Tukso

4696 Words
By: Michael Juha getmybox@h*********m Fb: Michael Juha Full *** ========= John’s POV =========   Alas 11:30 lang ng umaga ngunit pawis na pawis na ako. Nagsimula nang magparamdam ang tag-init. Nagsiliparan din ang mga alikabok sa bawat pagdaan ng mga sasakyan lalo na’t hindi pa sementado ang lugar. Kalagitnaan na kasi ng Marso, panahon ng pagtatapos ng klase at pagdadaos ng graduation. Sa katunayan ay kararaos ko lang ng graduation sa eskuwelahan namin. Nalalanghap ko pa ang amoy ng mga kalachuching garland para sa mga gumraduates na nanginbabaw na samyo sa venue ng graduation. Ang masaklap lang ay hindi ko na tinapos ang seremonya. Gustuhin ko mang tapusin, hindi ko magawa. Tila hindi ko na alam kung nabelong pa ako sa lugar na iyon. Pakiwari ko ay itinakwil na ako ng mga taong mahal ko. Pakiwari ko ay hindi na nila ako kailangang. Kaya kailangang kong lumisan sa lalong madaling panahon.   Masakit. At gusto kong iwaglit sa aking isip ang mga pangyayari sa umagang iyon. Ngunit hindi ko maiwasang manumbalik sa aking ala-ala si Tok, lalo na ang eksenang nakasakay kami sa likod ni Tokhang habang patungo kami sa aming graduation. Siya ang nangutsero sa aming kabayo habang ako naman ay nasa kanyang likuran, nakayakap sa kanya. Kahit nakatalikod siya, kahit inililihim niya ang kanyang matinding lungkot, ramdam kong umiiyak siya dahil nga, alam niyang iyon na ang huli naming pagsasama.  Iyon ang pinakamasakit na imahe na nakaukit sa aking alaala.   Hinigop ko ang kape na aking inorder. Gusto kong manatiling gising ang diwa habang hinihintay ang bus na sasakyan ko patungo ng pier. Nang nakaraang gabi kasi ay hindi ako nakatulog sa halos boung magdamag dahil sa ibayong lungkot. Iyon na ang huling pagtabi namin sa higaan ni Tok. Lingid sa kanyang kaalaman, habang himbing na himbing siya, buong umaga ko siyang binantayan, pinagmasdan ang kanyang buong pagtulog, inukit sa aking isip ang kaliit-liitang detalye sa kanyang mukha. Ang imaheng iyon ang siyang baon-baon ko sa aking paglisan.   Dumating ang waitress na nagdeliver sa aking order na pananghalian. Inilatag niya ito sa aking mesa. Kailangan kong kumain dahil may anim na oras daw ang biyahe ng bus patungo sa pier kung saan naman ako sasakay ng barko patungo sa probinsya na aking destinasyon.   Tatlong lugar ang aking naisip na puntahang upang mahanap ang aking inay. Ang pinakamalapit sa akin ay ang Roxas City. Mula sa probinsya nina Tok ay walang masasakyang eroplano patungo rito. Ang pangalawa ay ang Mindoro, at ang pangatlo at ang Laoag. Ito ang mga lugar na binigay sa akin ng aking ninong na isang general na nagtatrabaho sa NBI. Kilala kasi niya ang aking inay at sa mga files at records din nila nakuha ang mga kaparehong pangalan ng inay na posibiling siya nga.   Hindi pa ako tapos sa aking pagkain nang nag-ring ang aking cell phone.   “I got your miss-call. Sorry for not answering. I left my phone in my room. May I know whose calling? Your number is not registerd in my phone book.”   “Huwag ka ngang English nang English d’yan! Magtagalog ka!” ang sagot ko.   “Kuya John! Ba’t iba ang number mo?” ang pagtatagalog ni Jishin na halatang nahihirapan pa rin sa pagbigkas.   “Pinalitan ko na ang sim card ko.”   “Bakit?”   “Wala nang tanong-tanong pa. May ipapagawa ako sa iyo, kung kaya mo lang.”   “Okay, nakikinig ako.”   Binigyan ko siya ng instruction kung ano ang aking ipapagawa. Pumayag naman siya. “Copy boss! I’ll do my best!” ang sagot niya.   Dahil pinawisan, binuksan ko ang aking bag upang kumuha ng labakara. Nang sinilip ko ang laman noon, nagulat ako sa aking nakita. Mga damit at pantalon ni Tok ang naroon. Pati ang mga brief na naroon ay mga brief niya! Siya kasi ang nagkusa na magligpit ng aking mga gamit. Nang kinapa ko ang looban ng bag ay may nakapa ako sa pinakagilid nito, isang sulat.   Dali-dali ko itong binasa –   “Kuya... pinasok ko ang mga damit at gamit ko rito sa bag mo. Kasi gusto kong kahit wala ka na rito ay maalala mo ako sa pamamagitan ng mga damit ko. Sana ay iyan din ang isusuot mo. Ang mga damit at gamit mo na sinadya kong iwan dito ay siya ring isusuot at gagamitin ko upang palagi kitang maalaala. Mag-ingat ka palagi, Kuya. Mamimiss kita. Sana ay mahanap mo ang iyong inay. Sana ay magiging masaya ka na sa piling ng iyong inay. Maghihintay ako sa pagbalik mo, Kuya.”   Kinuha ko ang isang t-shirt at inamoy-amoy ito atsaka muling ibinalik sa loob. “Mahal na mahal kita, ‘Tol...” ang bulong ko sa aking sarili. Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hininga.   Tila napakabagal ng pagtakbo ng bus na aking sinasakyan. Dahil sa aking pagkainip, tinitingnan-tingnan ko ang mga litrato namin ni Timmy sa aking cp na kuha sa bukid, sa eskuwelahan at sa mga lugar na pinapasyalan namin. Lalo lang akong nalungkot nang makita ang mga iyon.   Maya-maya ay nasumpungan ko namang tingnan ang mga video. Nagulat ako nang makitang may video pala siya na nirecord para sa akin. At sa video na iyon ay kinanta niya ang paborito naming kanta.   “Pagpasensyahan mo na ang kanta ko. Hndi ako magaling pero itong kantang ito lang ang maipapabaon ko sa iyo,” ang pauna niyang salita bago kumanta. Malungkot na malungkot ang kanyang mukha. Batid kong umiiyak siya ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili habang nagbi-video siya.   *If I’d never met you, where would I be?  How would the days go by? Would I still value life? Maybe I would have met someone else and lead an ordinary life  I do not know whether I would find such sweet love   No matter how hurriedly time flies by, I will only care for you I am willing to be intoxicated by your essence Rarely can one find his soulmate in life It won’t be a pity even if I lose my strength So I beg you, don't let me go Without you, I can not feel Even the slightest trace of love   If that day comes that we will part ways I will lose myself into the endless sea of people I don’t need promises, I just want to be with you day-by-day I cannot continue to live keeping fragmented memories…   ============================= * I Only Care About You by Teresa Teng. =============================   Doon na ako napaluha nang hindi na niya napigilan ang pag-iyak habang pilit na itinuloy pa rin ang pagkanta.     Naalala ko pa ang insidente kung paano namin nagustuhan ang kantang kinanta niya. Maulan iyon kaya nasa loob lang kami ng bahay sa bukid. Naisipan kong manuod ng pelikula mula sa aking cp. Nang tumabi siya, nakipanuod din. Nagka-interest siya sa palabas. Bagamat Chinese, may English sub-title naman kaya alam pa rin namin ang takbo ng kuwento. Kaso, tragic ang ending ng pelikula. Sa birthday mismo ng babae ay namatay ang lalaki dahil nalaglag siya sa pag-akyat niya sa isang kahoy kung saan ay naroon ang isang napakagandang orchid na sana ay-iregalo niya sa kaarawan ng kanyang mahal. Pareho kaming napaluha ni Timmy. Dahil ang kantang iyon ang OST ng pelikula, tumatak sa aming isip ang kanta. At kahit Mandarin ang gamit na wika, naghanap ako ng translation para maintindihan namin ang ibig sabihin. Nagtiyaga akong magsearch sa internet para sa English ma lyrics at nang nabuo ko na, itinugma ko ang translation sa mga nota ng kanta. Nang kinanta ko iyon sa kanya, napahanga siya sa mensahe. Seryosong pinakinggan niya ako hanggang matapos ang kanta. Nakita ko na lang na napaluha siya na dali-dali rin niyang pinahid habang nakangiting nahihiya sa akin.   Noong panahon na iyon ay hindi pa ako masyadong naka-relate sa kantang iyon. Ngunit sa kasalukuyang pag-alis ko, ang bawat kataga ng liriko nito ay tila sibat na tumutusok sa aking puso. Parang made in heaven ang kanta para sa aming dalawa ni Timmy.   “Ang sakit naman ng kantang iyan,” ang sambit niya. “Pero gusto ko...”   “Bakit mo nagustuhan kung masakit?”   “Naawa kasi ako sa kanila. Bilib ako sa kanilang pagmamahalan. Wagas.” At baling sa akin. “Sana ay hindi mo ako iiwan.”   “Bakit naman kita iiwan? Walang kahit ano mang bagay ang puwedeng humiwalay sa atin, Tok.”   “Promise?”   “Promise,” ang sambit ko.   Ngunit sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. Akala ko ay fool-proof at wala nang hadlang pa ang aming pagmamahalan.   Paglipas ng halos anim na oras ay nakarating ang bus sa pier. Alas 7:00 na ng gabi iyon. Bumili ako ng ticket para sa biyahe ko patungong Roxas City. May 12 oras daw ang biyahe ng barko. Pagkatapos kon gbumili ng ticket ay pumasok muna ako sa isang restaurant upang maghapunan. Nag-order ako ng isang bote ng beer, pagkain at ulam.   “Hi!” ang biglang pagsulpot ng isang maganda at matangkad na babae. Nakatayo siya sa harap ng aking mesa.   Tinanggal ko ang aking headphone at tiningnan siya. “Hi!” ang sagot ko. Sa tindig pa lang niya ay masasabi kong anak-mayaman siya, nasa 20 ang edad. Mahaba ang kanyang buhok na nakapony-tail, puti ang kanyang suot na short, iyong uso sa mga babae ngayon na maiksi. Bakat naman ang kanyang medyo may kalakihang boobs sa kanyang semi-fit na asul na t-shirt na may print na, “Don’t blame me if you fall for me.” Sexy na, maganda pa. At sa tingin ko ay liberated na babae at matalino.   “Is it okay if I join you?” ang tanong niya, turo sa bakanteng upuan.   “Sure!” Ibinalik ko ang headphone sa akin tainga at hindi na siya pinansin.   “Are you going to Roxas City?” ang tanong niyang muli.   Muli kong tinanggal ang aking head phone at tiningnan siya. “Excuse me?”   “Are you going to Roxas City?”   “Y-yes,” ang pag-aalangan kong sagot. Muling ibinalik ko ang aking head phone. Ayaw ko siyang pansinin. Gauto kong mapag-isa at .   Ngunit talagang makulit ang babae. “I’m also going there. My family is there. Taga city ka mismo? By the way, my name is Ella. Ella Mendez. What’s yours?”   Tinanggal kong muli ang aking head phone. “John. John Iglesias.” Hindi ko na ibinalik pa ang head phone sa aking tainga. Gustuhin ko mang iwasan siya o di kaya ay lumipat ng upuan, ayokong mapahiya siya.   Iniabot niya ang kanyang kamay sa akin. “Nice to meet you, John.”   “Same here,” ang sagot ko habang tinanggap ang kanyang pakikipagkamay.   “So, taga-Roxas City ka talaga? Never heard of Iglesias in Roxas. I’ve been there my whole life.”   “No, I’m not from there. In fact, this is the first time I’ll set foot in your city.”   “Wow! Welcome to my city then!” ang sambit niya. “So are you going there for a tour? Or visit someone special?”   “I’m looking for my mother. I haven’t seen her since I was a kid.”   Nahinto siya. Nanlaki ang kanyang mga mata na tiningnan ako. “Ouch... Really! That must be really sad!”   Hindi ako kumibo. Gusto ko na talga siyang layasan ngunit nangibabaw pa rin ang aking respeto. Gusto kong mapag-isa ngunit may asungot na hindi man lang marunong rumespeto ng privacy. Ngunit sa kabilang banda ay naisip ko rin na kung taga-Roxas siya ay malki ang maitutulong niya sa akin.   “Alam mo ba ang lugar na patutunguhan mo?” ang tanong niya.   “Baranggay Cogon?”   “Oww. I think I know the place. I can help you!” ang excited niyang sabi.   Medyo natuwa ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko kasi kabisado ang lugar kung kaya ay natuwa ako.   Nang nasa barko na kami, nakipag-inuman pa siya sa akin. Sumang-ayon ako.   “Are you single, John?” ang diretsahan niyang tanong.   Nahinto ako. Hindi ko siya nasagot kaagad. Naalala ko si Timmy.   “Oh, I know that look in your face. Hindi ka masaya sa relasyon mo!” sabay tawa.   “Ah... mahabang kuwento kasi. Pero nagmamahalan naman kami.”   “Oh, come on John. We have a lot of time here. Magkuwento ka, makinig ako.”   Ramdam ko na ang epekto ng alak sa aking katawan nang tinanong niya ako noon. Gusto kong ipalabas ang sobrang bigat ng aking saloobin. Napatitig ako sa kanya. “Sure ka ba na hindi mo ako i-judge? Na hindi mo ako lalaitin?”   “Try me. I’ve heard practically a lot of love stories out there, even unorthodox, even weird ones! And I don’t care a bit,” sabay kindat sa akin. “So tell me, I’m listening.”   “Baka this time, you can’t handle it.”   “I told you. Try me.”   Binuksan ko ang aking cp at ipinakita ko sa kanya ang litrato ni Timmy.   Noong una ay tila nagulat siya. Tinitigan niya ang litrato atsaka tiningnan ako. “I can’t blame you. He’s so cute! Bagay kayo. Pareho kayong guwapo. Parang may hawig nga ang mga mukha ninyo.”   “He’s my brother!”   Doon na nanlaki ang kanyang mga mata. Napatakip siya sa kanyang bibig. “Really!”   “I told you...”   “Yeah, you got me there. Hindi ko inaasahan.”   Tahimik.   “S-so... a-are you gay? I can’t believe you are. Sa kilos at pananalita, sa dating at ganda ng porma katawan... wala akong ni katiting na pagdududang gay ka. Mas lalaki ka pa ngang tingnan kaysa karamihan ng mga lalaki riyan eh,” ang pagbasag niya sa katahimikan.   “I... don’t know how to answer that question. I would say that I’m straight. I like girls, I’m turned on when I see sexy ladies. Before I met Timmy, I had girlfriends. But... f**k! Hindi ko rin ma-explain kung bakit mahal na mahal ko ang tarantadong iyon eh. Tila may kakaiba sa kanya na hindi ko mawari.”    “How did you know he’s your brother?”   “Sa una ay hindi namin alam na magkapatid kami. Nalaman na lang namin nang nakita siya ng papa ko. Iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit napursige akong umalis at hanapin ang mama ko. Half brother lang kami.”   “I see. Pero mahal mo ba talaga siya?”   Tumango ako. “Mahal na mahal...”   “Baka naman strong affection lang iyan, John. And as time goes, it will fade.”   “Hindi ko alam. Pero sana...”   “You can cry, John. Okay lang sa akin,” ang sambit niya nang napansin niya ang palihim kong nagpahid ng aking luha.   Ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Binitiwan ko ang isang hilaw na ngiti. “Okay lang ako.”   “Anywa, if that is love talaga betwen the two of you, I don’t blame you. Love knows no gender. And for me, it’s perfectly okay to fall in love with whoever your heart chooses to fall for.”   “We are brothers,” ang sagot ko.   “So what if you are brothers? Blood is thicker than water,” sabay tawa niya.   “Sa politics, oo. Kaso, hindi politics ang aming pag-ibig.”   “It doesn’t matter. Love is mysterious, anyway. Love is also generic.”   Pareho kaming natawa.   Alas 9 ng umaga kinabukasan nang dumaong sa Roxas City port ang barkong aming sinakyan. Halos wala namang pinagkaiba ito sa ibang mga pier, maliban na lang siguro sa mas kakaunting ang mga barko kumpara sa Maynila. May kaunting excitement akong nadama. First time ko sa Roxas city. Ngunit mas nanaig pa rin sa akin ang kaba kung makikita ko ba roon ang aking hinahanap.   Niyaya ako ni Ella na dumaan muna kami sa kanilang bahay. Magbihis lang daw siya, maligo, magpaalam sa kanyang daddy na samahan niya ako. Pumayag ako.   Malaki at napakaganda ng bahay nina Ella. Isa itong mansyon. Napag-alaman kong ang kanyang daddy pala ay opisyal ng army at mataas ang katungkulan.   Sinabahan ako ni Ella sa paghanap sa lugar ng Brgy. Cogon. Sinakyan namin ang isa sa kanilang mga sasakyan. Isang itim na SUV at driver din nila ang nagmaneho dahil hindi namin parehong kabisado ang lugar.   Nakumpirma namin na mayroon ngang Esmeralda Reyes, ang pangalan ng aking inay sa Baranggay na iyon. Sinamahan kami ng kapitan sa address ng nasabing babae. Ngunit nang nagkausap na kami, napag-alaman kong hindi siya ang aking hinahanap. May asawa siya at may mga anak at ni minsan ay hindi nakapunta ng Maynila.   Laking pagkadismaya ko sa resulta ng aking paghahanap. Wala akong choice kundi ang bumalik sa bahay nina Ella. Habang nasa sasakyan kami, muling nag-ring ang aking cell phone.   “Kuya... nandito na ako sa probinsya. Grabe pala rito sa bukid nina Timmy. Paano ka nakatagal dito? Walang koryente?” Ang sagot ni Jishin sa kabilang linya.   “Nariyan ang utol ko kaya hindi importante sa akin kung may koryente o wala. Anong balita?”   “Hinahanap ka ng papa mo! Tinanong niya si Timmy kung nasaan ka. Wala siyang choice kaya sinabi niya ang totoo, na hinahanap mo ang inay mo. ‘Di  nga lang niya masabi kung saan ka tumungo.”   “Nagalit ba?”   “Siguro pero alam mo, naawa ako kay Tito.”   “Bakit ka maawa sa kanya? Ang tanda-tanda na niya. Hindi nga siya naawa sa akin, eh. Hayaan mo siyang maghanap sa akin. Wala namang pakialam iyon sa akin. ‘Di  ako mahal noon.”   “Mali ka, Kuya. Mahal ka ni Tito. ‘Di  mo lang siya naintindihan. Kanina nga, nakita kong parang nanlumo siya. Sa tingin ko ay umiiyak, dali-daling pumasok sa kuwarto niya sa apartment. Sana ay mag-usap kayo Kuya...”   Hindi ko sinagot ang kanyang sinabi. Naalala ko pa kasi ang bagay na ginawa niya kung saan ako ay labis na nasaktan. May isang beses na nasa school ako, dumating siya para lang sigawan ako sa harap ng guro at mga ka-klase. At hindi lang iyon, binatukan pa niya ako. Sinampal. Doon ako nagsimulang mawalan ng ganang pumasok. Hiyang-hiya ako sa mga kaklase ko. Para akng nagka-phobia. May isang beses din na kasama ko ang mga barkada ko, nilapitan niya ako at biglang sinuntok. Bumulagta ako sa kalsada. Hiyang-hiya ako sa aking mga barkada. Kahit sa panahon ng mga activities sa school  na kailangang naroon ang mga magulang, Tita ko ang naroon, kundi man ay yaya. Sa birthday ko, ni hindi man lang ako binati. Wala siyang pakialam sa akin. At nitong nakaraan, gusto ko na sanang magbago dahil kay Timmy, ngunit muling nanumbalik ang inis ko sa kanya. Ipinamukha niya sa akin na wala akong silbi kumpara kay Timmy. Siya ang palaging dahilan kung bakit galit ako sa kanya. Hindi niya ako maintindihan. “Si Tok... kumusta?” ang paglihis ko sa tanong niya.   “Heto palaging malungkot...”   “Hindi naman niya sinabing miss na niya ako?”   “Hindi naman. Pero halata kong miss ka niya. Lagi nga ikaw ang topic namin sa usapan. Minsan ay nakakainip na. Paano ka niya nagustuhan Kuya? Kung ako siguro ang kapatid mo ay matutuwa ako kapag umalis ka at hindi na babalik. Ang pangit kaya ng ugali mo,” ang sambit ni Jishin sabay tawa.   “Babatukan na kita d’yan eh! Sige kapag ganyan ka, wala kang pasalubong sa akin.”   “Joke lang.”   “Saan daw siya mag-aaral?”   “Dadalhin siya ng papa mo sa Maynila. Baka next week ay naroon na kami. Doon na siya mag-aaral, sa school ko rin.”   “Pumayag siya?”   “Gusto niya dito na lang sana, may college naman sa kalapit na siyudad. Pero ayaw pumayag ng papa mo kasi ‘di   kilala ang school at gusto ng papa mo na naroon lang siya sa Maynila para mabantayan niya.”   “Iyan... iyan... Iyang bantay-bantay na naman niyan ang nakaka-bad trip. Lalaki ang anak niya, i-trato niya na parang babae? Ano iyon?”   “Natural lang naman siguro iyan sa isang ama, kuya.”   “Okay iyon? Pag-untugin ko mga ulo ninyo eh!”   Natawa si Jishin.   “Si Timmy, papayag naman?”   “I think papayag siya. Wala naman siyang choice, ‘di ba?” ang sambit niya sabay tawa uli.   “So anong balak mo ngayon?” ang tanong ni Ella nang matapos na kaming mag-usap ni Jishin.   “Didiretso na lang ako sa Mindoro.”   “Ay mag-stay ka muna rito kahit isang gabi lang. Sayang naman, first time mo rito and it’s a shame kung ‘di ka man lang mag-enjoy or makita ang mga magagandang lugar dito.”   “Saka na lang siguro, Ella. Uunahin ko ang paghahanap sa inay.”   “Oo nga pala, walang barko sa araw na ito patungong Mindoro. Bukas pa. Wala kang choice.”   “Ah...” ang naisagot ko na lang. Wala na akong nagawa.   “Bale gagala tayo ngayong araw tapos mamaya, mag night life tayo. Bukas ng maaga naman, diretso ka na sa pier. Magpabili na lang ako ng ticket ngayon para ‘di ka mag-worry.”   Tumango na lang ako.   Ipinasyal ako ni Ella sa mga tourist spots nila sa Roxas City. At sa bandang hapon naman ay tinungo namin ang San Antonio Resort. Doon kami naligo at nagbonding.   Nag-enjoy naman ako sa pagpasyal sa akin ni Ella. Masaya siyang kasama, bubbly na kausap. Hindi nauubusan ng topic.   Sa gabi ay doon naman kami kumain sa isang sikat na kainan sa syudad. Inimbitahan niya ang iba pa niyang barkada. Tatlong babae, dalawang lalaki at dalawang bakla. Ipinakilala niya ako sa kanila na kaibigan na sa biro pa niya ay nasalo niya nang magpaulan ng mga lalaki ang langit.   “Ay bakit hindi ko alam na nagpaulan pala?” ang tanong ng isang kaibigan niyang bakla.   “Ikaw kasi, busy sa pang-iistalk sa ex mo. Hindi ka na papansinin noon no kaya move on ka na. Hayan tuloy, pati swerte na galing sa langit hindi mo masalo.”   “Eh bakit ako, pangit iyong nasalo ko?” ang pagsingit naman ng isang kaibigan niyang babae.   “Ikaw? Natutulog ka kasi sa pansitan kasama ang jowa mo. Pangit daw... ang lakas-lakas mo ngang humagulgol nang pagbantaan kang hiwalayan, eh!”   Tawanan.   Masaya silang kasama. Buhay na buhay ang grupo. Wala silang ibang ginagawa kundi ang magbiruan, magtawanan, at mag-okrayan.   Pero iba naman kasi ang aking personalidad. Seryoso at aloof ako sa mga taong hindi ko masyadong kakilala o close. Naging baliw lang ako kapag kasama si Timmy. At sa sandaling iyon, si Timmy lang ang laman ng aking isip. Naalala ko ang mga barkada niya sa school, ang mga officers na naging mga barkada ko na rin. Kaya disconnected talaga ako sa mga barkada ni Ella. Lalo na nang napansin kong palihim akong tinititigan ng dalawang bakla na kaibigan ni Ella na tila at pasikreto ring nag-uusap na parang kinilig.   “Ang tahi-tahimik ng friend mo, Ella!” ang sambit ng isang kaibigang babae ni Ella.   “Malalim ang problema niyan. Kaya hayaan mo na,” ang sagot ni Ella.   “Ano ba ang problema, niya?” ang follow up na tanong naman ng isa pang kasama.   “Global Warming,” ang sagot naman ni Ella, at dinugtungan ng, “Bat ka ba nakikialam sa problema ng may problema? Ni problema mo nga d’yan sa height mo ay ‘di mo ma-ayos-ayos.”   Tawanan.   Pagkatapos naming kumain ay sa isang KTV naman kami nagtungo. Doon ay nagkantahan kami at nag-inuman. Doon na ako nalasing. Napansin ko ang dalawnag baklang nagsimula nang tsuma-tsansing sa akin at kapag nagsi-CR ako ay sinusundan ako, tumatabi sa urinal kung saan ako iihi.   “Taga-saan ka John!” ang tanong ng isa nang naabutan ako sa CR.   “Taga Maynila talaga ako. Pero nagpunta lang dito dahil may hinahanap,” ang sagot ko at dali-dali nang umalis upang makaiwas. Naalala ko kasi ang insidentente kung saan ay umihi ako sa isang public CR ng talipapa, may isang bakla na tumabi sa akin sa pag-ihi. Napansin pala iyon ni Timmy na umihi rin sa hindi kalayuang urinal. Sinabi niyang sinisilip daw iyong ari ko. Hindi ko naman alam na may sumilip pala kaya normal na pag-ihi lang ang aking ginawa. Hayun, hindi ako kinausap ni Timmy hanggang nakarating kami ng bahay. Iyon ang naging simula sa isa sa mga away namin. Mula noon ay maingat na ako kapag nagsi-CR.   Dahil wala ako sa mood, kumanta lang ako ng dalawang beses. Ngunit humirit ako ng pangatlo. Iyong kanta namin ni Timmy na “I only care for you.” Paulit-ulit kong kinanta. Pumayag naman sila. Pinatugtog ko sa aking cp dahil wala sa kanilang vidoeke machine.   *If I’d never met you, where would I be?  How would the days go by? Would I still value life? Maybe I would have met someone else and lead an ordinary life  I do not know whether I would find such sweet love   If that day comes that we will part ways I will lose myself into the endless sea of people I don’t need promises, I just want us to be together day-by-day I cannot continue to live keeping fragments of memories…   Habang tumutugtog ang kantang ay binuksan ko rin ang lyrics niya. Sinabayan ako ni Ella na nakaupo sa aking tabi at idinikit ang kanyang katawan upang mabasa ang lyrics na nasa aking CP.   Nagpalakpakan naman sila pagkatapos naming kumanta. Iyong respetong-bisita na pagpalakpak. Aminado naman ako na hindi maganda ang boses ko. “Maganda ang kanta pero parang ngayon ko lang narinig iyan. Sino ba ang kumanta niyan?” ang tanong ng isang baklang kaibigan ni Ella.   “Yan ang theme song ng global warming. Limited edition pa lang. Wala ka pa noon,” ang sagot naman ni Ella.   Tawanan.   Iyon na ang huling kanta. Nagmukmok na lang ako sa tabi, ipinikit ko ang aking mga mata. Narinig ko pa ang mga pinag-usapan nila. “Ang guwapo niya Ella no? Paano kayo nagkatagpo niyan?”   “Di ba sabi ko, nasalo ko iyan nang nagpaulan ng lalaki ang langit?”   “Saanng banda ba? Baka magpaulan uli, doon ako magtambay!”   “Asa ka pa. Last na lang daw ito sa langit. Ang impyerno naman ang magpasulpot ng mga lalaki galing sa ilalim ng lupa.”   Tawanan.   Iyon na ang huling natandan ko. Kinabukasan nang magising ako, laking gulat ko nang makitang hubo’t-hubad ako sa ibabaw ng kama at sa tabi ko ay si Ella na hubo’t-hubad din!”   Dali-dali akong bumalikwas sa higaan at dinampot ang aking boxer short, pantalon, at t-shirt. Nang nakapagbihis na ako, nagising naman si Ella.   “Anong nangyari?” ang tanong ko sa kanya.   “H-hindi mo alam, John?” ang sagot niyang umiiyak. “Pinuwersa mo akong makipagtalik kagabi!”   “W-wala akong naaalala, Ella. Hindi ko magagawa iyan. Hindi ko kayang gawin iyan!”   “May nangyari sa atin, John. Nilapastangan mo ako. Pinilit mo ang sarili mo sa akin. Binabanggit mo ang pangalang Timmy habang pinuwersa mo akong gawin iyon sa akin!”   Bahagya akong nahinto. Naalala ko kasi ang mga pinaggagawa ko kay Timmy na siya ring isa sa mga dahilan kung bakit ako lumayo sa kanya.   Muli kong binalikan ang nangyari sa gabing nagvivideoke kami ng mga barkada ni Ella. Ngunit ang huling natandaan ko ay iyong kumanta kami at nakatulog na ako. Wala akong matandaang iba. “Hindi kita nilapastangan, Ella! Wala akong alam! Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakarating dito sa bahay mo!” ang pagtanggi ko.   Hindi siya sumagot. Nakita ko na lang siyang umiyak. Humagulgol. “Nilapastangan mo ako, John. Iyan ang totoo.”   Dahil ayaw niyang patalo, nagpaalam na lang ako. “Aalis na ako,Ella. Late na ako sa biyahe ko.” Dinampot ko ang aking knapsack na nasa ibabaw ng mesa. Agad din akong lumabas ng kuwarto. Hindi na ako naligo, hindi kumain ng agahan. Nilingon ko siya. “Salamat na lang sa lahat. At uulitin ko, wala akong ginawa sa iyo, Ella,” ang pahabol kong sabi bago ako lumbas ng kuwarto.   “Pinagsamantalahan mo ako, John! Pinagsamantalahan mo akoooo!” ang sigaw niya.   Nagmamadali akong bumaba hanggang sa natumbok ko ang gate. Hindi ako lumingon. Nang nasa may kalsada na ay pumara ako ng tricycle.   Habang nasa tricycle ako, nagring ang aking CP. Si Jishin. “Hello!” ang padabog kong pagsagot gawa ng init ng aking ulo.   Ngunit wala akong narinig na sagot. Hindi ako nagsalita. Hinintay kong magsalita ang nasa kabilang linya. Ngunit nanatili lang itong nakabukas. Maya-maya lang, habang nanatili akong naghintay na magsalita ang kabilang linya, may narinig akong pag-iyak, iyong pigil.   Pinilit kong pinakinggan kung ano iyon. Hindi pa rin ako nagsalita. Hanggang sa kusang pinutol na ang linya.   Mistulang huminto ang aking mundo sa narinig. Nang nakarating na ako ng pier, agad kong tinawagan ang numero ni Jishin. May sumagot. Si Jishin.   “Tumawag ka ba sa akin?” Ang tanong ko.   “No. Hindi ako tumawag sa iyon ngayong araw na ito, Kuya.”   “So sino ang tumawag sa akin na hindi sumagot?”   Doon na na-alala ni Jishin na naiwan niya ang cp niya sa kuwarto habang lumabas siya sandali. Nasa apartment na raw kasi sila ni Timmy.   “Si Timmy ba iyon?”   “M-malamang Kuya. Kami lang naman ang tao rito ngayon, eh.”   “Mag-ingat ka sa CP mo. Nasingitan ka. Baka nagtampo na iyon sa iyo,” ang sambit ko.   “Okay po, Kuya. Ingat ka riyan,” ang sagot niya.   Paakyat na ako ng barko noon nang bigla akong hinarang ng checker ng ticket, “Sir, mali po itong ticket ninyo. Hindi po ito iyong ticket namin. Check niyo po itong original na ticket” ipinakita niya sa akin ang ticket ng isang pasahero.   Iba nga ang porma ng ticket na hawak ko. Iba rin ang klase ng papel. Parang prinint out lang ng printer ng computer. Peke pala ang ibinigay na ticket ni Ella. “s**t!” bulong ko sa sarili. At baling sa checker, “P-puwede pa bang kumuha ng ticket sa biyaheng ito?” ang tanong ko.   “Pasensya na po pero close na po, Sir. Fully-booked na kami. Peak season kasi ngayon,” ang sagot niya.   Doon na ako kinabahan. Sumagi sa isip ko na planado ni Ella ang lahat. “O sige... sa airport na lang ako baka sakaling puwedeng mag-chance passenger,” ang sabi ko habang dali-dali naman akong tumalikod. Binuksan ko ang aking bag at hinugot ang aking shades at cap upang kahit papaano ay itago ang aking mukha.   Hindi pa ako nakalayo nang tiningnan kong muli ang checker ng ticket. Nakita kong may apat na naka-civilian clothes na tila intelligence o mga pulis. Halata ang bukol ng baril sa kanilang mga tagiliran at may dala-dala silang litrato!   (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD