By: Michael Juha
getmybox@hotmail.com
Fb: Michael Juha Full
---------------------------------
Alas 9 na nang gabi nang nakarating kami sa aming bayan. Sa isang restaurant niya ako dinala. Dinner date daw namin dahil sa sobrang saya niya.
Nang nakaupo na kami upang hintayin ang aming order, laking gulat ko naman nang biglang nagsidatingan ang mga officers ng aming klase. Lahat sila ay naroon, pati si Emily na hindi na pinapakawalan ni Jeff. Napag-alaman kong set-up lang pala talaga nila ang lahat bagamat ang nakaalam lang sa plano ay ang mga lalaking officers. Totoo naman na may ticket na sa flight na iyon si John. Ngunit nang nakatanggap na siya ng text mul kay Jeff, hindi na siya tumuloy.
“Kaya pala napansin kong knapsack lang ang dala-dala mo! Salbahe ka! Naghintay ka lang pala ng balita,” ang sigaw ko kay John.
Tawanan. Ang saya naming lahat sa sandaling iyon. Maliban sa kainan ay may videoke, may inuman, may kantyawan.
Nagpaalam kami sa grupo na hindi magtagal. Pinaunlakan naman nila kami. Bago kami umuwi, dumaan muna sa kami sa tindahan. “Bibili tayo ng maiinom, Tok. Pampainit,” ang sambit niya sabay bitiw ng nakakalokong ngiti.
Inirapan ko siya. Alam ko na ang nasa isip niya at kung ano ang ibig niyang mangyari. Ang problema, sa sarili ko, hindi ako sigurado kung handa na ba akong makikipag-s*x. Una, wala pa akong karanasan talaga. Parang takot ako na niilang. Pangalawa, sa isang kapwa lalaki pa na para sa akin ay hindi tama, hindi naaayon sa normal na gawain. Sinundan ko na lang siya ng tingin habang bumaba siya sa kabayo at nag-“Tao po!” sa tindahan.
Nang bumalik na, inabot niya sa akin ang isang long neck na alak at pagkatapos ay inabot naman niya ang kanyang kamay upang hilain ko at makasakay siya sa likod ng kabayo.
“Ilang araw din akong dumadaan dito na wala ka, si Tokhang lang ang aking kasama,” ang sambit ko habang lumalakad si Tokhang.
“Hmmm. ‘Di mo naman kasi ako na-miss eh!” ang sagot niya.
“Nandyan ka na naman. Sasapakain na kita eh!” ang sagot ko.
“Sabihin mo ngang ‘I miss you’?”
“Ayoko nga.”
“Ba’t ayaw mong sabihin?”
“Alam mo na iyan. ‘Di mo lang maintindihan. Tanga ka kasi eh!”
“Sige kapag ayaw mong sabihin, kikilitiin na kita,” sabayabay kiliti sa kilikili ko.
“Huwaaggggggg! Mabangga tayo! Ano ka ba, John!”
“Huh! Ang sambit niya. Ano yang minamaneho mo, kotse? Mabangga?”
“Malay mo kiligin si Tokhang sa atin at mawala sa focus at mabangga.”
“Ah ganoon pala siya! E ‘di, pakiligin natin siya!” at kiniliti niya talaga ako.
“Huwag Johhhnnnnn! Johhnnnn! Tangina mo! Johhhhhnnnnnn!”
“O kung ayaw mo, halikan na lang kita.”
“Bahala ka. Huwag mo lang akong kilitiin,” ang sagot ko.
Iyon panay na ang halik niya sa pisngi ko, sa leeg, may halo pang pakagat-kagat.
Nang dumating na kami ng bahay, agad kaming dumiretso sa pampang, ang paborito naming lugar. Dala namin ang alak at pagkain na aming pinabalot galing sa restaurant.
“Namiss ko ang pampang, Tok,” ang sambit niya.
Nang medyo nalasing na kami, doon na siya nanghingi ng halik. Hindi ko siya pinagbigyan. Gusto ko siyang sabikin. Syempre, naiilang pa nga rin ako kung kaya’t hindi ako ganoon ka-atat na makahalikan siya. Sabi ko, sa bahay na lang baka may ibang taong biglang dumating o dadaan.
Pumayag naman siya. Nang makarating na kami ng bahay, kitang kita ko ang abot-taingang ngiti niya. “Anong mayron?” ang pag-iinosentehang tanong ko.
“Wala... tulog na tayo,” ang sambit niya.
“Mag tooth-brush ka muna roon ah! Amoy alak ang hininga mo.”
Tiningnan niya ako na nakangiting-aso. “Sabay tayo.”
“Gusto mo bang mag-tooh brush pa ako o hindi na?”
“Okay lang kahit ano,” ang sagot niya.
“Okay, huwag na lang.”
Nang nakabalik na siya sa kuwarto. “Sige mag tooth brush na lang ako,” ang sambit ko.
“Woi ang daya nito!”
Tinagalan ko nang kaunti ang pag tooth brush. Nang nakabalik na ako, “Ba’t ang tagal!” ang daing niya. Nakahiga na siya sa kama, nakatalukbong ang katawan maliban sa kanyang ulo. Alam kong nakahubad siya sa ilalim ng kumot.
“Syempre, para mabango,” ang sagot ko rin habang humiga ako sa kama.
Nang nagtangka na siyang humalik sa akin, bigla rin akong bumalikwas. “Maligo muna ako!” ang sambit ko.
Ngunit mabilis niya akong hinawakan sa bisig atsaka dinaganan. Nang nakadagan na siya sa akin habang nakatihaya ako, ipinatong naman niya ang kanyang magkabilang kamay sa magkabila ko ring kamay, ang kanyang mga hita ay ini-lock sa gitnang katawan ko. Hindi ako makagalaw. Naipit ang aking katawan. Doon na inilapat niya ang kanyang bibig sa aking bibig.
Pinilit ko pa ring kumalas. Ibinaling ko ang aking mukha sa kaliwa, at kapag ididin niya ang kanyang bibig, ibaling ko naman ito sa kanan.
Nakailang pabaling-baling din ako nang huminto siya bagamat nanatili pa rin siyang nakdagan sa akin. Tinitigan niya ako. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. “Pahihirapan mo ba talaga ako Tok? Hindi ka ba naaawa sa akin? Akala ko ba, gusto mo ako. Akala ko ba, mahal mo ako? Huwag mo akong pahirapan, Tok, please...?”
Hindi na ako nakaimik. Tila lumambot ang aking puso sa kanyang sinabi. Nanatili akong nakatitig sa kanyang mga mata.
Nang nakita kong dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang bibig sa aking bibig, ipinikit ko ang aking mga mata. Naramdaman ang paglapat ng kanyang mga labi sa aking mga labi. Sinipsip niya ito. Ipinasok niya ang kanyang dila sa loob ng aking bibig. Sinipsip niya rin ang aking dila, pinaglaruan ang aming mga laway. Kakaibang kiliti ang nadarama ko sa paghalik niyang iyon sa aking bibig.
Maya-maya ay tinanggal niya ang mga kamay niyang nakadagan din sa aking mga kamay at inilingkis ang mga iyon sa aking katawan. Hindi na ako nakatiis at niyakap ko na rin siya habang naglapat ang aming mga bibig.
Maya-maya ay hinila niya ang aking t-shirt upang matanggal sa aking katawan. Nang natanggal na, iginapang niya ang kanyang bibig sa aking leeg, sa aking dibdib, sa aking tiyan... hanggang umabot ito sa aking maselang bahagi ng katawan.
Nilaro-laro niya ito sa kanyang bibig. Matagal. Napangol ako at napaindayog sa kanyang ginawa. Hanggang umabot ako sa sukdulan.
Iyon ang pinakauna kong karanasan sa pakikipagtalik sa kapwa lalaki. Nang matapos na kami, muling hinalikan ako sa bibig ni John.
Kitang-kita ko sa mukha ni John ang saya na kanyang nadarama. Nang matulog na kami, nagyakapan pa kami.
Simula noon ay iyon na ang naging setup namin. Sa gabi ay mag-asawa ang turing namin sa isa’t-isa. Sa araw ay mga ordinaryong estudyante na kapag hindi kami kilala ay masasabi nilang wala kaming pinagkaiba sa mga normal na magkaibigan o matalik na magkaibigan. At kagaya ng mga magkakaibigan ay may kantayawan, may okrayan, may harutan, at may laglagan din minsan. At kapag ganyang naghaharutan kami sa klase, ramdam kong kinikilig ang mga ka-klase namin.
Sa eskuwelahan naman ay supportive ang mga estudyante sa aming relasyon ni John. Ramdam namin iyon. I mean, ang karamihan. Siguro ay may iilan din na hindi boto sa ganitong relasyon ngunit dahil suportado kami ng buong klase namin, hindi na sila umimik. At official na rin ang pagtawag nila sa amin ng “Tok-Hang.”
Sa aming mga kaklase naman, nanumbalik na muli ang saya. In fact, mas masaya pa dahil lalo pang nagpursige si John sa pagsuporta sa mga activiites namin sa school, at sa pagtulong sa mga kaklase na nangangailangan. Nag-iinitiate din siya ng mga activities na makakatulong sa pag-aaral. Kumbaga, hero siya hindi lamang sa aming klase kundi sa buong eskuwelahan.
Sa mga guro naman namin, karamihan naman ay suportado ang aming relasyon. Malalaman mo naman sa kanilang pakikipag-usap at pananalita. Gaya ng minsan kapag wala sa classroom si John ay ako ang tatanungin kung nasaan. Minsan naman, kapag may problema sa subject si John, sa akin sasabihin ng guro. Pati si Mr. Cervantes na tyrant ay boto rin sa aming relasyon. Sa klase niya ay palagi kaming binibiro, niloloko. “Inspired na inspired si John ah! Bakit kaya?” tapos magtatawanan ang klase. “Anong bago sa sikat na love team natin sa klase? Hindi pa ba naghihiwalay? Akala ko ba ay walang forever? Bakit mayroon sila? Nasaan ang hustisya?” “O, iyong mga single pa riyan. Mamamatay na kayo sa inggit!” Tila tuwang-tuwa siya sa amin. Parang kinilig ba?
Si Emily naman ay official nang nililigawan ni Jeff. At si Emily na ngayon ang may tinapay araw-araw, dinadalhan ni Jeff. Baligtad sa amin. Pareho naman din silang may kaya. At sa tantiya ko, malapit na silang magkatuluyan. Palagi na rin silang nagsasama, at nakikita ko ang saya sa kanilang mga mukha sa tuwing nagsasama sila o hinahatid ni Jeff si Emily pagkatapos ng klase. Sobrang maalalahanin ni Jeff. Napakabait at responsableng tao pa. Kaya alam ko, hindi magsisisi si Emily sa kanya. Si Emily naman, nasabi niya sa akin noon na ang pangalawang crush niya sa school ay si Jeff.
At si Joy? Kuntento na lang siya sa pagka-crush kay John. Alam kasi niya ang tindi na naramdaman ni John para sa akin na handang igive-up ang pag-aaral kung hindi ko papansinin. Kaya alam niya na ako ang tunay na mahal ni John. Isa pa, gusto rin niyang masaya si John sa klase namin dahil buhay na buhay ang klase namin lalo na sa mga financial na tulong ni John, at syempre, masaya ako na leader nila dahil kay John, masaya din ang mga officers, at masaya ang mga kaklase namin. Kumbaga, may chain reaction ang positive na dulot ng aming relasyon ni John at nararamdaman ito ng lahat. Isa pa, nagka-phobia na rin daw si Joy nang sinugod siya ng dating girlfriend ni John na si noong party. Nanginginig pa rin daw siya sa takot kapag naaalala iyon. “Baka si Tok naman ang susugod sa akin kapag nagkataon. Mahirap na,” ang biro ni Joy.
Kaya halos nawala na ang pagkailang ko kay John at sa pagkakaroon ng kakaibang relasyon sa kanya. Sa isip ko ay tanggap ko na siya. Siguro, psychological lang iyong naramdaman ko sa una dahil nga nakaukit sa aking isip na ang lalaki ay para lamang sa babae at vice-versa. O... baka rin dahil talagang masyadong pursigido si John na makuha niya ako. Aaminin ko kakaiba talaga kung magmahal si John. Gagawin ang lahat mabitag lang ako sa kanyang lambat ng pag-ibig. Kung babalikan ko nga ang panahon kung saan ay inis na inis ako sa kanya at iyong kapag nakita ko siya ay halos masira ang buong araw ko, mapangiti na lang ako. Tunay nga na masalimuot ang laro ng pag-ibig. At tunay nga na ang pag-ibig ay walang pinipiling kasarian. Wala itong kinikilalang katuwiran kapag ikaw ay nahulog na sa bitag nito.
Minsan kapag kami lang dalawa ni John, binabalik-balikan namin ang mga nakaraan. Matatawa na lang kami. Minsan din ay hindi namin maiwasan na mag-argumento. Syempre, siya palagi ang aking sinisisi dahil matigas ang ulo niya, kagaya noong sinuntok niya ako at pumutok ang aking bibig at nagka black eye. Ngunit binabaliktad din niya ako. Inis na inis daw siya sa akin, matigas daw ang ulo kagaya ng pagbigay niya ng uniporme na hindi ko isinuot hanggang sa nabugbog niya si Enchong.
Sex life? Okay naman kami ni John. Bagamat hanggang sa halikan lang at sa pagpaparaos naman, gamit lang ang kamay at bibig. Hindi ko kasi talaga kaya. Gugustuhin man niya na pasukin ako, ayaw ko. Okay lang naman kay John. Sabi niya, makakapaghintay naman siya.
Sa aming estado ay masasabi kong halos perpekto na ang lahat. Hanggang sa isang araw -
“Tok... darating ang papa ko sa sunod na araw, Sabado. Titingnan daw niya ang kalagayan ko rito. Nakarating daw sa kanya na hindi ako umuuwi ng apartment. Kaya doon na muna tayo titira sa apartment habang narito ang papa ko,” ang sambit ni John sa akin.
“H-ha?” ang gulat kong sagot. “Bakit kailangang kasama mo ako sa apartment? I-ikaw na lang ang uuwi roon John habang nariyan pa ang papa mo. Nakakahiya.”
“Bakit? Mas maganda kung naroon ka rin para hindi ka mag-iisa rito.”
“N-natatakot ako sa papa mo eh. ‘Di ba sabi mo, istrikto siya sa iyo? Baka mag-init ang ulo niya sa akin, lalo na’t ako ang dahilan kung bakit wala ka sa apartment mo. Kung tatanungin ako tungkol sa iyo, anong isasagot ko?”
“Di sagutin mo kung saan ako natutulog?”
“Dito sa bukid?”
“E ‘di sa puso mo.”
“Tange! Puro ka naman katarantaduhan eh. Para pagalitan ako. Ganoon?”
“Joke lang. Pero kapag tinanong ka, sagutin mo, iyong kung ano ang alam mo at nakikita mo sa akin sa school. Kaya mas maganda kung naroon ka. Dalawang araw lang naman siya rito eh.”
“N-natatakot talaga ako, John. P-paano kung pupunta siya ng school at magtatanong doon tungkol sa atin? At sasabihin ng mga tao roon na may relasyon tayo. Tapos magagalit at ilayo ka nila. Maaatim mo ba iyon? Ayokong mawala ka sa akin, John. Masasaktan ako. Muli na naman akong mag-isa. Ayoko sa ganoon,” ang sambit kong halos maluha sa masamang pangitain na naglalaro sa aking isip.”
Hinawakan nya ang aking kamay. “Tok... hindi mangyayari ang ganyan. Nasa legal na edad na ako at puwede na akong magdesisyon para sa sarili.”
“N-natatakot kasi ako eh...”
“Huwag ka ngang matakot. Ako ang bahala.”
Dahil mapilit si John, pumayag na lang ako sa kanyang gusto. Kinabukasan ay doon na kami umuwi sa apartment niya. Ang aming kabayong si Tokhang naman ay ipinakisuyo muna namin sa aming taga-bantay.
Maganda ang apartment ni John. Malaki, may tatlong kuwarto, may dalawang servant’s room kung saan ay doon natutulog ang driver nila at all-around na katulong, may garahe, may swimming pool, at may sariling basketball court na single-goal lang.
Sa isang kuwarto kami nagsamang matulog. Sa isang kuwarto kasi ay ang Tito niya na nagsilbing guardian at ang isang kuwarto naman ay ni-reserve para sa pagdating ng papa niya.
Medyo nanibago ako sa setup namin sa kanilang apartment. ‘Di hamak na mayaman talaga sila. Imagine, binili nila ang apartment na iyon para lang sa pag-aaral ni John, siniswelduhan ang Tito niya at driver, dinala ang isang sasakyan nila na naka-assign kay John. At ang gara ng apartment. Pati ang mga pagkain nila ay masasarap. Napaisip tuloy ako kung bakit pinili ni John na sa bahay namin tumira samantalang nasa kanya na ang lahat na karangyaan. Pinahirapan niya ang sarili na gumawa sa mga gawain namin sa bukid samantalang kung doon siya sa apartment nila ay may mga taong handang gumawa sa mga bagay para sa kanya, sasabihin lang niya. Sa bukid, siya ang gumagawa at tumutulong sa halos lahat ng gawain.
Araw ng pagdating ng kanyang ama, sinundo namin siya. Alas 10 na iyon ng umaga nang makalabas siya sa airport. Nang nakita ko ang postura ng tatay niya, tila nanginig ako sa takot. Malaking tao at malaki rin ang boses. Naalala ko tuloy si Mr. Cervantes. Halos magkapareho sila. Iyon bang klaseng tao na kapag nagsasalita, alam mo na kaagad na may authority. Iyong taong sigurado sa sinasabi niya, tila ma-intimidate ka.
Nang nakita niya ako ay halos hindi niya ako pinansin. Hanggang sa ipinakilala ako ni John. “Pa... si Timmy. Classmate ko sa eskuwelahan.”
“Ah,” ang sagot lang ng papa niya na parang wala lang, agad ibinaling ang paningin sa sasakyan. Iaabot ko sana ang aking kamay sa kanya ngunit nahiya na ako gawa nang tumalikod na siya.
Dali-dali kaming pumasok ni John sa sasakyan. Sa likod kasi kami umupo at ang kanyang papa ay sa gitnang row ng sasakyan sa harap namin. Nang nakaakyat na kami, saka naman umakyat ang kanyang papa.
“Nasaan ang Tito mo?” ang tanong niya kay John.
“Nasa apartment po. Siya na lang daw ang maiwan para makapaghanda ng tanghalian natin pagdating.”
“Dapat ay sumama na lang sya para sa labas na lang tayo mananghalian.”
“Sinabi ko nga po sa kanya. Kaso ang sagot naman niya ay baka pagod daw po kayo at makapagpahinga pagkatapos kumain.”
Tahimik.
“Wala ba kayong klase ngayon?” ang tanong ng papa ni John sa kanya.
“Wala po,” ang sagot naman ni John.
“So ano itong narinig kong hindi ka raw umuuwi ng apartment?”
“Eh... k-kasi po pa, mula nang namatay po ang inay nitong si Timmy, nag-iisa na lang po siya sa bahay nila, sa bukid. Siya po iyong dahilan kung bakit ako bumalik dito ng maaga galing Baguio, dahil namatay po ang kanyang inay at dahil wala po silang kamag-anak at hindi po niya alam ang gagawin, kaya tinulungan ko po siya sa mga proseso ng paglibing,” ang paliwanag ni John.
Biglang napalingon ang kanyang ama sa kanya. “Anong nangyari sa iyo?” ang tanong ng kanyang papa.
Nasilip ko naman ang kanilang driver mula sa salamin sa na mistulang pigil na tumawa.
“Bakit po?” Ang tanong naman ni John sa papa niya.
“Wala,” ang sagot ng papa niya at natahimik sandali. “So itong si Timmy ay ulila na?”
“Opo pa. Kaya nga dinala ko na rin siya rito para may kasama ako at hindi po siya mag-iisa sa bukid. Malungkot po kasi roon, at palagi niyang naaalala ang kanyang yumaong inay.”
“Hmmm,” ang sagot ng papa niya. “At itong classmate mo na ito ay wala namang bisyo? Hindi katulad mo?”
“Siya po ang presidente ng klase namin, at siya rin po ang palaging nagta-top sa mga tests. Strong candidate po siya sa pagka-valedictorian.”
“Ah... mabuti naman. Iyan dapat ang tularan mo.”
“K-kaya nga siya po ang close friend ko eh. Siya po ang tumulong sa akin upang maka-adjust sa school.”
Nakinig lang ako sa kanilang usapan. Sa isip ko ay parang wala naman silang alitan. Parang mabait naman pala ang papa niya.
“Kumusta naman po sa atin?” ang tanong ni John.
“Sa Manila, hindi ka pa maaaring umuwi. Alam mo na... Kaya sa Baguio ka na dumiretso kapag gusto mong pumasyal.”
Alas 11 ng umaga na kami nakarating ng apartment. Sinalubong kami ng Tito ni John. Nagbiruan sila ng papa ni John atsaka pumanhik na sa apartment. Dumiretso na lang ako sa kuwarto namin ni John. Nahiya kasi ako sa kanila at hindi ko alam ang aking gagawin. Sumunod sa akin sa kuwarto si John.
Oras nang pananghalian, kinabahan na naman ako nang makaharap ang papa ni John at Tito niya.
“So ang dahilan kung bakit hindi ka na umuuwi rito John ay dahil dito kay Timmy?” ang tanong ng papa ni John.
“O-opo.”
Nahinto sandali sa pagkain ang kanyang papa. “Bakit hindi mo na lang siya rito patirahin sa apartment? Para may kasama ka rin?” ang tanong niya kay John. At baling sa akin, “Ano sa palagay mo Timmy?”
Hindi ako nakasagot agad. Tiningnan ko muna si John.
“Okay po iyan pa! Kaso, mas gusto ko kasi sa kanila sa bukid dahil simple ang pamumuhay, presko ang lahat.”
“Sabagay... Para maranasan mo naman ang hirap. Puro ka luho sa siyudad eh,” ang sambit ng papa niya.
“Salamat po pa.”
Tahimik.
“Ito bang si Timmy ang dahilan kung bakit namumutiktik sa ‘po’ ang pagsasagot mo sa akin ngayon? Wala na iyong padabog mong pananalita, iyong dating puno ng mura na bibig mo?”
Doon na pumutok sa tawa ang Tito ni John. Natawa na rin ang papa niya. Natawa na rin kami ni John.
“Tingnan mo ‘tong tao na to. Paibhasa ang bibig ay puro mura rin,” ang pagpaparinig ng papa ni John sa Tito niya. At baling kay John, “Kung ganyan ka ba palagi ay talagang magkasundo tayo. Wala nang away, wala nang murahan, wala nang sisihan. Magandang impluwensya pala itong si Timmy sa iyo.”
Yumuko na lang ako sa sinabi ng papa ni John.
“Opo pa. Marami akong natututunan dito.”
“Kung ganoon ay masaya ako. At sa tingin ko ay puwede na akong bumalik bukas,” ang sabi niya kay John. At baling sa akin, kapag may ginawang kabulastugan si John, isumbong mo sa akin ha? Ako ang bahala sa kanya,” ang biro niya sa akin.
Tumango na lang ako. Nang tiningnan ko si John, napangiti na lang din siya.
Alas 3 ng hapon nang maisipan naming maligo sa swimming pool. Ang aming mga gamit ay nasa beach chairs na nasa gilid lang ng pool. Habang lumalagoy kami ni John, dumaan naman ang papa niya at sandaling pinagmasdan kami. “Ligo po tayo pa!” ang sambit ni John.
“Sige, maupo lang ako rito,” ang sagot niya. Tiyempo din naman na sa beach chair kung saan nakalagay ang aking gamit sana siya uupo. Ngunit dahil may mga damit ako, hindi na siya tumuloy. Pero nang mapansin niya ang aking locket na nakalatag lang sa upuan, bigla siyang nahinto at tinitigan ito. Dinampot niya ito, binuksan, at tiningnan ang litrato na nasa loob. Tila interesado siya sa litrato. Tinitigan niya ito.
“Sa iyo ba ito, Timmy” ang tanong niya.
“Opo Sir” Sa akin po iyan.
“Sino ang nagbigay?”
“Inay ko po.”
“Siya ba iyong namatay na?”
“Opo...”
“Ano nga uli ang pangalan niya?”
“Evelyn po. Evelyn Suarez.”
Kitang-kita ko ang pagkagulat niya nang narinig ang pangalan ng aking inay. “Halika nga rito,” ang sambit niya.
Lumapit tinumbok ko ang gilid ng pool kung nasaan siya.
“Ang inay mo ba ay hindi nakapag-asawa?”
“Hindi na po.”
“Bakit?”
“Hindi ko po alam eh. Dito na po kasi kami isinilang at ang sabi niya, nasa Koronadal daw po ang mga kamag-anak namin. Ngunit dahil matagal nang hindi siya umuuwi roon ‘di na namin kilala. Wala na po kasi ang mga magulang niya.”
“Sino daw itong lalaking nasa locket?”
“Tatay ko daw po.”
“Nasaan na ang Tatay mo ngayon?”
“Patay na raw po eh.”
Nahinto na siya sa pagtatanong. Tila may iniisip.
“A-anong mayroon pa?” ang tanong ni John.
“Kilala ko ang inay ni Timmy.”
“Huh! Talaga?”
“Maaari bang puntahan natin ang libing ng inay mo Timmy?” ang tanong niya sa akin.
Sumang-ayon ako. Agad naming pinuntahan ang sementeryo. At sa harap mismo ng puntod ng inay, doon na humagulgol ang papa ni John. “Patawad Evelyn patawad,” ang narinig kong sambit niya.
Dumistansya kaming dalawa ni Johnny upang mapag-isa siya. May kaba akong nadarama o iyong nakakailang na pakiramdam sa inasta ng papa ni John. “Ano kaya iyon, John?” ang tanong ko.
“Ewan. Ngayon ko pa nga lang nakita na umiyak iyan eh,” ang sagot ni John.
Pagkatapos ng ilang minuto ay lumpait ang papa ni John sa amin. Nakita ko pang pinapahiran niya ang kanyang pisngi at mga mata. “May sasabihin ako sa inyo,” ang sambit niya nang nasa harap na namin siya.
“Ano po iyon, pa,” ang sambit ni John.
Nahinto siya sandali. Tila kumuha ng buwelo.
“Ano po iyon pa?” Ang giit ni John.
“Huwag kayong mabigla.”
“Ano nga po iyon?”
“M-magkapatid kayo.”
“Ano???” ang malakas na sambit ni John.
“Oo... Nang nabuntis ko ang iyong ina, John, napilitan akong pakasalan siya kahit hindi ko siya mahal. Nagpakasal lang ako dahil nabuntis ko siya at umasa na baka darating ang panahon na mamahalin ko rin siya. Ngunit hindi lumago ang aming pagsasama. Bago ka ipinanganak, nakilala ko ang ina ni Timmy. Sa kanya ko naramdaman ang tunay na pagmamahal. Hindi ko sinabi sa kanya na may asawa ako. Nang ipinanganak ka ng mama mo, nabuntis ko ang ina ni Timmy. Ngunit nalaman ng ina ni Timmy na may asawa na pala ako kaya sa matinding sama ng loob ay umalis siya na hindi nagpaalam. Hindi na rin siya nagpakita pa. Simula noon ay hinahanap ko na siya. Iyon na rin ang panahon na madalas na kaming mag-away ng mama mo. At dahil sa depression ko sa pagkawala sa mama ni Timmy, lumayas ang mama mo, sumama sa ibang lalaki, iniwan ka sa akin. At hindi na rin siya nagpakita pa. Magkapatid kayo ni Timmy, John.”
“Hindi!!! Hindiiiiiiiiiiiii!!!” ang sigaw ni John habang mabilis itong nagtatakbo palayo sa amin.
(Itutuloy)