Chapter 4: At the barn

2542 Words
Napatigin si Helena sa panyong nasa maliit na mesa niya. Pinag-iisipan pa niya kung ibabalik ba ‘yon o hindi na. Naisip niyang ibigay din sana kay Lexxie. Pero baka lalong lumala lang ang sitwasyon nila. Sa huli, naisipan niyang itago na lang muna iyon. Saka na lang niya iisipin kung ibabalik ba ‘yon, o hindi. Napatigil siya sa pagsusuklay ng makarinig ng sunod-sunod na katok. “Helena!” Boses iyon ni Katkat kaya pinagbuksan niya ito ng pintuan. “Bakit?” “Tumulong ka sa amin. Hindi daw aalis si Ma’am. Magluluto tayo ng mga pagkaing ihahain para mamayang alas-diyes. Mukhang magbabad yata sila Ma’am sa pool, kasama ‘yong pulis na bofriend niya.” “Okay. Wala bang pasok ‘yong boyfriend niya?” “Naku, wala yata. Minsan lang naman kasi magawi ‘yan dito kaya siguro nilulubos-lubos na.” Napatango siya dito. Ngumiti ito sa kan’ya bago umalis. Napabuga siya ng hangin pagkasara ng pintuan niya. Hindi pa nga nagsisimula ang araw niya. Sira na kaagad. Naku, kung hindi lang talaga niya kailangan ng pera para sa pag-aaral ng anak hindi na siya papasok dito. Mabilis ang mga naging kilos niya ng mga sumunod na sandali. Dumerecho siya sa kitchen para tumulong. Pero naroon na ang ibang mga katulong kaya sa pool siya pinapunta ni Katkat Nadatnan niya doon si Dennis na naglilinis ng pool. Napakunot-noo ito ng makita siya. “What are you doing here?” anito at binitawan ang brush. “Hala, mag-tagalog ka nga. Pinay ang kaharap mo hindi foreigngerms,” natatawang sabi niya dito. Naiintindihan naman niya ang tanong nito. Hindi naman siya ganoon kahina para hindi maintindihan ang sinasabi nito. Kinuha niya ang isang brush at bumaba sa pool na walang lamang tubig. Talagang pinalinis ng boss ang pool. Sabagay, baka magkaroon ang mga ito ng sakit. Hindi na kumontra si Dennis ng magsimula siyang magkuskos. Maaga pa naman kaya paniguradong tapos na sila at nakapagpalit na ng tubig bago mag-alas-diyes. Tuwad doon, tuwad dito. Kung anu-anong posisiyon ang ginawa niya para hindi mangalay sa pagkuskos. May hose din siyang hawak gaya ni Dennis. Minsan sumasalampak din siya sa tiles kagaya ni Dennis. Pawis na pawis siya hanggang sa matapos sila ng binatang Driver. Inalalayan pa siya nitong umahon sa malalim na bahagi ng pool. Wala pang lamang tubig iyon. Si Dennis na lang daw ang bahalang magpalit ng panibagong tubig. Hinawakan niya ang laylayan ng T-shirt niya at pinunas sa mukha. Wala kasi siyang dalang pamunas. Nakatalikod naman siya kay Dennis kaya ang lakas ng loob niya. Kita ang pusod niya ng mga sandaling iyon. Napatigil siya sa pagpupunas ng leeg ng mapansing titig na titig sa kan’ya si Axel mula sa terrace ng bahay ng boss. Napatingin siya sa tiyan nang mapansing bumaba ang tingin nito. Saka lang niya napagtantong nakalitaw ang ibabang bahagi ng bra niya. Nahihiyang ibinaba niya ang damit para takpan iyon. Ibinalik niya ang tingin dito. Ngayon lang niya napansin, na wala itong suot na damit. Kita tuloy ang angking kakisigan nito. Nakaka-akit. Bakit ganoon? Hindi niya alam kung smile ba ang iginawad nito sa kan’ya kapagkuwan, o ngitin. Para kasing pang-asar. Itinaas pa nito ang tasang hawak bago tumalikod papasok ng silid ng boss. Sapo niya ang ulo ng makitang tumalikod na ito. Bakit ba nawala sa isip niya na baka may nakatingin sa kan’ya? Nakakahiya tuloy. Ang harot talaga ng pulis na ‘yon! Dapat ito ang mag-adjust dahil ito ang unang nakakita. Hindi naman niya sinasadyang ipakita ang sarili dito. Halata pa rin ang inis sa mukha niya ng pumasok siya sa malaking bahay. Nahagip pa ng mata niya na pababa ito ng hagdan. May dala itong tasa. Marahil, iyon ang ginamit nito kanina. Jesus! Hindi man lang nagsuot ng damit! Kitang-kita naman ang pandesal nito! Gusto yatang pinagpipiyestahan ito ng mga tauhan ng nobya nito. Siyempre, hindi siya kasali doon. Buti pumapayag ang boss niya na maglakad ito na ganoon ang suot. Kung siya lang ‘yan, hindi puwede. Dapat exclusive lang sa kan’ya. For her eyes only kumbaga. Tinampal niya ang noo dahil sa isiping iyon. Hoy, Helena! Hindi porket may anak kayo ng lalaking ‘yon ay puwede mo na siyang angkinin! Mahiya ka sa boss mo! anang isang tinig sa isip niya. Tumingin siya kay Axel na malapit na sa huling baytang ng hagdan. Matamis na ngumiti ito ng makita siya. Hindi siya gumanti ng ngiti. Yumuko lang siya dito at dere-derechong pumasok sa quarter nila. Napasandal siya sa pintuan ng silid niya ng makapasok. “Hanggang kailan ba kasi s’ya dito? Ano kaya kung i-report ko?” aniyang naisatinig. Anong kaso naman? Panggugulo? As in panggugulo sa isip niya? Napangiwi siya ng maisip na wala naman yatang nailabag na violation. Pagkatapos niya magbihis ay dumerecho siya sa kitchen. Hindi pa nga pala siya nag-almusal. Kaya pala nanginginig na ang mga laman niya. “Hindi ka pa pala nag-aalmusal?” Napatingin siya kay Lilith ng biglang pumasok ito. Naghatid kasi ang mga ito ng mga iihawin sa pool. Umiling siya sa kasamahan at ipinagpatuloy ang pagsubo. “Kayo ba tapos na lahat?” tanong niya dito. “Kanina pa. Magmi-miryenda na nga kami mamaya.” May kinuha itong baunan. “Sa susunod kumain ka sa ayos. Ayaw pa naman ni Ma’am ng sakitin. Isa pa, assistant ka niya.” Tumango siya kay Lilith kapagkuwan bilang pagsang-ayon. Tama nga naman. Mabilis na tinapos niya ang pagkain at sumunod sa pool. Ipinusod niya ang buhok dahil tumatakip sa mukha niya. Pagdating niya ay si Katkat lang at Dennis ang naroon. Umalis pala si Lilith at si Aling Nelia. Araw pala ng grocery ng mga ito ngayon kaya sila na lang ni Katkat ang natira. “Grabe, mukhang napagod yata si Ma’am,” halos pabulong ni Katkat ng matanaw ang amo nila na si Winona, na palabas ng sliding door. Kasunod nito si Axel. Nakaroba ang amo pero alam niyang nakasuot na ito ng swimwear. Siniko niya si Katkat at umalis sa tabi nito. Sinalubong niya ang amo. “Good morning, Helena. I would like a cup of tea today. How about you, Sweetheart?” baling ni Winona kay Axel. "I'm done with my coffee, my dear." Tumango naman ang amo at binalikan siya. Kaagad na lumapit siya sa round table at nagsalin ng tea. May mga nakahanda na rin kasing inumin nito. May juice at kape din. Iniwan niya ang dalawa ng pumunta ang mga ito sa sun lounger. Hindi niya maiwasang sumulyap sa dalawa ng lagyan ni Axel ng sun protection cream ang amo. Napalunok siya ng magtanggal ng suot na shorts si Axel kapagkuwan. Naka-swimming trunks na lang ito ng lumusong sa pool. Pinapanood lang ng ito ng nobya nito. “Ang suwerte ni Ma’am, noh? Ang sweet kasi ni Sir. Tapos, guwapo at hot pa,” komento ni Katkat habang binabaliktad ang niluluto. “Hmmn,” walang ganang sagot niya habang inaayos ang ibang luto na. Mukhang kailangan na niyang umalis. Napansin niyang lumusong na din ang amo at patungo ito sa gawi ni Axel. “Kat, okay lang ba kung ikaw na magpatuloy nito? Bigla kasing sumakit ang puson ko,” aniya sa katrabaho ng mapansing malapit ng maluto ang nakasalang nito. Barbecue na lang kasi ang kulang. Ang ibang pagkain ay nakahain na. Ang bilin naman kasi kanina ni Aling Nelia, kapag tapos na, puwede na silang umalis. Ang boss na daw ang bahalang magpakain sa nobyo nito. Tatawag na lang daw ito kapag kay kailangan. Iyon naman ang bilin ng matanda kay Katkat, na sinabi naman nito sa kan’ya. “O, sige, sige.” Nakangiting sabi ng kasamahan. Hindi na niya nilingon ang dalawang naghaharutan sa pool. Hindi kaaya-aya talaga. Pakiramdam niya magkakasakit siya sa puso habang pinapanood ang mga ito. Sana naman kasi, umalis na ang lalaking ito para walang problema. Hindi na nagiging healthy ang puso niya. Saglit na nahiga siya sa sariling higaan. Sinusubukan niyang matulog dahil kulang naman talaga kasi ang tulog niya. Pero hindi niya magawang ipikit ang mga mata. Inis na lumabas siya ng silid at pumunta sa likod ng mansion. Doon maraming puno. Presko pa kaya siguradong mare-refresh ang utak niya kahit papaano. May maliit na kamalig din naman sa likod. Doon sila kadalasang nagkukuwentuhan sa gabi kapag hindi makatulog. Hindi sinasadyang napahawak siya sa singsing ng maupo sa ilalaim ng puno, na nasa likod ng barn. Tinanggal niyo iyon sa palansingsingan tapos ibinalik. Siguro nakatatlong ulit pa siya na tanggal-balik ng singsing. Matatanggal niya din ito kapag naipaliwanag na niya sa anak ang lahat. Napangiti siya ng mapakla ng maalala si Axel. Hindi na siya aasa dito. Mukhang mahal na mahal naman nito ang amo. Kagaya nga ng sinabi ni Katkat na sweet ito. Totoo naman. Biruin mo, sinamahan pa niya ang amo pauwi kagabi at nilaanan pa ng oras kahit abala ito sa trabaho bilang pulis. Bihira lang magkita pero sinusulit naman. Sana dumating ang araw din na maipakilala niya si Lexxie kay Axel. Sana, tanggapin nito ang anak nila. Kilalanin lang nito si Lexxie bilang anak, kontento na siya. Kahit hindi nito suportahan ay okay lang sa kan’ya. Iyon na lang ang hinihiling niya. Kinuha niya ang telepono at idinayal ang numero ng Nanay Norma niya. Kahapon pa niya hindi nakakausap ang anak. Mabilis din namang sinagot ng matanda ang tawag niya at ibinigay kay Lexxie. Tinap niya ang loudspeaker icon sa telepono. “Nanay! Miss na po kita. Kailan ka po uuwi?” Napangiti siya sa bungad ng anak. “’Pag day-off ko anak, uuwi ako. M-miss na miss ka na din ni Nanay.” Biglang basag ng boses niya ng sabihin ang miss na miss. “Yehey! Matagal pa po ba ‘yon, Nay?” “Malapit na anak. Nextweek na po.” “Talaga po? Malapit na po! Tumawag na po ba si Tatay?” Natigilan siya sa tanong nito. Ilang minuto siyang hindi nakaimik. “A-anak, kailangan ko ng magpaaalam pinapatawag na ako ng boss ko. Tatawagan kita ‘pag hindi na ako busy, ha?” palusot niya sa anak. “Sige po ‘Nay. I love you!” “M-mahal na mahal din kita, anak!” Pigil ang sarili niyang hindi maiyak dito. Pinatay niya kapagkuwan ang telepono sabay pikit ng mata. Tinampal niya ang dibdib kapagkuwan. Ang hirap talaga kapag ama nito ang pinag-uusapan. Ang hirap umiwas. Ayaw niyang masaktan ito pero parang doon iyon tutungo. Lalo pa ngayon na may nobya ang ama nito. Mahirap ang sitwasyon nila ngayon. Hindi rin niya alam kung paniniwalaan siya ni Axel kung sakaling sabihin niya dito, na siya ang babaeng nakatalik nito sa hotel na iyon. Baka magduda din ito dahil sobrang tagal na. Nangalay ang pang-upo niya dahil sa ugat na nakausli. Doon kasi nakalapat ang isang pisngi ng pang-upo niya. Magkabilaang ugat pa naman iyon, kaya magkabilaang pisngi ng puwet niya ang nakalapat din doon. Tumayo siya para lumipat sa malaking kamalig. Parang hindi nga barn iyon kasi may maliit na banyo, kuwarto, sofa at kitchen. Kuwarto at banyo lang din ang may dingding kaya presko kapag sa sofa naupo. Napatigil siya sa paghakbang papasok ng makita sa maliit na sofa si Axel. At talagang pinagkasya nito ang sarili doon. Nagtatakang lumingon siya dahil baka kasunod nito ang boss niya. Ng masigurong wala ang amo. Ibinalik niya ang tingin sa binata. Nakatitig pala ito sa kan’ya partikular na sa kamay niya. Hindi niya alam kung sa telepono, o sa kamay niya ito nakatitig dahil naka-freeze sa ere. Mabilis na tinago niya ang kamay ng ma-realize na kita ang singsing niya. Kanina pa kaya doon si Axel? Narinig kaya nito ang usapan nila ng anak? Hindi niya maiwasang mapakagat labi sa isiping iyon. Namalayan na lang niya ang sariling nakipagtitigan dito. Bigla siyang kinabahan ng marinig ang boses ng amo. Malayo pa ito sa barn. At, mukhang hinahanap nito si Axel. Hindi niya alam ang gagawin kaya tumingin siya sa binata. Akmang aalis siya ng bigla siyang hilahin ni Axel papasok sa banyo. Napahawak siya sa dibdib nitong walang saplot. “S-sir!” “Ssshhh!” anito at inilapat nito ang dalawang daliri sa bibig niyang nakaawang na. Parang baliktad. Dapat sa bibig nito pinalapat ang daliri hindi sa bibig niya. Napalunok niya ng maramdaman sa tainga niya ang sunod-sunod na paghinga nito. Narinig niya ulit ang boses ng amo na palapit na sa barn. Teka? Bakit ba sila nagtatago, e wala naman silang ginawang masama? “S-sir, b-bakit ba tayo nagtatago?” mahinang tanong niya. Natigilan ito napatitig sa kan’ya. Marahil tinatanong nito ang sarili nito kung bakit nga ba sila nagtatago. Napasinghap siya ng bigla siya nitong kabigin. Pakiramdam niya may kuryenteng dumaloy ng magdikit ang katawan nila ng binata. Bahagya siyang lumiyad para hindi maglapit ang mukha nila. “Don’t speak, or else I’ll kiss you,” banta nito na pabulong. Kasabay niyon ang pagtayo ng mga balahibo niya. Sa takot na totoohanin nito. Hindi na siya umimik. Hindi sinasadyang napatingin siya sa mukha nito, na titig na titig na rin pala sa kanya. Bumaba ang tingin nito sa labi niya. Napasunod ang mga mata niya ng lumunok ito. Kita niya ang paggalaw ng adams apple nito. Gumalaw ang mukha nito. Palapit iyon sa mukha niya kaya bigla siyang nataranta. Hindi niya alam ang gagawin kaya tinakpan niya ang bibig niya. Buti na lang naunahan ng palad niya ang labi nitong lalanding na sana sa labi niya. Tuloy, sa kamay niya lumapat ang labi nito. May isang bahagi ng isip niya, na sumigaw ng sayang. Sabay silang napatingin ng binata ng marinig ang amo at si Katkat na nag-uusap. Nasa labas na ang mga ito. Sunod-sunod na nagtaas-baba ang dibdib niya. Ngayon lang siya kinabahan ng ganito. Pakiramdam niya ay hinahabol siya. Paano kung may pumasok sa banyo? Paano kung mahuli sila sa ganoong posisyon? Baka mawalan pa siya ng trabaho kung sakali man. Inipon niya ang lakas para itulak ang binata pero sadyang mas malakas ito sa kan’ya. Lalo tuloy humigpit ang pagkakayakap nito sa kan’ya. Tiningnan pa siya nito na puno ng pagbabanta. Kaya, lunok ng laway na lang ang ginawa niya. “Have you seen Axel?” Si Winona iyon. “Hindi po, Ma’am,” dinig niyang sabi ni Dennis. “Hindi kaya nasa kuwarto mo po Ma’am?” ani ni Katkat sa amo. “Maybe. I’ll check. Tutal magbibihis lang din naman ako. Pero ‘pag nakita niyo sabihin niyong hinahanap ko siya. I need to go. I have an urgent meeting. And Dennis, paki-ready ng sasakyan, please.” “Yes, Ma’am!” halos na sabay na sabi ni Katkat at Dennis. Nakahinga siya ng maluwag, nang wala ng boses siyang narinig. Napapikit pa siya. Buti na lang walang nagtangkang magbukas ng banyo. Wala sa sariling napayukyok siya sa matigas na dibdib ni Axel. Lumapat pa ang labi niya sa dibdib nito dahilan para suminghap ito. “Damn!” Bigla siyang natauhan at napa-angat ng tingin nang marinig ang boses nito. Naitulak niya rin ito ng malakas sabay labas ng banyong iyon. Hiyang-hiya siya sa ginawa! Nawala siya sa katinuan! Nawala sa isip niyang kasama pa niya ang binata sa loob ng banyo. Tinampal-tampal niya ang ulo ng makalayo sa barn na iyon…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD