Chapter 8: Are you that girl?

1956 Words
Napangiti si Helena ng maramdaman ang paghipit ng yakap sa beywang niya. Nilingon niya ang nag-mamay-ari ng kamay na iyon, may mga mahihinang tunog din na nagmumula sa bibig nito. Humihilik kasi ito. Napangiti siya kapagkuwan. Wala sa sariling hinaplos niya ang guwapong mukha na iyon. Alam niyang nanaginip lang siya. Sana, ‘wag muna siyang magising. Sana, kasama niya ang anak sa panaginip na ito para makilala naman nito ang ama nito.  Ganito ba talaga ang mga babaeng inlove? Ganoon ba talaga niya kagusto ang binatang pulis? Maging sa panaginip ay sumisingit ito. Napahawak siya sa ulo niya ng biglang kumirot iyon. Bigla siyang napaupo ng maalala ang nangyari kanina. Tinampal niya ang ulo sabay lingon sa katabi. Hindi siya nananaginip! Sa pagkaka-alala niya, nawalan siya ng malay ng takpan ni Axel ang bibig niya, gamit ang panyo. Nasaan siya? Inilinga niya ang mga mata. Hindi niya alam kung saang lugar ito. Basta, malamig na hangin ang sumasalubong sa kan’ya. Nakabukas kasi ang sliding door, at doon nanggagaling ang malamig na hangin. Marami rin siyang nakikitang punong kahoy. Muling ibinalik niya ang mata sa binata. Hindi kaya kinidnap siya ni Axel? Napangiwi siya. Pero bakit?  Pinagsawa niya ang tingin sa binatang himbing na himbing pa rin. Hanggang sa suyurin niya ang kabuuan nito. Wala sa sariling ibinaba niya ang tingin sa beywang nito. Ngayon niya lang napansin ang v-line nito. Boxer brief lang talaga kasi ang suot nito kaya kitang-kita niya. Napalabi siya kapagkuwan. Bakit ang sarap sa eyes naman ng nakikita niya. Sa picture niya lang iyon nakikita. Hindi niya akalaing ganito talaga ka-hot ang lalaking ito. Hindi naman niya kasi napagtuunan ang ganitong view noong gabing iyon. Nanlaki ang mga mata niya ng biglang gumalaw ang nasa pagitan ng hita nito. “Jesus!” naibulas niya bigla. Hindi niya alam kung malakas ang pagkakasabi niya. Gumalaw ang binata kapagkuwan. Tumingin siya sa mga mata nito. Gumagalaw iyon, kaya nagkunwari siyang kakagising lang at kunwa’y nagulat. “Walang hiya ka Axel!” Napamulat na ito bigla ng marinig ang boses niya. “Hmmn… Good morning,” anito at ngumiti ng matamis sabay yakap sa beywang niya. “Bitawan mo nga ako, Axel! Nasaan ako? Bakit magkatabi tayo?” Napatingin siya sa damit niya. Ngayon lang niya napagtantong iba na ang suot niya, at tanging cycling shorts na lang ang natira. Wala naman siyang naramdamang kakaiba sa katawan niya pero tiningan niya ito ng masama. “Ikaw ba nag nagbihis sa akin? Ha?” Kaliwang mata lang nito ang nakabukas ng tumingin sa kan’ya. “Ako nga.” Akmang kakabigin siya nito ng itulak niya ito. Natawa lang ito. Shit! Ang sarap pakinggan ng tawa nito. Medyo namamaos pa kasi iyon. “Sa tanang buhay ko, ngayon lang naging maganda ang gising ko, Helena. Alam mo ba ‘yon? Gues what kung sino ang dahilan. Helena Medrano, to be precise. Do you know her?” anitong puno ng amazement ang mga mata. Naupo ito at humarap sa kan’ya. May kung anong saya siyang naramdaman dahil sa sinabi nito. Pero ayaw niyang umasa. May nobya na ito. Oo, may anak sila pero hindi tama ang ginagawa nito, at ayaw niyang umasa. Pero paano niya ito maiiwasan, eh ito mismo ang gumuguhit ng kapalaran nilang dalawa? Marupok pa naman siya. Paano kung bumigay siya sa panlalandi nito? Napailing siya. Tumayo siya at iniwan ito sa kama. Kakasabi niya lang dito kahapon na namamangka ito sa ilog, talagang sinige nga nito. Patunay lang ginawa nito kaninang madaling araw. “Pinagloloko mo ba ako, Axel? Nag-usap na tayo kahapon, na ‘wag ako.” Hinanap niya ang mga damit na suot-suot kahapon pero hindi niya makita kaya humarap ulit siya sa binata.  “Kahit hindi pa tayo, honey, hindi kita lolokohin. Okay?” Ngumiti ito at tinanggal ang kumot sa paa nito. Pinaikot niya ang mga mata dito. “Ano ba kasi ang kailangan mo sa akin?”  “You.” Turo nito sa kan’ya. “Nababaliw ka na ba? Bakit ako? Ano bang akala mo sa akin virgin? May asawa’t-anak na nga ako, eh!” gigil niyang sabi. Pero parang gusto niyang bawiin ang salitang asawa. “Malapit na, Helena. You are driving me insane. I can't stop thinking about you. Yes, every minute, honey,” anito ng sapuin ng dalawang kamay nito ang maliit niyang mukha niya. “I don’t care kung may asawa’t-anak ka na. Basta ang sa akin, gusto kita. Gustong-gusto, Helena,” pagkasabi niyon ay mapusok na sinakop nito ang labi niya, na para bang wala ng bukas.  Hindi niya mapigilang umungol dahil sa sarap na pinalalasap nito ng umagang iyon. Hindi ito nakontento. Hinapit ng kaliwang kamay nito ang beywang niya para pagdikitin ang katawan nilang nagbabaga ng mga sandaling iyon habang ang kanang kamay nito ay nasa batok niya.  “Oh, Helena,” anas nito ng magbitiw saglit, at muling binalikan ang labi niyang basang-basa ng pinaghalong laway nila.  “Axel, oh,” hindi niya napigilang ungulin ang pangalan nito ng isandal siya nito sa pader. Doon na siya tumugon ng halik. Ginaya niya ang ginagawa nito sa dila niya. Hindi niya alam kung anong tawag doon, basta pinatigas niya din ang dila at sinalubong ang dila nito, na para bang naglalaban sila. “Uhmm,” ungol ni Axel ng sipsipin niya ang dila nito. Napakapit siya sa leeg nito ng hawakan nito ang dalawang pisngi ng pang-upo niya sabay angat. Awtomatikong yumakap sa beywang nito ang mga hita niya.  Ilang sandali pa nilang pinagsaluhan ang mapusok na halik na iyon. Kapwa sila hingal na hingal ng matapos iyon, at nakatitig lang sila sa isa’t-isa. "The best good morning kiss I've ever had,” nakangiting sabi ni Axel sa kan’ya. Biglang nag-init ang pisngi niya dahil sa sinabi nito. Pilit na binabaklas niya ang sarili sa binata pero hindi nito hinayaang matanggal iyon. “Axel, ibaba mo ako.” Bigla niyang nilambutan ang ekspresyon pero ngumiti lang ito.  Napakapit siya lalo sa leeg nito ng maglakad ito papuntang kama. “Axel!” sigaw niya ng magpatihulog ito patihaya sa kama. Tumawa lang ito. Nakaibabaw siya dito, kaya ilang na ilang siya. Hinampas niya ito sa dibdib dahil sa pinaghalong inis at hiya. Pigil ang hininga niya ng bigla nitong pinagpalit ang posisyon nila. Titig na titig na ito sa kan’ya. “Axel, ano ba!” “Relax, hon. May itatanong lang ako sa’yo.” Sumeryoso ito bigla. May kung anong kaba siyang naramdaman ng makita ang seryosong mukha nito. “A-ano ‘yon?“” Binasa muna nito ang labi bago nagsalita, “Have we met somewhere like a hotel?” Namayani ang katahimikan sa paligid nila. Lalo tuloy lumakas ang kaba sa dibdib niya. Pakiramdam niya sasabog na iyon. May halong takot din iyon. Napalabi siya kapagkuwan. “A-axel,” aniyang hindi alam ang sasabihin ng mga sandaling iyon. “B-bakit mo natanong?”  Pinaglandas nito ang daliri sa mukha niya kaya napapikit siya.“I have a short memory to share with you about this girl.” Pinisil nito ang baba niya. “This girl and I had a one-night stand.” Titig na titig ito sa mukha niya. Marahil, tinitingnan ang reaksyon niya. “Until now, I couldn’t get over with her.” Tumigil ulit ito sa pagsasalita. “Her eyes, nose, and lips are the same as yours,” anito sa masuoyong himig. Inisa-isa pa nitong hinawakan ang mga bahagi ng mukhang binanggit nito. Napaarko ang katawan niya ng paglandasin nito ang mga kamay sa katawan niya. Nakikiliti siya sa ginagawa nito sa kan’ya. Pakiramdam niya, sinisigaan siya nito. Ang mga haplos nito ay sadyang nakakabuhay ng laman. “Her physique is similar to yours... I'll ask you once more. Are you that girl, Helena?” Napalunok siya. Naalala na siya nito? Oh my God! At kung susuriin niya ang mga sinabi nito, gusto siya nito. Tama ba ang pagkakaintindi niya? Hinding-hindi daw ito makamove on… sa kan’ya? Pakiramdam niya may kumikiliti sa kan’ya ng mga sandaling iyon. “Helena,” untag nito sa kan’ya. Sasagot sana siya ng biglang tumunog ang telepono nito. “Damn!” Hinalikan muna siya nito sa tungki ng ilong bago umalis sa ibabaw niya.  Nakahinga siya ng maluwag sa pangongorner na iyon ng binata. Ano ngayon ang gagawin niya, gayong kilala na siya nito? Paano kung sabihin nito sa boss niya? Siyempre, ang loyalty nito ay nasa girlfriend nito. Kailangan pa naman niya ng trabaho. Sana lang mali siya ng iniisip sa binata. Napatingin siya sa sliding door na nilabasan ng binata. Mukhang hindi naman amo niya ang kausap nito dahil galit na galit ito sa kausap.  Nagmadaling bumangon siya at naghanap ng maisusuot, sa closet na naroon. Halos panglalaki iyon kaya humugot na lang siya ng damit at boxer. Pumasok siya sa banyo kapagkuwan. Init na init na siya sa sarili dahil sa engkuwentro nila ng binata. Iniisip niya tuloy kung ganoon din ba ito sa amo niya. Kung ganoon nga ito, e di, literal na maharot talaga si Axel.  Itinapat niya sa dutsa ang sarili ng mahubad na ang lahat. Kinuskos niya ang buong katawan niya dahil pakiramdam niya yakap pa rin siya ng binata. Pagkatapos kuskusin ay binanlawan niya ang katawan sa ka sinabon ulit. Sa banyo na din siya nagbihis. Paglabas niya ay wala na si Axel sa kuwarto. Iginiya ang sarili palabas ng silid. May naamoy siyang niluluto. Marahil si Axel nagluluto sa kusina. Mukhang walang ibang tao na naroon, maliban sa kanila. Hinanap niya ang pinagmulan ng amoy na iyon. Napaawang siya ng labi ng makita si Axel na nagluluto. Apron at boxer brief lang ang suot nito. Nang makita siya nito kaagad na nilapitan siya nito. Akmang yakapin siya nito ng umiwas siya. "Umuwi na tayo. Hinahanap na ako ni Ma’am panigurado," seryosong sabi niya. “Don’t worry bukas pa siya babalik. Sabi ko sa kan’ya sa bahay niyo kita hinatid,” nakangiting sabi nito. Ang galing naamn magpalusot. “Masaya po ba kayong niloloko niyo ang girlfriend niyo, Sir?” “Girlfriend?” ulit nito. “‘Wag niyo pong sabihing kinalimutan niyo kung sino ang nobya niyo?” Tumawa lang ito. “Paano kapag sinabi kong hindi ko nobya si Winona, maniniwala ka?” Saglit na natigilan siya sa tanong nito. Paano nga ba? “‘Wag niyo nga po akong pinagloloko. Magbababad ba kayo ng ilang oras sa isang pribadong silid kung hindi mo girlfriend?” aniyang nakapameywang. “Oo, hanggang Highschool lang po ang tinapos ko pero hindi naman po ako ganoon katanga para hindi maintindihan ang sitwasyon,” “We’re not,” giit nito. Nangiti siya ng mapakla. “‘Wag nga ako, Axel.” Dumerecho siya sa ref nito at kumuha ng maiinum. May mineral bottle kaya ‘yon ang pinili niya. Narinig niya ang sunod-sunod na buntong-hininga nito. Sumunod ito sa kan’ya. “Ano bang gusto mong gawin ko para maniwala ka?” “Umayos ka. ‘Yon ang gusto kong gawin mo. ‘Wag mo rin akong gawing tanga , at mas lalong ‘wag mo akong gawing third party sainyo ni Ma’am. Nanahimik ako dito. Kailangan ko talaga ng trabaho kaya maawa ka naman,” "I can give you a stable job, Helena," seryosong sabi nito habang hinahain nito ang hotdog mula sa pan. Napailing na lang siya dito. Lalabas sana siya ng kusina ng magsalita ulit ito. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kanina.” Lumukot ang magandang mukha niya. May tinanong ba ito sa kanya?  “Anong tanong?” Huminga ito ng malalim at tumingin ito sa kan’ya. “Ikaw ba ang babaeng nakatalik ko sa hotel, 5 years ago ?” titig na titig na tanong ulit nito, na ikinatigil niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD