P*u*ng In*y

3509 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full -------------------------  “MANGHINGI KA NG TAWAD! MANGHINGI KA NG TAWAD KAY TIMMYYYYYY!!!” Ang bulyaw ni John.   Ngunit hindi pa nakapagsalita si Enchong, tinadyakan naman siya ng tinadyakan ni John. “MANGHINGI KA NG TAWAD PUTANG INA MOOOO!!!” ang pagsisigaw pa rin ni John.   Halos hindi maawat si John sa kanyang p*******t kay Enchong hanggang sa kinuwelyuhan na niya ito at pinatayo, akmang susuntukin uli. “Pigilan ninyo siya! Pigilan ninyo! Baka mapatay niya si Enchong!” ang sigaw ng ibang estudyante.   Nilapitan ko si John at hinawakan ang kanyang kamao na handa na sanang isuntok sa mukha ni Enchong. “Tama na, John. Tama na…” ang sambit ko.   Tiningnan ako ni John sabay binitiwan sa kuwelyo ni Engchong. Biglang bumagsak uli si Enchong, bumulagta sa sahig. Nang tiningnan ko ang harap ng uniporme ni John, may bakas ng dugo na tumalsik dito.   Siya namang pagdating ng principal. Galit na galit na sinigawan niya si John. Hinawakan niya ang tainga ni John at hinila patungo sa kanyang office. Si Enchong naman na halos hindi na makatayo ay inalalayan ng mga officers ng aming klase patungo sa clinic.   Mistula akong natulala sa bilis ng mga pangyayari. Nagulat ako sa pagtanggol sa akin ni John ngunit matindi ang dulot sa akin na sakit sa mga sinasabi ni Enchong tungkol sa aking inay. Para sa isang anak, napakasakit na siraan at pagbintangan ng kung anu-ano ang nag-iisang taong nagmamahal, at lalo pa’t narinig ito ng buong klase. Mistulang tinadtad ang aking puso sa matinding sakit. Tila gusto kong pumatay ng tao sa sobrang sama ng loob.   Halos hindi na pumasok sa aking ulo ang leksyon sa mga sumunod na klase. Ang nasa isip ko na lang ay ang matinding pagkaawa ko sa aking inay.   Natapos ang huling subject na hindi pa rin bumalik si John. Hindi ko alam kung anong parusa ang ibinigay sa kanya ng principal. Sa sobrang sama ng aking loob ay imbes na dumiretsong umuwi, tinungo ko ang isang inuman, isang karenderiya na turo-turo at malapit lang sa eskuwelahan. May pera pa naman akong natira, iyong pambili ko sana ng bagong uniporme ngunit dahil gusto kong makalimot, naisipan kong gamitin iyon sa pag-inom. Gusto kong makalimot, gusto kong maglasing.   Umorder ako ng limang beer at isang barbecue. Nang nagsimula na akong uminom, ‘di   ko naman inaasahang darating si John.   “Uy... hindi maganda kapag mag-isa lang na uminom! Kaya samahan na kita,” ang sambit niya habang umupo sa silya na nakaharap sa akin. Kumuha siya ng isang beer mula sa aking inorder, inangat iyon at isinagi sa beer na nasa aking kamay.   Hinayaan ko na lang siya. Hindi ako umimik. Sa sandaling iyong ay gusto ko ng tahimik. Kung hindi ko lang naappreciate ang pagkampi niya sa akin ay itinaboy ko na siya.   Hindi na rin siya umimik. Nakakabingi ang katahimikang namagitan sa amin.   “Anong sabi ng principal?” ang pagbasag ko sa katahimikan.   “Magmeeting pa raw sila sa parusa para sa akin,” ang sagot ni John.   “S-salamat sa pagtanggol mo sa akin kanina,” ang sambit ko.   “Okay lang iyon. No big deal. Hindi maganda iyong pinagsasabi niya. Sobrang foul na. May inay rin ako. Bagamat hindi ko siya nakita simula nang maliit pa ako at may sama ng loob sa kanya, hindi naman ako papayag na alipustain iyon ng ibang tao. Nanay ko pa rin iyon…”   Tumango lang ako. Hindi na ako nagsalita pa. Hindi ko na rin tinanong kung ano ang nangyari sa kanyang inay.   Nag-order siya ng makakain namin. 10 na barbecueng baboy at sampu ring barbecueng manok. Nag-order din siya ng kanin at nagdagdag na kalahating case ng beer.   Kumain kami. Nang medyo nalasing na ako. Naikuwento ko sa kanya ang tungkol sa aking inay. Halos pautal-utal na akong nagsasalita. “Hindi ganyan ang aking inay sa sinabi niya. Gawa-gawa lang ni Enchong ang kanyang sinabi. Kung mukhang pera ang aking inay, e ‘di sana ay mayaman kami. Ngunit hindi eh. Matagal nang nagdusa ang aking inay. Simula noong pagkabata ko, naghirap na siya. Namatay ang aking itay noong nasa sinapupunan pa lang niya ako. Kaya siya lang mag-isa ang nag-alaga at nagpalaki sa akin. Nariyan iyong naglalabandera siya, naglalako ng kung anu-anong pagkaiin... naging kasambahay. Lahat ay ginawa niya para lang mabuhay ako at matustusan ang pag-aaral ko. Hindi siya nagbenta ng aliw. May mga karanasan pa nga ako kung saan ay halos wala kaming makain. Kapag ganyan, ako na lang ang pinapakain niya. Manunuod lang siya sa akin habang kumakain ako. Kapag tinatanong ko kung bakit hindi siya kumain, sasagutin niya ako na busog pa siya. Ngunit alam kong gutom din siya. Pero tiniis niya, basta makakain lang ako. Ngayon, kahit may karamdaman siya, pinipilit pa rin niyang magtrabaho. Naaawa ako sa kanya. Hanggang ngayon ay nagtiis pa rin siya. Mahal na mahal ko ang aking inay. Siya na lang ang natirang pamilya ko. Siya lang ang natitirang karamay ko. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin kapag nawala ang inay.”   “Huwag kang mag-alala pare. Naintindihan kita. Siguro ang pagkakaiba lang natin ay bagamat kumpleto ang aking mga magulang, ang aking inay ay hindi na nagpakita pa. Ang sabi sa akin ng aking tatay ay may iba na raw siyang kalaguyo. Ang itay ko naman ay halos walang pakialam sa akin. Hindi ko maramdaman ang pagmamahal ng isang ama. Pareho sila, walang pakialam sa akin. Minsan nga, nasasabi kong sana lang ay patay na lang sila. Kasi, kung pareho silang patay, may dahilan ako sa sarili kung bakit hindi ko maramdaman ang pagmamahal nila. Pero iyong buhay sila ngunit hindi ko sila maramdaman, ang sakit lang... Nakakainsulto. Parang niyurakan nila ang aking pagkatao.”   “G-ganoon ba? Pareho pala tayong sabik sa pagmamahal. Ako, naghahanap ng pagmamahal ng ama. Ikaw, pagmamahal ng ama’t-ina.”   Tahimik. Alam kong lasing na ako ngunit alam ko pa rin ang mga pangyayari sa aking paligid. Kahit bulol na ako kung magsalita, kahit ramdam kong babagsak na ang aking takipmata, alam ko pa rin ang king mga sinasabi. Hindi ko lang alam kong lasing na rin si John dahil napansin kong ako lang halos ang umiinom. Marahil ay talagang gusto lang niya akong samahan.   “M-may aaminin ako sa iyo,” ang pagbasag niya sa katahimikan.   “Ano iyon?” ang sagot ko.   “Ako ang nagtago sa uniporme mo.”   At dahil lasing na ako, natuwa pa ako sa kanyang sinabi. “Talaga? Saan mo itinagong gago ka.”   Tinanggal niya ang natalsikang dugo na uniporme niya. Doon ko na nalman na doble pala ang suot niya at nasa ilalim ng kanyang uniporme ang aking uniporme.   “Salabahe ka! Salbahe ka! Tarantado ka rin talaga, no?” ang sambit ko tumawa pa, tinuturo siya. “Bakit mo itinago ang uniporme kong hayop ka?”   “Hindi mo kasi isinuot ang unipormeng ibinigay ko sa iyo kaya ko itinago ko ang luma mong uniporme upang mapilitan kang suutin ang ibinigay ko sa iyo.”   “Salbahe ka talaga!”   Tahimik.   “Hayaan mo, pare... bukas na bukas ay isusuot ko na ang unipormeng bigay mo,” ang pagbasag ko sa katahimikan.   “Promise?” ang sambit niya.   “Promise. Ikaw pa. Ang lakas mo sa akin,” ang sagot ko. Iyong salitang-lasing lang, parang bata, nabubulol, malambing. Ganyan daw kasi ako kapag nalasing. Panay ang tawa, at nawawawala ang galit, masayahin. Pero alam ko ang aking ginagawa. “Mas maganda nga na itinago mo yang uniporme ko eh,” ang dugtong ko.   “Ha? Bakit mo naman nasabi iyan?”   “Kasi, nabugbog mo iyong mayabang na presidente ng kabilang section. Buti nga sa kanya.”   Natawa siya.   “Kaso, baka hindi lang sampung ikot sa oval ang ipagagawa sa iyo ni Sir Cervantes. Halos lumpuin mo na iyong mayabang na estudyante na iyon eh. Doon pa lang ay baka may 500 na ikot ka na sa oval. At ayoko nang sumama sa iyo baka paputukin mo na naman ang bibig ko at magka black eye pa.”   Mas lalong lumakas ang tawa niya. “Ikaw kasi... una mo akong pinagsusuntok. Kinulit mo ako, eh,” ang sambit niya. Napansin kong umakbay siya sa akin.   Hinayaan ko lang ang pag-akbay niya. Sa sandaling iyon ay pakiramdam ko, ganoon na kami kalapit sa isa’t-isa. “Eh, gusto ko lang naman makita kung paano ka manuntok eh. ‘Di  ko nga nilakasan iyong panuntok ko sa iyo. Pero iyong sa iyo, tinutoo mo naman. Muntik nang magkawatak-watak ‘tong mukha ko! Buti na lang shock-proof ‘tong panga ko!”   Tumawa uli siya. Tinitigan ako at hinaplos ang bibig kong pumutok. “Promise, hindi na kita sasaktan.”   “Wee! Neknek mo. Subukan mong itago uli uniporme ko. Wawasakin ko iyang panga mo!”   Tumawa lang siya.   “Bakit ba ang sungit-sungit mo sa akin noon? Nagpapapansin ka ba?” ang tanong ko.   “Eh, wala eh. Type kita eh.”   “Gago!” ang sagot ko. “Sabagay… guwapo naman ako eh,” dugtong ko.   Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Tinitigan niya ako. “Ako ba ay hindi ka naguwapuhan sa akin?” ang tanong niya.   “Weee! Gago!” ang sagot ko. Hindi ko na pinatulan ang kanyang tanong. Alam kong naguwapuhan din ako sa kanya. Ngunit naasiwa ako sa tanong niyang iyon. “Tapos... ninakaw mo iyong tinapay na bigay ni Emily!” ang paglihis ko sa kanyang tanong.   “Gusto ko lang asarin ka. Ang sungit mo rin kaya.”   Nang maubos na ang beer at pulutan ay gusto ko pa sanang uminom. Ngunit ayaw nang mag-order ni John. “Lasing ka na. Umuwi na tayo,” ang utos niya.   “Gusto ko pang uminom eh! ‘Di pa ako lashinggg!” ang giit ko.   Ngunit hinila na ako ni John upang tumayo. “Sandali! Sandaliii!” ang sigaw ko. “Naiihi ako!”   Inalalayan ako ni John patungo sa gilid ng kalsada. Nasa outdoor na bahagi kasi ang parte ng aming mesa kaya mas malapit ang kalsada kaysa sa loob ng karenderia kung saan naroon ang kanilang palikuran.   Nang nasa harap na ako ng kanal ay pinilit kong tumayo at binuksan ang aking zipper. Umihi rin kasi si John na nakatayo sa aking tabi lang. Nagsimula na akong umihi nang maramdaman kong umiikot aking paligid at matutumba ako. Kaya dali-dali kong hinawakan ang bisig ni John.   Ngunit huli na nang sinubukan ni John na hawakan din ako. Napaupo na ako sa gilid ng kalsada habang siya naman ay nakaharap sa akin na napayoko, ang kanyang ari ay nakatutok nasa harap ng aking mukha, may kaunting ihi pang tumalsik.   Sa kalasingan ko ay halos hindi ko na iyon pinansin. Muli akong pinatayo ni John. Ang ginawa niya ay pumuwesto siya sa aking likuran. Inilingkis ni John ang ang kanyang dalawang braso sa aking dibdib upang hindi ako matumba. Ako naman ay ipinagpatuloy ang aking pag-ihi. Kung may nakakita lang sa amin na malisyoso ang isip ay iisipin nila na nagyayarian kami dahil nang pinatayo ako ni John ay hindi na nita itinaas pa ang kanyang pantalon at hinayaang nakalabas ang kanyang ari habang inilingkis niya ang kanyang bisig sa aking pang-itaas na katawan.   At ewan kung sinadya iyon ni John. Naramdaman ko ang pagdiin ng kanyang p*********i sa aking tumbong dahil bahagyang nakababa rin ang aking pantalon at brief. Mainit-init at matigas!   Nang siya naman ang umihi, hinawakan niya ang aking kamay na nakaakbay sa kanya upang hindi ko siya mabitiwan at malaglag. Habang umiihi naman siya, nakita ko ang kanyang ari, at pansin kong tinigasan siya.   “Doon ka na sa apartment ko matulog,” ang sambit niya nang matapos na siyang umihi.   “Ayoko. Naghintay ang nanay ko sa akin. Hindi siya makatulog kapag hindi ako umuwi sa bahay. Mag-alala iyon, baka bababa iyon at hanapin ako.”   “Okay ihatid na lang kita sa inyo.” Tinawag niya ang waiter at binayaran ang aming nakain at nainom.   Nang natapos na siyang magbayad ay hinila niya ako upang makatayo. Pagkatapos ay inilingkis niya ang aking kanang braso sa kanyang balikat habang ang kanyang kaliwang braso naman ay inilingkis niya sa aking baywang. Inalalayan niya akong maglakad.   Ngunit umalma ako. “Ayoko. Kaya kong maglakad pauwi, eh.”   Kaya binitiwan niya ako. Nang sinubukan kong tumayo, bumagsak ako sa lupa at pagkatapos ay nagsuka.   Hinugot niya ang kanyang panyo mula sa kanyang bulsa. Pinahhid niya ang aking mukha sa suka na dumikit doon. “Ihatid na kita...” ang sambit niya nang matapos niyang pahiran ang aking mukha.   “Kaya ko ngang umuwi mag-isa eh,” ang paggiit ko.   Ngunit nakita ni John na hindi ko talaga kaya. Kaya puwersahan niyang pinatayo ako at inilingkis ang kanyang braso sa aking baywang. Wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya. “Alam mo ang daan patungo sa amin?” ang tanong ko.   “Alam ko, patungo roon” ang pagturo niya sa kahabaan ng kalsada.   “Malayo pa... doon sa bandang dulo, maraming kahoy. Walang kuryente, walang ilaw.”   “Kaya ko iyan.”   Maya-maya lang ay huminto siya. Habang nakatayo ako ay pumuwesto siya sa aking harapan at tumingkayad. Inabot ng kanyang mga kamay ang aking magkabilang hita atsasaka kinarga ako sa kanyang likod!   Habang binababa niya ako, patuloy naman akong nagkukuwento sa kanya sa mga pang-aasar niya sa akin at sa mga bagay na kinaiinisan ko sa kanya. Sinabi ko rin sa kanya iyong nakita kong ari niya habang siya ay umiihi. “Hayop ka inihian mo ako! At ang laki ng ari mo! Parang sa kabayo! At tinigasan ka pang gagao ka!”   Wala siyang imik. Ngingiti-ngiti lang at nakikinig sa aking sinabi habang patuloy na naglalakad. Iyon ang huli kong natandaan.   NAGISING AKO kinabukasan nang natamaan ng sikat ng araw ang aking mukha. Nang iminulat ko ang aking mga mata, nagulat ako nang makita ko si John na katabi ko sa pagtulog, naka boxer short at walang pang-itaas na suot. Nakatagilid siyang paharap sa akin, ang kanyang braso ay nakapatong sa ibabaw ng aking dibdib. Nang tiningnan ko ang aking sarili, wala rin akong pang-itaas na suot at naka-boxer short lang.   Tinanggal ko ang kanyang braso na nakapatong sa ibabaw ng aking dibdib. “John! John!” ang paggising ko sa kanya.   Nagkuskos siya ng kanyang mga mata at tiningnan ako.   “Bakit ka narito?” ang tanong ko.   “Di mo naalala? Lasing ka, dinala kita rito. Kaya dito na ako pinatulog ng iyong inay. Ayaw niya akong pauwiin dahil baka may mangyari sa akin sa daan.”   Nahinto ako. Doon ko naalala iyong pagkarga niya sa akin sa kanyang likod. “Paano ka nakarating dito? Madilim kagabi?” ang tanong ko.   “May maliit na flashlight ako sa aking key chain. At dirediretso lang naman ang daan. Iyan lang ang sinubaybayan ko.”   Nang maalala kong may pasok pa kami. “Anong oras na? Late na tayo!” ang sambit ko.   “Huwag na tayong pumasok,” ang sagot ni John.   “Papasok ako John. Mahirap ang malaktawan ang subject. Kung maaari ay ayaw kong mag-absent.”   “O sige, maghalf day na lang tayo.”   Sumang-ayon ako. “Dito ka lang muna. Maghanda ako ng almusal natin.   Agad akong bumalikwas. Tinungo ko ang lagayan ng damit at kinuha ang short na pambahay. Isinuot ko ito atsaka lumabas ng kuwarto. Dinaanan ko ang kuwarto ng inay at sinilip. Nakita ko sa ibabaw ng mesa niya ang gamot na binili ko. Ngunit tulog pa ang inay. Marahil ay napuyat siya sa kahihintay sa akin. Hinayaan ko na lang. Lumabas ako ng bahay at tinungo ang kulungan namin ng manok at kumuha ng limang itlog. Nang nilingon ko ang aking llikuran, naroon pala si John, sinundan ako.   “May mga alagang manok ka pala.”   “Oo… native lang. Mas maganda kasing alagaan ang native dahil hindi sila maselan sa pagkain, kumakain ng kahit ano, at lumalaban din ito sa sakit. Dito kami kumukuha ng pambili ng gamot ng inay, dito rin kami kumukuha para sa pagkain, at sa mga gastusin sa araw-araw. Kaso halos hindi rin ito sapat. Pero okay lang. Kahit papaano ay mayroon.”   Ipinakita ko rin kay John ang aking alagang native na baboy. “Ang laki na ah!” ang sambit niya.   “Oo, pero palakihin ko pa iyan hanggang magiging sinlaki na siya ng kalabaw,” ang biro ko.   “Langya. Aabot ng 100 years yan!” sabay tawa.   Natawa rin ako. “Napamahal na kasi sa akin ang baboy na iyan eh. Kilala ako niyan. Kapag nakita ako, naglalambing, tingnan mo.”   Tiningnan niya ang baboy na tila sumasayaw-sayaw na parang umiiyak na nakatingin sa akin. Napangiti si John. “Oo nga. ‘Di  ako pinapansin o.”   “Kakatayin ko lang iyan kapag nagpakasal na ako,” ang sambit ko.   Napatitig si John sa akin. Hindi ko alam kung ano ang ibig ipahiwatig niya sa titig na iyon. Binitiwan niya ang isang ngiting hilaw.   “Halika, doon tayo sa mga pananim namin ng inay.” Dinala ko siya sa taniman ng gulay. Pumitas ako ng sampung kamatis na ihahalo sa itlog.   “Ang dami ninyong tanim na gulay…” ang sambit ni John.   “Mga pananim namin ng inay iyan. Malaki rin ang tulong nito sa amin,” ang sagot ko habang naglalakad pabalik sa loob ng bahay. Nakabuntot si John.   Nang nasa kusina na kami, gumawa ng apoy si John para sa kalan habang nagsalok naman ako ng bigas mula sa lagayan. Isinalang ko ang kaldero sa pugon. Pagkatapos ay nagprisinta naman si John na siyang magprito sa itlog. “Masarap ito kasi luto ko,” ang sambit niya habang isinalang ang kawali sa isa pang pugon.   Nang naluto at nakalatag na sa mesa ang mga pagkain, tinawag namin ang inay. Pareho na kaming nakaupo ni John sa hapag-kainan nang lumabas ang inay mula sa kanyang kuwarto. Paika-ika.   “A-ano po ang nangyari sa papa ninyo Tita? Namaga po, eh. Tapos ang isa ay may bendahe,” ang sambit ni John nang nakita ang paa ng inay.   “Hay naku, John. Ewan ko. Marami akong sakit. May diabetes, may high blood, lahat ng high na sakit ay nasa akin,” ang sagot ng inay na sinabayan ng tawa.   “Ang bata niyo pa po. Wala pa po kayong 50, ‘di   po ba?”   “55 na ako, John,” ang sagot ng inay.   “Kadalasan kasi, hindi iyan umiinom ng kanyang gamot kasi raw, magtitipid dahil walang panggastos sa mga kailangan ko sa school, sa pagkain. Puro ako ang iniisip samantalang iyong kalusugan niya ang mas importante,” ang pagsingit ko.   “Ito naman… itong sakit ko ay hindi naman malala.” Nahinto siya. “Huwag na nga nating pag-usapan iyan, may bisita tayo,” ang dugtong niya. At baling kay John. “Salamat sa paghatid mo kay Tok kagabi ha?”   Nakita kong pinigilan ni John ang pagtawa.   “Bakit ka natawa?” ang tanong ko.   “Pati ba inay mo ay naki-‘Tok’ na rin sa iyo?”   “Siya nga ang promotor niyan eh. At ‘Tok’ ang tawag sa akin ng mga taong malalapit sa puso ko. Iyong kilalang-kilala na ako, alam ang halos lahat ng bagay tungkol sa akin, lalo na ang inay, syempre...”   “Iyong ibang mga barkada mo sa school, Tok din ang tawag sa iyo, ‘di   ba?”   “Malalapit ko silang kaibigan. Alam nila ang buhay ko, kaya Tok din ang tawag nila sa akin,” ang paliwanag ko.   “Ah..,” ang sagot lang niya na tumango-tango.   Tahimik.   “G-gusto ko, ‘Tok’ na rin ang tawag ko sa iyo...”   Napatingin ako sa kanya. “Kilalanin mo muna ako.”   “Kilala na kita, ‘di   mo lang alam,” ang sagot naman ni John.   Nakita kong napangiti ang inay. “Nakuwento ka sa akin ni Timmy, John.”   “T-talaga po, Tita?” ang excited na tanong ni John. “Ano pong sinasabi niya tungkol sa akin?”   “Mabait ka naman daw. Tapos binigyan mo siya ng empanada. Masarap daw.”   Napatingin sa akin si John. Binitiwan ang isang pilyong ngiti. Ewan kung ano ang nasa isip niya.   Dahil mahaba pa naman ang oras, dinala ko si John sa ilog. Pinahiram ko muna siya ng luma kong T-shirt at short. “Dito kami naliligo, naglalaba. Dito rin ako minsan namimingwit,” ang sambit ko kay John nang narating na namin ang ilog. Tinumbok ko ang pampang kung saan ay naroon ang pinakamalalim na bahagi ng tubig. “Dito rin kami nagda-dive kapag naliligo kami” turo ko sa malalim na parte.   “Ang sarap pala rito sa inyo! Presko ang mga pagkain, presko ang hangin, malinis ang ilog. Ang sarap manirahan dito!” ang sambit ni John.   Hindi ako nakaimik. Umupo na lang ako sa pampang at tiningnan ang agos ng tubig sa ilog. Nanumbalik kasi sa isip ko ang nangyari sa klase nang nakaraang araw kung saan ay siniraan ni Enchong ang aking inay sa harap ng aking mga kaklase. “Kung alam lang niya ang pagdurusa ng aking inay,” ang bulong ko sa aking sarili.   “O... bakit ang lungkot ng mukha mo?” ang sambit ni John na umupo sa tabi ko, at inakbayan ako.   Hinayaan ko lang siya. “Wala... naisip ko lang ang inay. May sakit siya. Pero kapakanan ko pa rin ang kanyang iniisip. Naaawa ako sa aking inay. Natatakot din ako para sa aking sarili. Paano kapag nawala siya? Mag-isa na lang ako...”   “Hindi ka mag-iisa Tok,” ang sambit ni John.   Napalingon ako sa kanya. Binaggit kasi niya ang salitang Tok.   “Nandito lang ako para sa iyo, Tok. Ano man ang mangyari... hindi kita pababayaan.”   Nginitian ko siya.   “Hayan... dapat ganyan lang palagi.”   Tahimik.   “Mabait pala ako ha?” ang sambit niya habang binitiwan ang isang ngiting nakakaloko.   Bigla kong hinawi ang kamay niyang nakaakbay sa akin. “Sinabi lang iyon ng inay ah! Alangan namang sabihin niyang ang sama mo o ‘di kaya ay napakasalbahe mo! Bisita ka kaya.”   “Hmmm. Hindi ako naniniwala. Ba’t pati ang empanada ay nabalitaan din niya? Akala ko ba ayaw mo noon kaya mo ibinalik?”   “Anong ibinalik? Hinablot mo iyon sa ilalim ng desk ko!”   “E kasi, ang arte-arte mo.”   Hindi ko na sinagot ang sinabi niya. Tumayo ako at bigla ko siyang itinulak sa pampang. Nalaglag siya sa tubig.   Nakita kong dali-dali siyang lumangoy pabalik sa pampang. Hindi naman ako mapigil sa pagtatawa habang kumaripas ng takbo.   “Kapag naabutan kita, dila mo lang ang walang latay! Hayop ka!” ang sigaw niya.   Nang nakaakyat na siya sa pampang. Hinabol niya ako. Ako naman ang umikot patungo sa ilog at dumive. “Habulin mo ako!” ang sigaw ko habang lumalangoy.   Dumive siya at hinabol ako. Ang saya lang namin sa sandaling iyon. Naghabulan kami, ‘di magkamayaw sa aming tawanan.   Nang napagod ay muli kaming umupo sa pampang. Muling nagkuwentuhan.   (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD