraduate pa tayo rito. Tapos mag-aaral sa labas ng bansa. Tapos, tayo na ang mag-manage sa mga negosyo ng daddy.”   Binitiwan ni Timmy ang isang hilaw na ngiti. “Tama. At maliban d’yan hindi rin natin alam kung ano pa man ang iba pang maaaring mangyayari. Kaya kung ano man ang mayroon tayo ngayon, i-enjoy na lang natin,” ang sagot ni Timmy.   SABADO IYON, walang pasok ngunit pumunta ng eskuwelahan si Timmy dahil may meeting ang student council. Dahil president siya ng Freshmen ng kanilang department kung kaya ay dapat naroon din siya. Si John naman ay nagtungo sa apartment niya gawa nang pinatawag siya ng kanyang Tito.   Nang pauwi na si Timmy pagkatapos ng meeting ay napadaan siya sa basketball court. Nakita niya roon na naglalaro si Ian, walang kasamang nagso-shoot ng bola. Si Ian ay basketball varsity player ng unibersidad. MVP ng team, tinitilian ng mga babae at bakla at kinaiinggitan ng mgalalaki. Hindi lang kasi matangkad si Ian, hindi rin matawaran ang kapogian at malakas na appeal nito. At bagamat 2nd year pa lang siya sa kursong Engineering, napakagaling niyang maglaro.   Dahil nagmamadali si Timmy, hindi niya binigyang-pansin si Ian na abala sa pagpapractice. Isa pa, hindi naman niya talaga kaibigan iyong tao. Wala silang common friend, magkaiba ang kanilang departamento, at hindi sila magkakaklase kahit ni isang subject. Nakilala lang niya ito dahil napanood niya isang beses ang laro ng team ng friendship match kalaban ang isang private na unibersidad sa rehiyon at napahanga siya sa laro ni Ian.   “Hi Timmy!” ang pagbati ni Ian na nakangiti kay Timmy.   Gulat na nahinto si Timmy sa kanyng paglalakad. Napalingon siya sa kinaroroonan ni Ian. Hindi niya akalain na alam ni Ian ang kanyang pangalan. “H-hi!” sagot din niya.   “Halika pare, samahan mo muna akong maglaro!” ang pag-anyaya ni Ian kay Timmy.   “Eh... n-nagmamadali kasi ako, pare,” ang sagot ni Timmy.   “Sige na pare... wala akong kasama eh.”   “N-nagmamadali talaga ako...” ang sagot ni Timmy.   “Magtatampo na ako sa iyo niyan. Nakikipagkaibigan na nga iyong tao sa iyo, eh,” ang sambit ni Ian.   Hindi na magawang sumagot ni Timmy. Nakatingin lang siya kay Ian. Nagdadalawang-isip siya na paunlakan si Ian dahil baka hanapin siya ni John at magalit kapag malamang tapos na ang meeting ngunit kung saan-saan siya nagpunta.   “Sige na, pare. Hindi naman siguro ako ganyan kapangit upang iwasan, ‘di ba? Makikipagkaibigan lang ako sa iyo. Sige ka, magtatampo na ako niyan sa iyo. At ang magiging impression ko sa iyo ay suplado kapag hindi mo ako pinaunlakan,” ang giit pa ni Ian.   Napangiting-hilaw si Timmy. “Grabe ka naman. ‘Di ka naman pangit at kahit pangit ka pa, ‘di naman ako namimili ng kaibigan. Atsaka hindi ako suplado.”   “Iyon naman pala eh.”   Kaya wala nang nagawa si Timmy kundi ilapag ang kanyang bag sa ibabaw ng sementong upuan sa gilid ng basketball court. Matagal na rin siyang hindi nakapaglaro ng basketball.   Habang naglalaro sila, tinatanong naman siya ni Timmy. “Paano mo nalaman ang pangalan ko?”   “’Di mo alam? Sikat ka kaya sa campus,” ang sagot naman ni Ian.   Napa-“Huh!” naman si Timmy. “Paanong sikat pare?”   “Sikat. Campus crush, campus heartthrob... Pinakamatalinong freshman. Mabagsik sa klase.”   Biglang ibinato ni Timmy ang bola kay Ian. “Niloloko mo ako eh! Paano nga?” ang biro ni Timmy na may halong pagkainis.   Sinalo ni Ian ang bola at nahinto. “Di nga pare. Sa mga batch ko, ang daming chicks. Kapag nag-uumpukan ang mga iyan, hindi nawawala ang paborito nilang subject, Timmynology,” ang sagot ni Ian sabay dribble uli sa bola sa harap ni Timmy na nanunudyong agawin iyon sa kanya.   Natawa si Timmy sabay din tangka na agawin ang bola na dini-dribble ni Ian. “Di nga? ‘Di naman matino na kausap ‘to.”   “Totoo ang sabi ko. Kung sa babae ka pa raw, beauty and brain. Nakapaskil kasi ang name mo sa bulletin board bilang isa sa mga Dean’s Lister sa first quarter ngsemester eh. At number 1 ang pangalan mo. Nai-insecure nga ako sa iyo eh. Mga ka-batch ko hindi na ako ang idol. Noon lang daw nila ako idol nang hindi ka pa dumating. Ngayong naumay na raw sila sa pagmumukha ko, ikaw naman ang idol nila. Kaya nagtanong-tanong ako tungkol sa iyo. Tapos noong dumaan ako sa student center kasama ko ang isang classmate na babaeng nababaliw din sa iyo, itinuro niya ikaw na kasama ang mga first year din na mga Business Admin students,” ang sagot ni Ian sabay dunk sa bola sa ring. Shoot.   Nasalo ni Timmy ang bola. “Di nga, pare?” ang sambit niya habang siya naman ang nagdribble sa bola.   “Totoo. Kaya sabi ko sa sarili, ‘Kaibiganin ko nga ito para kahit papaano ay maambunan ako ng karisma at kapogian,” Ang sagot ni Ian na tinangkang agawin ang bola mula kay Timmy.   “Weee! Ang dami ngang chicks d’yan na tumitili sa iyo,” sabay dunk naman sa bola. Shoot.   “Sa court iyon pare. Iyan ang teritoryo ko. Kapag naglalaro. Pero ang sa iyo, buong campus talaga ng unibersidad. Kahit dadaan ka lang sa mga classrooms, magtitilian na sila kapag nakalampas ka na,” ang sagot ni Ian habang dini-dribble ang bola. “Kahit nga nagbabasketball kami, kapag naroon ka’t nanunuod lang sa amin, hindi na sila titingin pa sa court eh. Sa iyo na lang sila titingin. Wala na silang pakialam sa laro.”   Doon na humalakhak si Timmy. “Gago. Maniwala na sana ako, kaso pinasobrahan mo na eh.”   “Totoo nga iyan, pare!”   “Huwag na nga nating pag-usapan iyan. Kinikilabutan ako eh!” Ang sambit ni Timmy.   “Ano ang gusto mong pag-usapan natin?” ang tanong ni Ian.   “Wala. Ayoko na... alis na ako, pare.”   Huminto sa pagdi-dribble si Ian. Iniabot niya ang kanyang kamay kay Timmy. “Ian pare.”   Tinanggap ni Timmy ang pakikipagkamay ni Ian. “Timmy,” ang sagot niya. “Uuwi na ako, pare,” ang giit ni Timmy.   “Sandali... mag-snack muna tayo. Ako ang taya,” ang pag-anyaya na naman ni Ian.   Nahinto si Timmy. Nag-alangan. Gusto na talaga niyang umuwi.   “Please? May sasabihin lang ako sa iyo.”   “T-tungkol saan?”   “Basta, personal,” ang sagot ni Ian na tinumbok ang upuan kung saan nakalagay ang kanyang bag. Dinampot niya ito. “Tara!” sambit niya.   Wala na namang nagawa si Timmy. Binuntutan niya si Ian na naglakad patungo sa canteen.   Nag-order si Ian ng dalawang tuna sandwich at dalawang soft drinks. “May gusto ka pang kainin?” ang tanong ni Ian.   Umiling si Timmy.   Nang naupo na silang pareho at nagsimulang kumain, tinanong ni Timmy si Ian. “A-ano iyong sasabihin mo sa akin, pare?”   Tinitigan ni Ian si Timmy. “Ulila ka na pala sa mga magulang?” ang tanong ni Ian.   Tumango si Timmy. “Paano mo nalaman?”   “Syempre, marami kang stalker. Pati ako naging stalker mo na rin.”   Binitiwan ni Timmy ang isang hilaw ng ngiti. “OA ka eh! MVP ng unibersidad magtatyaga sa pang-iistalk sa isang hamak na tulad ko? B-bakit nga?”   “OA na kung OA. Pero ang purpose ko lang naman ay upang maging kaibigan ka. Nakita ko kasi na mabait ka, at dahil pareho tayo ng kalagayan, puwede akong mag confide sa iyo ng mga hinaing na may kinalaman sa pagiging ulila. Ika nga, ‘we’re on the same boat’. Tama ba? Atsaka, na-impress ako sa iyo. Kahit ganyan ka, ang galing mo sa klase, parang normal lang ang buhay mo. Parang wala lang nangyari sa iyo. Idol na kita,” ang sambit ni Ian na seryoso sa pagsasalita..”   Natahimik sandali si Timmy. “Bakit ikaw, ganoon ka rin naman ah! Nag excel ka sa basketball. Nakita kita noong huli mong laro, ang saya mong tingnan. Akala ko nga, anak-mayaman na spoiled brat ka. Parang wala ka naman kasing problema. Ang dami mong kaibigan, palangiti ka.”   “Iyan ang akala ng marami... Iyong pakiramdam na nasa gitna ka ng maraming tao ngunit feeling nag-iisa ka pa rin. Nakikipagngitian ka sa kanila ngunit may kulang. At ang masaklap, hindi nila talaga alam ay ang tunay na saloobin mo. Parang kaplastikan lang ang lahat.”   “Ah,” ang sagot ni Timmy. Nararamdaman din kasi niya iyon minsan. Bagamat masaya naman siya sa mga kaibigan niya, may mga pagkakataon din na parang nag-iisa lang siya sa mundo. “So, nag-iisa ka lang din sa bahay mo?” ang tanong ni Timmy.   “Inampon ako ng isang lalaking mayaman.” Nahinto siya sandali, “...isang tagong bakla. Siya ang kasama ko.”   “Oww?” ang gulat na sabi ni Timmy. “B-bat malungkot ka kung okay naman ang pag-ampon niya sa iyo?”   “Iyon na nga eh. N-nakakahiya pero atin-atin lang ito, ha. Ginawa niya kasi akong parausan. s*x toy, lihim na boyfriend. Sa labas, ang pagpapakilala niya sa akin ay anak niya, na single father siya. Halos gabi-gabi ay ginagamit niya ako. Iyon bang habang nagsesex kami, diring-diri ako sa aking sarili. Nasusuka ako sa aking sarili, sa pinaggagawa niya sa akin. Feeling ko ay sirang-sira na ang aking pagkatao. Napakaliit na ng respeto ko sa aking sarili,” ang sambit niya habang dumaloy ang luha sa kanyang mga mata. Lihim niya iton pinahid.   “B-bakit ayaw mong umalis sa kanyang poder?”   “Hindi ako puwedeng umalis dahil nag-aaral pa ako at saan naman ako tutungo? Atsaka, kapag isinumbong ko siya, mapapahiya rin ako. Ayoko ng ganoon.”   “W-wala ka bang kamag-anak?”   “Hindi ko nga rin alam ang aking mga magulang dahil iniwan lang daw ako sa gate ng bahay-ampunan noong sanggol pa lang ako. Hindi ko alam kung sino ako, kung saan ako nagmula, kung sino ang mga kamag-anak ko.”   “G-ganoon ba? Ang hirap pala ng kalagayan mo,” ang sambit ni Timmy.   “Kaya nga nang malaman kong ulila ka na rin, sabi ko, at least may mapagsabihin na rin ako sa mga saloobin ko.”   Tumango lang si Timmy, binitiwan niya ang isang matipid na ngiti. “Makakaasa ka. Paano kita matutulungan?”   “Wala... ang mahalaga lang sa akin ay may mapagsabihin sa bigat ng aking dinadala. Titiisin ko na lang ang dalawang taon ng pang pag-aaral atsaka lalayas na ako sa poder niya,” ang sambit ni Ian. “Sana ay makahanap kaagad ako ng work,” ang dugtong niya.   Naisip agad ni Timmy si John, na siya nang may-ari sa maraming negosyo na iniwan ng kanyang daddy. “Huwag kang mag-alala. Kapag graduate ka na, tutulungang kita,” ang sagot ni Timmy.   “Talaga? Salamat kung ganoon.”   “Walang anuman, pare. Simula ngayon, kapag kailangan mo ng kausap, narito lang ako,” ang sambit ni Timmy. Nagpalitan sila ng mga numero nila sa telepono.   “Maraming salamat talaga, pare,” ang sambit ni Ian. “Basta, sa atin na lang iyong sinabi ko sa iyo tungkol sa buhay ko, ha? Alam mo naman, nakakahiya...”   “Makakaasa ka.”   Naputol ang kanilang pag-uusap nang nagring ang cell phone ni Timmy. Si John. Tumayo si Timmy at lumayo kay Ian nang sinagot na niya ang tawag ni John. Nagtanong si John kung nasaan siya.   “Nandito pa ako sa campus. N-natagalan ang aming meeting,” ang pag-aalibi ni Timmy.   “Okay, dito ka na dumaan sa apartment, at sabay na tayong umuwi,” ang sagot ni John.   Nang bumalik si Timmy kay Ian, “Si John ba iyong tumawag?” ang tanong ni Ian.   “O-oo,” ang sagot ni Timmy.   “Kilala mo rin siya?”   “Oo naman. Stalker mo kaya ako, ‘di ba?” sabay tawa.   “Ah. Okay,” ang sagot ni Timmy. Gusto pa sana niyang tanungin kung alam din niya ang kuwaento nila ni John ngunit naunahan siya ng hiya. “Uuwi na ako, Ian,” ang pagpaaalam na lang ni Timmy.   Iyon ang simula nang lihim na pakikipagkaibigan ni Timmy kay Ian. Simula noon ay palagi nang nakatanggap ng text si Timmy mula kay Ian, at sinasagot naman niya ito. Pinagbawalan nga lang niyang tumawag si Ian, unless emergency.   Isang hapon ng sabado ay nakatanggap ng tawag si Timmy. Nagkataon namang nasa loob siya ng bahay habang si John ay nasa labas, tini-train si Tok-Hang. Matagal na kasing tini-train ni Johnny si Tokhang. Matalinong kabayo kasi ito at nakakaintindi ng salita o utos kagaya ng aso. Inuutuaan niyang humiga, tumagilid, itatapon ang isang bagay na kukunin ni Tokhang upang ibalik sa kanya, tinuruan din ni John si Tokhang sa pagtanggal ng tali niya, in case daw kapag may emergency at nakatali ang kabayo, kaya niyang tanggalin ang tali kapag makarinig ng tawag at tutulungan niya kung sino man ang tumawag sa kanya. Kaya iyon ang pinagkakaabalahan ni John.   “Bakit ka napatawag?” ang sagot ni Timmy habang sinilip ang labas ng bahay paniguradong nasa labas si John.   “Hirap na hirap na ako rito pare... depressed ako,” ang sabi ng boses sa kabilang linya na nag-iiyak.   “Anong maitutulong ko?” ang sagot ni Timmy.   “Sana puntahan mo ako sa bahay.”   “Wala ba riyan ang daddy mo?”   “Wala umalis. Sa makalawa pa ang balik, nasa Manila siya, may meeting.”   “Okay, tingnan ko kung maka-alis ako, tatawagan kita. Okay?”   Nang pumasok na si John sa bahay, doon na nagpaalam si Timmy. “John... m-may emergency meeting daw ang student council. Kailangan kong mag-attend.”   “Okay... ihahatid na kita at doon na lang din ako maghintay sa iyo sa apartment.”   Iyon ang napagkasunduan. Agad na tinext ni Timmy si Ian na makakarating siya.   Nang nasa may gate na sila ng unibersidad, pumasok na si Timmy habang si John ay dumiretso ng apartment. Dahil hindi naman talaga ang unibersidad ang pakay ni Timmy, naghintay pa siya ng ilang sandali upang makalayo si John at makapuslit siya patungo sa bahay ni Ian.   Nakarating din si Timmy sa bahay ni Ian. Sinalubong siya ni Ian. “Ang gara naman ng bahay ninyo. May dalawang sasakyan pa.”   “Bahay lang niya ito. Magara tingnan pero impiyerno ang loob nito.”   “O, anong nangyari?” ang tanong niya.   “Wala, gusto ko lang may makausap. Natatakot ako na baka hindi ko ma-control ang sarili ko magpatiwakal ako kapag wala akong makausap.”   “Okay, okay. Pero hindi ako magtatagal ha?”   Tumango si Ian. “Sabayan mo akong mag-inom para kapag nalasing ako ay makatulog ako at puwede mo na akong iwanan.”   “Okay,” ang sagot ni Timmy.   Tumayo si Ian at tinumbok ang refrigerator, kumuha ng ilang beer. Binuksan niya ang dalawang beer atsaka inabot ang isa kay Timmy.   “Isang beer lang ang inumin ko ha?” ang sambit ni Timmy.   “Sige...”   Mahigit sampung beer na ang naimom ni Ian at hindi pa rin ito makatulog. Nagsasalita pa rin at umiiyak. Hindi raw mawaglit sa kanyang isip ang mga kahayupang ginawa sa kanya ng kanyang ama-amahan. Si Timmy naman ay naka anim na beer na rin at medyo lasing na.   Marahil ay dahil lasing na, umaakbay-akbay na si Ian kay Timmy habang nagsasalita at umiiyak. At syempre, walang malisya iyon para kay Timmy dahil nga lasing iyong tao at kailangang damayan at baka magbigti. Inakbayan na rin ni Timmy si Ian.   Hanggang sa umabot sa puntong niyakap na ni Ian si Timmy nang mahigpit at biglang hinalikan siya sa bibig. Halos hindi makapalag si Timmy sa higpit ng pagkayakap sa kanya ni Ian.   Iyon din ang punto kung saan ay biglang sumulpot si John! “Putanginaaaaaaaaaa!!!” ang sigaw niya.   (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD