Book 2/Part 9: Asshole!

4165 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full   -----   Nang mag breaktime na, tiningnan ni Timmy ang desk ni John kung naroon pa ba ang buko pie na ibinigay niya. Ngunit wala na ito roon.   “Sabay tayong umuwi mamaya sa bukid?” ang tanong ni Timmy kay John.   Ngunit hindi pa rin siya pinansin ni John. Biglang tumayo si John at lumabas ng silid-aralan. Inintindi na lang siya ni Timmy dahil tanggap naman niya na siya ang may kasalanan.   Hanggang sa oras ng uwian ay biglang nawala si John.   “Nakita niyo ba si John” ang tanong ni Timmy nang nadaanan niya ang magkasintahang Jeff at Emily sa may gate ng unibersidad.   “Parang siya iyong nakita ko kanina Tok na sumakay ng tricycle,” ang sagot ni Emily. “Gusto ko nga siyang lapitan kaso parang nagmamadali eh. Parang wala sa mood na makikipagkuwentuhan,” ang dugtong niya.   “Ah sige. Thanks.”   “Uuwi ka na ba, sa bukid, Tok?” ang tanong ni Jeff.   “Oo…” ang malungkot na sagot ni Timmy.   “Nagyaya ang barkada na magbonding sana eh. Nabo-bored daw sila dahil walang gagawin. Wala pa namang pasok bukas. Sinabi ko sa kanila na hindi magandang timing ngayon dahil not in good terms nga kayo ni John. Syempre, ikaw ang lider namin at si John...” nahinto si Jeff at binitiwan ang isang tawa na halatang nahiya, “...sponsor. Kaya saka na lang kung buo tayo.”   “Oo nga. Malungkot nga din ako dahil hindi niya ako kinikibo, eh.”   “Suyuin mo siya, Tok. Para masaya uli tayo. Masarap kasi ang samahan natin kapag wala kayong away eh. Lahat ay apektado kapag ‘di kayo nagkikibuan. Kapag need mo ang tulong namin, tawagan mo lang kami, full support kami kung ano man ang plano mo.”   Doon na lumakas ang loob ni Timmy. Agad siyang nagdesisyon na sa apartment ni John na siya tutungo. “Sige pare, pupuntahan ko si John ngayon sa apartment niya. Salamat.”   “Yes!” ang masayang sigaw ni Jeff. “Text ka lang sa amin kug need mo ang tulong namin, okay?   Tumango lang si Timmy. Kaya imbes na dideretso sa bukid, nag-abang na lang siya ng tricycle patungo sa apartment ni John.   Halos 30 minutos din siyang nag-abang ng masasakyan. Peak time kasi iyon at marami ring nag-abang na mga estudyanteng pasahero. Nasa ganoon siyang paghahanap ng bakanteng tricycle nang biglang may pumara sa kanyang harapan. “Timmy, sakay na! Sabay tayo!” ang narinig niyang boses.   Si Bell. Dali-daling sumakay si Timmy. Bagamat hindi siya sigurado kung saan ang tungo ni Bell, sumakay na lang siya dahil baka gabihin siya sa paghihintay. Nakita din kasi niyang patungong downtown ang direksyon ng ticycle. At malapit lang sa downtown ang apartment ni John.   “Saan ang tungo mo?” ang tanong ni Bell nang nakasakay na siya.   “Eh… s-sa downtown lang,” ang sagot ni Timmy. Ayaw niya kasing malaman ni Bell na kay John siya patungo.   “Ay, doon din ang tungo ko! Puwedeng sumama?” ang sambit ni Bell.   “O-okay,” ang sagot ni Timmy. Naisip din kasi niya na bibilhan niya si John noong metal dog tag na nakita nila isang beses na namasyal sila sa isang souvenir shop. Hindi nila nabili iyon dahil last na lang na piraso at may nagbayad na in advance. Hand-made daw kasi iyon at inoorder pa nila mula sa malayo. Magbakasakali lang siya kung mayroon na uli. At dalawa ang balak niyang bibilhin, couple na kuwintas kumbaga.   “Kain muna tayo, Timmy. Nag crave ako ng matamis eh,” ang sambit ni Bell nang nasa downtown na sila.   “Eh… s-sensya na Bell. W-wala akong pera eh. Tamang-tama lang pamasahe at ma-may bibilhin din ako,” ang sagot ni Timmy.   “Ako ang bahala. May pera ako.”   Bagamat nahiya ay sumang-ayon na rin si Timmy.   “Anong bibilhin mo?” ang tanong ni Bell nang nasa loob na sila ng isang food shop at kasalukuyang kumakain ng doughnut.   “D-dog tag.”   “Para kanino?”   “Eh…” ang pag-aalangan ni Timmy. “K-kay John.”   “Ah… Birthday niya?”   “Hindi. M-medyo nagtampo kasi sa akin kaya gusto kong bigyan siya niyan. Iyan kasi ang gusto niya kaso ‘di mabili-bili dahil limited lang siya at palaging nauubusan. Naka-ilang balik na siya sa shop pero hindi pa rin makabili-bili.”   “Oh my God! Ang sweet naman! Ganyan kayo ka close? Nakakainggit.”   “Oo close kami niyan. Minsan lang kasi iyan nagtatampo sa akin. Kaya gusto kong suyuin.”   “Sige, sige sasamahan kita.”   Nang nasa mall na sila, napadaan sila sa isang shop na may nakadisplay na mga teddy bear. Huminto si Timmy at tinitingnan-tingnan ang mga display. Sa isip niya ay gusto rin niyang bilhan si John. Ngunit kulang ang pera niya.   “Bibili ka?” ang tanong ni Bell.   “H-hindi. Kulang ang pera ko.”   “Ako na ang bibili. Pili ka, Timmy,” ang sambit naman ni Bell.   “Huwag na Bell. Kailangan mo rin ng pera eh.”   “Ano ka ba… may pera ako. Magtatampo ako kapag ganyan ka.”   “Ah... S-sige. Babayaran na lang kita kapag may pera na ako.”   “Kahit hindi mo babayaran. Okay lang iyan.”   Dahil nahiya siya kay Bell, ang pinili niyang stuffed toy ay iyong halos kasing laki lang ng kanyang palad, kulay brown.”   “Iyong malaki ang piliin mo, Timmy,” ang sambit ni Bell nang makitang maliit ang pinili niya.   “Iyon?” ang sagot ni Timmy sabay turo sa display na tinukoy ni Bell. “Mahigit dalawang libo iyan, Bell. Mahal.”   “Okay lang iyan, ano ka ba? May pera ako. Pili ka, hayun o… ang ganda! May puti, may light brown, may black pa!”   “Sure ka?”   “Ano ka ba!”   “Ako naman ang mahihirapang magbayad nito. Magpapaalipin na lang ako sa iyo nito.”   “Timmy naman eh! Huwag mong isipin ang bayad. Kahit hindi mo ‘ko bayaran, okay lang sa akin.”   Medyo touched si Timmy sa sinabing iyon ni Bell. Sobrang saya niya. “Salamat Bell…” ang sambit ni Timmy. Tinumbok niya ang lagayan ng malalaking Teddy bear na ang taba ay halos hindi kayang yapusin ng kanyang bisig. Kulay brown ang kanyang pinili. Mistulang nakangiti ito at may nakasulat pa sa tiyan na, ‘Hug Me’”    “Wow! Ang cute naman!” ang sambit ni Bell.   “Maraming-maraming salamat talaga, Bell.”   “Walang anuman, Tim! Para sa isang kaibigan ay wala iyan,” sabay ngiti.   Hinalikan ni Tim ang pisngi ni Bell sabay bulong ng, “May utang ako sa iyo.” Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ni Bell.   Tuwang-tuwa naman si Bell sa sinabing iyon ni Timmy, at lalo na sa paghalik sa kanyang pisngi. Kahit sinabi ni Timmy na may mahal na siya, hindi iyon counted para sa kanya dahil wala naman siyang nakitang ibang babae na dinadala ni Timmy. Kaya umaasa si Bell na isang araw ay mahuhulog din ang loob ni Timmy sa kanya.   Nang matapos na silang magbayad, dinala ni Timmy si Bell sa shop kung nasaan naroon ang kanyang tunay na pakay para kay John.   “Maswerte ka, may isa pang natira. At baka hindi na masusundan pa iyan kasi nagkaroon ng stroke ang taga-gawa niyan,” ang sambit ng may-ari ng souvenir shop.   Bagamat nalungkot si Timmy sa nangyari sa tagagawa ng dog tag, nagtatalon naman siya sa tuwa na may natira pang isang piraso. Alam niya kasing matutuwa si John kapag nakita ito. Naimagine niya kung gaano kadisappointed si John sa pabalik-balik nilang pagpunta sa shop na iyon upang sabihin lang ng may-ari na wala pang delivery o kaya ay naubos na. Unique kasi ang pagkagawa at ang materyal na gamit ay iyong lumang coin na may halo pa raw na silver at gold. May mga celebrity at anak-mayaman nga raw na naghahanap nito kaya palaging nauubusan. Tapos ang nakaukit pa rito ay, “Don’t ask! You know why I give this to you, ASSHOLE!” Naalala pa ni Timmy nang ang huling naka-reserve na piraso noon ay nakita ni John. Ipinabasa niya ito sa kanya at nang nagkatinginan sila, pabiro at nakangiting binulyawan siya ni John ng, “ASSHOLE!” Tawa nang tawa nga si John noon. Sinigawan din siya ni Timmy ng “ASSHOLE ka rin!” Sa totoo lang ay gusto rin ni Timmy iyon. Iyon ang gusto niyang couple item na souvenir para sa kanila ni John. Kaso nga, hindi nila matsambahan na may available na display.   Tila manginginig si Timmy sa tuwa nang binalot na ng may-ari ang dog tag na iyon. “Yes!” ang sigaw niya sa sarili.   “Alam mo, nakakainggit ang sobra talaga ang pagka-close ninyo ni John,” ang sambit ni Bell nang nasa kamay na ni John ang dog tag. Ramdam kasi ni Bell ang tuwa ni Timmy nang mapasakamay na niya ito. May nararamdamang selos si Bell na nagbo-border pagdududa. “Kung hindi lang kayo parehong lalaki, baka isipin ko talagang magkasintahan kayo,” ang dugtong ni Bell.   Mistulang binatukan si Timmy sa narining na sinabi ni Bell. May naramdaman siyang hiya o guilt na hayan, babae si Bell maganda, kasama niya, ngunit si John ang laging bukambibig niya. Isa pa, ang dahilan ng pagpapagod nilang dalawa sa hapon na iyon ay para lang kay John at nadamay pa siya.   Hindi makatingin si Timmy kay Bell nang diretso. Biglang nalungkot si Timmy. Naging seryoso. “A-alam mo Bell, ‘di ba sinabi ko sa iyo dati na namulat ako na hindi nakita o nakilala ang aking ama? Ang inay ko lang ang nag-iisa kong pamilya. Sa bukid kami nakatira, sa isang barong-barong. Wala akong kapatid, walang nakikilalang Tita o Tito, kahit kamag-anak man lang. Malungkot ang buhay namin sa bukid. Malungkot ang buhay ko dahil mahirap na nga kami, wala pa kaming malalapitan. Nang nag-krus ang landas namin ni John, doon nagsimulang sumaya ang mundo ko. Parang biglang nakompleto ang aking buhay. Tila nagkaroon ako ng ama, kapatid, Tito, kamag-anak... Dahil sa ipinakitang kabaitan ni John sa amin ng inay, parang bahagi na rin siya ng pamilya namin dahil sa palagi niyang pagpupunta ng bahay namin sa bukid at nakikita ko ang kanyang kabaitan, sinseridad sa pagtulong sa amin. Minsan ay doon siya matutulog sa bukid sa kabila nang mayroon naman siyang magarang apartment at komportableng pamumuhay. Pero mas gusto niyang tumira sa amin. Nang magkasakit ang inay, naroon siya sumusuporta. Nang namatay ang inay, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Tila huminto ang pag-ikot ng mundo at huminto ang aking buhay. Sa pagkakataong iyon ay gusto ko na ring mamatay. Ngunit naroon si John. Hindi siya sumuko. Hindi niya ako pinabayaan. Siya ang umaako sa lahat ng gastusin, siya ang namahala sa lahat ng gagawin mula sa pagasikaso sa punerarya, sa lamay, sa paglibing. Siya ang nagsilbing lakas ko sa panahong iyon. Nang nag-iisa na lang ako sa aming barong-barong sa bukid, doon na siya natutulog, sinasamahan niya ako. Nang nalaman ng kanyang ama ang tungkol sa akin at ako ang dahilan ng pagbabago at pagiging responsable at dahilan upang makapagtapos si John sa high school, inampon ako ng kanyang daddy. I mean... muntik na. Namatay kasi ang daddy niya na hindi natapos ang proseso ng pagpalit ng aking apilyedo ko.” Nahinto si Timmy.   “G-ganoon pala iyon. Ang bait pala ni John.”   “Oo... sobra. Kaya ganoon na lang kami kalapit sa isa’t-isa. Ni hindi ko nga alam ang gagawin ko kapag wala siya eh. Nasanay na kasi ako na nariyan siya... Siguro, kung isa lang sa amin ang babae, hindi ako magdadalawang-isip na asawahin siya.”   Napayuko na lang si Bell. Hindi na nagtanong pa. Sa loob-loob niya ay may pagseselos siyang nadarama, nangarap na sana siya na lang si John. Naramdaman din niya ang pagkaawa kay Timmy. At lalo pang tumindi ang paghanga niya rito, lalo pang lumalim ang kanyang kakaibang naramdaman. “Ang swerte mo na may John ka sa buhay,” ang sambit na lang niya.   Tumango lang si Timmy sa pagsang-ayon.   “Sana maging close friends din tayo,” ang sambit ni Bell.   “Oo naman,” ang sagot ni Timmy.   “Iyong close na close. Iyong best best friends talaga.”   Binitiwan ni Timmy ang isang matipid na ngiti. “Sa kabaitan mong iyan Bell, hindi malayong magiging mag best best friends tayo. Kapag mas malalim pa ang ating nalalaman sa isa’t-isa. Iyon na iyon.”   “Promise ha?”   “Umm!”   Nang matapos na silang mamili, nagyaya na si Timmy na umuwi. Gusto sanang ihatid ni Timmy si Bell ngunit nahiya si Bell dahil alam niyang pupuntahan pa ni Timmy si John. Kaya tinanggihan ni Bell ang alok. Nang nakapara na siya ng tricycle ay mag-isang sumakay si Bell.   Hindi magkamayaw sa tuwa si Timmy sa sandaling iyon, dahil nabili niya ang gustong dog tag ni John. Papara na sana siya ng tricycle nang napadayo ang paningin niya sa isang shop at  nakita niya ang display ng mga cards. Bigla niyang naisip na bilhan din si John.   Nang nakapili na siya, sumagi sa isip niya sina Jeff at ang mga barkada. May biglang pumasok na plano sa kanyang isip. Tinawagan niya sila.   Nakarating si Timmy sa apartment ni John. Naroon na rin sina Jeff na dala-dala ang megaphone na inutos ni Timmy na dalhin niya, si Aaron, bagong barkada nila, na dala-dala ang gitara, at sina Daniel, Fe, Joy at ang bagong ring barkada nilang si Lloyd. Sina Tony, Jane, at Emily naman ay susunod na raw.   Nang makita ni Jeff ang bitbit ni Timmy na malaking Teddy Bear, niloko niya ito. “Wow! Teddy Bear! Buti pa si John may teddy bear, pero kami, wala. Patingin nga!” Kinuha ni Jeff ang teddy bear at tiningnan ang puwet nito.   “Bakit ang puwet ang tiningnan mo?” ang tanong ni Timmy.   “Sinuri ko lang baka mayroong nakabaun na flesh light.”   Napangiti si Timmy at binatukan si Jeff. “Gago!”   “Bakit kailangan ng flesh light kung mayroon namang tunay na flesh?” ang pagsingit naman ni Aaron na minimuestra ang likuran ni Timmy.   Tawanan ang mga lalaki.   “Mga tarantado kayo. Inimbita ko kayo rito tapos titirahin niyo ako?”   “’Di pa nga eh! Sige na, hubarin mo na ang pantalon mo atsaka tumuwad ka!”   Doon na nagtatawanan ang lahat habang isa-isa namang binatukan ni Timmy ang grupo. “Ang lalantong ninyo!”   “Teka, ano ba ang ibig sabihn ng flesh light?” ang tanong naman ni Joy.   Sumagot si Lloyd. “Iyong bagay na pormang flash light talaga siya ngunit imbes liliwanag siya, ang mata ng sino mang gagamit ang kikislap-kislap at pupugak-pugak habang ginagawa ito...” minuwestra ni Aaron ang dalawa niyang kamay na tila may hinahawakan at itinaas-baba iyon sa kayang harapan, sinabayan pa ng pagkanyod ng kanyang gitnang katawan.   “Ano uli? Hindi ko gets!” ang tanong uli ni Joy na kumunot ang mukha.   Kinuha ni Lloyd ang isang kamay ni Joy at hinawakan iyon. Iyong hinlalaki at hintuturo ng kamay ni Joy ay pinagdugtong ni Lloyd upang pumormang bilog.   “Tapos?” ang tanong ni Joy nang nabilog na ang porma ng kanyang daliri.   Hindi sumagot si Lloyd ngunit ang bibig ay halos pumutok na sa tawa. Idiniin niya ang kamay ni Joy na may pormang bilog sa kanyang harapan tapos kumanyod kanyod siya sa kamay ni Joy.   Doon na pumutok ng tawa ang barkada habag si Lloyd naman ay simbilis ng kidlat na tumakbo.   “Putangina mo Lloyd! Kapag bumalik ka rito ay iitakin ko iyang harapan mong tarantado ka!” At dahil nagtatawanan ang mga lalaki, sinigawan din sila ni Joy. “Mga bastosssss!”   Halos hindi magkamayaw ang lahat sa katatawa. Matagal bago mahimasmansan.   “Ano ba ang gagawin natin?” ang tanong ni Jeff kay Timmy nang mahimasmasan na sila.,   Nagpulong ang grupo. Ipinaliwanag ni Timmy ang kanyang plano. Sumang-ayon naman silang mga naroon.   “Pasok na lang tayo, huwag na nating antayin ang iba pa para matapos na tayo at agad makakain. Gutom na ako, eh!” ang sambit ni Jeff sabay tawa.     Tawanan na rin ang ibang barkada. Nag door bell si Timmy at nang lumabas ang Tito ni John, nagulat siya sa nakita. “Si John ba ang hinahanap ninyo?” ang tanong niya.   “Opo Tito. Nandito ba siya? Mangaroling daw itong barkada kay John, eh.”   “Ah nandito. Nasa kuwarto niya. Pasok kayo. Dito kayo mangaroling sa bandang gilid para marinig ni John sa kuwarto niya,” ang sagot ng Tito ni John. “Sasabihin ko ba sa kanya?”   “Huwag na po. Hayaan niyo na po na marinig niya atsaka bubuksan niya ang bintana.”   “O sige... sige,” ang sagot ng Tito ni John habang bumalik na sa loob.   Nasa pangalawang palapag ang kuwarto ni John. Nang naroon na ang grupo sa ibaba ng bintana ng kuwarto niya, nagtago muna si Timmy sa isang makapal na ornamental na halaman. Nang handa na sila at nasa kanya-kanyang puwesto, nagsimulang sumigaw si Joy sa megaphon na nakatutok sa kuwarto ni John. “Paging Mr. John Iglesias! Paging Mr. John Iglesias! Your attention please! If you hear this announcement, please open your window! If you will not open your window, stones will rain on your roof!” Nahinto si Joy dahil nagtawanan ang mga kasama niya, at pati siya ay natawa na rin. “Paging Mr. John Iglesias! Paging Mr. John Iglesias! Your attention please! The stones are now coming to your roof! Please open your window immediately!”   Nakiramdam ang grupo. Ngunit walang John na nagbukas ng bintana. Muling sumigaw si Joy, “Paging Mr. John Iglesias! Paging Mr. John Iglesias! Your attention please! This is the last and final warning! Please open your window!”   Ngunit nakailang ulit na si Joy ngunit wala pa ring John ang nagbukas ng bintana. “Nagagalit na ako ah. Punyetang John ito! Pwes kung hindi ka makuha sa santong sigawan, doon tayo sa marahas na batuhan!” ang sambit ni Joy sabay yuko at naghahanap ng mga maliliit na bato. Nang nakahanap na, binato niya ang bintana.   Wala pa ring John ang nagpakita. Nakailang bato rin si Joy. “Ginalit talaga ako nito ah! Gamitan ko kaya ng baton a kasing laki ng ulo ko?”   Tawanan ang grupo.   At maya-maya lang ay biglang bumukas ang bintana sa kuwarto at dumungaw si John na nakaheadset. Nagulat siya nang nakita ang grupo. Dali-dali niyang tinanggal ang kanyang headset. “Langya! Kala ko kung sino na ang nambato! Anong ginagawa ninyo riyan?” ang tanong niyang tawa nang tawa sa porma ng grupo na nakatayo at nakatingala sa kanya.   “Mangarolling eh!” ang sagot ni Joy. “Sayang iyong pagsisigaw ko, ginamitan ko pa ng megaphone ‘di ka nakinig!”   “Sorry naman Joy! Sige makinig ako sa pangangarolling ninyo. May limang piso naman ako rito.”   “Barat mo Hang!”   Tawanan.   “Kapag ramdam ko ang pagkanta ninyo, lalalo na’t mata-touched ako, mapaiyak, may sorpresa ako sa inyo. Mag outing tayo, sa Devilla’s resort sa next weekend!”   “Yeheeyyy!” ang  sigaw ng grupo.   “Sinabi mo iyan pare ha?! Wala nang bawian!” ang sambit naman ni Jeff.   Tawa nang tawa si John. “Promise! Basta paiyakin ninyo muna ako! Pero kapag walang kalatoy-latoy naman ang kanta ninyo, sasabuyan ko kayo ng mainit na tubig o mamili kayo, ihi ko.”   “Ihi mo na lang ang sa akin, Hang!” ang sigaw ni Joy.   Tawanan.   Nagsimulang tumugtog si Aaron sa kanyang gitara. Mejo hinabaan nila ang introduction ng kanta with matching humming ng, “Hang... Hang.... Tok! Hang... Hang.... Tok! Hang... Hang.... Tok! Hang... Hang.... Tok!” kung saan ay ang mga babae ang nag hum ng “Hang” at ang mga lalaki naman sa “Tok”   Hindi magkamayaw sa katatawa si John sa ginawa nila lalo na’t sumasayaw pa sila at ang postura sa pagsasayaw ay iyong ang isang kamay ay inilagay sa tyan habang ang isang kamay naman ay iwinawagayway na parang nagsaboy ng pataba sa gitna ng palayan at ang mga steps ay pabalik-balik sa kanan, tapos sa kaliwa na parang sumayaw lang ng sinulog.   Sa sobrang pagtawa ni John ay naluha ang kanyang mga mata at napasampa sa barandilya ng bintana.   Nasa ganoong pagtatawa si John nang nakita niyang nagsitabihan ang grupo bagamat humihina na ang kanilang pag-hum sa “Hang... Hang... Tok!”   Doon na pumasok si Timmy. Biglang natahimik si John. Kung gaano siya kasaya nang makita ang grupo, kabaligtaran naman ang kanyang facial expression nang lumantad si Timmy habang yakap-yakap ang dalang Teddy Bear. Biglang naging seryoso ang kanyang mukha na nakatitig kay Timmy.   Binitiwan lang ni Timmy ang isang matipid na ngiti.   Dinukot ni Timmy mula sa kanyang bulsa ang greeting card at binuklat ito. Binasa niya ang nakasulat habang patuloy pa rin ang pag-hum ng grupo at ang pagpatugtog ng background guitar instrumental ni Aaron –   Since you came into my life, I’ve never been happier. I bless the day when we first met, the moment when we first kiss. I treasure every moment when we both shared happy moments But sometimes I make stupid things that hurt your feelings And I regret it. I’m truly sorry.   I don’t know what will my world be without you I don’t know how to live my life if you’re not with me You are the only person who can make me smile and drive my fears away I just want us to be together. I just want you in my life. Please forgive me.   Nang matapos na niyang basahin ang nakasulat na dedication sa card, ibinalik ni Timmy sa kanyang bulsa ang card atsaka tinitigan nang matulis si John. Galit ang mukha. “Putangina mo, John! Gago! Pakshit! Punyeta! Hayop! Hinayupak! Lintek! Hindi ako makakain nang dahil sa kaiisip sa iyo! ‘Di ako maka-concentrate sa school dahil laging ikaw lang ang laman ng isip ko! Hinahanap-hanap kitang tarantado ka! Mahal na mahal kitang gago ka! Patawarin mo na ako para matapos na itong pagdurusa ko! f**k you!”   Nahinto naman sa pag-hum ang mga barkada nila at pigil ang pagtatawa na nakatingin na lang kay Timmy na nagmura. Hindi nila inaasahan na may ganoon palang adlib.   Nang tiningnan din nila si John, ang seryosong mukha ay bigla ring nauwi sa pagtatawa at itinaas pa niya ang kanyang dirty finger kay Timmy.   Tapos, minuwestrahan naman ni Timmy si Aaron, ang gitarista. Hindi kagadahan ang boses ni Timmy ngunit pinilit pa rin niya ang sarili na kumanta –   Pasko na sinta ko hanap-hanap kita* Bakit magtatampo't nilisan ako   Kung mawawala ka sa piling ko sinta Paano ang Pasko, inulila mo   Sayang sinta ang sinumpaan At pagtitinginang tunay Nais mo bang kalimutang ganap Ang ating suyuan at galak   Kung mawawala ka sa piling ko sinta Paano ang Paskong alay ko sa'yo   Sayang sinta ang sinumpaan At pagtitinginang tunay Nais mo bang kalimutang ganap Ang ating suyuan at galak...   ------------ * Pasko Na Sinta Ko by Gary V.   Pagkatapos ng kanta ni Timmy ay may inihanda rin pala ang grupo na isang banner na dahan-dahan nilang binuklat at ang nakasulat ay, “Hang... please forgive Tok. Love namin kayong dalawa.” At may drawing na puso na nagsudlong ang mga pangalang “Hang” at “Tok”   Doon ay nakita na lang ng grupo na nagpapahid ng luha si John. Hindi ganoon kadaling mapaiyak si John. Ngunit sobrang naantig siya sa sorpresa ng grupo, sa effort nila, lalo na sa pagkanta ni Timmy, at sa paghingi ng patawad.   “O, ano pa ang hinitay mo riyan! Baba na!” ang sigaw ni Joy kay John na naka-megaphone pa, mistulang nanay na galit sa kanyang anak.   Dali-daling bumaba si John at nang nasa harap na siya ni Timmy, parang tuod naman siya na nakatayo lang, abot-tainga ang ngiti.   “May sorpresa pa ako sa iyo,” ang sambit ni Timmy sabay hugot sa dog tag na binili niya.   Nanlaki ang mga mata ni John nang makita ang nakabitin na dog tag sa kamay ni timi na nasa harap niya. “Saan mo nabili ito?”   “Sa shop na binabalik-balikan natin,” ang sagot ni Timmy.   “Talaga?”   “Oo. Peace offer ko sa iyo.”   Isinabit ni Timmy ang dog tag sa leeg ni John. Nang nakasabit na ito, binasa ni John ang nakasulat na “Don’t ask! You know why I give this to you, ASSHOLE!”   Nilingon ni John si Timmy. Nagkatinginan ang dalawa na kitang-kita ang excitement sa kanilang mga mata. Pagkatapos ay sabay ding sinigawan ang isa’t-isa, “ASSHOLE! ASSHOLE ASSHOLE!” habang pabirong nagsasambunutan.   Sumali na rin ang grupo sa kanilang kaguluhan. Naki “asshole” na rin habang pinaligiran nila ang dalawa at ang karamihan sa kanila ay sinambunutan si Timmy. Nagsigawan. Nagtawanan.   “Tama na! Tama na!” ang sigaw ni Timmy.   Nahinto ang lahat.   “Bakit ako ang ang sinambunutan ninyo?”   “Eh... si John kasi ang magpakain sa amin kaya ikaw na lang ang sinambunutan namin.”   Tawanan.   “Maga hayop kayo!”   Nagsitakbuhan ang magbarkada patungo sa front lawn ng apartment kung saan ay nakalatag na ang kanin habang ang mga sea foods, isda, karne at iba pang iihawin ay kasalukuyang iniihaw na ng Tito ni John at ang katulong nila. Nakahanda na rin ang tatlong case na beer.   Sobrang saya ng grupo sa tagpong iyon. Habang tumutulong sila sa pag-ihaw ng mga seafoods, walang humpay naman ang kanilang harutan, biruan, at tawanan.   Ngunit ang pinakamasaya sa lahat ay sina John at Timmy. Patago silang tumakas at pumasok sa kuwarto ni John, inilock ang pinto.   “May pakanta-kanta ka pa ng pasko,” ang sambit ni John nang pagka-lock na pagka-lock kaagad niya sa pinto at pareho silang nakatayo sa harap nito. Ginagad pa ni John ang pagkanta ni Timmy. Alam kasi ni John na saliwa si Timmy sa pagkanta niya dahil hindi naman talaga siya kumakanta, pahirapan nga kapag nasa videoke sila.   “Loko, kung hindi ka lang pabebe, hindi ako kakanta,” ang sagot ni Timmy. “At kinikilig ka naman, hmmm!”   “Syempre. Dapat mong paghirapan ang ginawa mong kabulastugan. At syempre, wala nang sasarap pa sa makita mo ang iyong mahal na nag-effort para sa iyo. At salamat sa pagbigay mo sa akin ng teddy bear, at higit sa lahat, sa dog tag.”   “Welcome.”   “Alam mo ba kung bakit gusto kong bilhin iyon?”   “Bakit?”   “Para ibigay ko sa iyo. Naunahan mo lang ako. Asshole ka kasi!”   Tumawa si Timmy. “Ang daya! Pero ako ang nakauna kaya ikaw ang asshole.”   Nahinto si John. Tinitigan ng matulis si Timmy. “May utang ka sa akin. Minura mo ako. f**k you ka!”   Dali dali namang kumaripas ng takbo si Timmy. Naghahabulan sila sa loob ng kuwarto. Hanggang sa napagod silang dalawa at nauwi ang lahat sa paglapat ng kanilang mga labi.   At habang abala ang mga barkada nila sa paghanda sa kanilang hapunan sa front lawn ng apartment, silang dalawa naman ay nasa loob ng naka-lock na kuwarto ni John, abala rin sa pagnamnam sa tamis ng kanilang pagmamahalan.   (Itutuloy)

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD