Yariang Magkapatid

4374 Words
By: Michael Juha getmybox@hotmail.com Fb: Michael Juha Full   -------------------------------   Tiningnan ko ang papa ni John at pagkatapos ay dali-dali rin akong tumalikod at hinabol si John. “John! John!!!” ang sigaw ko.   Ngunit hindi niya ako pinansin. Tuloy-tuloy lang siya sa kanyang pagtakbo hanggang umabot ang paghahabol ko sa kanya sa bayan. Nang makita niya ang isang building ay pumasok siya rito. Kinabahan akong bigla dahil baka may masama siyang iniisip. Binilisan ko pa ang pagtakbo upang mahabol ko siya. Umakyat siya sa hagdanan pataas hanggang sa ika-walong palapag, sa pinaka-roof top nito. Nang nasa itaas na, huminto siya at umupo sa may sementong banko malapit sa may harang, nakaharap sa dagat. Yumuko siya, itinukod sa kanyang mukha ang dalawa niyang kamay.   “John,” ang sambit ko habang umupo ako sa tabi niya, tinatapik-tapik ko ang kanyang likod. “I’m sorry, John,” ang sambit ko.   Hindi siya sumagot. Nang sinilip ko ang kanyang mukha, nakita kong umiiyak siya. Hindi na lang ako nagsalita. Hinawakan ko na lang ang kanyang kamay.   Nilingon niya ako. “M-magkapatid tayo, Tok?” ang tanong niya.   “Hindi ka ba masaya?” ang sagot ko.   Muli siyang yumuko. Hindi nakasagot agad. “M-masaya sana...” muling nahinto at tiningnan ako. “Hindi ko alam. Paano na lang tayo?”   Binitiwan ko ang isang malalim na buntong hininga. “Hindi ko rin alam John. Kung kailan tanggap na kita. Kung kailan tanggap ko na ang relasyon natin...”   “Mahal mo ba ako, Tok?”   Tumango ako.   Umusog siya palapit sa akin. Inakbayan niya ako. “Mahal na mahal din kita,” ang sagot niya.   “G-gusto mo bang magtanan tayo?” ang sambit niya.   “Huwag. Masisira ang pag-aaral natin. Masisira ang mga plano natin sa buhay. Ipinangako ko sa inay na makapagtapos ako ng pag-aaral.”   “Paano tayo?” Ang tanong niya.   “Magkasama pa rin naman tayo bilang magkapatid, ‘di ba? ‘Di ba ang pagiging magkapatid ay habambuhay? Kahit ano ang mangyayari, pagbaliktarin man ang mundo, ang magkapatid ay mananatiling magkapatid. ‘Di  ba?” ang sabi ko.   “Habambuhay,” ang pag-ulit niya sa aking sinabi. Saglit na nahinto. “Pero isang araw ay aalis ka rin sa pamilya natin, maghanap ka ng sarili mong pamilya. Maghihiwalay din tayo,” ang sagot niya.   “Hindi kita puwedeng iwanan John. Ngayong alam kong magkapatid tayo, paano kita iiwan? Ikaw lang ang nag-iisa kong kapatid. Hindi ko pa naranasan ang magkaroon ng isang kapatid. Ikaw ba ay naranasan mo na?”   “Hindi rin. Pero... magkaiba kasi ang magkapatid sa magkarelasyon. May mga bagay na puwedeng gawin ng magkarelasyon at hindi puwedeng gawin ng magkapatid...”   “Oo naman. Pero ang magkapatid ay magkarugtong ang buhay. Iisa lang ang pinagmulan ng dugo na dumadaloy sa kanilang kaugatan.   Hindi siya nakasagot agad. “G-gusto kong ganoon pa rin tayo, Tok. Magkatabi sa higaan, sabay sa pagtulog. Palaging magkasama.”   “Okay lang naman sa akin kung magtabi tayo sa higaan at sabay sa pagtulog. Okay rin sa akin na palagi tayong magsasama. Kahit mga gamit ko ay pakialaman mo kagaya pa rin ngayon, okay lang,” ang sagot ko na lang bagamat pumasok sa aking utak na hindi na puwedeng may mangyaring s*x sa amin.   “Talaga?” ang sagot niya.   “Oo,” ang sagot ko rin upang hindi na siya malungkot at mabilis niyang matanggap ang lahat.   “Papayagan mo pa rin akong yakapin ka?”   “Oo.”   “Isingit ko ang aking bisig sa ilalim ng iyong ulo sa pagtulog upang gawin mong unan?”   “Oo.”   “Kagat-kagatin ko ang leeg mo, ang dibdib mo kapag nangigigil ako?”   “Oo. Kahit paglalaba ng brief ko, ikaw pa rin ang gagawa. Kahit ipagluto mo pa rin ako ng sunog o ‘di   kaya ay maalat na piniritong itlog, o kaya ay iyong signature mong luto na sinigang na walang sabaw.”   Tiningnan niya ako at hinigpitan niya ang pag-akbay sa akin, iyong magkahalong akbay at yakap. Tapos hinalikan niya ako sa pisngi. “I love you.”   Kumalas ako sa kanyang pag-akbay. Pinahid ko ang mga luha sa kanyang pisngi. “I love you too,” ang sagot ko, at dinagdagan ko ng, “Kuya...”   Napangiti siya. Muli niya akong niyakap. “Oo nga pala. Ako pala ang kuya rito. Kaya mas lalo pa kitang alagaan dahil bunso kita.”   “At dapat ay huwag mo na akong kulitin,” ang sagot ko rin.   “Puwede. Pero kung ganoon ay dapat sundin mo ang lahat nang mga iuutos ko sa iyo,” ang sagot niyang tila nagbabanta ang expression sa kanyang mukha.   “O sige, kulitin mo na lang uli ako.”   Tawanan.   Tahimik.   “Sorry, Tok. Nabigla lang ako sa bilis ng mga pangyayari ngayon. Nasisip kaagad kita, at ang relasyon natin.”   “Okay lang iyon. Ako man ay hindi makapaniwala na sa isang iglap lang ay may malalaman akong napakalaking rebelasyon sa aking buhay. Ewan, hindi ko nga alam kung maniniwala ako. Naisip ko tuloy na nariyan lang ang inay, at ginabayan niya ang papa mo... ang papa natin upang mahanap niya ako. Marahil ay naawa siya sa akin na heto, ang pagkakaalam ko ay wala na talaga akong ama ngunit itinago pala niya sa akin ang lahat.”   “Masaya ka ba?” ang tanong niya.   “Oo... ngunit ewan. Nalungkot din dahil sa atin.”   Hindi na niya sinagot pa ang sinabi ko. Inayos niya ang kanyang sarili. Pinagpag ang alikabok na dumikit sa kanyang T-shirt at pantalon. Tumayo. “Okay, balik na lang tayo sa apartment. Nandoon na siguro ang papa natin, naghintay sa atin,” ang sambit niya.   Dali-dali kaming umuwi. Hinintay nga kami ng papa ni John. Nakaupo siya sa sala. “Saan ba kayo ngatungo?” ang tanong niya sa amin.   “D’yan lang po sa bayan pa. May pinuntahan lang po kami,” ang sagot ni John.   “Maupo kayo,” ang utos niya.   “Ngayong alam mo na, John na may nabababatang kapatid ka, ikaw ang kuya at ikaw ang may responsibility sa kanya.” At baling naman sa akin, “Simula ngayon, Timmy, Kuya na ang itatawag mo kay John. At syempre, papa na rin ang itatawag mo sa akin. Gusto kong ilipat mo rito sa apartment ang mga gamit mo, mga importanteng dokumento, dahil ipapalakad ko sa lalong madaling panahon ang paglipat ng iyong apilyedo sa apelyidong Iglesias”   “P-po? Ang gulat kong tanong. Disoriented at shocked pa nga ang utak ko sa pagproseso sa hindi halos kapani-paniwalng kaganapan, at heto, papalitan na talaga ang aking apilyedo. Parang ayaw ko pa. Parang gusto ko pang buhayin ang apilyedo ng aking inay na gamit-gamit ko. “Eh... p-puwede po bang saka na lang? K-kasi po, graduating din naman ako, baka magkaproblema po pag nag-graduate ako na paiba-iba ang apilyedo?” ang sagot ko na lang.   “Sige, kung iyan ang gusto mo. May punto ka rin. Baka mahirapan kang gumraduate kapag sa mga papeles mo ay iba-iba ang apilyedo.” Nahinto siya. “Ang lupa ba na tinitirhan ninyo ay pag-aari ng inay mo?”   “Ang alam ko po, kalahating ektarya daw iyong nabili niya, hanggang sa may ilog. Mura lang kasi ang lupa doon kasi malayo sa bayan. Iyon daw ang binili niya sa dala-dalang pera nang dumating siya sa lugar na ito. Sa lupang iyon na rin po kami nabubuhay.”   “Ah... sa lupa pala ipinundar ni Evelyn ang pera na ibinigay ko sa kanya,” ang halos pabulong na sabi ng papa ni John. At baling sa akin, “Anong balak mo sa lupa? Ang tanong niya.   “Eh... g-gusto ko pong nariyan lang siya. Kasi gusto ko pong maalaala ang inay palagi.”   “I agree. Magpagawa na lang tayo ng bahay-bakasyunan sa tabi mismo ng lumang bahay ng inay mo. Ang bahay naman ng inay mo ay ipa-renovate natin upang ganoon pa rin siyang tingnan, palagi mo siyang maalaala.”   “K-kayo po ang bahala.”   “Gusto kong bumisita sa lugar na iyan isang araw kapag nakabalik ako rito.”   “Opo.”   “Lagyan mo ng papa ang sagot mo, Timmy,” ang utos niya.   Napatingin ako kay John. Nanatili lang siyang nakayuko at nagbabasa ng magasin, tila hindi siya interesado sa pinag-uusapan namin ng kanyang papa. “Opo pa,” ang sagot ko.   “Iyan... yan ang gusto ko. Welcome to the family, Timmy!” ang sambit niya at tumayo siya at inunat ang kanyang dalawang braso, pahiwatig na gusto niya akong yakapin. “Masaya ako na nahanap ka.”   Tumayo na rin ako at niyakap siya.   “Sana ay masaya ka ngayong nakabalik ka na sa rightful family mo sa pamilya Iglesias.”   “O-opo... masaya po ako.”   Pagkatapos niya akong yakapin ay tinumbok ko naman si John sa kanyang inupuan. Nakayuko lang siya, nakafocus ang mga mata sa kanyang binabasa.   Nang inangat niya ang kanyang mukha sa akin, inunat ko ang aking dalawang bisig upang yakapin siya. Inilagay niya sa gilid ng kanyang inupuan ang kanyang binabasa at walang kasigla-siglang niyakap ako.   Halos hindi na ako tinantanan ng katatanong ng papa ni John, lalo na tungkol sa aking ina. Kinikuwento rin niya ang love affairs nila. Ang ugali ng aking inay, ang mga masasaya at malulungkot at hindi malilimutan nilang nakaraan. At nasabi ko sa aking sarili na walang dudang ang inay nga ang kanyang tinutukoy.   “Pag-uwi ko ng Maynila ay maghahanda ako ng salo-salo para i-welcome ka sa pamilya. Kapag nabuo na ang plano, i-relay ko ito sa inyo ni John para maka makapag-handa kayo. Kahit 2 days lang kayo roon, either sa Maynila, o Baguio kung delikado pa para kay John ang makabalik ng Maynila,” ang sambit ng papa ni John.   “Sa Manila na lang pa,” ang pagsingint ni John sa usapan at padabog pa. Parang naisip ko tuloy na sarcasm iyong pagkasabi niya dahil may naghahanap sa kanya roon at gusto siyang patayin kaya iyon ang sagot niya.                Napansin din pala ito ng papa niya. “Ano ba ang drama mo, John! Ba’t hindi ka masaya? ‘Di ba dapat ay matuwa ka na ang best friend mo rito ay kapatid mo pala? Am I missiing something here, John?” ang tanong ng papa ni John na tumaas ang boses.   Napatingin na lang ako kay John. Nagulat kasi ako sa sinabing “Am I missing something.” Baka nagduda siya sa amin.   “Wala pa... okay lang,” ang sagot ni John.   “Okay lang. That’s the best you can say? Okay lang? Hindi ka magtatalon sa tuwa? Hindi ka magpasalamat, magcelebrate na ang best friend mo ay kapatid mo pala?”   “Okay lang,” ang sagot niya uli.    “Hindi kita talaga maintindihan, John. Sa Maynila, napaka spoiled mo, walang galang, basagulero. Tapos biglang naging mabait. At ngayon ay... ewan. What happened to you?”   “Sinabi nang okay lang ako eh! Tangina! Binabalik-balik pa!” ang tumaas na boses ni John sabay walk out.   Napailing na lang ang papa ni John. “Pagpasensyahan mo na lang ang kuya mo, ha? Ganyan iyan siya. Unpredicatable. Ang sabi niya sa akin.   “Opo. Alam ko na po ang ugali niya, pa.”   “Well.. mabuti naman. At least kabisado mo na ang ugali niya,” ang sambit ko, at nagpaalam ako sa kanya na sundan ko si John sa kuwarto.   “Anong nangyari sa iyo? Inaway mo ang papa mo?” ang tanong ko kay John nang nasa loob na ako ng aming kuwarto.   “Hayaan mo siya,” ang sagot naman niyang padabog.   Sa hapunan ay hindi ako tinantanan sa pakikipagkuwentuhan ng papa ni John. Hanggang sa, “Matutulog na kami pa. Antok na po ako. At antok na rin si Timmy,” ang pagsingit ni John sabay hatak sa aking kamay.   “A e, ‘di   sige. Good night sa inyo Timmy, John,” ang sagot na lang ng papa niya.   “Good night din po pa,” ang pagpapaalam ko naman habang si John ay patuloy lang sa paghila sa aking kamay ni hindi man lang tumingin o sumagot sa kanyang papa.   Nang nasa loob na kami ng kuwarto, agad na nahiga si John. Nakatihaya, ang mga mata ay nakatutok lang sa kisame.   Humiga na rin ako sa tabi niya, nakatihaya at nakatingin din sa kisame.   “Kaya pala hindi ako mahal ng papa natin dahil hindi rin kasi niya mahal ang mama ko,” ang sambit niya na nakatutok pa rin ang paningin sa kisame.   Tila may sibat na tumusok sa aking puso sa narinig. Tumagilid akong paharap sa kanya, ipinatong ko ang isa kong bisig sa ibabaw ng kanyang dibdib. “Huwag ka namang mag-isip ng ganyan... John. Kung ganyan ka mag-isip, baka ako na mismo ang lalayo sa bahay na ito. Ayokong ako ang magiging dahilan upang magalit ka sa iyong ama. Matagal kayong nagsama, mas malapit ka sa kanya at sigurado naman ako na mahal ka niya. Kapag umalis ako rito, mabubuhay pa rin ako. Sanay akong mamuhay sa bukid. Kahit wala na ang inay ay mabubuhay pa rin ako. Kaya huwag kang magsalita ng ganyan. Nasasaktan ako,” ang sagot ko sa kanya.   “S-soryy Tok. Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Ngayon lang pumasok sa aking isip kung bakit hindi ko maramdaman ang ating ama. Ngayon ko lang nalaman na hindi pala niya talagang minahal ang aking inay. Nakaramdam tuloy ako ng awa para sa aking inay. Unti-unti kong naintindihan ang side niya. Alam ko kasi kung ano ang pakiramdam ng isang taong inayawan, tinanggihan. Masakit iyon. Kaya p-parang gusto ko siyang hanapin at pakinggan ang kanyang panig. Baka sa kanya ay maramdaman ko ang pagmamahal.”   “S-sorry din, K-kuya... Pero alam mo, feeling ko ay mahal ka naman ng papa mo eh. May mga bagay lang siguro siyang gustong baguhin sa ugali mo, sa pagsasagot mo sa kanya, sa mga barkada at bisyo. ‘Di  ba ngayon ay wala ka nang bisyo? At ang mga barkada natin ay puro responsable sa klase at seryoso sa pag-aaral? Nakita mo naman na nang malaman niya na nagbago ka na ay natuwa siya. Kaya ipagpatuloy lang natin ang ganito. Atsaka tungkol sa iyong mama, payag ako na hanapin natin siya. Sasamahan kita kung gusto mo.”   “T-talaga Tok?”   “Opo kuya.”   Napangiti siya. “Yan... dapat ay may ‘po’ dahil kuya mo ako,” ang sambit niya sabay pisil naman sa aking pisngi at bitiw ng isang nakakalokong ngiti.   Tumagilid akong patalikod sa kanya. May naamoy kasi akong hindi maganda sa ngiti niyang iyon.   “At bakit ka naman tumalikod sa akin?” ang sambit niya sabay hila niya sa aking katawan upang muli akong humarap sa kanya.   “Matulog na ako.”   “Huwag muna, may gagawin pa tayo,” sabay patong sa akin at biglang siniil ako ng halik.   Pumalag ako. “Huwag!” ang sambit ko habang pumapalag sa paghalik niya.   Ngunit nagpumilit talaga siyang halikan ako. “John! Huwag! Ayoko! Ayoko!” ang sambit kong ang boses ay tumaas.   Huminto siya. “Akala ko ba ay sabi mong magtabi pa rin tayo sa pagtulog. Puwede pa rin kitang halikan. Puwede pa rin nating gawin ang mga ginawa nating pagpaparaos?” ang tanong niya habang nanatili sa ibabaw ng aking katawan.   “Wala akong sinabing mag s*x tayo! Magkapatid tayo, ‘di ba?”   “Magkapatid nga tayo. Pero bakit kung may gagawin tayo, malalaman ba nila? May mawawala ba sa atin? Mahal mo ako, ‘di ba? Bakit biglang nag-iba?”   “Dahil nga... magkapatid tayo, John. Nagyayarian ba ang magkapatid?”   “Pareho tayong lalaki, Tok... walang mawawala sa atin!” ang sigaw niya.   “Nakokonsyensya ako!” ang sigaw ko rin!”   “Hindi ko kagustuhang mahalin kita! Hindi ko inimbento itong nararamdaman ko para sa iyo, Tok!”   “Hindi ko rin ginustong maging kapatid mo, John!”   Nahinto siya, tinitigan ako. “Ikaw, mahal mo ba ako?”   “Mahal kita, John. Pero nga magkapatid tayo. Kaya ayoko. Ayokong gawin pa natin ang ganito,” sabay tulak sa kanya dahilan upang mataggal ang pagdagan niya sa akin.   “Okay. Fine,” ang sagot niya, sabay tagilid patalikod.   Kinabukasan ay nakatakdang umalis ang papa ni John. Hinatid namin siya sa airport. Bago siya umalis, ipinagbilin niya kay John na alagaan ako, at sinabi niya rin sa akin na i-inform na lang kami kapag papuntahin na niya kami ng Maynila o sa Baguio.   Alas 6 na nga gabi nang nakabalik kami ng bahay. Late kasi ang flight ng papa ni John. Nang nasa loob na ako ng kuwarto, lumabas si John. Ngunit tinawag na lang ako ng Tito ni John para sa hapunan ngunit hindi pa rin nakabalik si John.   “N-nasaan po ba si John Tito?” ang tanong ko.   “Umalis eh. Nagbilin na huwag na lang daw siyang hintayin sa hapunan. Akala ko ba ay nagpaalam sa iyo,” ang tanong niya.   “Hindi po eh.”   “Sige, kumain na lang tayo. Huwag na natin siyang hintayin,” ang sambit ng Tito ni John.   Nalungkot ako at naguluhan sa inasta ni John. Kaya habang kumakain ako ay tahimik lang ako. Bagamat nakikipag-usap sa akin ang Tito ni John, ang sagot ko ay maiksi lang, iyong reseptong sagot na lang.   “Ah.. Tito. Aalis ako ha? B-baka doon na ako matulog sa bukid,” ang sambit ko.   “Ah... si John ba ay naroon din?” ang tanong niya.   “S-sa palagay ko po. Sasamahan ko na lang siya,” ang sagot ko kahit hindi ako sigurado. Baka kasi ay naroon talaga si John sa bukid kaya nagbakasakali ako. Kung wala naman siya roon, at least kapag umuwi siya ng apartment ay alam niyang hinahanap ko siya.   Kaya pagkatapos ng hapunan ay agad kong nagtungo sa bukid. Nang dinaanan ko ang kabayo naming is Tokhang sa taong pinakisuyuan namin sa kanya, naroon pa rin si Tokhang. Kaya naisip ko na talagang wala si John sa bukid. Sinakyan ko si Tokhang hanggang nakarating ako sa bahay namin. Sarado nga ito at madilim.   Pumasok ako sa loob ng bahay. Lalo lang akong nakaramdam ng lungkot sa hindi maintindihang inasal ni John. Nang nasa loob na ako ng kuwarto, naisipan kong lumabas. Full moon din kasi, magandang magmuni-muni. Tinungo ko ang ilog. Nang malapit na ako, laking gulat ko nang makita ko roon si John. Nakaupo siya sa pampang, sa bahagi kung saan kami palaging nakaupo. Nilapitan ko siya at umupo sa kanyang tabi. Nakita ko ang isang bote ng alak na wala nang laman na nakalatag sa kanyang tabi.   “Lasing ka na John,” ang sambit ko.   “Pabayaan mo ako! Doon ka sa apartment,” ang sambit niyang pautal-utal, ang kanyang mga mata ay halos nakapikit na.   “Tara na, umuwi na tayo,” ang sambit ko sabay tayo. Hinila ko ang kanyang braso at inilingkis ko iyon sa aking leeg at kinarga ko na siya sa aking likuran.   “Saan mo ako dadalhin?” ang tanong niya habang karga-karga ko siya.   “Sa bahay. Sa kuwarto natin dito sa bukid.”   “Tapos... tatalikuran mo rin naman ako. Kapatid kita eh. Bro kita, ‘di tayo puwedeng magkantutan,” ang sambit niya na talagang bulgar ang ginamit na salita. “Tsupain na lang kita bro... Bro... I love you bro. Pakantot nga d’yan, bro! Kahit padila na lang ng b***t bro... Tanginang ama iyan, nagkalat ng lahi hindi naman kayang panindigan. Dapat na lang sana ay sinalsal na lang ako. Animal! Nakaka bad trip, nakakasira ng love life!” ang patuloy niyang pagsasalita.   Bigla akong natawa ako sa kanyang pinagsasabi at muntik ko siyang mailaglag.   “Tawa ka d’yan. Tsupain na kita d’yan eh! Gusto mo? Ha?” ang halos walang tigil niyang pagsasalita.   Tumahimik na lang ako. Nag-focus na lang ako sa pag-karga sa kanya. At kahit mas mabigat siya kaysa akin, pinilit ko pa ring kargahin siya hanggang sa makarating kami ng bahay.   Nang naihiga ko na siya sa ibabaw ng kama. Pinagmasdan ko siya. Nakahiga siyang nakatihaya, nakapikit ang mga mata ngunit alam kong gising pa ang kanyang diwa. Napaka-inosente niyang tingnan. Nakakawa lang ang kanyang kalagayan. Ramdam ko ang sakit na pinagdaanan niya, lalo na sa relasyon namin. Alam ko kung gaano niya ako kamahal. Doon ay mas tinablan pa ako ng awa. Gusto kong umiyak para sa kanya. Wala naman talaga siyang kasalanan kung bakit niya ako minahal. Hindi ko siya masisisi kung nagnanasa siya sa akin. Naawa rin ako sa kanya na nakaramdam siya ng rejection ng pagmamahal sa kanyang papa, na naging papa ko na rin. Naawa rin ako sa kanya dahil kapatid ko siya, at may kakaibang naramdaman din ako sa kanya.   Hinubad ko ang aking T-shirt at dahan-dahang pumatong sa kanya. Nang nasa ibaba na niya ako, siniil ko ng halik ang kanyang bibig. Sinuklian niya ng halik ang aking halik. Naghalikan kami. Nag-aalab sa matinding kasabikan sa isa’t-isa. At sa pagkakataong iyon ay muling nangyari sa amin ang bagay na hindi dapat mangyari sa magkakapatid.   Pagkatapos na pagkatapos namin sa kama ay agad akong naligo. Nakaramdam ako ng hiya at guilt sa sarili, lalo’t kapag naisip ko na mali na nga iyong pakikipagtalik ng lalaki sa lalaki, magkapatid pa kami na gumawa ng ganoon.   Kinabukasan ay pumasok kami ng eskuwelahan. Normal naman ang lahat. Masigasig pa rin kami sa aming mga gawain, pati na sa aming responabilidad bilang mga officers. Hindi namin ipinaalam sa mga ka-klase na magkapatid pala kami. Hindi naman nagkuwento si John. Hindi rin ako nagkuwento. Ayokong malaman nila ang issue dahil ang alam ng lahat ay may relasyon kami ni John.   Kinagabihan uli, habang nakahiga na kami ni John sa bahay namin sa bukid, muli na naman siyang nangalabit. “Sige na Tok...”   “Kuya... hindi nga puwede eh.”   “Ba’t kagabi pumayag ka? Ikaw pa ang nag-initiate?”   “Pinagbigyan lang kita dahil naawa ako sa iyo.”   “So ngayon hindi ka na naawa?”   “Hindi,” sabay tagilid patalikod sa kanya.   “Hindi pala ha,” ang sambit niya sabay pilit niyang pagdampi ng halik sa aking mga labi.   Ngunit nanlaban ako at talagang sinabi ko na hindi na puwede.   Doon na naman siya nagtampo. Hindi na niya ako kinulit pa.   Ngunit ang epekto pala ng pag-ayaw ko ay bumalik na naman ang kanyang pagka bad boy, bumalik na naman siya sa paninigarilyo, at kapag nasa klase kami ay natutulog siya o ‘di kaya ay nagpapapansin, nagpapasaway, o nambubulabog ng ibang mga kaklase. Pati sa mga activities namin sa school ay hindi na siya nagpapakita pa ng interest. Kapag may meeting ay nasa labas siya, naninigarilyo at hindi sumasali sa discussion. Kapag kaming dalawa lang ay halos wala kaming imikan bagamat hindi naman niya ako pinapabayaan, ginagawa pa rin niya ang dating gawain sa bahay. Iyon lang kapag sa gabi na, tumatagilid na siya patalikod sa akin at hindi ako kinakausap. Na-miss ko ang dating kami na naghaharutan sa kama, iyong niyayakap niya ako, iyong gawin kong unan ang kanyang bisig. Ngunit wala akong magagawa. Binubulabog ako ng aking konsyinsya kapag naisip kong magsi-s*x kami.   Nagtaka ang aming mga barkada at kaklase sa pagbabago ni John. Ang sabi ko na lang sa kanila ay hayaan na lang si John dahil may problema siya. Hindi na sila nagtanong pa nang sinabi kong family issue nila iyon.   Isang araw ay nilapitan ako ni John, dala-dala ang kanyang cell phone. May ipinakita sa akin. “Ginoogle ko ang pangalan ng mama mo at may tatlong babaeng kapareha ang pangalan sa kanya. Sinearch ko silang tatlo at ang isa sa kanila ay nasa Koronadal. ‘Di  ba taga Koronadal ang mama mo?”   Tumango ako.   “So may dalawang Evelyn Suarez na nasa Koronadal. Ngayon, itong Evelyn Suarez na nasa Koronadal nakatira ngayon ay may anak na babae at single mother din siya. Kasing edad mo rin.”   “Okay,” ang sagot ko.   “Okay lang? Hindi mo nakuha?” ang sambit niya.   “Iyan ang gusto kong sabihin mo sa akin,” ang sagot ko.   “Ibig sabihin ay hindi pa tayo sigurado na ang babaeng minahal ng papa ko ay ang nanay mo nga. Maaaring itong babaeng ito na nasa Koronadal ang babaeng hinahanap ng papa ko.”   “P-paano natin malalaman na siya nga ang babaeng hinahanap ng papa mo at hindi ang nanay ko?”   “Tatawagan ko si papa,” ang sagot niya.   Kinuha ni John ang aking locket mula sa akin at tinawagan niya ang kanyang papa. Pinindot niya ang speaker phone upang marinig ko rin daw ang pinang-uusapan nila. Sinabi niya sa kanyang papa ang lahat.   “Sa iyo po ba talaga iyong locket na nakita mo kay Timmy pa?” ang tanong niya.   “Actually, hindi ko bigay iyong locket. Iyong litrato sa loob ang sa akin.”   “Binigay mo?”   “Hindi. Marahil ay nakuha lang niya iyon sa mga album ko,” ang sagot ng papa niya.   “Paano po kayo nakasigurong kayo ang nasa litrato samantalang kupas na kupas na ito, black and white pa, at teenager pa ang itong taong nasa litrato? At hindi rin klaro ang mukha niya na ikaw nga talaga ito?”   “Lukso ng dugo, anak. Pagkakita ko kay Timmy ay alam ko na agad na kadugo natin siya.”   “Iyon lang?”   “Oo. ‘Di  ba ikaw ay ganoon din sa kanya? Paano kayo naging magbest friends? Iyan ay dahil kahit ‘di ninyo alam ang kuwento ng pinagmulan ninyo, alam ninyo sa loob-loob ninyo na may kaugnayan kayo. Iyan ang luksong dugo. At iyan din ang pinagbasehan ko. Naniwala ako na ang inay niya ay ang tunay na Evelyn Suarez.”   Natahimik si John sandali. Napalingon sa akin. Naalala ko ang unang pagkakataong nakita ko siya. Mistula akong na starstruck. Parang kilala ko na siya, hindi ko lang matandaan kung kailan at saan. Siguro ay naalala din niya iyon. Natandaan kong napatitig din siya sa akin saglit sa unang pagkikita naming iyon.   “Pa... hindi ko matatanggap si Timmy bilang kapatid sa ganoon-ganoon lang,” ang sambit ni John.   “A-anong ibig mong sabihin?”   “Gusto kong ipa DNA test natin siya.”   Matagal na natahimik ang kabilang linya.   “Pa... nariyan ka pa?”   “Oo... at sige papayag ako sa DNA test. Sabihin mo sa Tito mo na maghanap ng hospital d’yan na pedeng magconduct ng DNA test. Kung wala ay puwede sa Maynila, magbayad lang at magrequest ng kit para sa sample ng tissue na kukunin mula kay Timmy at kapag nakarating na at nakunan na ng sample si Timmy, ipadala ito pabalik sa hospital na nasabi. Within a week or two ay may result na. Babayaran ko rito ang hospital na makausap ng Tito mo.”   Nang magkasundo sila at natapos na ang kanilang pag-uusap, abot-tainga na ang ngiti ni John na nakatingin sa akin. “So... puwede na uli tayo mamaya? Ang sambit niya.”   “Get lost!” ang kunyaring paggalit-galitan ko. “Naghanap talaga ng paraan ah!” dugtong ko.   “Syempre naman.”   Kaya kinagabihan, nag-inuman uli kami sa pampang. At nang medyo nalasing na at nakahiga na sa kama, muli na namang siyang nangalabit. “Tok... puwede pasukin kita sa likuran?” ang hiling niya.   “Ayoko.”   “Bakit?”   “Kasi, gusto kong gawin natin ang ganyan kapag siguradong hindi talaga tayo magkapatid,” ang sagot ko.   “Kakainis naman... gusto ko tuloy na may resulta na agad iyong DNA test ah,” ang sambit niya.   “Eh, wala pa eh. Kaya tiis na lang muna sa bibig at kamay... puwede ring sa singit. Puwede ring sa kilikili.”   “Sa butas ng ilong kaya, puwede?”   “Gago!”   Napangiti na lang siya. Hinawakan niya ang aking pisngi atsaka siniil iyon ng halik.   Lumipas ang mahigit isang linggo at nakatanggap ang Tito ni John ng envelope mula sa opisina ng papa ni John. Napag-alaman naming kinuha na pala ng papa niya ang resulta diretso mula sa ospital na nag-analize sa DNA ko at pagkatapos malaman ang resulta ay ipina-LBC na niya ito sa Tito ni John imbes na siya ang tumawag at sabihin sa amin kung ano ang resulta.   Kinabahan ako dahil bakit hindi na lang sinabi sa pamamagitan ng pagtawag ang resulta kung magandang balita naman ito. Tuloy ay napaisip ko na baka ang resulta ay nakapagpawala ng gana sa kanya at bad news ito kung kaya ay ipina-LBC na lang.   Ibinigay kay John ang envelope at binuksan niya ito. Nasa tabi lang niya ako at kitang-kita ko ang papel na naglaman ng resulta.   Dali-daling hinugot ni John ang papel sa loob ng envelope at binuklat.   Hawak-hawak man ito ni John ngunit dahil magkatabi kami, binasa ko rin. “Paternity Test, DNA Test result, Report of Legal Test,” ang nakalagay ng mga headings. At nanlaki ang aking mga mata nang mabasa ko ang resulta: “% of Probability of Paternity...”   (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD