Mabilis na lumipas ang dalawang linggo. Hanggang ngayon hindi makalimutan ni Helena ang pinagsaluhang halik nila ni Axel sa condo nito.
Pakiramdam niya, nakadikit na sa labi niya ang bibig nito, maging hininga nito. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng kahungkagan. 'Yon kasi ang huli nilang pagkikita ng binatang pulis. Hindi na rin ito dumadalaw sa amo niya.
Sabagay, abala din ang boss niya. Kagaya ngayon, umalis na naman ito papuntang Thailand.
Kasalukuyan siyang naglalakad papasok sa subdivision ng may humintong Sedan sa gilid niya. Pabalik na siya noon sa bahay ng amo. May binili lang siya noon. Malapit lang kaya nilakad niya na lang.
Napatingin siya sa bintana ng bumukas iyon. Iniluwa no'n ang guwapong mukha ni Axel. Nakangiti ito kaya hindi mapigilan ng puso niyang hindi kumabog. Na-miss lang naman niya ang mokong na ito.
"Wala po si Ma'am. Bumalik na lang po kayo sa susunod," pormal na saad niya dito.
Ngumiti na naman ito ng pagkatamis-tamis kaya parang malalaglag na naman yata ang panty niya. Anyway, Avon naman ang brand na suot niya. Matibay at mahigpit.
"Hindi naman siya ang gusto kong makita, eh." Tumitig ito sa kan'ya kapagkuwan.
Napahawak siya sa dibdib ng marinig ang mga sinabi nito. Hindi si Winona? Siya kaya? Ayayay!
Lalo tuloy bumilis ang pagtibok ng puso niya dahil sa isiping iyon. Hindi naman masama mangarap.
"Anyway, kailan ang balik ng Ma'am mo?"
"Bukas po yata ng gabi," tugon niya sa tanong nito.
"See you then." 'Yon lang at pinaharurot na nito ang sasakyan.
Naiwan siyang natigilan.
Anong see you ang pinagsasabi nito? Magkikita sila kasama ang amo niya?
Tinanaw pa niya ang sasakyan nitong palabas na ng subdivision. Naiiling na ibinalik niya ang tingin sa daan.
Napangiti siya ng maalala ulit ang sinabi nito. Sana siya nga ang gusto nitong makita.
Siguro kung hindi nito nobya ang amo niya baka inamin niya dito ang tungkol sa nakaraan. Na siya ang babaeng katalik nito. Na nagbunga ang isang gabing iyon at malaki na ang anak nila.
Hindi niya mapigilang ilaglag ang balikat. Ayan na naman siya, naalala na naman niya ang anak.
Inabala na lang niya ang sarili sa pagtulong sa paglilinis at pagluluto nang araw na iyon.
Kinagabihan, tinawagan siya ng amo niya, na uuwi na ito. May lakad din daw sila ng gabi. Hindi naman nito nabanggit kung saan. Wala naman kasi siyang karapatang magtanong.
Kinabukasan, maaga niyang inayos ang silid ng amo. Nilinisan niya din iyon. Ngayon ang dating nito. Susunduin nila ito mamaya ni Dennis. Sobrang busy talaga ng amo niya. Napakasipag pa. Sa isang buwan halos tatlong beses itong bumibisita sa China, Thailand at Singapore. Ang sabi ni Dennis may business din daw ito doon.
"Ala-una tayo aalis, Helena." Nilingon niya si Dennis ng daanan siya sa hardin. Tumutulong siya sa pagbubunot ng nga ligaw na damo.
"Okay. Alam mo ba kung saan ang lakad ni Ma'am mamaya? Para alam ko naman ang susuotin ko," seryosong tanong niya dito.
"Ang alam ko, magkikita sila ni Sir Axel." Napatigil siya sa ginagawa. Parang may kumurot na naman sa puso niya ng mga sandaling iyon.
Tumigil ka na kasi kakapantasya, Helena. May nobya na si Axel!, anang isang tinig sa isipan niya.
"Ah..." mahinang sabi niya.
Nawalan na naman siya ng gana magtrabaho sa hardin. Bigla siyang nalungkot.
Nilibot na yata niya ang buong bahay ng amo. Still, malungkot siya. Pumasok na naman siya sa silid niya at nahiga. Natulog siya. Nagising lang siya sa alarm. Halos kalahating oras siyang natulog. Pero ganoon pa rin ang pakiramdam niya.
Lumabas siya at tumulong sa mga kasamahan, na naghahanda na ng pagkain para sa tanghalian nila. Pagkatapos ay tumulong din siyang naghugas ng mga pinagkainan saka naligo.
Pasado alas-dose na ng matapos siya maligo. Quarter to one ng puntahan niya si Dennis sa garage. May kausap ito. Mukhang seryoso kaya hindi muna niya inistorbo. Nang makita siya nito, kaagad na pinatay nito. Ngumiti ito kapagkuwan.
"Ready?"
Tumango siya dito at gumanti ng ngiti.
ISANG oras silang naghintay sa airport. Pagkarating ng boss ay sinalubong niya agad ito. Kinuha niya ang ibang bitbit nito. Maleta naman ang kinuha ni Dennis.
Buti nakaya nitong bumiyahe ng mag-isa.
Mukhang pagod na pagod ito dahil sumandal kaagad ito ng makasakay ng sasakyan.
"You already know where we should go, Dennis," ani ng amo na nakapikit.
"Yes, Ma'am!" Pagkasabi ni Dennis ay pinaandar na nito ang sasakyan.
Nilingon niya ang boss na nakapikit na ang mata. Napaka-hardworking talaga ng boss niya. Alam na alam nito ang priority nito sa buhay. Kaya pala ang yaman-yaman nito.
Bigla siyang nakonsens'ya ng maalala ang huling tagpo nila ni Axel. Ano lang kung malaman ng amo, na inaahas niya ang nobyo nito? Paniguradong tanggal siya sa trabaho. Hindi lang 'yon baka masira pa ang pangalan niya.
Kailangan talaga niyang iwasan ang lalaking 'yon. Kailangan niyang pigilin ang nararamdaman para dito. Hindi tama.
Sa labas niya ibinaling ang mga tingin para libangin ang sarili.a
Napatingin siya kay Dennis ng umiba ito ng daan. Marahil, sa tagpuan ng amo niya at ni Axel ang pupuntahan nila. Hindi rin nagtagal ay pumasok sila sa isang magarang subdivision.
Mayamaya ay bumusina si Dennis sa malaking bahay. Bumukas iyon. Napaawang siya ng labi ng makita si Axel na nagbukas. Wala man lang itong suot na damit.
Bahay kaya ito ni Axel? Bakit ito ang nagbukas ng gate?
Si Axel ang nagbukas sa pintuan kung saan naroon ang amo. Sinulyapan siya nito saglit ng lumabas siya. Buti na lang nand'yan si Dennis. Pinagbukas siya nito. Napansin niya ang paglukot ng mukha ni Axel ng lumapat ang kamay niya sa kamay ng binatang driver.
"I missed you, Sweetheart," dinig niyang sabi ng amo sa binata. Nakakapit ito sa braso ng binata
"So am I," tugon ni Axel na ikinapikit niya.
Pagmulat niya nakayakap na ito sa amo niya. Napalabi siya para pigilan ang sarili. Pakiramdam niya lalo siyang nahuhulog sa ama ni Lexxie. Nagpakawala siya ng buntong-hininga para pakalmahin ang sarili.
Nakasunod lang sila ni Dennis dito. Sa iba niya ibinaling ang tingin. Wala siyang ibang nakikitang tao sa malaking bahay na iyon.
Hindi niya maiwasang mapahanga ng makita ang loob ng bahay na iyon. Maging ang amo ay namangha din. Ibig sabihn, ito rin ang unang pasok nito dito.
"Is this yours?" SI Winona iyon.
"Yes. Like it?" ani ni Axel na sa kan'ya nakatingin.
Sa iba kasi nakatingin ang amo. Ngumiti ito sa kan'ya pero tinaasan lang niya ito ng kilay.
"Yeah. Why do I have this feeling na may sorpresa ka sa akin?" Bumaling ang boss niya sa binatang pulis.
Natawa lang si Axel sa sinabi ng amo at sumulyap saglit sa kan'ya.
Pagdating sa sofa ay umupo sila ni Dennis. Ang dalawa ay pumasok na sa silid at nagkulong.
Ayaw na niya mag-isip ng kung anu-ano kaya nanood na lang sila ni Dennis ng nakakatawa.
Binilinan naman sila ni Axel na puwedeng pakialaman ang kusina nito maging TV. May pa-feel at home pa itong sinabi bago umakyat.
Dahil nagsawa sila ni Dennis kakanood ng TV, naisipan nilang naglaro ng baraha. May baon kasi si Dennis, nasa sasakyang dala nito. Minsan sa loob sila ng sasakyan naglalaro habang naghihintay sa amo.
Lumabas sila sa hardin. May glass table doon. Doon sila naglaro. Tong-its ang nilaro nila. Lagi kasi siyang talo sa pusoy kaya tong-its naman. Pitik sa tainga ang parusa kapag talo.
Halos kalahating oras yata silang naglaro. Namumula ang tainga niya kakapitik. Ang ingay nilang dalawa sa hardin. Madaya kasi si Dennis. Hindi niya maiwasang matawa ng mahuli itong nagtago ng baraha.
Tumigil lang sila ng makaramdam siya ng tawag ng kalikasan. Iniwan niya ito ng magsolitaryo ito.
Mabilis ang mga hakbang na tinungo niya ang loob ng malaking bahay ni Axel. Naghanap siya ng banyo. Nakakita siya malapit sa kusina. Pagkatapos umihi ay pumasok siya ng kusina para uminom. Nakaramdam kasi siya ng pagka-uhaw.
Kakatapos niya lang uminom ng tubig ng may biglang yumakap sa kan'ya mula sa likod sabay dampi ng mainit na labi sa batok niya. Hindi niya maiwasang makiliti. Pero ng maalalang baka may makakita sa kanila ay nagpumiglas siya at nilingon niya iyon.
Bigla niyang itinulak si Axel ng makita itong nakangiti. Sumandal pa ito sa mesa ng naroon paharap, at tumitig sa kan'ya. Bumaba ang tingin niya sa dibdib nitong nakabalandra. Napalunok siya ng sunod-sunod dahil sa tanawing iyon.
Bumaling ang tingin niya sa pintuan kapagkuwan at hinarap ito ng maayos.
"Alam niyo po ba ang ginagawa niyo, Sir?"
"Yeah," mabilis na sagot nito.
"Namamangka po kayo sa dalawang ilog, Sir. Alam niyo po ba 'yon? Hindi po tama ang ginagawa niyo sa akin, Sir. Nakakabastos na po. Kahit kaonting respeto na lang po sana. Kung gusto niyo po ng babaeng paglalaruan, maghanap po kayo ng iba. 'Wag po ako. Wala po akong panahon d'yan. Pakiusap din po, na tigilan niyo din po ang basta-basta na lang nanghahalik. Hindi ko po gusto. May asawa't-anak na po ako." Huminga siya saglit. "Isa pa, ang laki ng respeto ko sa boss ko. Mabait po siya sa akin. Ayoko pong sirain ang tiwala niya sa akin. At, ayoko pong mawalan ng trabaho dahil may binubuhay ako. May anak po ako." 'Yon lang, at mabilis na tinalikuran niya ito.
"Helena! Let me explain! Helena! Damn!"
Hindi na niya ito nilingon. Kinapa niya ang damdamin ng makalayo sa kusina. Tama naman ang sinabi niya. Oo, masakit. Kasi may puwang na ito sa puso niya noon pa man. Pero hindi puwede ang ginagawa nitong pananamantala sa kahinaan niya.
Napakunot-noo si Dennis ng makita ang mukha niyang hindi maipinta.
"Anyare?"
"Wala. Ganito lang ba gagawin natin dito?" aniya dito ng maupo sa harap nito.
"Hindi ko rin alam. Hintayin na lang natin si Ma'am. Ang alam ko magba-bar hopping sila ni Sir. Anyway, gutom ka na ba? Magda-drive-thru ako d'yan sa malapit na fast food. Nakakahiyang makialam ng kusina nila Sir, eh."
"Oo nga. 'Yong mura lang. Burger na lang sa'kin." Kumuha siya ng pera sa wallet at ibibigay dito.
Nakangiting tinabig nito ang kamay niya. "Libre ko na."
"Ano ka ba! Wala ng libre sa panahon ngayon. Kunin mo na!" Inabot niya ulit pero tinawanan lang siya nito. Nilapag niya sa mesa ang pera pero hindi nito kinuha. Tumayo ito.
"Saglit lang ako," anito at itinaas ang susi ng sasakyan.
Napailing siya ng makitang tumalikod na ito ng tuluyan. Ililibre nga talaga siya nito.
Hinigit niya ang barahang nasa mesa at binalasa iyon ng tatlong beses. Napatingin siya sa upuang inuukopa ni Dennis ng may umupo doon.
"You look like a pro when shuffling cards." Napaangat siya ng tingin ng magsalita si Axel.
Nakikipag-usap ba ito sa kan'ya? Ano bang ginagawa nito dito? Mali, bahay nga pala nito ang kinaroroonan niya.
Lumunok lang siya ng laway at nagpatuloy sa pagbalasa saka sinimulan ang solitaryong paborito laruin.
"Can we talk? 'Yong tayo lang," ani ni Axel na ikinatigil niya.
Ini-expect niyang mag-sorry ito. Pero hindi man lang nito magawang sabihin kahit labas man lang sana sa ilong. Tapos, gusto pa siyang kausapin na silang dalawa lang.
"Wala naman po tayong dapat pag-uusapan. Assistant lang po ako ng nobya niyo. Hindi po ako si Ma'am na puwede niyong kausapin."
"Helena, please... I'm trying to be nice here."
Ano daw?
"Anong ibig niyo pong sabihin hindi ako nice? Gano'n?" Inis na binagsak niya ang baraha sa harapan nito. Napapitlag pa ito.
"N-No! Damn it! Galit ka na naman. Relax. Kalma lang. I can't explain here, kaya sana gusto kong kauspin ka in private. Please? Promise, hindi ako gagawa ng hindi mo gusto." Itinaas pa nito ang kanang kamay.
Bakit ba private? Hindi ba talaga puwede dito?
Nakakatakot na mapagsolo sila ng binata. Isa dapat sa iwasan niya 'yon.
"Sweetheart!" Sabay silang napaangat ng tingin ni Axel ng marinig ang boses ng boss. Bagong gising lang ito. Kumaway pa ito sa binata kaya kumaway din si Axel.
Kinuha niyang muli ang baraha ng tumayo si Axel. Nakahinga siya ng maluwag ng makalayo na ito.
Ano ba kasi ang kailangan nito? Hindi kaya nakikilala na siya nito kaya ganoon na lang ito makaasta?
Lalo siyang nilukuban ng inis. Malamang, baka iniisip nito na pakawala siyang babae na puwedeng bastusin.
Tama nga si Dennis. Kinakagabihan, sa ZL Lounge sila dumerecho. As usual, sa labas na naman sila. May sarili silang table na naman ni Dennis. Kasama ng boss ang ilang kaibigan ni Axel.
"Lipat kaya tayo sa bar counter?" Napangiti siya sa suhestiyon ni Dennis. Nakailang shots na rin sila ng mga sandaling iyon.
Tequila ang peg nila. Nakatatlo lang siya. Ayaw na niyang uminom dahil maaga siya bukas. Schedule kasi bukas ng check up ng aso ng boss niya.
Tumabi lang siya kay Dennis. Nasabihan na niyang hindi na siya iinom. Hindi pa man nag-init ang puwet niya sa upuan ng makaramdam ng naiihi. Tumayo siya at nagpaalam sa kasama na gagamit ng banyo.
Pagdating niya sa ladies room ay mahaba ang pila. Pang-lima yata siya.
Dahil baka sunduin naman siya Dennis, binilisan niya ang pag-ihi at lumabas na.
Napakunot-noo siya ng hindi makita si Dennis.
"Kuya, nakita mo ba ang kasama ko dito? 'Yong matangkad, guwapo at makisig. 'Yong may dimples sa kaliwang pisngi," malakas na tanong niya sa barista.
"Ah, umalis na po. Ngayon-ngayon lang. Nagmamadali po ng puntahan dito ng magandang babae."
Napaawang siya ng labi. Iniwan siya ng mga ito? Gaano ba siya katagal na nawala? Wala pang sampung-minuto kaya.
"Let's go." Napatingin siya sa pulsuhan niya ng may humawak doon. Kilala niya ang boses na iyon. Maingay man ang paligid pero hindi siya puwedeng magkamali sa boses.
"Po?"
"Ihahatid na kita. May urgent na meeting si Winona. Ibinilin ka niya sa akin na kung puwede ihatid kita." Hindi na nito hinintay ang sasabihin niya dahil hinila na siya nito palabas. Inalalayan din siya nito na makapasok sa sasakyan.
Wala silang imikan ng mga sumunod n sandali.
Napakunot-noo noo siya ng baybayin ni Axel ang papuntang South. Sa Caloocan ang bahay ng amo niya. Kaya bakit ibang daan ang tinatagal ng binata.
"S-Sir... Mali po yata ang daan niyo. Bakit po nasa South bound lane tayo?" kinakabahang tanong niya sa binata Tiningnan lang siya nito.
"No... Tama ang daan," giit nito at ngumisi pa saka binilisan. Napakapit siya sa seatbelt kapagkuwan.
Kakaiba ang ngiti nito kaya kinabahan talaga siya. "Axel, please... Pag-usapan natin 'to," pakiusap niya dito.
Saglit na inihinto nito ang sasakyan at humarap sa kan'ya.
"What now, Helena? Dapat kanina mo 'yan sinabi. Dapat kanina habang matino pa ang pag-iisip ko." May inilabas itong panyo kapagkuwan.
Nanlaki ang mata niya ng bigla siyang kabigin nito at pinaamoy ang panyong hawak-hawak hanggang sa unti-unting binabalot ng dilim ang paligid niya.
"I'm sorry, Helena," narinig bulong ni Axel bago siya mawalan ng malay...