Book 2/Part 4: Sa Isang Baso Ng Cocktail

5810 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full ------------------------   “Tok! Nasa bahay ka na?” ang text ni Jeff kay Timmy habang naglalakad na ito palabas ng gate. Natagalan kasi siyang umuwi gawa nang dumaan pa siya ng library dahil tinapos niya ang kanyang research. Kaya nauna nang umuwi ang mga barkadang kaklase niya.   “Hindi pa. Bakit?” ang sagot ni Timmy.   “Punta ka ng plaza. Nandito ang buong barkada.”   “Bakit nariyan kayo?”   “May kaklase tayo na nag-anyaya. Birthday daw niya. Doon tayo maghahapunan, at may kaunting inuman.”   “G-ganoon ba? P-pero uuwi ako mamaya ha?”   “Okay lang. Alis ka lang nang maaga,” ang sagot ni Jeff.   “S-sige pupunta ako,” ang sagot ni Timmy.   Kumpleto ang barakada nang nakarating na ng plaza si Timmy. Mahigit sampu silang naroon. Hindi na nagtanong pa si Timmy kung saan ang birthday at sino ang nag-anyaya sa kanila. Ang mahalaga sa kanya ay sama-sama sila. Masaya kasi kapag ganoon. Bonding din ng barkada iyo, may kainan pa.   Maya-maya ay sumakay sila ng tricycle. Ngunit laking pagkagulat ni Timmy nang nakarating na sila sa bahay ng celebrant na sumalubong din sa kanila sa gate ng bahy. Si Julie.   Biglang nasira ang excitement ni Timmy sa pagkakita niya kay Julie. May pag-aalangan siya kung tutuloy pa rin ba. Ngunit dahil naroon na siya at naisip niyang nakakahiya kung bigla na lang siyang aalis, naghanap na lang siya ng magandang gawing dahilan upang makaalis nang maaga.   “Wow! Salamat naman sa pagdalo!” ang sigaw ni Julie sa kanila.   “Pasensya na wala kaming regalo. ‘Di  mo kasi sinabi nang maaga eh!” ang sagot naman ni Jeff.   “Wala iyon. Ang mahalaga ay nandito kayo,” ang sagot naman ni Julie. At nang tiningnan niya si Timmy, binitiwan niya ang isang mapanuksong ngiti. “Hi Timmy!”   “H-hi!” ang pagbati rin ni Timmy bagamat hindi niya maiwasan ang pagkaasiwa. “Happy birthday,” ang dugtong niya.   “Thank you, Timmy! Oh my God! Ang saya-saya ko sa birthday kong ito!” ang sambit ni Julie. Hinawakan niya ang kamay ni Timi at patakbong kinaladkad ito patungo sa loob ng bahay. At baling niya sa ibang mga kasama, “Halikayo sa loob!”   Sumunod ang iba pang mga kasama.   Malaki ang bahay nina Julie. May walong kuwarto ito sa itaas, at ang lobby ng bahay ay puwedeng gawing reception area ng may halos 100 katao. May malawak na lawn, at ang malaking terrace sa itaas ay naaakyat sa hagdanan mula sa lobby. Ancestral na bahay ito sa side ng relatives ng kanyang ina. Estilong espanyol pa ang porma sa panlabas. Gawa sa mga antigong kahoy at bato. Ngunit ang loob ng bahay ay inayos na at naghalo na ang modernong design at ang mga antigong kagamitan.   “Ang ganda ng bahay ninyo, Julie!” ang papuri ng mga barkada ni Timmy.   “Bahay ng lola ko ito. Ang bahay namin talaga ay nasa Maynila. Pero mamaya na iyang ganda ng bahay. Ang ganda ko muna ang atupagin natin,” ang sagot niya sabay tawa.   Tawanan ang grupo.   “Kumain muna tayo. Sinadya ko talaga na magpacater para lang sa atin,” ang dugtong ni Julie at turo sa nakahilerang pagkain na nasa gilid ng lobby. May dalawang food crews din na nakatayo lang at handang mag-assist, nakatingin sa mga bisita. “Huwag pala kayong mahihiya, guys ah! Ako lang ang tao rito at ang mga katulong. Ang lola ko ay nasa Maynila dahil sa kanyang routine check up. Kaya sarili natin ang bahay! Mag-enjoy lang tayo!” ang dugtong ni Julie.   “Wow!!!” ang sigaw naman ng mga kasama ni Timmy.   Sa kainan ay halos hindi na umalis sa tagiliran ni Timmy si Julie.  “Pagkatapos ng kainan Julie ay aalis na ako, ha?” ang maagang pagpapaalam ni Timmy.   “Ay, KJ naman nito! Birthday ko ngayon, pagbigyan mo naman ako, Timmy.”   Binitiwan ni Timmy ang isang ngiting hilaw. “Alam mo naman sa amin, ‘di ba? Malayo, nasa bukid, madilim.”   “Bakit kung dito ka matutulog? Wala namang pasok bukas. Atsaka, wala namang maghahanap sa iyo, ‘di ba? Nag-iisa ka lang doon sa bukid. Walang koryente, walang signal, walang TV. Wala lahat. Ang boring.”   “Sanay na ako eh. At mas gusto ko roon dahil presko ang lahat. Hindi ako nabo-bored dahl maraming puwedeng gawin sa bukid. Atsaka, may gagawin pa ako.” Natahimik si Timmy sandali. “M-medyo weird pero kahit nag-iisa na lang ako, isiniksik ko sa utak ko na naroon ang inay, naghihintay sa aking pag-uwi. Kaya kapag sinabi kong uuwi, talagang uuwi ako.”   “O sige na nga… pero pagkatapos mong kumain, uminom ka muna kahit isang bote ng beer lang. Okay? Tapos, puwede ka nang umalis. Deal?” ang sambit ni Julie.   Tumango si Timmy.  Isang bote lang naman. Kaya niya iyon. “Okay, deal,” ang sagot niya. Kahit papaano ay natuwa siya na pumayag si Julie na maka-uwi siya nang maaga. Sa isip niya ay umubra ang kanyang palusot. Hindi kasi mawaglit kanyang isip ang pagdududa na may masamang balak si Julie sa kanya kapag sa bahay ni Julie siya makatulog.   Kumanta muna silang lahat ng “Happy birthday.” Pagkatapos ay nagpalakpakan, may maiksing mensaheng pasasalamat si Julie sa mga dumalo.   Lumipat sila sa terrace pagkatapos ng kanilang kainan. Mag-alas 7 na ng gabi kaya hindi na mainit sa kanilang terrace. Maganda ang ambiance, paminsan-minsang humihihip ang hangin na nanggaling sa dagat. Sa ibaba naman noon ay makikita ang high-way at ang paligid na nababalot na ng dilim maliban sa mga bahaging naiilawan ng mga bombilya.   “Guys! Drink cocktail na lang ang iinomin natin ha? Mamaya na ang beer. At least dito ay makakainom ang mga babaeng ayaw uminom ng beer. Masarap ito, guys! Parang juice lang din. Matamis at may kaunting-kaunting alak lang,” ang sambit ni Julie na binuntutan ng dalawang service crew na dala-dala ang malaking container ng cocktail na sinasabi niya at tray na naglalaman ng wine glasses. Inilagay ang mga ito sa ibabaw ng mesa katabi ang mga pagkain na nauna nang dinala ng mga service crews sa terrace.   Mausisang nagsitinginan ang magbarkada sa naka-display na cocktail. Nakasilid ito sa isang glass container na hugis malaking mangkok. Kulay light yellow ang inumin. May mga prutas na inihalo at may ice. Halos lahat sila ay hindi pa nakatikim ng ganoong klaseng inumin.   “Mukhang masarap!” ang sambit ng mga babae.   “So hindi ako makakauwi hanggang maubos iyan at makainom ako ng beer?” ang tanong ni Timmy kay Julie. Nagduda kasi siya na baka sinadya ni Julie iyon. Beer kasi ang sinabi niyang maubos ni Timmy atsaka pa siya makauwi.   “I’m sure na kapag natikman mo ang isang baso ng cocktail ay hindi mo na nanaisin pang umuwi. Promise,” ang sagot lang ni Julie.   Binitiwan ni Timmy ang isang niting hilaw. “Sabi ko na nga ba eh. Eh, kung ganyan pala, aalis na lang ako bago kayo magsimulang mag-inuman,” ang inis na sambit ni Timmy.   “Oh, no-no-no-no-no, Timmy. Kahit at least… isang baso lang ang inumin mo ay masaya na ako. Nagpromise naman ako na siang bote ng beer lang sana ngunit dahil walang beer, hayan, at least isang baso lang,” ang paliwanag ni Julie. “Pero… syempre, mas matutuwa ako kapag mas mahigit pa sa isang baso,” dugtong niya.   “Isang baso lang… at uuwi na ako.”   “You’re the boss!” ang nakangiting sagot ni Julie. Makahulugang ngiting binitiwan niya.   Nagsimulang pumila ang mga kasama ni Timmy upang kumuha ng cocktail. Ang kumuha ng glass wine at nagsalok ng wine sa kanilang mga baso ay ang mga service crews. Ngunit si Timmy ay hindi na pinapila ni Julie. Si Julie mismo ang tumayo at dumampot ng baso na lalagyan ng cocktail para kay Timmy. Naiiba ang baso ni Timmy. Mas malaki. At si Julie mismo ang nagsalok ng cocktail para rito.   Nakatingin naman nang maigi si Timmy kay Julie habang nilagyan ng cocktail ang baso niya. “Ba’t ang laki naman ng baso ko?” ang daing ni Timmy.   “Isang baso lang, ang inumin mo, ‘di ba? Kaya lubos-lubusin na natin para naman hindi ka lugi.” Ang nakangiting paliwanag ni Julie.   Nagtawanan ang mga kaibigan ni Timmy.   Inabot niya ang wine glass na naglalaman ng cocktail kay Timmy.   Tinanggap ni Timmy ang ibinigay ni Julie. Tinikman muna niya ang nasabing drink cocktail.   “O, ‘di   ba, masarap?” ang tanong ni Julile.   Tumango si Timmy. Masarap naman talaga siya sa panlasa ni Timmy. Pati ang iba pang kasamahan nila ay nagkumento na masarap talaga ang inumin na inihanda ni Julie. Kaya ininom ito kaagad ni Timmy. Mabilis niyang naubos ang laman ng wine glass.   “Wow! Ambilis naman!” Ang sambit ni Julie nang mapansin ang basyo nang wine glass ni Timmy.   “Nagmamadali kasi ako eh,” ang sagot ni Timmy.   “Gusto mo pa ba ng drinks?” ang tanong ni Julie.   “Huwag na. Huwag na. Okay na ako,” ang sagot ni Timmy.    “Okay, bago ka umuwi, isayaw mo muna ang birthday girl.” At hinila ni Julie si Timmy sa gitna ng terrace habang pinatugtog naman ng service crew ang sound system.   Sweet ang pinatugtog na kanta kaya todo-yakap si Julie kay Timmy.   Habang sayaw-sayaw ni Timmy si Julie ay may kakaibang naramdaman si Timmy na tila gumapang sa kanyang katawan. Hindi niya lubos maipaliwanag ito. Ramdam niya na sobrang magaan ang kanyang katawan at pakiramdam, focused na focused ang kanyang isip, nawala ang kanyang mga pangamba at takot, at puro saya na lang ang nasa kanyang isip. Mistula siyang lumulutang sa ulap sa hindi maipaliwanag na saya. Gusto niyang ngumiti at tumawa na lang. Ang kanyang paningin ay sobrang klaro, sobrang makulay ang mga bagay-bagay sa paligid, iyong klaseng pagkamakulay na noon lang niya nakita. Kakaibang mga kulay. Matitingkad ngunit hindi masakit sa mata… At ang kanyang self-confidence ay napakataas. Wala siyang naramdamang pagkahiya o takot. At sa kanyang katawan, tila may napukaw na sensasyon. Iyong bawat pagdikit ng kamay ni Julie sa kanyang kamay o balat ay may dalang kiliti at kakaibang damdamin, nakakalibog na init, at sensasyon na hindi niya maipaliwanag. Pinikit-pikit niya ang kanyang mga mata upang kumpirmahin kung hindi ba siya nanaginip.   “Gusto mo pa bang uminom?” ang tanong ni Julie.   Tinitigan niya lang si Julie. At kahit sa pagtitig niyang iyon kay Julie ay kakaiba rin ang kanyang naramdaman. Sobrang saya niya. Sarap na sarap siyang kasama si Julie. Kaya hindi na niyang magawang tumanggi pa. Tumango si Timmy sa alok ni Julie na uminom pa.   Hanggang nakailang baso rin si Timmy sa nasabing cocktail. Nang naubos ng grupo ang drink cocktail, ang sunod nilang tinira ay ang beer. Naroon pa rin si Timmy. Hindi na niya magawang mag-isip pang umuwi. Sobrang nag-enjoy siya sa pagsasayaw, pag-iinom, sa pakikipagtawanan… at pakikipaghalikan kay Julie. Iyon ang pinakaunang pagkakataon na naranasan niya ang ibayong saya. Euphoria? Baka mas mahigit pa dahil nasa isip lang ni Timmy naglalaro ang lahat.   Ngunit kung gaano kaganda ang pakiramdam ni Timmy sa kanyang sarili, iba naman ang tingin ng mga barkada ni Timmy sa kanya. Nag-wild siya. Nawala ang kanyang pagkadisente, iyong pagiging kapita-pitagan. At noon lang nila nakita si Timmy na ganoon ka wild.   Hanggang sa nagsiuwian na ang mga barkada. Ngunit nanatili pa rin si Timmy sa bahay ni Julie. Nang alukin siya ni Julie na doon na matulog, hindi tumanggi si Timmy. Kaya dinala siya ni Julie sa sariling kuwarto niya mismo. Iyon din naman talaga ang gusto ni Timmy; ang doon matulog at makatabi sa kama si Julie. At sa gabing iyon ay may nangyari sa kanilang dalawa. Iyon ang pangalawang karanasan niya sa pakikipagtalik. Ang una ay kay John.   Alas 9 ng umaga kinabukasan nang nagising si Timmy. Nang inikot niya ang kanyang paligid, nagtaka siya kung saang kuwarto iyon. Nilingon niya ang kanyang katabi sa kama. Si Julie. Hubo’t-hubad at yakap-yakap siya. Doon na niya napansin na hubo’t-hubad din siya.   Halos hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Nang binalikan niya sa kanyang isip ang nangyari nang nakaraang gabi, doon niya naalala ang lahat. Tila nandidiri siya sa kanyang sarili.   Agad siyang bumalikwas sa kama at dinampot ang kanyang brief, pantalon at T-shirt na nagkalat sa sahig. Dali-dali nniyang isinuot ang mga ito atsaka lumabas.   “Timmy! Timmy!” ang pagtawag sa kanya ni Julie nang mapansin niya ang dali-daling pag-alis ni Timmy.   Hindi siya sinagot ni Timmy. Tuloy-tuloy lang si Timmy sa kanyang mabilis na paglalakad. Nang nakita niya ang kanyang knapsack sa ibabaw ng mesa sa sala, dinampot niya rin ito. Nang nasa may pintuan na siya, isinuot niya ang kanyang sapatos.   “Timmy! May nangyari sa atin kagabi! Hindi mo ba alam? Huwag mo akong iwan!”   Lalong sumimangot ang mukha ni Timmy sa narinig. Hindi niya pinansin pa si Julie at tuluyan nang lumabas ng bahay hanggang nakalabas siya ng gate. Nang may tricycle na dumaan ay pinara niya ito at sumakay.   Litong-lito si Timmy kung bakit nagawa niyang doon matulog sa bahay ni Julie at kung bakit siya pumayag na doon matulog sa mismong kuwarto ni Julie. Bagamat noong una ay gusto rin niya si Julie, unti-unti siyang na turn-off dito dahil sa ipinakitang lantaran na paglalapit nito sa kanya, na nagmistulang p****k na ang dating, hindi gawain ng isang matino at disenteng babae.   Litong-lito si Timmy sa nangyari sa kanya sa gabing iyon. “Iyon ba ay epekto talaga ng alak? O talaga bang ginusto niya ang pagtabi kay Julie sa kama?”   Tinext ni Timmy si Jeff tungkol sa nangyari nang nakaraang gabi.   “Nag-wild ka Tok! First time kong makitang ganoon ka ka-wild! Sobrang lakas mong tumawa, nagsasayaw kang nakahubad ang iyong t-shirt at pantalon, iyon bang sayaw na nanunukso. Brief lang ang suot mo at halik ka nang halik kay Julie na tila kayo lang ang tao sa paligid! Si Julie ay ganoon din. Panty lang ang supt niya. Walang bra! Basta… ibang-iba ka kagabi! Sirang-sira rin si Julie sa tropa natin. Nabastusan kami, Tok!”   -----   Sa pangpitong araw ay nakabalik na si John sa probinsya, sa kanyang apartment. Linggo iyon kaya walang pasok. Pagdating na pagdating niya ng apartment ay dumiretso kaagad siya sa kuwarto dahil sa pagod sa biyahe. Dumaan pa kasi siya ng Mindoro, sa lugar ng kanyang inay. Apat na araw siyang namalagi roon.   “Tito! Tito!” ang sigaw ni John na masayang-masaya at nagmamadaling lumabas mula sa kanyang kuwarto.   “Ano iyon, John!”   “Kailan natulog sa kuwarto ko si Timmy?”   Nagtaka ang Tito ni John sa kanyang tanong dahil hindi naman niya sinabi na natulog doon si Timmy. Ngunit sinagot pa rin niya ito. “Hmmm. Kailan ba iyon? Noong pangatlong araw yata iyon simula nang nagpunta ka ng Maynila? Bakit?”   “Ah… wala po. May napansin lang ako,” ang sagot ni John habang bumalik din agad ng kuwarto. Ang totoo, alam ni John na natulog si Timmy sa kuwarto niya. Gusto lang niyang i-kumpirma iyon sa kanyang Tito. At alam din niyang sadyang ipinaalam ni Timmy na natulog siya roon sa pamamagitan ng pagligpit niya sa kumot ng kuwarto ni John. Kakaiba kasi ang pagligpit ni Timmy ng kumot. Imbes na itupi, ililikaw niya iyon atsaka ipapatong sa unan.   Hindi magkamayaw sa tuwa ang puso ni John. Sa isip niya ay hindi siya natiis ni Timmy at talagang pinuntahan siya nito sa apartment. Kinuha niya ang kumot at niyakap ito at hinalikan. Pagkatapos ay inilagay niya sa loob ng plastic at maingat na ipinasok sa loob ng kanyang cabinet.   Halos hindi na mahintay ni John ang kinabukasan kung saan ay may pasok na at makikita niyang muli si Timmy. Marami siyang gustong sabihin sa kanya.   Kinabukasan ay maagang nagtungo si John sa klase. Siya ang pinakaunang estudyanteng pumasok sa silid-aralan sa subject nilang iyon. Isinuot pa niya ang pantalon, T-shirt at ang brief na nilabhan ni Timmy na iniwan sa kuwarto niya. Inip na inip siyang naghintay sa oras. Maya-maya lang ay nagsidatingan na ang mga classmates niya.   “Hi John!” ang pagbati ng mga barkada nina Timmy sa kanya. Isa-isa silang lumapit kay John at sabik na kinumusta nila ang kaibigan.   “Pare, magbonding tayo mamaya!” ang sambit naman ni Jeff.   Tuwang-tuwa si John sa mainit na pagsalubong nila sa kanya.   Nang makita niya si Timmy na dumarating, ramdam niya ang paglulundag ng kanyang puso.   Bigla siyang yumuko nang makita niyang palapit na si Timmy sa kanyang kinauupuan. Ang upuan niya kasi ay nasa likod ni Timmy. Bagamat gusto niyang ngitian at kausapin si Timmy, may takot pa rin siyang baka galit pa si Timmy at hindi siya papansinin.   At tama nga siya. Dirediretso lang si Timmy sa kanyang upuan at hindi niya pinansin si John. Ngunit pareho sila ng naramdaman. Ayaw lang ni Timmy na siya ang maunang pumansin kay John dahil may takot din siyang nadarama na baka masama pa ang loob ni John sa kanya at baka hindi rin siya pansinin nito.   “Hi Timmy! Oh my God! Kumusta ka na sweetheart!” ang pagbati ni Julie habangat diretsong tinumbok ang upuan ni Timmy. Pati si John ay nagulat sa biglaang pagsulpot ni Julie. Hinalikan ni Julie sa pisngi si Timmy sabay abot din sa kanya sa isang karton ng emplanada na dala-dala ni Julie. “Para sa iyo. May nagsabi kasi sa akin na paborito mo raw iyan. Simula ngayon ay araw-araw na kitang dadalhan niyan,” ang dugtong ni Julie.   Nilingon ni Timmy si John, binitiwan ang isang tingin na iyong tila nahiya sa “empanada” na si John lamang ang nagbibigay sa kanya. May guilt din siyang nadarama dahil sa paghalik ni Julie sa pisngi niya at pagtawag sa kanya ng “sweetheart.” Iyong tingin na ipinahiwatig kay John na, “Mali ang iniiisp mo!”   Ngunit nasaktan si John kaya yumuko na lang siya, nagkunwaring walang nakita at iginuri-guri ang daliri sa kanyng desk, biglang naglaho ang matinding excitement at tuwa na una niyang naramdaman bago niya makita ang paghalik ni ulie sa kanya.   “O sige, kainin mo na ang bigay ko na iyan,” ang sambit ni Julie. “Babalik na ako sa upuan ko, sweetheart,” ang dugtong niya sabay halik uli sa pisngi ni Timmy.   Hindi na umimik si Timmy. Bagamat gusto niyang kausapin si John at sasabihin sa kanya na “Hindi kami mag-syota!” Ngunit mas nangingibabaw ang takot niya na baka hindi siya papansinin nito. Isa pa, nabitiwan na niya ang salita na liligawan niya si Julie. Hindi niya kayang lunukin ang pride niya.   Nang nakita naman ng mga barkada ni Timmy ang pag-eksena ni Julie, nagbubulungan sila. Nariyan iyong nainis sila, ang iba ay nandiri.   Sa buong araw na iyon ay walang imik si John. Bakas sa mukha niya ang ibayong lungkot. Kahit sa pananghalian ay nasa isang tabi lang siya, nanunuod sa magbarkada, lalo na kay Timmy na binubuntutan ni Julie kahit saan siya pupunta. Feeling girlfriend na talaga.   Pagkatapos ng klase sa araw na iyon ay hindi na rin tumungo si John sa bukid. Matinding lungkot ang nadarama ni John na hindi kapiling si Timmy.   Sa parte ni Timmy naman ay hinayaan lang niya si Julie. Dahil sa pride niya, pinanindigan niya ang sinabi niya kay John tungkol kay Julie. Ngunit balak din niyang layuan si Julie. Hinihintay lang niya ay ang magkaroon ng matinding rason.   Bulung-bulungan sa campus ang relasyon nina Timmy at Julie. Bagamat walang sinasabi si Timmy na magkarelasyon nga sila ni Julie, kabaligtaran naman ang ginawa ni Julie. Buong puso nitong ipinangalandakan sa buong campus na magkasintahan na nga sila, na may nangyari na sa kanila. At proud na proud niyang ikinampanya ito.   “Tok… Magkasintahan na ba talaga kayo ni Julie?” ang tanong ni nina Jeff at iba pang mgabarkada nang natiyempuhan nila si Timmy na hindi kasama ni Julie.   Nag-isip si Timmy. Kahit alam niyang walang confirmation sa kanya na magkasintahan talaga sila ni Julie ngunit dahil baka ma-offend naman si Julie kung sasagutin niya na wala silang relasyon, parang hindi siya lalaki noon. Ano ang iisipin ng mga tao sa kanya. “Hm… ‘di   ba iyan naman ang sinabi niya?” ang sagot lang niya.   “Oo sinabi niya. Pero ikaw, gusto naming malaman ang sasabihin mo.”   Napangiti si Timmy. Iyong ngiting hilaw na feeling na-corner. Ngunit pinanindigan pa rin niya si Julie. “Syempre, oo,” ang sagot niya.   “Mahal mo naman siya?”   “Pare… anong tanong naman iyan? Syempre naman, ano ka ba?”   “Kasi, baka dahil lang may nangyari na sa inyo kaya ka napilitan na maging boyfriend niya.”   Natawa si Timmy. “Hindi naman, pare,” ang sagot lang niya.   “Atin-atin lang pare ha. Marami kasi ang naka-obserba sa ugali ni Julie na sobrang pagka-liberated. OA  na masyado. Hindi karespe-respeto. Syempre, probinsiya itong lugar natin tapos ganyan siya. Pati ang mga professors natin. Iba ang tingin nila sa kanya,” ang sambit ni Daniel.   Tiningnan lang ni Timmy si Daniel. Ayaw niyang magbitiw ng kumento dahil nga lalaki siya at ayaw niyang sabihin ng iba na napaka-ungentleman niya kung sasabihin niya na ganoon din ang naobserbahan niya sa “kasintahanan.”   “I mean sorry, pare. ‘Di  ko intensyon na siraan siya sa iyo,” ang paliwanag naman ni Daniel.   “Okay lang, pare. Hindi masama ang loob ko,” ang sagot ni Timmy.   “Pero sa totoo lang Tok, lahat kami ay ganyan ang naobserbahan,” ang pagsingit naman ni Jane.   “At heto pa, Tok ha… may sasabihin ako sa iyo,” ang sambit ni Tony.   “Ano iyon?”   “Noong sa party ni Julie na naroon tayo? Nagwala ka? Wala ka bang na-obserbahan sa sarili mo kung bakit ganoon ka ka-wild? Hindi ka ba nagduda?” ang tanong ni Tony.   “Duda? Saan?”   “Na nilagyan ng droga ang baso mo?”   “Hindi naman siguro pare. E, ‘di sana ay lahat tayo nag-wild.”   “Hindi mo ba napansin ang baso mo na kakaiba kaysa sa amin?”   “Kahit na. Nakita ko ang paglagay niya ng inumin sa baso ko eh. Wala naman akong nakitang kakaiba o may inilagay siya. Kaya imposible kasi binantayan ko talaga eh. Nag-isip ako noon na baka may ibang gagawin eh. Nag-explain naman siya kung bakit malaki ang baso ko, dahil nga raw sinabi kong isang baso lang ng cocktail ang iinumin ko at uuwi na ako.”   “Iyon na nga eh. Hindi mo nakita ngunit may ibang nakakakita.”   “Ano ang ibig mong sabihin?” ang tanong ni Timmy na halatang nagka-interes.   “Ang isa sa mga service crew na naroon ay pinsan ko.”   “Okay… P-pero paano niya nakita?”   Doon na ikinuwento ni Tony ang nalalaman niya. Napag-usapan daw nila ng pinsan niya ang mistulang pagwawala ni Timmy at ang nakita niyang ginawa ni Julie.   “Maaga sila roon dahil sila ang nagdala sa mga pagkain. Sila rin ang naglatag nito sa mesa. Sila rin ang nagdala sa mga plato, baso, wine glasses, pitchers, bowls, at iba pa. At siya ang naglagay ng mga wine glasses sa tray para sa drinks. Nang nailagay na niya ang mga iyon, napansin niya na naglagay ng isang malaking wine glass gitna ng tray si Julie. Hindi iyon winde glass nila. Sa kanila ni Julie daw iyon. Tinanggal pa nga niya ang isang wine glass sa gitna ng tray upang maisingit niya ang malaking wine glass na iyon. At ang utos niya sa kanila ay huwag daw itong pakialaman dahil para iyon sa isang espesyal na bisita. Wala lang daw iyon sa kanya. Umalis siya sandali gawa nang may kukunin pa siyang gamit sa labas. Kaso bumalik siya kaagad dahil may nalimutan. Doon niya naabutan si Julie na may inilagay na powder sa malaking baso na iyon. Tila nagulat nga raw si Julie nang nakita siya niya, eh.”   Nanlaki ang kanilang mga mata nang marinig ang sinabi ni Tony. “Totoo ba iyan?” ang tanong ng mga babae.   “Nakita nga ng pinsan ko eh. At napansin niyo naman siguro si Tok sa pagkakataong iyon. Nakita niyo na ba siyang ganoon talaga kapag nakainom? Ang ingay-ingay niya roon, tawa nang tawa, hindi nahihiyang maghubad, nagsasayaw at nakipaghalikan, torrid kissing pa kay Julie? At halata niyo naman talagang sabog iyong tao eh,” ang sambit ni Tony. At baling niya kay Timmy, “Ano ba talaga ang pakiramdam mo noon? Normal lang ba iyon sa iyo? Wala ka bang kakaibang naramdaman na medyo hindi na normal sa tingin mo?”   “Iyong para akong lumulutang sa ulap. Ang sarap ng pakiramdam ko, at ang saya-saya ko, nawawala ang lungkot, ang problema, puro masasaya ang nasa isip. At ang paligid ay sobrang makulay. At nakakakiliti ang sarap kapag nahihipo ang aking balat. Ang sarap humalik. Nakakapukaw ng damdamin. Ang sarap m************k,” ang sambit ni Timmy.   “Ang sabi ng ppinsan ko, baka ecstacy daw ang droga na iyon. Sila kasing mga service crew ay alam iyan dahil ginagamit daw iyan ng ibang mga mayayaman na nagpapa-cater sa kanila, lalo na sa mga kabataan na may party. Ganoong ganoon talaga ang epekto,” ang sambit ni Tony.   Kinabukasan, kinausap ni Timmy si Julie. Sa student center niya dinala. “Julie, sabihin mo nga sa akin ang totoo... noong inimbita mo kami sa party sa bahay ninyo,  hindi mo ba nilagyan ng droga ang baso ko?” ang diretsahang tanong ni Timmy.   “Naku, Timmy. Please huwag mo akong pagbintangan ng ganyan! Hindi ako gumagamit ng droga! Atsaka nakita mo naman ang paglagay ko ng inumin sa baso mo, ‘di ba? Pinapanuod mo ako, eh. Napapansin ko!” ang malakas na pagtanggi ni Julie.   “Oo wala akong nakita, Julie. Pero ang droga ay nakalagay na sa basong naka-display.”   “Paano mo nasabi?” ang nanginginig na tanong ni Julie. Nahinto siya at umiiyak. “Huwag mo naman akong pagbintangan ng ganyan Timmy. Hindi ako ganyang klaseng babae. Ni hindi ko nga alam kung ano ang porma ng droga. Ang sakit-sakit ng sinabi mo! Para mo na rin akong sinaksak!” ang pangangatuwiran ni Julie na humagulgol na.   “May nakakakita sa iyo, Julie. Ang service crew na naroon. At ako, sa tanang buhay ko, noon ko lang nadarama ang ganoong klaseng pakiramdam. Alam kong hindi normal iyon. Alam kong may droga sa nainom ko.”   “Oh Timmy. Maniwala ka sa akin. Wala akong ginawa sa iyo. Wala akong nilagay sa baso mo. Kung sino man iyong nagsabi noon, siniraan lang niya ako. Kilala ko ang service crew na iyon! May gusto iyon sa akin. Tsinantsingan niya ako. Hinupuan ako noon sa boobs ko. Pinagalitan ko at minura. Tinakot. Kaya galit iyon sa akin! Gusto niyang gumanti sa akin. Ako ang paniwalaan mo, Timmy! Hindi ka ba galit sa kanya sa ginawa niyang tangkang pagsasamantala sa akin?”   “Julie, hindi magkakagusto sa iyo ang service crew na iyon dahil bakla siya. Boyfriend niya ang kaibigan ng tropa kong si Tony!”   Hindi nakaimik si Julie. “Eh… m-malay mo, baka bisexual siya. B-baka naka-drugs!”   Tumago-tango si Timmy. “Baka nga… baka ecstacy ang tinira noon. Kagaya ng inilagay mo sa baso ko. ‘Di ba?”   “Eh… m-maniwala ka, Timmy. Wala akong inilagay sa ba—“   Hindi na naituloy ni Julie ang kanyang sasabihin gawa nang pagsingit ni Timmy. “Simula ngayon ay break na tayo. Ikaw lang naman ang nagpaikot ng tsismis sa campus na magsyota tayo, ‘di ba. At hindi ako nagsasalita. Sinuportahan ko ang mga sinabi mo sa mga tao tungkol sa atin. Ngayon, dahil sa ginawa mo, break na tayo at pasensya na. Kung may magtanong sa akin kung mag-syota nga tayo, ang isasagot ko ay wala na tayo. Hindi mo na ako masisisi dahil I’ve been good to you. Aminin ko sa iyo. Nagustuhan kita. Type kita noong una. Ngunit hindi ko akalain na ganito ka pala... Maghanap ka na lang ng ibang lalaki. Iyong kaya kang i-handle. Marami kang mahanap sa unibersidad natin. Mas mahigit pa sa akin,” ang sambit ni Timmy sabay talikod.   “Timmy! Huwag mong gawin ito sa akin! Magsisisi ka kapag nilayuan mo ako!” ang sigaw ni Julie.   Bumalik si Timmy. “At bakit ako magsisisi? Ano ang gagawin mo?”   “Basta! Pagsisisihan mo kapag i-break mo ako!” ang banta ni Julie.   “Okay. Gawin mo ang gusto mo. Wala akong magagawa,” ang sagot ni Timmy at tuluyan nang umalis.   “Timmyyyyyy!!!!!”   “Oo nga pala. Alam kong hindi mo birthday sa araw na iyon! Tiningnan ko ang record mo sa registrar’s office!” ang pahabol na sigaw ni Timmy.   Kinabukasan sa loob ng klase, lumapit pa rin si Julie kay Timmy na kasalukuyang nakaupo sa kanyang desk. “Sweetheart. Galit ka pa ba sa akin?” ang sambit ni Julie. Nasa likod lang ni Timmy si John, nakikinig.   “Julie, ‘di ba sinabi ko na sa iyo na layuan mo na ako? Bistado na kita. Nilagyan mo ng  droga ang inumin ko. At nagsinungaling ka sa birthday mo. Hindi ka naging totoo sa akin. Ayoko nang ganyan. Ayoko na. Tapos na tayo,” ang sambit ni Timmy.   Dinig na dinig ni Johnny ang lahat nang sinabing iyon ni Timmy kay Julie. Tila tumayo ang dalawa niyang tainga na sobrang nasarapan sa kanyang narinig. Pakiramdam niya ay maagang dumating ang pasko sa kanya. Tila naririnig pa niya ng mga pamaskong awit at kumakalembang na kampanilya sa kanyang tainga. Lihim siyang napangiti.   “Timmy. Please give me a chance,” ang sambit ni Julie.   Tumaas ang boses ni Timmy. “Sinabi ko na sa iyo na ayoko na. Huwag kang makulit!”   “Timmy please… I will make up for everything. Gagawin ko ang lahat!”   Doon na sumingit si John. Tumayo siya at hinarap si Julie. “Sinabi nang huwag kang makulit eh,” ang kalmanteng sambit niya.   Hinarap ni Julie si John. “Ba’t ka ba nakialam dito? Sino ka ba?” ang mataas ding boses ni Julie.   “Alam mo, Julie, ayaw kitang bastusin. Ngunit kung ganyan ka kakulit at kabastos, mapipilitan ako.”   “Bakit? Susuntukin mo ako? Babaliin mo ang leeg ko? Paduguin mo ang bibig ko?” ang sagot ni Julie.   “Hindi,” ang kalmante pa ring sagot ni John.   “Hahalikan kita. Gusto mo?”   Hindi nakaimik si Julie. Nakatitig pa rin siya kay John. Tila natulala.   “Sabihin mo lang kung gusto mo. Baka nangangati na iyang p********e mo. Pagtiyagaan mo na lang ako. Kapag nangungulit ka pa rito,” turo niya kay Timmy “Hahalikan talaga kita. At ‘di lang halik ang matitikman mo sa akin. Titirahin kita rito sa loob mismo ng klase para makita nila kung gaano ako kasarap yumari ng babae,” ang sambit ni John habang seryoso at kalmante pa ring tinitigan si Julie.   Doon na nagmamaktol na tumalikod si Julie. Nang nasa upuan na siya, sinabihan niya si John ng, “Lagot ka sa akin!”   Nginitian siya ni John. Iyong ngiting nang-aasar. “Thank you!”   Nilingon ni Timmy si John na nakatayo pa rin. Nagkasalubong ang kanilang mga tingin. Ngunit pareho silang walang reaksyon. Gustong ngumiti ni John ngunit hindi siya sigurado kung susuklian din siya ng ngiti ni Timmy kaya ang ginawa niya ay inunat na lang niya ang kanyang bibig, iyong pilit na ngiti, hindi nakabuka ang bibig at walang reaksyon sa mukha na tila nang-iinis o nagbibiro. Saglit lang.   Nang nakita iyon ni Timmy ay sinimangutan siya, inismiran sabay baling ng kanyang paningin sa blackboard.   Maga-alas 7 na ng gabi nang nakalabas ng eskuwelahan si Timmy. May meeting siya sa grupo nila sa isang subject para sa kanilang project kaya naabutan siya ng gabi. Nang nasa labas na siya ng gate, may mga apat na lalaking nakaupo sa labas ng isang tindahan sa tabi ng kalsada, ang mga mukha ay hindi niya pamilyar.   “Ikaw ba si Timmy!” ang sigaw ng isa.   Lumingon si Timmy at sumagot ng “Oo!”   Biglang nagsitayuan ang tatlo pa niyang kasama at dinumog nila si Timmy ng suntok. Natumba si Timmy sa kalsada. Tatayo na sana si Timmy upang lumaban ngunit nagulat na lang siya nang biglang sumulpot si John at sa kanya nabaling ang atensyon ng apat na lalaki. Pinagtutulungan nila siya. Dahil magaling naman talagang manuntok si John at kadalasan ay may dalang metal, iyong isinusuot sa daliri kapag nakikipagsuntukan, isa-isang bumagsak ang apat na mga tambay. May mga tama sa mukha at ulo at putok ang balat sa bawat tama. Ngunit bago sila nakatakbo, nagawa pang paluin ng dos-por-dos ng isa sa kanila ang binti ni John. Napa-upo si John sa semento. Nang makita nila si John na nasaktan, babalikan pa sana nila siya upang tuluyang bugbugin. Ngunit hinarap sila ni Timmy na may hawak ding dos-por-dos. Natakot ang apat na tambay at tuluyan nang tumakas.   “Araykopoooo! Ang sakiittt!” ang sambit ni John na namimilipit, hawak-hawak ang kanyang tuhod. Ngunit ang totoo ay nagkunyari lang si John upang maawa sa kanya si Timmy.   “Sino ba kasi ang nag-utos sa iyo na tulungan ako!” ang galit na sabi ni Timmy.   “Ako na nga itong tumulong, ako pa ang napapagalitan. Saklap naman!” ang sagot din ni John.   “So ako ngayon ang may kasalanan kung bakit ka nalumpo? Tumayo ka!” ang bulyaw ni Timmy na hinawakan ang kamay ni John upang makatayo.   Nang nakatayo na si John, “H-hindi ako makalakad eh,” ang sambit niya.   “Dadalhin kita sa ospital!”   “Huwag na! Dalhin mo na lang ako sa bahay!”   Walang imik na tumalikod si Timmy kay John at bahagyang yumuko. Alam na agad ni John ang ibig sabihin noon. Gusto ni Timmy na ipiggyback si John.   “Saan ka ba uuwi?” ang tanong ni Timmy.   “Sa bukid syempre!” ang sigaw din ni John. Iyon ang pinakahihintay na pagkakataon ni John. Dali-daling umangkas siya sa likuran ni Timmy. Naglulundag sa tuwa ang puso ni John nang tumayo na si Timmy at nakaangkas siya. Mahigpit naman niyang inilingkis ang kanyang mga braso sa leeg ni Timmy. Naamoy pa niya ang naghalong araw at pawis sa balat at buhok ni Timmy gawa ng maghapong init sa klase at mga gawain sa loob at labas ng eskuwelahan. Para kay John iyon ang isa sa pinakamabango at pinakamahal na perfume na hinahanap-hanap niya. Hinigpitan pa niya ang kanyang pagyakap at idiniin niya ang kanyang mukha sa leeg ni Timmy.   Dire-diretsong naglakad si Timmy na binaybay ang kalsada patungo sa bukid. “Ambigat mo tangina! Ang higpit pa kung makayakap. Hindi ako makahinga, ano ba!” ang pagmamaktol ni Timmy.   “Malalaglag naman ako kung hindi ako kakapit nang mahigpit!” ang pag-angal din ni John.   “Ikaw na nga ang kinarga, ikaw pa itong malakas ang loob na magreklamo! Eh kung ilaglag na lang kaya kita?”   “Huwag naman... Maawa ka naman sa akin, Tok. Hindi ako makakalakad eh,” ang sambit ni John habang niluwgan niya nang bahagya ang kanyang paglingkis ng kanyang mga bisig sa leeg ni Timmy.   Nang may naalala si Timmy, sinadya niyang hawakan ang tuhod ni John at pinisil-pisil iyon.   Nagulat si John sa pagpisil-pisil ni Timmy sa parte ng katawan niyang iyon. Nasarapan si John. Malaswa ang laman ng kanyang isip. Sumagi sa isip ni John na nasasabik sa kanya si Timmy at ipinahiwatig nito sa pamamagitan ng pagpisil-pisil sa kanyang tuhod na gusto ni Timmy na may mangyari sa kanila pagdatin nila sa bahay niya sa bukid. “Woi… nasasabik siya sa akin,” ang pabulong na biro ni John na abot-tainga ang ngiti. “Hayaan mo, Tok. Mamaya… paliligayahin kita.”   Nilakasan ni Timmy ang pagpisil sa tuhod ni John. Dahil dito ay hinipo-hipo na ni John ang pisngi at bibig ni Timmy na ang buong akala ay nalilibugan na si Timmy. “Oo na... Naintindihan ko. Tinitigasan na nga ako, eh. Sabik na sabik na rin ako sa iyo, Tok,” ang bulong uli ni John na idiniin-diin pa niya ang kanyang harapan sa likod ni Timmy.   Ngunit bigla siyang binitiwan ni Timmy. Nalaglag si John sa tabi ng kalsada.   “Bakit?” ang tanong ni John na nalilito, nakatingala kay Timmy na nakatayo sa harap niya ang mga mata ay tila nag-aalab sa galit..   “Tangina mo! Akala ko ba ay masakit iyang tuhod mo kaya hindi ka makakalakad!” ang sigaw ni Timmy na dali-daling tinumbok ang nakalatag sa lupa na isang kahoy na pamalo, dinampot niya ito at humarap kay John. “Hindi makalakad ha? Masakit ang paa? Tapos tinitigasan ka ba kamo? Ako na ang hahataw sa tuhod na iyan upang tuluyan nang mabali, hayop ka!”   Akma na sanang hambalusin ni Timmy ang tuhod ni John nang mabilis namang tumayo si John at simbilis ng kidlat na kumaripas ng takbo.   “Nasaan na iyong bali mo sa tuhod! Tangina na yan!”   “Okay na pala ako Tok! Ngayon lang siya nag-okay!” ang sigaw ni John.   “Tarantado kang animal ka! Kapag naabutan kita ay mas maging okay pa iyan! Sige, takbo ka lang! Magpang-abot din tayo mamaya sa bahay! Naisahan mo ako, hayop ka! Makatikim ka sa akin! Tatabakin ko yang tumitigas na ari mo! Hudas ka!”   (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD