By: Michael Juha
getmybox@hotmail.com
Fb: Michael Juha Full
------------------------------
Nanlaki ang aking mga mata nang mabasa ko ang resulta, “% of Probability of Paternity: 99.8%”
“Oh my God!!!” ang nasambit ko sa aking sarili. Sobrang na-excite ako sa aking nabasa. Ngunit nang tiningnan ko naman si John, kabaligtaran ang expression na nakita ko sa kanyang mukha. Ramdam ko ang panlulumo niya. Dali-dali siyang pumasok sa kuwarto namin. Nasa apartment nila kasi kami nang oras na iyon gawa nang ipinatawag kami ng Tito niya dahil nga sa resulta.
Sinundan ko siya sa kuwarto. Nakaupo siya sa gilid ng kama habang ang dalawang kamay ay nakatukod sa kanyang mukha. “John... Gusto kong sabihin sa iyo na nalungkot din ako sa resulta.”
“Nalungkot ka pero kitang-kita ko naman sa expression sa mukha mo na tuwang-tuwa ka.”
Naging seryoso ang tugon ko sa kanyang sinabi. “Oo... inaamin kong masaya din ako sa naging resulta. At sana naman ay maintindihan mo rin ang panig ko. 18 years akong nabuhay sa mundo, John. At sa 18 years na iyan ay ang buong akala ko, wala akong ama. Buong buhay ko ang 18 years na iyan at hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng isang itay. At sa buong buhay ko na iyan ay hindi ko alam na may kuya pala ako na mamahalin ko, na magmamahal sa akin. Nasasabik ako sa pagmamahal ng isang itay, John na buong buhay na ipinagkait sa akin. At ngayon na may bonus pa na isang kuya, hindi pa ba sapat iyan upang maging masaya ako?” ang sambit ko na hindi namalayang na dumaloy na pala ang aking luha. “Siguro naman ay kung mahal mo ako, maintindihan mo ang side ko, at matutuwa ka rin para sa akin.”
Natahimik siya.
“At oo, nalungkot ako sa sitwasyon natin. Dahil mahal kita. Dahil naaawa ako sa iyo. Dahil ngayong napatunayan na magkapatid pala tayo ay hindi ko na maibibigay sa iyo ang gusto mo.”
Nang tiningnan ko siya ay nakita kong nagpahid na siya ng kanyang mga luha.
“Pareho tayong apektado sa mga pangyayari, John. Pareho tayong magsasakripisyo. Ngunit kung mahal mo talaga ako, dapat ay maging masaya ka para sa akin. Pareho tayong nawalan ng karapatan na magkaroon ng romantikong relasyon. Ngunit ibinigay naman sa atin ang probilehiyo na maging magkapatid, na magdugtong ang tanikala ng ating buhay sa ganitong paraan. Nawalan man ako ng karapatan na mahalin kita bilang isang kasintahan, ang ipinalit naman ay ang pribilehiyong mahalin kita bilang Kuya... habambuhay. At proud na proud ako na naging Kuya kita. Ikaw ba ay proud na naging bunso mo ako? Hindi mo ba matanggap na bunso mo ako at hindi kasintahan?”
Nanatili pa rin siyang nakayuko.
Inakbayan ko siya. “Mahal naman kita eh. Kahit Kuya kita, kakaiba ang pagmamahal ko sa iyo. Alam mo iyan. Ang s*x part lang ang ayaw ko. Ang love, Kuya, doesn’t have to be s****l. Mas masarap ang pagpadama ng pagmamahal sa pamamagitan ng pagsisikap, pagsasakripisyo. ‘Di ba kapag mahal mo ang isang tao, ang sasabihin mo ay ‘Kahit buhay ko ay iaalay ko sa iyo, mapatunayan ko lang kung gaano kita ka-mahal. Hindi iyong, ‘Kahit lahat ng t***d ko ay uubusin ko sa tumbong mo, maipakita ko lang sa iyo kung gaano kita kamahal.’ Ano ba ang mas importanteng ipadama mo sa taong mahal? Buhay mo? O t***d mo?”
Napangiti siyang tiningnan ako. “t***d talaga ha?”
“Oo naman. Parang mas importante para sa iyo iyan eh.”
“Ang tali-talino mo talaga no?” ang sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.
“Pag-aralan mo Kuya na mahalin mo ako, hindi sa pamamaraan na gusto mo, kundi sa pamamaraan na tama. Kasi, ang romantikong pagmamahalan ay may bawal din. At ang isa sa mga bawal ay kapag magkapatid ang dalawang taong nagmamahalan...”
Iyon ang napagkasunduan namin. At nakita ko naman na pinilit niyang tinanggap ang aming status na magkapatid. Tinulungan ko siya. Nagsikap din akong mas mapalapit pa sa kanya, at imbes na dati ay halos siya lang ang nag-ieffort na magbigay ng kung anu-ano sa akin, nagbibigay na rin ako sa kanya ng kung anu-ano, kagaya ng paborito niyang pagkaing “binagol” iyong matamis na i-oorder ko pa talaga sa kabilang bayan. Syempre, may allowance na rin ako mula sa papa namin kaya halos kalahati noon ay ginagastos ko para sa kanya. Binibilhan ko rin siya ng T-Shirt, pantalon, at kahit brief niya ako na ang bumibili at namimili ng kulay o style para sa kanya. Kapag alam kong may kailangan kami sa klase, ako na ang bibili noon. Minsan magdodoble ang aming nabili kasi hindi ko alam bumibili rin pala siya para sa amin. Basta ginawa ko ang lahat para lang mas mapalapit siya sa akin at hindi siya ma-depressed. Basta alam niya na mahal ko siya. Iyon nga lang, ikinaklaro ko sa kanya na wala na talaga kaming s*x.
At naintindihan naman niya iyon. Kapag magkatabi kami sa higaan, nariyan iyong panananching niya. Pero hinahayan ko na lang. Kagaya nang kapag nakatihaya ako ay hihilahin niya ang katawan ko upang humarap sa kanya. Tapos kapag nakaharap na ay kukurutin ang pisngi ko, ang ilong ko, lapirutin ang mga labi ko. Kakagat-kagatin ang leeg ko, ang dibdib ko, o kahit anong parte ng katawan ko. “Sarap talaga nitong halikan. Sarap kagatin.”
Nariyan pa rin naman ang aming yakapan kapag natutulog na kami. Minsan naman kapag nakatihaya ako ay bigla niya akong daganan at hahalikan ang aking pisngi, noo, ilong. Ngunit kapag tinangka niyang halikan ang aking bibig, doon na ako papalag.
“Arrgggghhh! Huwag ka ngang makulit Kuya!” ang isisigaw ko. Minsan din, bigla na lang niyang susunggaban ang harapan ko. Kunyari ay tatagilid na lang ako. Minsan din ay hahayaan ko na lang. Ngunit kapag nagtangka siyang ipasok ang kamay niya sa ilalim ng aking short, doon na ako papalag. “Kuya naman eh!” maggalit-galitan na ako niyan.
May time din habang natutulog kami na magising na lang ako na nakapatong na ang ulo ko sa kanyang bisig habang ang isa niyang kamay ay nakapatong sa aking dibdib. Hindi ako papalag noon. Kasi, na-miss ko rin naman talaga ang ganoon. At kapag ganyang tinitingnan ko siyang nahihimbing, napapabuntong-hininga na lang ako. Naawa talaga ako sa kanya.
May isang gabi nga, nakatihay ako sa higaan. Akala niya ay tulog na ako, humiga siyang nakatagilid paharap sa akin, iyong ang kanyang kamay ay itinukod sa kanyang ulo at pinagmasdan ang mukha ko. Tapos, hinaplos-haplos ang aking buhok. “Tok... ano man ang mangyayari, tandaan mo palagi, mahal na mahal kita, bilang kuya at bilang kasintahan.” Tapos, naramdaman ko na lang na may pumatak sa aking mukha. Iminulat ko ang aking mga mata. Nakita ko siyang umiyak at dali-dali ring humiga at nagkunyaring tulog. Nagkunyari na rin akong nagising lang saglit at tumagilid patalikod sa kanya.
May time din na habang magkaharap kaming nakatagilid sa higaan, hahaplusin niya ang aking mukha at sasabihin sa akin na, “Mahal na mahal kita Tok...” alam kong hindi pang-kuyang pagmamahal ang ibig niyang sabihin. Kaya sasagutin ko na lang din siya ng “Mahal na mahal din kita John.” Iyan ang parang code na rin namin. Kapag John ang itatawag ko sa kanya, alam niya na, hindi pang Kuya ang ibig kong sabihin.
Masakit... hindi lang para sa akin kundi para na rin kay John. Nasasaktan akong nakikita siyang nagdurusa at pinipilit ang sariling maging okay pa rin ang lahat sa kabila ng napakabigat na dinadala niya. Kasi, sa nangyari, ako ang nakabenefit – na mahanap ang ama, na siya namang ikinasira ng aming relasyon at dahilan upang magdusa siya. Ngunit wala akong magagawa.
Napagdesisyunan namin ni John na ipaalam na lang sa aming mga kaklase na magkapatid kami. At maraming nagulat at hindi makapaniwala. Ang suwerte-swerte ko raw dahil nahanap na nga ang aking ama, ang yaman-yaman pa niya. Ngunit dahil alam nila ang aming relasyon ni John, may nalungkot din. At kapag tinatanong na ang ganyan, napapansin kong nalulungkot si John kaya ang sagot ko na lang ay “Syempre, mag-utol na kami. Bawal iyon eh.” Si Joy naman na may crush kay John ay nagbiro, “Sayang naman, sana pala ay naghintay na lang ako.” Nagkatuluyan kasi sila ng Sgt.-at-arms ng klase na si Tony. At si Emily, naman, mag-boyfriend na sila ni Jeff.
Kinantyawan na lang nila kami na magpakain at magpainom. Pinagbigyan namin sila. Nagpa-snack kami at ang mga officers ay inimbita namin sa isang inuman. Tuwang-tuwa naman ang aming mga barkada. Busog ang lahat, nalasing ang iba.
Isang araw ay sumaglit kami sa isang inuman, sa dati kung saan kami unang naging magkaibigan. Naisipan namin ni John na uminon ng kaunti. Habang hinihintay namin ang aming order, may mga limang estudyante naman akong napansin na nasa mesa na ‘di kalayuan sa amin. Taga-ibang section sila at sa tingin ko ay mga lasing na. Dinig na dinig namin ang kanilang usapan.
“Mga Tol... narinig niyo ba ang balita tungkol sa boyxboy love sa Grade 12 Class Masugid?” ang sabi ng isa.
“Ay oo Tol. Alam ko iyan,” ang sagot naman ng isa.
“Grabe no? Kabaklaan na nga, i****t pa ang mga pota!”
Tawanan.
“Pero sa totoo lang, talaga bang magkapatid lang ang mga iyon? Baka drama lang upang sumikat!”
“Parang hindi nga ako makapaniwala eh. Magkaiba naman ang mga hitsura nila, ‘di ba? Napansin niyo ba?”
“Napansin ko nga rin. Hindi kapani-paniwala. Parehong matangkad, parehong guwapo. Pero magkaiba ang mukha nila.”
“Baka pera-pera lang. Iyong Class president kasi nila ay ulila na kaya ipinalabas na lang na magkapatid para mabahagihan ng yaman. At upang tuloy pa rin ang love affair nila! Tama ba?”
Tawanan
“Ano kaya ang pakiramdam na kahalikan o katalik ang kapwa lalaki rin, no?”
“Ewww!!!”
“Siguro kapag nagtatalik ang mga iyan, ang sasabihin ay, “Kuya.. isagad mo pa Kuya... ang sarap kuya! Kuyaaaaaa!”
Tawanan uli.
“O ‘di kaya ay, Bunso, tsupain mo ako, ang sarap-sarap mong tsumupa! Sige pa!!!”
“O ba kaya ay, f**k me bro! f**k me harder!”
Sobrang nasaktan ako sa kanilang mga pinagsasabi. Gusto ko sanang umalis na lang sa lugar ngunit dahil may hinihintay pa kaming order kung kaya ay tiniis ko na lang. Ngunit hindi nakatiis si John. Tumayo siya at kinuwelyuhan ang huling nagsasalita at hinaltak ito patayo. “Anong sabi mo? Ulitin mo nga!” ang galit na galit na bulyaw ni John.
Nagsitayuan ang iba pang mga kasama ng kinuwelyuhan ni John. Palibahasa ay nasa 5’11 ang height ni John, mas matangkad lang sa akin ng isang pulgada at malaki pa ang mga muscles gawa ng palaging pag-iexercise. “Saan kayo pupunta? Saan kayo pupunta!” ang pagbabanta niya sa ibang mga kasama. “Kapag umalis kayo, bubugbugin ko itong kasama ninyo! Kayong lima, laban sa akin! Suntukan! Ang tatapang ninyo pag nakatalikod ang tao ha!” dugtong niya.
Dali-dali akong lumapit at kinuwelyuhan ko rin ang isa. “Huwag kang pumalag, pare,” ang sambit ko.
Iyong tatlong natira ay nanatiling nakatayo kaharap kami. Biglang pinagsusuntok ni John ang estudyanteng kinuwelyuhan niya. “Tangina mo! Kung may sasabihin ka, sa harap ng tao mo gawin! Hindi iyong patalikoddddd! Lalaki ka ba? Ha? Sagottttt!!!”
Bagsak sa lupa ang kinuwelyuhan ni John. Putok ang labi at ilong. Tumalsik ang dugo na may kasamang dalawang ngipin. Hindi na siya nakasagot. Pagkatapos ay hinarap niya ang tatlo pang kasama na estudyante na dali-dali ring nagsitakbuhan.
Binigyan ko rin ng isang malakas na suntok ang mukha ng estudyanteng hawak ko. Dumugo rin ang bibig at halatang nahilo dahil hindi ito makatakbo ng tuwid.
Nang nawala na silang lima, kasama na iyong bumagsak, bumalik na kami sa upuan ni John. Halata pa rin sa mukha niya ang matinding galit.
“Okay ka lang?” ang tanong ko.
“Okay lang.”
“Huwag na natin silang pansinin. Ganyan talaga, may mga taong makitid ang utak.”
“Narinig mo ang sinabi noong isa?”
“Ano?”
“Hindi tayo magkamukha. Hindi sila naniniwala na makapatid tayo.”
“Huwag mo na nga lang silang pansinin!” ang naiinis kong sabi. “Bakit ako ay kamukhan naman talaga sa mama ko eh,” ang dugtong ko pa.
“At ako, kamukha rin sa mama ko, ganoon?”
“Bakit may kahawig naman kayo ni papa eh. Tingnan mo sa ilong, sa kilay...”
“Ewan ko ba. Basta hindi ko ramdam,” ang pagkontra din niya.
“Nand’yan na naman tayo eh. Huwag na John. May resulta na ang DNA. Magkapatid tayo,” ang sambit ko.
Natahimik na lang siya.
Dumating ang araw kung saan ay ipakilala na ako sa pamilya ng mga Iglesias. Dahil hindi pa raw safe sa lugar nila sa Maynila para kay John, sa Baguio gaganapin ang event. Bale tatlong araw at tatlong gabi lang kami roon. Excited na kinabahan ako sa event na iyon. Syempre, mga mayayaman ang mga iyon.
Sa mismong araw ng pagpapakilala ay may program. Marahil ay may mahigit isang daang mga kamag-anak ang naroon. Sa isang 5-star hotel ito ginanap. Mga naka-kotse. May mga businessmen, may militar, at maraming pulitko. Palibhasa, ang ama ni John ay isang gobernador at dating congressman. Makapangyarihan. Ma-impluwensya. Mga mayayaman din ang mga kamag-anak at kaibigan.
Naka-coat and tie kaming pareho ni John. Siya pa ang nagdamit sa akin, siya rin ang nag-ayos ng aking tie, hanggang sa pagsuot ng aking sapatos ay siya ang umalalay sa akin. Iyon ang pinakaunang pagsuot ko ng Amerikana. Itim ang kulay nito at ang aking tie naman ay kulay pula na may pulang rosas sa harapang bulsa. Magkapareho halos kami ni John maliban sa kulay dilaw at asul ang kanyang tie. Sa kanyang pagdamit naman ay ako ang tumulong.
Sobrang guwapong tingnan ni John sa kanyang suot. Litaw na litaw ang kanyang kapogian. Muli ko na namang naalaala ang una naming tagpo sa loob ng classroom kung saan siya biglang pumasok sa kasagsagan ng aming election of officers. Hindi ako masyadong na attract sa kanya noon. Sa katunayan ay na-preskohan pa ako sa kanya at sino bang mag-aakalang mahulog din pala ang loob ko. Ngunit sa pagkakatong iyon na suot-suot niya ang Amerikana, tila gusto ko siyang yakapin at halikan sa bibig. Para bang, “Wow! Ang pogi ng asawa ko!” Ngunit sa isip ko lang iyon.
“At bakit ka nakatitig sa akin, ha? Na-in love ka ano? Nagsisisi ka kung bakit tayo magkapatid no?” ang biro niya.
“In-love your ass!”
“Sabihin mo nga, ‘John ang guwapo mo,’” ang utos niya.
“Kuya... ang guwapo mo.”
“Tangina, Tanggalin mo ang kuya!”
“Ang guwapo mo,” ang sambit ko.
“Okay puwede na,” ang sagot naman niya sabay akbay sa akin at bulong sa aking tainga. “Ang guwapo-guwapo mo rin Tok. Ngayon ko lang na-realize gaano ko kasuwerte na may asawa akong sobrang guwapo. Lalo tuloy akong na in love at nalibugan sa iyo. Mamaya gagapangin kita, promise.”
“Sagwa!” ang sagot ko sabay tulak sa kanya. “Lumayo ka! Manyak!”
Ginulo niya ang aking buhok sabay karipas ng takbo patungo sa labas habang tumatawa.
“Salabahe! Humanda ka, guluhin ko rin yang buhok mo kapag naabutan kita!” ang sagot ko rin na muling inayos ang buhok ko habang hinahabol siya.
“Timmy, halika, ipakilala kita sa mga Tito at Tita mo, pati na sa mga pinsan at iba pang mga kamag-anak at kaibigan ng pamilya,” ang sambit ng papa ni John nang nasa labas na kami.
Sumunod ako sa kanya. Nang tiningnan ko si John, napansin kong sinimangutan niya ang aming ama.
Inikot namin ng papa namin ni John ang mga nakaupong kamag-anak. Halos hindi ko na matandaan ang mga pangalan at mukha nila. Basta kamay lang ako nang kamay, ngiti nang ngiti, sasagot sa kung ano man ang itatanong.
Nang magsimula na ang program nagsalita ang papa ni John sa entablado at ipinakilala ako. “Ang pinakadahilan ng pagtitipon nating ito, ang aking long lost son, Timmy Iglesias!” ang pagtawag niya sa akin bagamat hindi pa naman ako isang Iglesias sa papel.
Habang pumalakpak ang mga tao, umakyat ako ng entablado sa tabi ng papa ni John. Nagsalita ako. Ikinuwento ko ang ang aking pag-aaral, ang buhay namin sa bukid ng aking ina hanggang sa namatay siya at naroon si John na hindi ako iniwan. At nang dumating ang papa ni John na nakita ang locket na iyon, doon naramdaman ng papa namin ni John na anak nga niya ako. Nang nagpa-DNA test na, lumabas ang resulta.
Pagkatapos kong magsalita ay dinagdagan pa ng papa namin ni John ng, “Matalino ang batang ito, strong candidate sa pagka-valedictorian. Mabait, at presidente ng kanilang klase. Mana sa ama!”
Nagpalakpakan ang mga tao sa sinabi ng papa namin ni John. Ako naman ay nakaramdam ng hiya at guilt.
Nang tiningnan ko ang kinaroroonan ni John, nakita kong bigla siyang tumayo. Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang pagkainis. Tumalikod siya at nagtatakbong lumayo.
Pagkatapos ko sa stage ay agad kong hinabol si John. Hindi ko na mahanap kung nasaan siya.
“Hi!” ang narinig kong boses sa aking likuran.
Nang nilingon ko, isa pala sa mga ipinakilala sa akin na pinsan.
“You remember me? I’m Jishin. Jishin Cruz, your cousin,” ang sambit niya. Natandaan ko siya. Siya iyong nabundol ko sa may CR ng hotel bago magsimula ang program. Mestiso si Jishin, matangkad, guwapo, artistahin. At Englisero. Parang native speaker siya. Marahil ay sa ibang bansa siya nag-aaral, o sa isang international school.
“Ah, yes. I remember you,” ang sagot ko.
“How are you?” ang tanong niya.
“I’m fine, thanks” ang sagot ko. At talagang nag English din ako. Para kasing nakakailang magtagalog habang Englisero ang kausap mo.
“How long will you be staying here?”
“Hmmm, until next day.”
“Oh... too bad. I’m supposed to invite you. My 18th birthday is next week. How I wish you could come,” ang sabi nya.
“I’m not sure but, I- I hope I could,” ang sagot ko na lang.
“Okay, so can I take your number?” ang tanong niya.
Dahil binigyan na ako ng cell phone ng papa ni John pagdating na pagdating namin ng Baguio nang nakaraang araw, agad kong binigay ang aking number kay Jishin.
“Can I join you, couz?” ang tanong niya, pahiwatig na sasama siya sa akin.
“Errr. I’m looking for my brother, John?”
“Ah... I think I saw him going upstairs. He went that way to the elevator,” ang pagturo niya sa daan patungo sa elevator.
Dahil napansin niyang nagmamadali ako, hinayaan na lang niya akong umalis. Dali-dali kong tinumbok ang elevator.
“I’ll call you later, okay?” ang narinig kong sigaw ni Jishin.
“Okay!” ang sagot ko habang nasa loob na ako ng sumasarang elevator.
Naalala ko kaagad ang roof top na paboritong lugar ni John. Nagbakasali ako na doon din siya tumakbo. Dumiretso ako roon. At hindi nga ako nagkamali. Naroon siya, nakaupo sa isang nakausli na malaking tubo.
Tinabihan ko siya. “Ba’t nandito ka?”
Nilingon niya ako. “Dapat ay ikaw ang tatanungin ko niyan. Ba’t nandito ka?”
“Hinahanap kita.”
“Bumalik ka na roon. Hinahanap ka ng mga bisita. Hindi maganda na nagtatago ka habang sila ay nagtatanong kung nasaan ka. Para sa iyo ang party na ito.”
“Bakit ikaw? Bisita naman natin iyon, ah.”
“Bisita ninyo ng papa ang mga iyan. Hindi ako kasali.”
“Kuya naman eh! Nand’yan na naman tayo. Ako ay naiilang sa kanila dahil hindi ako sanay. Hindi ko sila kilala. Kapag nakatingin nga sila sa akin ay parang lalamunin nila ako eh. Hindi ko kayang mag-isa roon. Samahan mo ako. Sige na.”
Hindi siya sumagot.
“Kapag ayaw mo akong samahan, hindi ako lalabas. Dito lang tayo. Gusto mong dito tayo mag-inuman? Kukuha ako ng beer or wine doon.”
Kaya napilitan siyang tumayo at sinamahan ako. Nang nasa baba na kami, naupo kami sa isang mesa. Nang makita naman kami ni Jishin, sumali siya sa amin. “Timmy, can we go check on those tables? Some of our relatives are looking for you. They’ve been asking me,” ang sambit ni Jishin.
Tumayo ako. “Kuya, sasama ka sa amin?” ang sambit ko kay John.
“Dito lang ako. Kaya niyo na iyan,” ang sagot niya.
Nakita ko pa nang dumaan ang isang tray ng wine glass na puno ng alak sa mesa namin, hinablot ito ni John at sinabihan ang waiter na doon na lang ang tray sa mesa namin.
Umikot kami ni Jishin sa parte na sinabi niya at nang naroon na, nakipag beso-beso sa mga pinsan at nagmano sa mga tito at tita. “Ang guwapo-guwapo talaga ng mga anak ni “Miguel!” ang tukoy ng isang tita sa amin at sa papa ni John.
Nang maikot na namin ang halos lahat ng sulok ng venue, bumalik kami sa mesa kung saan ay naroon si John. Medyo lasing na si John. Sumali kaming dalawa ni Jishin sa inuman. Dahil English nang English si Jishin sa amin, binara siya ni John.
“Magtagalog ka nga Jishin! Tagalog naman iyang si utol eh. Pinahirapan mo lang ang sarili mo. Atsaka iyang si Timmy, galit na galit iyan sa mga taong Englisero. May nabugbog nga iyan sa klase namin dahil sa pagi-English at muntik pa niyang mapatay!”
Napatingin si Jishin sa akin. Nanlaki ang mga mata. Nagtagalog na. “T-totoo?”
“Oo,” ang sagot ni John.
“Sino?”
“Iyong English Teacher namin. English nang English eh. Kaya ikaw para huwag kang mabugbog, magtagalog ka na lang.”
Tawanan.
“English teacher iyon eh! Alangan namang Tagalog ang gamiting salita niya. Iyong Filipino teacher naman ang magagalit sa kanya!” ang sagot ni Jishin kahit na halatang nahirapang magtagalog.
Kaya nagtagalog na lang talaga si Jishin. Mabait din naman si Jishin. Nagsabi nga siya na gusto raw niyang bumisita sa probinsiya namin kapag may time siya at papayagan ng mga magulang niya.
Habang nag-inuman kami, nahalata kong pinainom nang pinainom ni John kaming dalawa ni Jishin. Syempre, party naman iyon at gusto ko ring uminom talaga para kapag nalasing na ay maka-eskapo na ako sa party na iyon. Parang naplastikan kasi ako sa mga tao. Pasiklaban ng mga alahas, ng magagandang damit, bagong gadget.
At dahil sa bilis na pagpapainom ni John sa akin, nalasing kaagad ako. Iyong lasing na lasing. Lupaypay, nagsusuka, at hindi makatayo. Nang dumaan ang papa ni John ay narinig kong nagpaalam si John na ihatid na niya ako sa aming kuwarto. Nagpaalam din si John kay Jishin na mauna na kami.
Kahit lasing ako ay tanda ko pa rin ang mga nangyari sa paligid. Ganoon naman talaga ako. Kapag nalasing ay buhay na buhay pa rin ang diwa. Ang katawan ko lang ang walang lakas.
Nang nasa loob na kami ng kuwarto, inihiga ako ni John sa kama. Nakatihaya lang ako. Akala ko ay babalik pa si John sa party. Ngunit laking gulat ko nang imbes lumabas, hinubad niya ang kanyang damit pati na ang pantalon at brief. At ang sunod na nangyari ay dinaganan niya ako.
“Ahhh! John! Huwag! Huwag John!” ang daing ko nang hinalikan niya ang aking bibig. Gusto kong itulak siya o ‘di kaya ay iiwas ako, tatagilid, ngunit wala akong lakas at hindi ko kaya ang aking katawan.
Kaya wala akong nagawa nang hinalikan niya ang aking bibig at sinipsip ito nang sinipsip. Pagkatapos ay tinanggal niya ang lahat ng aking saplot. Nang nahubad na niya lahat ay sumampa muli siya sa ibabaw ng aking katawan at muli niya akong hinalikan sa bibig.
Nasa ganoon siyang paghahalik sa akin nang nasilip ko ang pinto ng hotel. Nakabukas ito nang bahagya. At bagamat halos nakapikit ang aking mga mata, naaninag kong may sumilip dito.
“May tao... May taooooo!” ang pilit kong pagsasalita.
Nilingon ni John ang pintuan. Nang nakita niyang nakabukas ito, dali-dali niyang tinungo ang pinto at sinilip sa labas kung may tao. Nang wala siyang makita ay inilock niya ito atsaka bumalik sa kuwarto. Muli niyang itunuloy ang paglapastangan sa akin.
Sa gabing iyon ay nakuha ni John ang inaasam-asam niyan makuha sa akin. Ang maipasok niya ang kanyang p*********i sa aking likuran.
Kinabukasan, nagising ako na masakit ang aking ulo at masakit ang aking katawan. Nang tiningnan ko ang aking katawan ay wala akong saplot. Tinungo ko na ang banyo, at doon ko naramdaman ang sakit ng aking tumbong habang naglalakad ako. At na-kumpirma ko ang kahayupang ginawa ni John sa akin nang dumumi ako sa inodoro at may dugo na lumabas, may parang laway-laway na sa tingin ko ay t***d, at higit sa lahat, sobrang mahapdi at masakit.
Halos maiyak ako sa nangyari. Binalikan ko sa aking isip ang mga pangyayari sa gabing iyon. Sariwa pa sa aking isip ang pinaggagawa ni John sa akin. Pinadapa niya ako at pinasok niya ang kanyang p*********i sa aking likuran. Ramdam ko pa ang sakit nang umindayog siya. Nalala ko pa ang aking pagmamakaawa na ihinto niya ang kanyang ginagawa.
Nang nakabalik na ako sa higaan, naroon pa rin si John, himbing na himbing at mistulang napaka-inosente. Hubad din ang buong katawan niya. Nakadapa sa higaan.
Pakiramdam ko ay gusto ko siyang upakan ng suntok o ‘di kaya ay saksakin sa likod. Ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Nang may nagdoorbell, dali-dali akong kumuha ng tuwalya at itinapis iyon. Si John naman ay tinakpan ko ng kumot ang katawan. Agad kong tinungo ang pinto. Nang mabuksan ko na, ang papa ni John.
“Good morning!” ang sambit niya.
“Good morning po,” ang sagot ko rin.
“Alas 9:30 na ng umaga. Mag-agahan na tayo. Hintayin ko kayo sa baba,” ang sambit niya.
“Okay po, pa. Susunod na po kami.”
Dali-dali kong ginisng si John. “Kakain na raw, ang sabi ni papa. Hinihintay niya tayo sa baba!” ang padabog kong sabi.
Agad din siyang bumalikwas. Nag T-shirt siya. Nang makita niya ang brief niya sa sahig na sinuot niya sa party, dinampot niya iyon at muling isninuot. Tapos, nagshort lang.
“Hindi ka maliligo?” ang pasigaw kong tanong.
“Mamaya na,” ang sagot din niya.
“Maliligo muna ako,” ang sambit ko
Hinintay niya ako. Siya pa ang nag-abot sa akin ng tuwalya, brief, t-shirt, at short.
Nasa harap na kami ng mesa at nagsimula nang kumain nang, “Gusto kong magpa-DNA test din para malaman ko kung talagang tunay mo akong anak,” ang sambit niya sa kanyang papa.
Biglang nahinto ang papa ni John sa narinig. Hindi nakasagot agad at tinitigan si John. “Bakit? May duda ka?”
“Matagal na! At gusto kong magpa DNA sa lalong madaling panahon!”
“Nandyan na naman ang ugali mong demanding, John. Hindi ko nagustuhan iyan.”
“Wala akong pakialam kung nagustuhan mo o hindi ang ugali ko. Gusto kong malaman kung totoo mo ba akong anak! Karapatan kong malaman ang katotohanan,” ang may pagka-aroganteng sabi ni John.
Tiningnan ako ng papa ni John. Napayuko na rin ako. Hindi ko alam ang tunay kong naramdaman. Ang isip ko ay nagtatanong kung may kinalaman ba ito sa ginawa ni John sa akin nang nakaraang gabi o talagang matagal na niya itong tinimpi at ipinalabas lang niya sa oras na iyon dahil sa galit niya sa kanyang ama.
“Okay... may hospital dito na puwedeng mag-analyze ng DNA. Aalis na ako pabalik ng Maynila mamayang hapon kaya nitong umaga ay pupunta tayo sa ospital. Magpa-appointment tayo. Kaibigan ko ang may-ari ng hospital.
Nagpunta kami sa ospital na nasabi. Kinunan silang dalawa ng sample atsaka sinabihan na makukuha ang resulta sa isa o dalawang linggo.
Sa buong araw na iyon ay wala kaming imikan ni John. Habang natutulog siya sa kuwarto ng hotel na iyon, ako naman ay lumabas. Tinawagan ko si Jishin. At dahil nasa Baguio pa rin siya, nagpasama ako sa kanya na gumala. Sumang-ayon naman si Jishin. May kotse naman siya kaya dinaanan niya ako sa hotel. Inikot namin ang mga magagandang lugar sa Baguio. Magandang kasama si Jishin. Walang nakakainip na sandali sa kanya. Madaldal, masayahin, mabait, at hindi na rin siya nagi-English, kahit minsan ay nabubulol sa pagtatagalog.
Nanuod din kami ng sine at kumain ng hapunan sa labas. Sagot niya lahat. Alas 9 na ng gabi nang umuwi ako. Inihatid din ako ni Jishin sa hotel. Nang nakarating na ako sa kuwarto namin ni John. Siya ang nagbukas ng pinto. Lasing na lasing. Uminom pala siyang mag-isa sa kuwarto.
Bumalik siya sa loob ng kuwarto, umupo sa gilid ng kama.
Dumiretso naman ako sa locker at nagbihis ng pambahay. Umupo ako sa silya na nakaharap sa TV. Kinuha ko ang remote at binuksan ang TV. Nilakasan ko ang volume, ipinakita sa kanya na galit ako.
Habang nakaupo siya sa gilid ng kama, mistula siyang isang tupa na nakayuko lang. Maya-maya lang ay narinig ko ang paghagulgol niya. Pagkatapos ay tumayo siya at sinuntok nang sinuntok ang locker na kahoy ng hotel.
Nabasag ang locker at nakita kong dumugo ang kanyang kamay.
Pinatay ko ang TV. “Ano ba ang nangyari sa iyo!” ang sigaw ko.
Hindi siya umimik. Patuloy lang siyang humagulgol. Maya-maya lang ay muli na naman niyang sinuntok ang isa pang locker. Muling nabasag ito at lalong dumami pa ang dugo sa kanyang kamay.
Nilapitan ko na siya. “Ano’ng nangyari sa iyo?” ang tanong ko.
Tumahimik siya nang nilapitan ko.
“May kasalanan ako sa iyo, Tok,” ang sambit niya habang nagsimula na namang humagulgol. “Bugbugin mo ako Tok, saktan mo ako, Sampalin mo ako. Kahit patayin mo pa ako. Ayoko na! Gusto ko nang sumuko...” at muli na naman siyang humagulgol.
Hindi ako kumibo. Hindi ko alam kung maawa sa kanya o pagalitan ko pa. Napaiyak na rin ako.
“Patawarin mo ako, Tok, please... Nahihirapan na ako, Tok.” Hinawakan niya ang aking kamay. Dumampi pa sa aking balat ang dugo sa kanyang kamay. Lumuhod siya sa harap ko. “Maawa ka, Tok. Patawarin mo ako. Please...”
Sa pagkakita ko sa kanyang ginawa ay mistulang binalot ng awa ang aking puso. Tinanggap ko ang kanyang kamay. Hinawakan ko ito at hinila siyang patayo.
Nang nakatayo na siya ay niyakap niya ako. Niyakap ko na rin siya. “I’m sorry Tok. Ang sama-sama ko...”
Hindi na ako nagsasalita. Hinalikan ko na lang siya sa pisngi at sa noo. Hinaplos-haplos ko ang kanyang buhok. Gusto ko siyang intindihin sa sandaling iyon. “Matulog na tayo,” ang nasambit ko na lang.
Tumayo ako at kinuha ang tuwalya ng hotel, binasa iyon ng mainit-init na tubig mula sa shower. Pagkatapos ay pinunasan ko ang kanyang sugat sa kamay.
“Paano ba tumawag sa front desk? Manghingi tayo ng bandage o band-aid? O kahit alcohol?”
“Huwag na, Tok. Okay lang ito,” ang sambit niya.
Kaya hinayaan ko na lang. Sabay kaming nahiga at natulog. Niyakap niya ako habang nakahiga kami. “Sorry talaga, Tok.”
Kinabukasan ay flight na uli namin pabalik sa Probinsiya. Hinatid kami ni Jishin gamit ang kanyng kotse.
Nang makarating na kami sa probinsiya, balik na naman kami sa dating gawi. Sa bukid pa rin kami umuuwi, kasama namin si Tokhang. Iyong ginawa sa akin ni John sa hotel habang lasing siya ay pinilit ko ang sariling ilibing iyon sa limot.
Sumapit ang araw kung saan ay ipinatatawag na naman kami ng Tito ni John sa paratment. Naroon na raw ang resulta ng DNA ni John.
Ewan ko ba kung bakit ngunit sa pagkakataong iyon ay sobrang kaba ang aking naramdaman tungkol sa resulta. Nanalangin ako na sana ay hindi kami magkapatid ni John, na sana ay sa pamamagitan ng resulta ay hindi na siya masaktan, hindi na kami magdusa, at wala nang hadlang ang aming pagmamahalan.
Nang nasa kamay na ni John ang resulta, ramdam ko ang aking panginginig. Mistulang himatayin ako. Dahil katabi ko lang si John, nabasa ko ang nakasulat sa papel.
“% of Probability of Paternity...”
(Itutuloy)