Chapter 6: Deep Kiss

3154 Words
Akmang paandarin ni Axel ang sasakyan ng maalala si Helena. Naiinis siya sa sarili. Ngayon lang siya ulit nagkakaganito sa babae. Hindi mawari ang sarili niya mula ng makita ito sa ZL Lounge na papasok. Dapat sa nobya ang tingin niya pero hindi, eh. Sa inosenteng mukha ni Helena siya nakatingin. Hindi niya alam kung bakit aliw na aliw sa mukha nito. Malayo man ito sa kan’ya pero pakiramdam niya naka-zoom ang mga mata niya para dito. Hindi rin niya alam kung anong meron sa mukha nito na gustong-gusto niya. Pakiramdam niya may kumikiliti sa buong pagkatao niya sa tuwing nakikita ito. Pamilyar ang mukha nito. Hindi lang niya mahanap sa isip niya kung saan ito nakita. Ang lambot ng mga kamay nito ng pagsiklupin niya ang mga kamay nila kanina. Pakiramdam niya nahawakan na din niya ang mga kamay nito. Napatingin siya sa pagitan ng hita niya. Kita ang umbok doon. Isa pa 'to. Kanina pa siya nagtitimpi. Kanina pa talaga nito gustong kumawla. Napagod siya pero worth it dahil si Helena ang kasama niya. Hindi niya maiwasang mapangiti. "Oh, yeah! I'm f****d up! " Mabilis na pinaandar niya ang sasakyan at iginiya ang sarili sa opisina. Papasok pa lang siya ng salubungin siya ng assistant niya. "Chief, may tumawag po pala sainyo. Sebastian Madrid po ang pangalan. Hindi ka daw kasi makontak kaya numero ng opisina natin ang tinawagan niya," ani nito. Tumigil lang siya para pakinggan ito. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na ito at bumalik sa mesa nito. Pasalampak na idinayal niya ang numero ng kaibigan. "Hey! Tumawag ka-" "Yes! Kanina pa! Saan ka ba nagsusuot? I need your report. ASAP! Gumagalaw na ang kalaban, Wolf. Kaya mag-pokus ka! Kung hindi mo kayang ibalanse ang trabaho mo at extra f*****g business mo. Ipu-pull-out kita ngayon din. Kaya naman ni Greyhound 'yan-" "No!" putol niya sa iba pang sasabihin nito. Hindi puwede! Nasa gitna na siya, eh tapos kukunin sa kan’ya basta-basta? "Wala ka bang tiwala sa akin?" may himig iyon na inis. "Wala! Sobrang busy ka sa mga babae mo! God! Alalahanin mo kung ano ang priority mo, Becker. Walang kaibi-kaibigan dito. Alam mo 'yan. And, this is your last warning, Wolf. At kapag hindi mo pa naibigay within 24 hours-" "Damn, ise-send na po," may pagkasarkastikong sabi niya dito saka pinatay ang linya. Sanay na siya sa mga linya ng kaibigan. Galit kung galit. Minsan mas malala pa dito. Pasalamat siya malayo siya dito dahil kung hindi, baka nagpakawala na naman ito ng suntok. Wala nga kasing kaibi-kaibigan pagdating sa trabaho nila. Kung gaano ito kalambot sa labas ng trabaho, kabaliktaran naman iyon kapag nasa loob. Napaka-istrikto din. Pagdating sa trabaho napaka-propesyunal nito. Pero sa lahat ng mga agent nito, siya ang pinagkakatiwalaan nito. Siya rin ang nakakaalam kung ano rin ang posisyon nito sa isang organization sa Italy. Kung dito sa Asia puro kabutihan ang ginagawa nito, kabaliktaran naman sa Europe, partikular na sa Italy. 'Yon na ang pinakatatagong sekreto nito na siya lang ang bukod tanging may alam. Maliban sa pagiging pulis, isa rin siyang secret agent ng isang ahensiya kung saan si Sebastian ang nagmamay-ari. Marami silang kasapi kung saan iba-iba ang propesyon. Hindi basta-basta ang mga tauhang kinukuha ng kaibigan. Kahit saang ahensiya, may mga mata sila. Hinanap ng mga mata niya ang laptop kapagkuwan. Ng makita ito ay kaagad na kinuha iyon at binuksan. Habang hinihintay na bumukas ang laptop ay tumingin muna siya sa telepono. Binuksan niya ang isang app. Napangiti siya ng makitang ang red dot. Steady lang iyon. Ibig sabihin nasa bahay na nito si Helena at safe itong naka-uwi. Walang kaalam-alam si Helena na nilagyan niya ng tracker ang isa sa laruang binili nito pati ang telepono nito. Maliit lang na bagay iyon. Ina-adopt nito ang kulay ng pagdidikitan. Hindi mapapansin ng kung sino, maliban na lang kung galing sa ahensiya nila. Hindi niya maiwasang mapatingin sa kawalan. Inosenteng mukha kaagad nito ang nakita niya. Hinding-hindi niya makalimutan ang nangyari sa kanila noong araw na naglinis ito ng pool. Hindi nito alam na nag-e-enjoy siya kakatuwad-upo nito sa pool na walang lamang tubig. Lalo na noong nasa banyo sila. Kung alam lang nito na pigil-pigil siya sa sarili ng mga sandaling iyon. Napakalambot ng katawan nito. Ang sarap yakapin lalo na siguro ang labi nito. Sayang lang at kamay nito ang nahalikan niya. Pero hindi pa rin mawala ang init na naramdaman niya ng mga sandaling iyon. Kamay pa lang iyon. Pero parang naliliyo na siya kaagad. Paano pa kung mahalikan niya ang labi nito at makinis nitong dibdib? "F*ck, Helena!" wala sa sariling anas niya. Napatayo siya bigla ng maramdamang gusto ng kumawala ang kaibigang nanahimik sa gitna ng hita niya. Mabilis na pumasok siya sa banyo at doon pinaligaya ang sarili habang iniisip ang babaeng gumugulo sa isipan niya nitong mga nakaraan. *** HINDI maipaliwanag ni Helena ang sayang naramdaman niya ng makita ang anak na masayang-masaya sa mga pasalubong niya. Parang gusto niyang sabihing sa ama nito galing ang perang pinambili niyon. Pero pinigilan niya ang sarili. "Kumusta naman ang trabaho mo doon?" Napalingon siya ng magsalita si Nanay Norma. "Ayos lang naman, 'Nay. Hindi naman mabigat. Isa pa, mabait naman si Ma'am pati ang mga kasamahan ko. Kaya nakakalibang magtrabaho doon." "Aba'y, mabuti naman kung ganoon. Hindi rin naman kasi maganda magtrabaho kapag maraming mga toxic." Napangiti siya sa matanda dahil sa sinabi nito. Nagpaalam itong maagang matutulog dahil may check-up pa ito sa center kinabukasan. Inabutan niya din ito ng pera kanina. Tuwang-tuwa ito. Hindi man ganoon kalaki pero kita ang contentment sa mukha nito. Pagkatapos ng bonding nila ng anak ay nakatulog na ito. Buti na lang nahatid na niya ang ibang mga pa-order. Isang item na lang ang natira. Bukas na lang niya ihahatid. Kailangan niya ding magpahinga. Kinabukasan maaga siyang nagising para mamalengke. Ipagluluto ang anak ng pabirito nitong fried chicken. At siyempre, wing part iyon. Bumili din siya ng gulay para mamayang gabi. Bandang alas-diyes ng magpasyang ihatid sa Quezon City ang order ng dati nilang kapitbahay. Ito naman daw ang sasagot sa pamsahe kaya okay lang sa kan’ya. Pagkababa sa jeep ay binaybay niya ang magarang subdivision. Doon kasi nagtatrabaho ang kapitbahay nila bilang katulong. Pagkahatid ay dahan-dahan siyang naglakad. Napangiti siya ng makita sa gate ng subdivision ang nagtitinda ng fishball, kikiam at kwek-kwek. Iyon ang nadaanan niya kanina. Natakam na nga siya, eh. Pasalamat siya dahil may luto na. Hindi na niya kailangang maghintay pa ng ilang minuto. Sampung pisong kikiam at isang stick ng kwek-kwek ang binili niya. Inuna niya ang Kwek-kwek. Sukang sawsawan ang pinili niya. Nilagyan pa niya ng pipino. Akmang susubo siya ng may magsalita sa punong-tenga niya na ikinagulat niya. Dahilan para matapon ang suka sa damit niya. “Oh my God! I’m sorry, Helena. Nagulat ba kita?” Bigla niyang nilingon ang may-ari ng tinig na iyon. Pamilyar kasi. Hindi siya nagkamali dahil kilalang-kilala niya ang nagmamay-ari ng boses na iyon. “Ay, hindi. Hindi po, Sir!” aniyang sinamaan pa ng tingin. “Nakakainis!” Inamoy pa niya ang damit na amoy suka. Uuwi siyang basa ang damit at amoy suka? “Mabaho ba? Paamoy nga?” nakangiting sabi nito kaya inirapan niya ito. Namula ang pisngi niya sa sinabi nito pero pilit na itinago niya iyon. Mukhang may laman ang sinabi nito. Tumalikod siya at sinilip ang bra. Kinapa niya ito kapagkuwan. Napangiwi siya ng makapang basa ito. “May T-shirt ako sa condo. Papahiramin kita, tutal ako naman ang may kasalanan. Puwede mo ring labhan ang damit mo. Matutuyo din naman iyon kaagad,” alok nito ng humarap siya. Nakita din kasi nito ang pag-ngiwi niya. Tumitig siya sa mukha nito. Mukha namang seryoso ito at mukha namang hindi ito gagawa ng masama. “Malayo po ba ‘yon, Sir?” “Dalawang kanto mula dito.” May tinuro ito. Tumaas pa ang kamay nito at itinuro din ang mataas na building. “Kita mo ‘yon? 14th Floor. Ano?” “Ah, okay po. Puwede po bang hintayin ko na lang sa po sa labas? Makikigamit na lang po siguro ako ng banyo sa fastfood para makapagpalit. Baka po makarating kay Ma’am kapag sumama po ako. Mawalan pa ako ng trabaho,” Natawa ito ng mahina. “Hindi ‘yan. Ako ng bahala d’yan,” “Ho? Hindi po-” “Come on. Kapag nagpalit ka lang, amoy maasim ka pa rin. Kaya dapat linisin mo din ang sarili mo. Baka pagtawanan ka ng mga taong makaka-amoy sa’yo.” Natigilan siya saglit. Sabagay. Nakakahiya din iyon. “Sige po,” sa huli ay sabi niya. Iginiya siya nito sa sasakyan nitong naka-park sa gilid ng kalsada. Hindi ito naka-uniporme. Diba, dapat nasa presinto ito? Bakit mukhang hindi na naman ito pumasok? Tamad ba ito? Napailing siya kapagkuwan. Saka lang niya napansing ipinagbukas siya nito ng pinto. Gentleman naman pala. “T-thank you po,” alangang sabi niya rito. “Axel, Helena. And please, drop the po.” ‘Yon lang at isinara nito ang pinto. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makapasok ito. “What?” anito ng mapansing titig na titig siya dito. “Boyfriend ka po ng amo ko. Kaya tama lang na Sir ang itatawag ko sa’yo,” “Fine,” anito at umiling sabay paandar ng sasakyan. Wala silang imikan hanggang sa condo nito. Wala naman ilang pag-uusapan kaya normal lang na hindi sila mag-uusap. Dumerecho ito sa silid nito. Siya, naiwan sa sala nito. Pinalibot niya ang tingin. Bagay sa binata ang disenyo at kulay ng mga dingding. Walang gaanong nakasabit kay malinis tingnan. Napatingin siya sa pintuan ng lumabas ang binatang pulis, may bitbit itong damit at shorts. “Here,” inabot nito sa kan’ya ang hawak nito. “Sa kuwarto ka na gumamit ng banyo. Wala kasing sabon sa kabilang silid. Ahm, may extra towel din sa cabinet.” Tumango siya dito at mabilis na tumalima papasok ng silid nito. Napaawang siya ng labi ng makita ang magarang higaan nito. Maging ang mga kagamitan ay magara din. Napatingin siya sa isang frame na nakapatong sa side table. Tumingin siya sa pintuan bago lumapit sa maliit na mesa. Kinuha niya ang frame kapagkuwan. Ngumiti siya ng mapansin ang ngiti nito sa litrato. Maganda ang pagkakakuha niyon. Ang tikas ng tindig nito at ang guwapo nito tingnan sa suot. Hinaplos niya iyon mayamaya. Bumaba ang tingin niya sa damit nito. Napaawang siya ng labi ng maalala ang suot nito. Kagaya iyon ang suot nito noong may nangyari sa kanila. Nakita rin niya kasi ang medalyong suot nito sa larawan. Nasa tabi iyon ng mga damit nitong hinubad noon. Muntik na niyang mabitawan ang frame ng biglang may tumikhim sa likod niya. Nahihiyang ibinalik niya ang frame nito at ngumiti dito ng mapakla. Nakataas lang ang kilay nito kaya iginiya niya ang mga paa papunta sa banyo. Ano ba kasi naisipan niya at tiningnan pa ang litrato nito! Nahuli tuloy siya. Pero kung nakalagay lang iyon sa album, baka kinuha na niya iyon. Natampal niya ang ulo sa isiping iyon. Ini-lock niya ang banyo sa sinimulang maghubad. Wala siyang itinira. Humarap siya sa magarang sink na may salaming nakakabit. Pinusod niya ang buhok gamit ang panaling nasa pulsuhan niya. Nag-half-bath lang siya. Mabilis lang din siya. Baka maya ano pa ang isipin ni Axel. Una niyang sinuot ang shorts nito. Napangiwi siya. Naiiling siya dahil wala siyang suot na panty. Sunod na isinuot niya ang damit. Wala rin siyang bra. Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Lalo siyang napangiwi ng makita ang nip*le niya na tayung-tayo. Proud na proud! Para siyang tomboy sa suot dahil ang laki ng damit ni Axel. Parang dress na niya ang damit nito. Buti na lang may tali ang shorts nito. “s**t!” Sabay sabunot niya sa buhok na nakatali. Nagulo tuloy ang buhok niya. Paano ba ‘to? Sana wala si Axel sa silid nito. Sana matuyo kaagad ang damit niya para makauwi na siya. Bago siya lumabas ng banyo ay sumilip siya. Hindi niya makita si Axel kaya dahan-dahan siyang lumabas. “Ay, kabayo!” sigaw niya ng biglang lumabas naman si Axel sa kabilang pinto. Nakakita siya ng mga damit sa loob niyon. Closet pala iyon ng binata. “Damn, Helena!” anito at napatitig sa dibdib niyang proud. Nakita rin niya ang pag-alon ng adams apple nito. Bigla niyang itinakip ang mga damit na hinubad sa dibdib at nagmadalaing lumabas ng silid nito. Napahawak siya sa dibdib dahil sa sobrang kaba. Hindi pa nga siya naka-get-over sa pagkagulat, kumabog na naman ang dibdib niya dahil sa mura nito. Iba ang yata ang pagkakaintindi niya doon. Isa pa, narinig na niya iyon noong gabing iyon. Natigilan siya bigla. Hindi pala niya alam kung nasaan ang laundry area nito. Matagal bago niya kinatok ang binata. Alam naman niyang hindi iyon naka-lock. Respeto lang. Narinig niya ang pagpihit ng seradura kaya itinakip niya ang mga labahin sa sarili. Nakangiti na ito. “Ahm, saan po ang laundry area niyo po?” nahihiyang tanong niya. May itinuro itong maliit na pinutan kaya kaagad na nagpaalam siya. Magara ang washing machine nito. Marunong naman siyang gumamit dahil may ganoon din ang amo nila at naituro na sa kan’ya iyon ng mga kasamahan. Hihintayin talaga niyang matapos ang nakasalang na labahin niya. Hindi siya lalabas doon dahil baka makita na naman siya ni Axel.Nakaramdam kasi siya ng pag-iinit sa mura nito. Sa lahat yata ng minumura siya lang nakakaramdam ng ganoon. Naupo siya ng makakita ng stool. Hindi ganoon kalaki ang laundry room nito. Sabagay, wala naman sigurong umiistambay dito. Akmang pipikit siya ng marinig ang pagbukas ng pinto. Nagtama ang mga mata nila ng binata. “Come, let’s have lunch,” yakag nito. “Naku, ‘wag na po. Busog pa po ako, eh. Sa bahay na lang po siguro ako kakain pag-uwi,” aniya at pinagkrus ang mga braso para itago ang dibdib. Bumaba ang tingin nito doon pero saglit lang. "Marami akong inorder. Masasayang lang 'yon. Maatim mo bang magsayang ng pagkain?" Hala? Siya ba bumili? Sinabi ba niyang makikikain siya? "Sir, wala naman po akong sinabing makikikain po ako. 'Wag niyo naman po sana akong konsensyahin. Dahil hindi po kami nagsasayang ng pagkain sa bahay. Marami po ang nagugutom sa atin kaya bakit po ako magsasayang?" aniyang may halong inis. Napalunok ito kapagkuwan. Napakamot pa ng ulo. Hindi rin nito alam ang sasabihin. "Okay. I'm sorry." Huminga ito ng malalim saka tumingin sa kan'ya. "Gusto lang kitang makasabay kumain kaya dinamihan ko ang order. Past one na kaya sigurado akong gutom ka na. Kaya, sabayan mo na ako, please?" anito sa nakikiusap Sasagot sana siya na hindi nga talaga ng tumunog ang tiyan niya. Napahawak siya sa tiyan niya sabay tingin dito. "See? Gutom ka na. Halika na," natatawang sabi nito. "S-susunod na lang po ako," nahihiyang sabi niya. Tumango naman ito at tumalikod na. Hawak niya ang laylayan ng T-shirt niya ng pumunta sa kitchen nito. Hindi na kita ang dibdib niya dahil hindi nakalapat ang damit. Hindi na siya nakahindi ng ipaghila siya niya ng upuan. Nakaramdam siya ng kilig doon. Isang kamay lang ang gamit niya dahil nakahawak nga sa laylayan ng T-shirt niya. Iniiwasan niyang maglapat iyon sa dibdib niya. Dahil kung hindi, makikita na naman nito ang hindi dapat makita. Hindi niya maiwasang mapangiti ng makita ang maraming chicken wings. May gulay din at steak pero manok talaga ang kinakain nito. Napatigil siya sa pagsubo ng lagyan nito ng manok ang plato niya. Hindi kasi siya kumukuha ng pritong manok kaya siguro nito nilagyan ang pinggan niya Ngumiti lang ito sa kan'ya kapagkuwan. Hindi niya tinugon ito. Wala silang imikan ng mga sumunod na sandali hanggang sa matapos. Nagprisinta siyang maghugas. Pumayag naman ito. Kukunin niya sana ang dishwashing liquid ng mapansing sumandal ito sa counter na malapit sa kinaroroonan niya. Panonoorin siya nito? Bigla siyang nailang. Ibinalik niya ang tingin sa hugasin at pilit na tinatago niya ang dibdib. Bahagyang naka-talikod siya dito ng magsimulang magsabon ng mga plato. "Bagay pala sa'yo ang damit ko." Napalingon siya dito. "Ha?" Hindi niya maintindihan ito. Ano ang ibig nitong sabihin na bagay? Eh, ang laki-laki nga. "It looks so good on you when you wear my shirt." Tumitig pa ito sa kan’ya. “Ang hot pa,” dugtong pa nito. Hot na kaagad? Ano bang meron sa T-shirt? Naguguluhang humarap siya dito na may sabon ang kamay. "Damn!" anito sabay kagat ng ibabang labi. Sinuyod pa nito ang kabuuhan niya. Kakaiba ang titig nito kaya gumalaw ang kamay niya. Akmang tatatkpan niya ang dibdib ng kamay ng pigilan nito. "Don't!" Hindi niya napansin na isang dangkal na lang pala ang pagitan nila. Napasinghap siya ng bigla siyang isandal nito sa pader. "Axel!" Pakiramdam niya nag-unahan sa pagtaas-baba ang dibdib niya sa sobrang kaba. Titig na titig ito sa mata niya. Pakiramdam niya hinihipnotismo siya nito. Nakatitig lang din siya dito. "That's right, honey. Call me by my name," anas nito sa mahihinang tinig. Honey... Parang pumalakpak ang tainga niya sa ginamit nitong endearment. Iyon ang tawag sa kan'ya noon kaya nakaramdam na naman siya ng kakaiba. Napasinghap siya ng lalo nitong idiin ang sarili sa kan'ya. Ramdam niya sa pagitan ng mga hita niya ang alaga nitong naninigas na. Walang sabi-sabing sinakop nito ang labi niya mayamaya. Napapikit siya ng maramdaman ang labi nito na tinutudyo ang labi niya. Mayamaya ay hinuli nito ang dila niya. Kumawala ang mahihinang ungol sa bibig niya ng simulan nitong laruin ang dila sabay sipsip. Bahagya siyang napaliyad ng maramdaman ang isang kamay nito sa loob ng damit na suot sabay pisil sa dibdib niya, na may kasamang gigil. "Uhhm," ungol niya ng sipsipin ulit nito ang dila niya. Hindi siya tumutugon pero parang sapat na dito na hinahayaan niya lang ito. Parang sabik na sabik ito sa labi niya. Dahil Pagkatapos nitong sipsipin ng paulit-ulit ang dila niya ibabang labi naman ang sinipsip nito maging ang itaas na bahagi. Pinaglandas nito ang dila sa mukha niya hanggang makarating ito sa tainga niya na lalong ikinainit ng katawan niya. Bahagya din nitong kinagat. Awtomatikong napaliyad siya doon. Ramdam na ramdam niya ang maiinit nitong hininga. Bumaba ang mukha nito sa leeg niya. Hindi niya maiwasang mapaawang ng labi. Tumingin ang binata sa nakaawang niyang labi. Para kasi talagang nang-iimbita. Napasinghap siya ng muling sakupin nito ang labi niya. Mas sabik pa sa kanina. Mapusok. Kasabay niyon ang paghaplos ng kamay nito sa katawan niya. "Oh, s**t!" ungol nito ng pakawalan nito saglit ang labi niya at tumitig sa kan’ya. Bigla niyang itinulak ito papalayo sa kan'ya ng matauhan. Umiinit na ang pisngi niya. Hinaplos pa niya iyong ng kamay sabay tingin sa binatang titig na titig sa labi niya. Mabilis na tumalikod siya dito. Iniwan niya ito at dumerecho sa laundry area nito at doon nagkulong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD