By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
fb: Michael Juha Full
----------------------
Pabaling-baling si Timmy sa kanyang higaan. Bagamat inilatag niya si John sa pinakagilid ng kama upang magkaroon ng sapat na distansya sa pagitan nilang dalawa, hindi niya maiwasanng pagmasdan si John sa himbing sa himbing nitong pagtulog na nakatagilid paharap sa kanya. Kapag tinalo ng pagkaawa ang kanyang isip ay tatagilid siyang nakaharap kay John at kapag naaalala naman niya ang sakit ng ginawa ng daddy nito sa kanya ay tatalikod siya. At kapag nalilito naman ang isip niya ay titihaya siya at mag-isip, tititigan ang kawalan sa direksyon ng bubong na nipa. Tapos ay babalik na naman siya sa pagtagilid sa kaliwa, sa kanan...
Nang naramdaman ni Timmy ang lamig ng simoy ng bukid sa madaling araw, tinanggal niya sa pagkatalukbong sa kanyang katawan ang kumot at itinakip ito sa katawan ni John. Pang-isang tao lang kasi ang kumot niya at kung nagkasya sila noong araw habang doon natutulog si John ay dahil magkadikit ang kanilang katawan.
Bumangon si Timmy at kinuha ang kanyang tuwalya at iyon ang pilit niyang pinagkasya sa kanyagn sarili.
Hindi alam ni Timmy na hindi na pala nakatulog sa John gawa ng ingay ng kama sa kanyang pabaling-baling na posisyon. Kahit lasing si John, nagkunwari siyang tulog. Gusto niyang yakapin si Timmy sa sandaling iyon. Ngunit natakot siyang baka lalo itong magalit sa kanya at paalisin siya sa kama. Nasaksihan niya ang paminsan-minsang pagtitig ni Timmy sa mukha niya. Nasaksihan din niya na tila naguluhan si Timi kaya nagpabaling-baling ito sa kanyang posisyon.
Hanggang sa hindi na gumalaw si Timmy. Iyon ang pagkakataong hinintay ni John. Dahan-dahan siyang umusog palapit kay Timmy. Nang nagdikit na ang kanilang katawan, tinanggal ni John ang kumot sa kanyang katawan at ibinalot iyon sa katawan ni Timmy. Dahan-dahan din niyang isiningit sa ilalim ng ulo ni Timi ang kanyang bisig. Pati ang isa niyang kamay ay ipinatong din niya sa ibabaw ng dibdib ni Timmy.
Nang magising si Timmy kinabukasan, laking gulat niya nang nakatalukbong na siyan ng kumot at si John ay nakayakap na sa kanya at ang isang bisig nito ay naging unan din niya.
Bigla siyang napabalikwas at uupakan na sana niya ng suntok si John. Ngunit nang makita niya ang mukha nitong mistulang napaka-inosente habang nahihimbing, biglang natunaw ang galit sa kanyang puso at napatitig na lang siya sa nakabibighaning anyo nito.
Tuluyan na siyang tumayo mula siya sa kanyang higaan at tinumbok ang kusina. Alas 5 pa iyon ng umaga ngunit kailangan niyang maghanda ng kanilang makakain. Kung siya lang sana ang tao sa bahay, hindi na niya kailangang mag-agahan pa. Kahit nang buhay pa ang kanyang inay ay nakasanayan na niyang huwag kumain ng agahan. Kaya dati ay dinadalhan siya ng tinapay sa klase ni Emily. Alam kasi ng mga kaklase niya na pagkagising niya ay maliligo kaagad at magtatakbo na patungo sa eskuwelahan. Ngunit sa umagang iyon ay kailangan niyang maghanda. Naroon si John.
Hindi pa siya nakagawa ng apoy sa sangkalan ay narinig na niya ang yabag ni John. Dumiretso ito sa lutuan at nagtangkang tumulong. “Huwag ka ngang makialam d’yan!” ang bulyaw ni Timmy.
Ngunit tila hindi ito narinig ni John. Bumaba siya ng bahay, tinungo ang kulungan ng mga manok ni Timmy at kumuha ng limang itlog at dali-daling umakyat abalik sa loob ng bahay. Nang nasa kusina na siya, agad niya itong inihanda para prituhin.
“Sinasayang mo ang itlog. May nakahanda na ako rito. Mauubos ba natin iyan?” ang panunumbat ni Timmy.
“Eh…” ang sagot lang ni John. Hiyang-hiya siya. “Puwede namang kainin ito mamayang gabi, ‘di ba?”
Napailing na lang si Timmy. “Ang tigas kasi ng ulo mo. Sinabi nang huwag makialam eh!”
Hindi na umimik si John. Bumaba ng bahay at nagsalok ng tubig. Tyempo naman na natapos na ang pagluluto ni Timmy nang napuno ng tubig ang drum. “Kain na!” ang padabog niyang pag-anyaya kay John. Kumain sila.
“Nag-igib ako ng tubig para panligo mo,” ang sambit ni John nang matapos na silang kumain. “Maligo ka na. Ako na ang magligpit ng pinagkainan natin,” ang dugtong niya.
Hindi umimik si Timmy ngunit dumiretso rin sa paliguan. Nang matapos na siyang maligo, siya naman ang nag-igib ng tubig. Alam niyang hindi pa naliligo si John kaya nagkusa na siyang mag-igib.
Nang nakapaligo na si John, iyong damit at pantalon niya sa nakaraang gabi ang isinuot pa rin niya. Nakaramdam ng pagkaawa si Timmy sa pagkakita ninyang ang maruming damit. Iyon pa kasi ang suot niya nang nalasing siya at kung saan-saan nahiga dahil sa kalasingan. At dahil hinayaan niya itong humiga sa lupa sa ibaba ng hagdanan nang nakaraang gabi, nabalot it ong putik at kung anu-anong dumi.
Binuksan ni Timmy ang kanyang aparador at kumuha siya ng t-shirt, pantalon, pati na brief. “Isuot mo!” ang utos niya kay John.
Hindi naman magkamayaw si John sa sobrang tuwa. Bagamat padabog na inihagis ni Timmy ang mga iyon sa kanya, pakiramdam niya ay namumulaklak ng mga rosas ang kanyang puso. Ngunit hindi niya ipinahalata iyon kay Timmy. Sa harap mismo ni Timmy ay dali-dali niyang hinubad ang kanyang damit pang-itaas at pinalitan iyon sa damit na inihagis ni Timmy. Pagkatapos ay hinubad naman niya ang kanyang pantalon at brief. Walang pasabi. Sinadya niya talagang gawin iyon sa harap ni Timmy.
Ngunit bigla ring tumalikod si Timmy. “Sa baba na ako maghintay!” ang sambit ni Timmy.
“Mag-toothbrush muna ako,” ang sagot ni John.
“Dalian mo! Late na tayo!”
Nasa baba na si Timmy nang may biglang naalala. Umakyat siyang muli upang tingnan ang ginawa ni John.
“Sabi ko na nga ba eh! Bakit ang toothbrush ko ang ginamit mo!” ang bulyaw ni Timmy.
“Wala akong toothbrush eh.”
“Wala kang toothbrush tapos ang toothbrush ko ang gagamitin mo! Letseng buhay naman to, o! Wala na akong toothbrush nito!”
“Ito naman kung maka-react. Dati namang naggagamitan tayo ng tooth brush ‘di ba? Wala naman akong sakit para ka matakot…”
“Wala ka ngang sakit, e may kamandag ka naman! Baka iyan ang papatay sa akin!” ang sagot ni Timmy sabay walk out. Nagmamaktol. “Tangina!” ang inis na sigaw niya sa sarili.
Sa pagsakay nila kay Tokhang, si Timmy ang nasa unahan at ang nagdala ng renda ng kabayo. “Mamayang gabi, huwag ka nang matulog sa bukid. Doon ka na sa apartment mo.”
“Ano kung doon pa rin ako uuwi sa iyo?”
“Ipapabugbog kita. May mga tambay akong kaibigan d’yan sa baba.”
“O e, ‘di magpabugbog. Basta sa iyo pa rin ako matutulog,” ang mapagkumababang sagot ni John. Ang isang matapang at basagulerong si John ay nagmistulang isang tupa sa kabaitan.
Doon na bumulyaw si Timmy. “Gago ka ba? Bobo? Tarantado! Ayaw ko na sa iyo! Hindi mo ba naintindihan iyan?”
“Hindi nga. Hindi ko maintindihan kung bakit ako ang pinaparusahan mo sa kasalanang nagawa ng aking ama. Bakit, Tok? Buwag mo akong parusahan, Tok, please…”
“Hindi mo maintindihan dahil hindi mo naranasan ang maging ako! Hindi mo naranasan kung ano ang pakiramdam na pinaglaruan ang buhay!”
“Kaya nga nandito ako eh. Upang damayan ka, intindihin ang nararamdaman mo.”
“Bullshit!”
Nang dumating sila sa klase, medyo nagulat ang kanilang mga barkada nang nagsabay ang dalawa.
“Doon si John natulog sa bukid, Tok? Nagkabalikan na kayo?” ang tanong ni Jeff kay Timmy.
Nilingon ni Timmy si John, inirapan. Tapos ay muling ibinaling ang tingin kay Jeff. “Iyon?” Itinuro si John. “’Di ah! Nagkasabay lang kami niyan sa may gate” ang pagtanggi niya.
Napangiti si Jeff. Inilapit niya ang kanyang mukha sa tainga ni Timmy. “Kung hindi sa bukid natulog si John kagabi, bakit damit mo ang suot niya?” sabay tawa.
Tiningang muli ni Timmy si John. Inirapan uli. At baling kay Jeff, “Mga damit ko dati iyan. Itinago niya.”
Napangiti na lang si Jeff. Hindi siya naniniwalang hindi sila nagsama ni John sa gabing iyon.
Nasa ganoong pag-uusap sina Jeff nang may napansin naman si Timmy. Isang babaeng bago sa paningnin niya na kakuwentuhan ng mga barkada nila at panay ang sulyap sa kanya. “Sino iyan?” ang pabulong na tanong ni Timmy.
“Ah, si Julie. New-comer din at galing Maynila. Mayaman pare, sexy at maganda pa! Mukhang liberated din eh,” ang pabulong din na sagot ni Jeff.
“Ah…”
“Jeff, ipakilala mo naman ako sa kanya!” ang sambit ni Julie na noon ay nakatayo na at nakangiting nilapitan si Timmy.
Nginitian rin siya ni Timmy. Nabighani si Timmy sa kanyang ganda, tangkad at kaseksihan. Maputi at makinis ang kutis ni Julie at magandang magdala ng damit. Matangos ang kanyang ilong, nakabibighani ang kanyang mga mata, at may braces ang kanyang mga ngipin na lalong nagpatingkad sa ganda ng kanyang mga labi.
“Ito pala si Julie, Timmy. Julie Reyes.” At baling kay Julie, “Ito naman si Timmy. Timmy Suarez ang president ng mga Freshmen ng Business Administration.”
“Wow! Bigatin!” ang sambit ni Julie na iniabot ang kanyang kamay kay Timmy habang nakatitig si Julie sa kanyang mukha.
Tinanggap ni Timmy ang pakikipagkamay ni Julie. Hinigpitan naman ng hawak ni Julie ang kamay ni Timmy, iyong may kakaibang ipinahiwatig. Hinayaan lang ito ni Timmy. Tila nahipnotismo siya sa ganda ng nasa kanyang harapan at nakatitig sa kanya. Nakipagtitigan na rin siya.
Nang makita ni John ang pakikipagkamay at pagtitigan ng dalawa, pakiramdam niya ay isang matulis na bagay ang tumusok sa kanyang puso. Alam niya ang motibo ng tingin ng babaeng iyon. Alam din niya ang ngiting binitiwan ni Timmy sa babae. Halos hindi niya kayang tingnan silang dalawa sa ganoong posisyon. Nabalot ng pagseselos ang kanyang puso.
Nahinto lang ang pagtitigan nina ni Timmy at Julie nang, “Ehem! Nariyan na po ang teacher! Time to wake up and go back to reality,” ang birong pagsasalita ni Jeff.
Binitiwan ni Julie ang kamay ni Timmy. Nilingon ni Timmy si John na noon ay nakayuko na at kunyari ay wala siyang pakialam kay Timmy.
“Mamaya pala… invite ko kayo! May disco mamaya sa Piggyback Grill & Disco ‘di ba? Taya ko! Wala namang pasok bukas, eh,” ang sambit ni Julie bago bumalik sa kanyang upuan.
“Bakit ka magboblow out? Birthday mo?” ang tanong ni Timmy kay Julie.
“Celebration of friendship lang. Bagong mga kaibigan,” ang sagot ni Julie.
Nilingon ni Timmy sina Jeff na tumango, alam na ang kasunduan ng magbarkada. Tumango na rin si Timmy. “O-okay.”
Pagkatapos ng klase ay hindi na umuwi ang magbarkada. Dumeretso muna sila sa central park at nag ikot-ikot, namasyal, naglaro sa mga slides, swing, at seesaw. Dahil inimbita rin naman ni Julie si John, naroon din siya bagamat ang tunay na pakay lang naman niya ay ang bantayan si Timmy. Sa loob-loob ni John ay hindi siya masaya. Kung sana nasira ang tiwala ni Timmy at walang nagbago sa kanilang relasyon, marahil ay masaya siya sa gala nilang iyon ng magbarkada.
Alas 7 na nang nagdesisyon silang kumain. Taya pa rin ni Julie. Nag-alok si John na makihati sa bayad ngunit hindi siya pinayagan ni Julie. Alas 8 nang matapos silang kumain at dumiretso na sa disco.
Dahil maaga pa, sila ang pinakaunang customers ng bar. Nag-inuman na lang muna sila atsaka nang medyo nalasing ay nagsimula nang sumayaw.
Hindi maitanggi sa kanyang mga kilos na may gusto talaga si Julie kay Timmy. Hindi niya pinakawalan ang binata. Nang nalasing na sila, mas lalo pang tumindi ang pagdikit at pananantsing niya kay Timmy. At si Timmy naman ay naki-tsansing na rin. Halatang iba na ang klase ng kanilang sayaw na nagbo-border sa malaswang biruan at malaswang totohanan. Ngunit dahil mga lasing na rin ang kasama, hindi na nila ito pinagtuunan ng seryosong pansin. Puro na lang sila kantiyawan, tawanan. Maliban kay John na halos hindi na umaalis sa kanyang upuan at seryosong nagmamasid sa kanila.
Hanggang tuluyan nang naghahalikan sina Timmy at Julie.
Mistulang inilublob ang puso ni John sa kumukulong mantika. Halos hindi niya kayang tingnan ang dalawa. Kung maaari lang sanang lumindol o kaya ay magkaflash flood sa sandaling iyon upang maputol ang kanilang halikan ay mas gugustuhin pa iyon ni John. Ang tanging nagawa na lamang niya ay damputin ang bote ng beer at tinungga ito hanggang sa maubos ang laman. Naghalong sakit at galit ang naramdaman ni John, hindi para kay Timmy at Julie kundi sa kanyang sarili. May isang bahagi ng kanyang isip na nag-udyok na lumabas na lang at hayaan si Timmy, pakawalan at palayain. Ngunit ang kanyang puso ay matigas na nagsabi sa kanya na manatili.
Maya-maya ay nagpunta si Timmy sa palikuran ng mga lalaki. Halatang tinablan na sa epekto ng alak dahil hindi na ito makalakad ng diretso. Susundan sana niya ito nang makitang sumunod kay Timmy si Julie na sa paglalakad pa lang ay halatang lasing na rin. At pumasok rin si Julie sa loob ng palikuran ng mga lalaki!
Dahil dito ay hinintay na lang niya ang paglabas ng dalawa. At sa bawat minuto na lumipas, tila nagmumultiplika naman ang bilis ng pagtibok ng kanyang puso. Hanggang sa umabot ng mahigit sampung minuto na naroon pa rin ang dalawa sa loob ng palikuran at hindi na niya makayanan pa ang tindi ng kalampag ng kanyang dibdib. Tumayo si John at tinumbok ang palikuran. Doon niya nakitang naghalikan ang dalawa. Nakatayo silang pareho, nakasandal si Timmy sa pinakadulong nakabukas na pinto ng cubicle habang si Julie naman ang agresibong lumapa kay Timmy, ang isa niyang kamay isiningit sa harapang bahagi ng pantalon upang masalat niya ang p*********i ni Timmy.
Halos sasabog ang dibdib ni John sa kanyang nasaksihan. Marami siyang kilalang liberated na babae ngunit si Julie na yata ang pinakamatindi. Hindi siya makapaniwala na kaya ni Julie ang ganoong gawain, at sa isang pampublikong palikuran pa ng mga lalaki kung saan ay hindi alintana ang mga mata ng mga lalaking labas-masok sa palikuran at nakatingin sa kanila. Isang p****k lamang ang kayang gumawa ng ganoon.
Nang napansin ni Timmy si John na nakatingin sa kanila ay nahinto siya sa pakipaghalikan. Ibinagsak niya ang kanyang mga bisig mula sa pagyakap niya kay Julie.
Nang napansin naman ni Julie na huminto si Timmy, lumingon siya sa kanyang likuran at nakita si John. Agad na hinila niya si Timmy papasok sa loob ng nakabukas na cubicle. Ngunit bago pa man niya mahila sa loob si Timmy, nilapitan na sila ni John at hinawakan ang isang kamay ni Timmy upang hindi siya mahila ni Julie sa loob.
“Julie, please lang, lumabas ka. Palikuran ito ng mga lalaki, hindi sa mga babae,” ang sambit ni John.
Nasagi ang pride ni Julie sa sinabing iyon ni John. “Huwag ka ngang makialam dito, John! Hindi kita inaano. Concern naming dalawa ito ni Timmy. Si Timmy ang dapat na magsabi niyan sa akin! Hindi ikaw!’ ang sigaw niya kay John.
“Hindi ito concern mo o ni Timmy, Julie. Ang palikuran na ito ay para lamang sa mga lalaki. Hindi ito para sa mga babae. At lalo nang hindi ito motel. Hindi ka ba nahihiya?” ang sagot ni John.
“Bakit ako mahihiya? Kagustuhan namin ito ni Timmy!”
“Kagustuhan ninyo! Ngunit hindi kagustuhan ng mga taong gumagamit sa pasilidad na ito! Hindi ito ginawa upang dito kayo magkantutan! Hindi ito motel! Humanap kayo ng motel kung gusto ninyong magkantutan! At kung gusto mo mang bigyan ng kahihiyan ang sarili mo, huwag mong idamay ang presidente ng First Year Business Admin! Maawa ka sa kanya!”
Doon na nagdadabog na lumabas si Timmy na hindi man lang nagpaalam. Si Timmy kasi, kahit lasing ay alam pa rin niya ang mga pangyayari sa paligid, gising pa rin an kanyang diwa. Mistulang may pumukaw sa kanyang sarili nang marinig ang salitang “kahihiyan” na sinabi ni John. At napagtanto niya na tama si John. Nakakahiya ang kanyang pagpayag kay Julie na makipaglaplapan at makipag-s*x sa loob ng palikuran. Dapat nga ay siya ang magbigay ng payo at gabay kay Julie. Muntik na niyang malimutan ang expectation ng mga kaklase niya sa kanya.
Tinalikuran ni John si Julie sa loob ng palikuran at sinundan niya si Timmy na noon ay lumabas ng bar at nakatayo sa may pintuan.
“Tok... sorry,” ang sambit ni John nang nasa labas na rin siya at kaharap na ni Timmy.
“Huwag mo nga akong sundan-sundan! Kainis!” ang bulyaw ni Timmy na biglang tinalikuran si John at bumalik sa loob ng bar.
Muling sinundan ni John si Timmy. Nakita niya itong tumabi sa inuupuan ni Julie. Binigyan siya na maiinom ni Julie. Mabilis itong tinungga ni Timmy. Naghoholding hands uli sila. Nag-akbayan, nagyakapan.
Halos alas 11 na ng gabi nang tuluyan nang malasing si Timmy. Hindi na siya halos makatayo. Pinagtulungan ng mga lalaking barkada si Timmy dahil gusto na ni Julie na isama si Timmy sa motel.
Nang malaman ito ni John, sinabi niya sa mga barkadang lalaki na siya na ang magdala kay Timmy. “Ako na ang bahala sa kanya,” ang sambit ni John na halos walang kahirap-hirap na pinasan si Timmy sa kanyang balikat.
“Kaming dalawa ni Timmy ang magsama, John!” ang sigaw ni Julie.
“Uuwi siya sa bahay niya, okay? Kung gusto mo siyang dalhin sa hotel, iyong hindi siya lasing. Iyong kusang-loob siyang sasama sa iyo. Hindi sa ganito. Bigyan mo ng respeto ang sarili mo, bigyan mo siya ng respeto.”
“Kakainis naman eh!” ang sambit ni Julie.
Dahil madalang na lang ang sasakyan sa oras na iyon, itinuloy na ni John ang paglalakad karga-karga si Timmy sa kanyang balikat.
“Ayoko na sa iyo! Ayoko na sa iyo! Ayoko na sa iyo!” ang pagsisigaw ni Timmy habang kinakarga siya ni John.
“Huwag ka ngang maingay d’yan! Baka ilaglag kita sa kanal. Ang lakas ng loob mong maglasing pagtapos ay hindi naman kayang kontrolin ang kalibugan? Hindi na kayo nahiya!”
“Pinapahiya mo nga ako kay Julie, eh!”
“Nakakahiya kayo sa mga tao! Para kayong mga aso na nagtatalik, walang pakialam sa mga matang nakatingin sa paligid!”
“Hindi naman kami nagtalik eh!”
“Hindi dahil naabutan ko kayo!”
“Ano naman kung magtatalik kami? Nagseselos ka?”
Ganyan ang eksena nila habang karga-karga si Timmy ni John sa kanyang balikat patungo sa bahay sa bukid ay naga-argumento sila.
Nang makarating na sila sa bahay na pinakisuyuan nila kay Tokhang, doon na nakahinga ng maluwag si John. Marunong naman kasing dumapa si Tokhang kung kaya ay madali niyang naiangkas si Timmy sa likod ng kabayo. Bagamat si John ang nagdala sa renda, si Timmy ang nasa kanyang harapan upang kapag umakyat ang kabayo sa dalisdis na parte ay mahaharangan niy si Timmy at hindi ito malaglag.
Nang nakarating na sila ng bahay, kinarga muli ni John si Timmy sa kanyang mga bisig at inilatag sa kanilang kama.
Alas 9 ng umaga kinabukasan nang nagising si Timmy. Nang bumalikwas siya ng higaan, nakahanda na ang agahan nila. Hinintay na lang siya ni John na magising. Suot-suot pa rin ni John ang damit ni Timmy na ipinasuot sa kanya nang nakaraang araw.
“Kain na tayo,” ang pag-anyaya ni John.
“Dumiretso si Timmy sa mesa. Umupo at nagsandok ng pagkain. Wala siyang imik.
Nagsandok na rin si John ng para sa kanya.
“Kung ayaw mong makuha sa pagalit at padabog na usapan... siguro naman ay puwede sa seryosong usapan, kagaya nito ngayon,” ang pagbasag ni Timmy sa katahimikan.
“Anong usapan naman iyan?”
“Gusto kong hindi ka na bumalik o magpakita pa rito. Gusto kong maging normal ang lahat para sa akin. Gusto kong mamuhay na matiwasay, nang isang normal na pamumuhay at puwedeng gawin ang normal na gawain sa buhay.”
“Bakit? Ano ba ang gusto mong normal na pamumuhay? Ano ba iyang ang normal na gawain ang sinasabi mo?”
“Gusto kong magkaroon ng kasintahan. At babae ang ibig kong sabihin.”
Mistulang nabilaukan si John sa narinig na salita ni Timmy. Hindi makasagot.
“Lahat ng lalaking kasing-edad ko ay may mga girlfriend. Hindi boyfriend. Girlfriend. Iyong ibang wala pa ay nangarap na magka-girlfriend. Naranasan ko nang magkaroon ng boyfriend at hindi ko ito nagustuhan.”
“At sino naman ang gusto mong maging girlfriend?”
“Si Julie. Gusto ko siyang ligawan. Gusto kong magkaroon ng isang normal na relasyon sa kanya.”
Natahimik si John. Hindi makasagot.
“Gusto mo ba talaga iyan? O dahil galit ka lang sa akin? Bakit ako ang pinaparusahan mo sa galit mo sa daddy ko?”
“Hindi ako galit sa iyo, John. Marahil ay hindi rin siguro ako dapat na magalit sa daddy mo. Hindi ko lang matanggap sa sarili ko ang sakit. Kaya gusto kong ibahin ang takbo ng buhay ko. Gusto kong magbago. Marahil ay ayaw ng tadahana ang ganitong relasyon natin. Marahil ay ayaw ng inay na maging tayo. Kaya dapat ay pilitin mo ang sarili mo na kalimutan ako. Ibaling mo ang pagmamahal mo sa iba. Marahil ay kung babae ang liligawan mo, mas madali ang lahat sa buhay mo, sa buhay natin. Walang problema, walang hadlang.”
“Sigurado ka na ba talaga d’yan? Hindi mo na ba puwedeng bigyan mo pa ng pagkakataon na maging tayo?”
“Binigyan na kita ng pagkakataon, ‘di ba? Anong nangyari?”
“Tok… hindi ko kasalanan kung bakit nagulo ang buhay natin. At tapos na iyon. Alam mmo kung bakit nangyari ang lahat. Huwag mong ipako ang isip mo sa nakaraan. Walang mali sa relasyon natin.”
“Buo na ang pasya ko, John. Gusto kong maranasan naman na babae ang aking karelasyon. Kaya pakiusap lang, please. Huwag mo na akong gambalain pa. Huwag mo na akong sundan. Huwag mo na akong puntahan pa rito. At ikaw, sobra-sobra na ang sakripisyo mo para sa akin. Tingnan mo, masyado mong ibinaba ang sarili mo. Imagine, napakayaman mo. Nariyan na sa iyo ang lahat. Kahit sa pagsubo ng pagkain kung uutusan mo ang inyong katulog, gagawin niya iyan sa iyo. Ngunit heto ka, naghanda ng pagkain sa akin. At kagabi, kinarga mo ako. Isinakripisyo mo ang sarili mo para lang sa isang katulad ko. Nagpakahirap ka rito sa pamamahay ko na walang koryente, walang TV, walang shower, malayo sa kabihasnan. Ang inay mo, bago lang kayo nagkita ngunit nasaan ka? Iniwan mo siya para lang sa akin.” Nahinto si Timmy. Naramdaman niyang may bumara sa kanyang lalamunan. “Alam mo, ngayong ang inay mo na lang ang naiwan sa iyo, ibigay mo ang oras mo sa kanya. Alam kong nasasabik siya sa iyo. At alam kong nasasabik ka rin sa kanya. Huwag mong hayaan na balang-araw kapag nawala rin siya sa iyo, magsisi ka dahil hindi mo siya binigyan ng pagkakataon at sapat na oras upang magkasama kayo, na maipadama mong mahal mo siya at nariyan ka para sa kanya. I-try nating hanapin ang ating mga sarili, John. Tayahin nating pareho kung ano ang dapat na priorities natin, kung ano talaga ang tama para sa atin. Palayain mo na ako, John. At bigyang-laya mo na rin ang iyong sarili...”
Napakasakit ng mga binitiwang salita ni Timmy. Mas masakit pa ito kaysa pagmumura niya sa kanya, o sa pagsisigaw niya na layuan siya. Nasanay na kasi si John sa mga salita ni Timmy kapag galit siya. “Tarantado!” “Gago!” “Lumayo ka!” “Tangina!” “Baliw!” “F*ck You!” Ngunit nang seryosong makiusap siya kung ano ba ang gusto niya, tila daang-daang espada ang tumagos sa kanyang puso. Napakasakit noon para sabihin sa kanya na lumayo sila sa isa’t-isa dahil gusto niyang magkaroon ng “normal” na buhay at isang “normal” na kasintahan.
Nang hindi na nakayanan ni John ang lahat, bigla siyang tumayo. Ayaw niyang makita ni Timmy ang pagbagsak ng kanyang mga luha. Dinampot niya ang kanyang sapatos, tinumbok ang pinto ng bahay, bumaba ng hagdanan. Nang nasa ibaba na siya ng hagdanan, huminto siya upang isuot ang kanyang sapatos. Pagkatapos ay dali-daling naglakad palayo sa bahay ni Timmy.
Sa gitna ng makipot na daan na halos matabunan ng mahahabang d**o at nagtatayugang kahoy, hinayaan niyang pumatak nang pumatak ang kanyang mga luha habang patuloy siya sa kanyang tila walang direksyon na paglalakad.
Hinabol siya ng tingin ni Timmy hanggang sa naglaho si John sa kanyang paningin. Hindi na rin nakita ni John ang pag-iyak ni Timmy.
(Itutuloy)