Napangiti si Helena ng makita ang sobre.
Sumahod na siya! Tumataginting na twelve thousand pesos lang naman!
Ilang beses pa niyang hinalik-halikan ang puting sobre. Ngayon lang siya nakahawak ng ganito kalaking pera. Umaabot lang sa limang libong piso ang nahahawakan niya nitong mga nakaraang taon, maliban sa sampung-libong binigay sa kan'ya noon ni Axel.
May pambili na siya ng pasalubong sa anak 'pag-uwi. Hindi naman natuloy ang sinabi niya sa anak na uuwi siya. Hindi siya pinayagan. Isa pa, tuwing katapusan talaga nagpapasahod ang amo. Pinangakuan na lang niya ang anak ng laruan pag-uwi.
Kaya heto, excited siyang nahiga dahil maaga siyang aalis bukas. Sa Divisoria ang derecho niya. Doon siya maghahanap ng laruan para sa anak. May pa-order din siya kaya kukunin niya iyon sa supplier niya. Hindi niya akalaing may o-order pa sa kan'ya. Puro magagaling pa magbayad. Kaya, tiba-tiba siya sa kikitain niya.
After kasi ng trabaho niya, nagpo-post siya sa social media niya ng mga paninda. Nagpo-post din siya kapag bakante sa araw. Ayon, sa awa ng Diyos, marami siyang pa-order.
Hindi na namalayan ni Helena kung anong oras siya nakatulog. Basta may ngiti ang labi niya ng matulog siya.
Sadyang nag-alarm siya. Alas-singko siya gumising para makatulong sa kusina bago umalis. Dalawang araw ang day-off niya. 'Yon ang napag-usapan nila ng boss.
Pagkatapos kumain ay bumalik na siya sa silid niya para kunin ang maliit na bag na dadalhin pauwi. Wala naman siyang dalang damit kaya sling bag lang ang dala niya. Mabuti iyon para hindi mag-isip ang mga kasamahan niya ng kung anu-ano kaya hindi siya nagdala ng bag na malaki. Naikuwento na kasi ni Katkat na walang nagtatagal na assistant ng amo. Umalis ang mga ito. Kaya, iniiwasan niya iyon.
Kumaway siya sa mga kasamahan ng lumabas sa back door. Sa gilid siya dumaan papuntang main gate.
Sumakay siya ng trickle palabas ng subdivision na iyon. Pagdating sa main road ay pumara siya ng jeep, na may sign board na Divisoria.
Hindi traffic nang araw na 'yon. Kaya nakarating din naman kaagad siya. Pero hindi siya bumaba sa mismong mall dahil may nakita na siya sa mga nakalatag sa kabilang kalsada na mga laruan.
Inayos niya ang sarili kapagkuwan. Mahigpit na hinawakan niya ang sling bag na may lamang pera saka tumingin sa mga sasakyang papalapit.
Nasa kalagitnaan pa lang siya ng pagtawid ng makarinig ng busina. Sunod-sunod iyon kaya binalingan niya ang nasa harap na owner jeep.
Kumunot ang noo niya ng sumilip ang driver no'n. Napaawang siya ng labi ng makita si Axel. Ibinalik niya ang tingin sa magarang jeep nito.
Bagong desinyo ba ito ng jeep? Ibang-iba sa mga nakikita niya sa palabas, na gamit ng mga pulis.
Pero bakit ito narito sa Maynila? Dito ba ito nakadestino?
"Wait for me, Helena! Ipa-park ko lang ang sasakyan ko!" sigaw nito na ikinaawang ng labi niya.
Saka lang niya napansin na naka-uniporme ito ng pang-pulis.
Seryoso? Nagpapahintay ito? Feeling close?
Tinaasan niya ito ng kilay at nagmadaling naglakad. Napansin niyang nagiging cause ng traffic ang sasakyan ni Axel.
"Helena!"
Napapikit siya ng marinig ang sigaw nito. Nakakahiya, sa kalsada pa ito nagsisigaw ng pangalan niya. Pinagtitinginan tuloy siya. Merong nagsasabing tinatawag siya. Nginitian na lang niya ang matanda.
Hindi niya pinansin ang sigaw nito ng mga sumunod na sandali. Nagsumiksik na siya sa maraming tao para hindi makita. Hindi na tuloy siya nakabili ng laruan para kay Lexxie.
Kailangan niyang iwasan si Axel. Paano kung may makakita sa kanila na tauhan ng boss niya? May ilang branches pa naman ang restaurant ng amo dito sa Maynila.
Nakahinga siya ng maluwag ng mawala sa paningin niya ang kalsada. Napapalibutan na siya ng mga taong paroo't-parito. May mga nakatigil din para mamili ng mga bibilhin.
Nang makakita ng mga laruang nakalatag, mabilis na inihakbang niya ang mga paa palapit.
Iba't-ibang klaseng laruan ang mga paninda doon. May pang-babae at may pang-lalaki. Walang nabanggit ang anak kung ano ang gusto nito kaya nahihirapan siyang pumili. Kahit anong laruan naman kasi na-a-appreciate nito. ‘Yon talaga ang kagandahan sa anak niya.
Halos lahat magaganda para sa kan'ya. Kumuha siya ng isang barbie na tig-180, kitchen na maliit na tig-200 at isang headband na rabbit. Umiilaw iyon.
Nakangiting ibinigay niya iyon sa lalaking tindero para ibalot. Humugot siya ng isang libo sa wallet. Iaabot na sana niya ang pero ng biglang tinabig ang kamay niya ng isang lalaki.
“Heto po ang bayad sa tatlong laruan na ‘yan, Manong.”
Napatingin siya sa lalaking magsalita ng marinig ang pamilyar na tinig. Biglang tahip ng dibdib niya ng mapagsino iyon. Kaagad na binalingan niya ang tindero at ibinigay ang isang libo. Saktong nagsusukli na pala ito kay Axel.
“Manong, ako po ang magbabayad niyan. Pakibalik na lang po sa kan’ya.” Inabot niya ang pera pero tinanggihan nito iyon.
Mabilis na kinuha ni Axel ang sukli nito sa lalaki kasama ang laruan.
“Naku, sa kasama mo na lang ibigay Miss.” Ngumiti ang lalaki sa kan'ya kapagkuwan.
“Hindi ko ho- Ano ba, Axel!” Tiningnan niya ito ng masama ng hilahin siya nito palayo doon. Napakunot-noo siya ng makitang nakangiti ito.
“Axel… Hmmn, I like it. Call me Axel from now on. Okay?” anitong nakangiti pa.
“Sir, ano ba? Bitawan mo ang kamay ko.” Tumingin siya sa kamay na hawak-hawak pa rin nito.
Napaawang siya ng labi ng pagsiklupin nito ang mga kamay nila saka itinaas.
“Ganito ba dapat?” patay-malisya nitong tanong.
Napapikit siya pero iminulat din naman kaagad niya ang mata.
“Beautiful,” anitong titig na titig sa mukha niya.
Naguguluhang tiningnan niya ito.
“Seryoso ako, Sir. Pakibitawan po ang kamay ko,”
“Bibitawan ko kapag hindi mo ako babayaran.” Tumingin pa ito sa isang kamay niyang may hawak na pera.
Nag-isip siya saglit. Okay. Para naman ito sa anak nito. Baka may makakita pa sa kanila na magkahawak ang kamay kaya tumango siya dito.
Nakangiting binitawan nito ang kamay niya. Akmang kukunin niya ang pinamili ng ilayo nito.
“Ako na magdadala,” anito.
Napailing siya.
“Wala ho ba kayong pasok?” Sinuyod niya ang kabuuhan nito. Hindi na ito nakasuot ng uniporme.
Saan naman ito nagbihis?
“Meron,”
“‘Yon naman po pala, eh. Ibigay niyo na po ang laruan sa akin para makaalis na po kayo,” magalang na sabi niya dito. Inilahad pa niya ang kamay dito.
Tiningnan lang nito ang kamay niyag nakalahad kaya napataas siya ng kilay.
“Sir-”
“Axel. Call me Axel, or else I’ll kiss you,” pananakot nito sa kan'ya. “Sasamahan kita, sa ayaw at sa gusto mo.”
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at hinarap ito ng maayos.
“Ano ho bang kailangan niyo sa akin, Sir?” seryosong tanong niya dito.
Saglit na nag-isip ito at ngumiti. “Hindi ko alam, eh. Ano nga ba ang kailangan ko sa’yo? Basta, gusto lang kitang samahan.”
“Sir naman!”
“Isa pang Sir, Helena. Hahalikan na talaga kita,” seryosong sabi nito kaya natigilan siya sa sinabi nito.
Sa takot, tinalikuran na lang niya ito. Bahala na.
Hindi akalain ni Helena na seryoso ito. Sinamahan siya nito hanggang sa pamimili ng mga item na pa-order.
Hindi niya ito narinig na nagreklamo. Tatlong mall kasi ang inikot nila para kunin ang mga item. Marami na siyang dala pero mas marami itong bitbit.
“Dapat sa malaking mall ka bumibili ng mga gan’yan. Matibay ba ‘yan?” kuwestiyon nito ng huling kinuha nila ay charger ng telepono. “Paano kung sumabog ‘yan?” magkasalubong ang kilay nito.
“Puwede po bang itikom mo na lang ang bibig mo?” aniya dito.
“Sabi ko nga,” anitong nag-peace sign pa.
Napatingin siya sa relong pambisig ng makaramdam ng gutom. Tanghali na pala. Ang bilis lang ng oras. Buti na lang nabili na niya lahat.
"Kain muna tayo. Nagugutom na ako." Hinarap niya ito. Inaayos nito ang pagkakahawak ng mga plastic sa kamay.
"God! Wala bang cart dito?" seryosong tanong nito. Napatingin siya sa kamay nitong namumula na.
Tiningnan niya ito. Mukhang nahihirapan na nga ito. Ayaw lang nito magsalita. "Akina, ako na magdadala niya."
Mabilis na inilayo nito ang bitbit. Humakbang pa ito paatras. "Nasaan ba ang kainan dito?" anito, imbes na tumugon sa sinabi niya.
Ayaw naman kasing ibigay ang dala-dala tapos magtatanong ng cart. Meron siya, nasa bahay nila. Alanangan naman bitbitin niya iyon sa bahay ng amo.
Iginiya niya ito sa escalator. Nauna siyang sumakay. Hinarap niya ito. Bali, nakatingala ito sa kan'ya, na nakangiti.
Why so pogi naman Axel? Kahit pagod na, mukha pa ring fresh. Wala sa sariling napatitig siya sa labi ng basain nito. May kung anong kiliti siyang naramdaman sa katawan.
God! Lumabi lang ganito na kaagad ang pakiramdam niya?
"Watch out!" Bigla siyang napabaling sa harap ng sumigaw ito. Muntik na siyang madapa kakapantasya sa poging alalay niya. Tinampal niya ang ulo kapagkuwan.
Mayamaya ay iginiya niya ito sa food court. Dahil napagod ito, pinapili niya ito ng kainan at sinabihang libre na niya.
Hindi niya maiwasang mapangiti ng sabihin nitong sa Jollibee na lang. Chicken din pala ang paborito nito kagaya ni Lexxie.
Mag-ama nga talaga, aniya sa isip.
Gano'n din ang inorder niya. Pinili niya 'yong may soup. Nag-add lang siya ng extra rice para sa binata kung sakali.
Ihahatid na lang daw kaya bumalik siya sa inu-ukopa nilang mesa. Pagbalik niya ay may ka-text na ito. Nagtitipa kasi ito. Malamang si Ma'am Winona.
Hindi niya maiwasang malungkot. Nag-angat lang ito ng tingin ng mapansin siya. Ngumiti ito at tinago ang telepono.
Naupo siya sa harapan nito at nag-browse sa social media para abalahin ang sarili. Ilang minuto na siyang nagba-browse ng bigla siyang nakaramdam ng ilang. Napa-angat siya ng tingin.
Nagtama ang mga mata nila ni Axel. Titig na titig ito sa kan'ya.
Napahawak siya sa pisngi. "M-may dumi ba ako sa mukha?"
"Wala naman." Binawi nito ang tingin kapagkuwan. "N-nasaan nga pala ang asawa mo? Bakit hindi niyo kasama ng a-anak niyo?"
Hindi niya inaasahan ang sunod-sunod na tanong nito. So, narinig nga nito ang usapan nila ni Lexxie? Alam naman pala nito na may asawa siya. Bakit sinamahan siya nito? Para ano?
"N-narinig mo pala," mahinang sabi niya dito.
"Oo." Tumingin ito sa singsing niya. "Bakit hindi mo sinagot ang tanong ng anak mo?"
Tumitig siya sa mukha nito. Parang gusto niyang sabihing, kasi hindi naman alam ng ama nito na may anak ito sa kan'ya.
"Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya hindi ko masagot."
"LQ kayo?"
Napakunot-noo siya. "Anong LQ?"
Sasagot sana ito ng biglang dumating ang order nila.
Natawa ito habang nakatingin sa kan'ya. "LQ lang hindi mo alam?"
"E, sa hindi, eh!" may halong inis iyon.
"Lovers quarrel." Napatigil siya sa pagkuha ng platong may lamang pagkain ng marinig ang sinabi nito.
Aww. 'Yon pala 'yon. Hindi naman kasi siya nagka-nobyo kaya hindi niya alam 'yon.
"Hindi kami nag-away. Talagang hindi ko siya makausap ngayon dahil busy siya." Totoo naman. Busy si Axel sa nobya nito. Isa pa, natatakot siya sa reaksyon nito.
Natigilan ito saglit. "I see." Hindi niya alam kung Tama ba ang nabanaag niya sa mata na lungkot. "Mahal mo siya?"
Muntik na siyang masamid sa tanong nito. Mahal nga ba niya si Axel? Tumitig siya dito, gano'n din ito sa kan'ya at halatang hinihintay ang sagot niya.
"Hindi naman namin mabubuo ang anak namin kung hindi ko siya mahal." Pagsisinungaling niya.
Pilit na ngumiti ito sa kan'ya saka itinuon na lang ang sarili sa pagkaing nakahain.
Napatigil ito bigla ng mapatitig sa manok. Tumingin ito sa plato niya kapagkuwan. Napaawang ang labi niya ng bigla nitong ipinagpalit.
"B-bakit mo ipinagpalit?" nagtatakang tanong niya.
"Chicken wings ang favorite ko kaya ko ipinalit." Ngumiti ito pero parang may kakaiba.
Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Para itong si Lexxie.
Nang minsang dalhin niya ang anak sa Jollibee, gano'n din ang nangyari. Pinagpalit nito ang plato nila. Kesyo paborito daw nito ang wings. Doon din nito inamin na paborito talaga
Umiling siya kapagkuwan. Kinagatan na nito ang manok. Iniisip siguro nito na baka umalma siya at ipagpalit din. Mag-ama talaga ito.
Pritong pakpak ng manok is life. 'Yon yata nais na ipabatid ni Axel. Umorder pa kasi ito ng dalawang order pero pakpak lang ng manok ang kinain nito. Paniguradong magkakasundo ito at ang anak nito.
Nailing na ibinalik niya ang tingin sa kinakain niya.
Hindi na siya umimik hanggang sa matapos.
Pagkatapos nilang kumain ay tinulungan siya nitong makasakay ng jeep pa-Monumento. Malungkot na kumaway pa ito at kita niyang pumorma ang bibig nito ng salitang ingat.
Hindi niya maiwasang malungkot ng mawala ito sa paningin niya.