Chapter 3: Handkerchief

2214 Words
“Salamat!” nakangiting sabi niya kay Dennis ng iabot nito ang juice sa kan’ya. “Welcome!” tugon nito sa kan’ya. Iniwan sila ng boss nila dito habang ito ay kasama ni Axel. Sa nakita niya kanina, mukhang marami ang mga ito sa isang silid, na pinasukan ng mga ito sa second floor ng bar na iyon. Inilinga niya ang mata. Sila lang ni Dennis ang magkaharap sa table malapit sa counter. Napako ang tingin niya sa dance floor kapagkuwan. May mga sumasayaw ng maharot. May naghahalikan. May mga sumisigaw dahil sa saya. Mga walang pakialam din ang mga ito sa paligid. Sana lahat ganoon kasaya. Para kasing mga walang problema ang mga nasa gitna ng dance floor. Gusto niyang libangin din ang sarili kahit papaano. Gusto niyang kalimutan kung sino ang nakita niya ngayon lang. Gusto niyang makalimutang nobyo ito ng mabait niyang amo. Kailangan niyang mag-move-on. Walang mangyayari kung aasa siya, na posibleng mabuo ang pamilya niya. Ang pamilyang matagal ng hinahangad ng anak. Ang pamilyang nais na mabuo ng anak. Well, suntok sa buwan. Una, hindi naman sila magkakilala ni Axel. Pangalawa, naka-one night stand niya lang ito. So, wala itong responsibilidad sa kanila ni Lexxie. Wala. Pangatlo, kasalanan niya kasi pumayag siya kapalit ng pera. Hindi niya inisip ang kahihinatnan no’n. Pang-apat, siya lang naman itong nakaka-alala sa buong pangyayari nang gabing iyon. Siya lang. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago sumimsim ng juice. Hindi niya maiwasang pagtawanan ang sarili. Siya lang yata ang umiinom ng juice ng mga sandaling iyon. Hindi sinasadyang napatingin siya sa second floor ng bar ng lumabas ang amo niya at si Axel. Tumigil ang mga ito sa isang pribadong silid din at nagmadaling pumasok doon. Napapikit siya kapagkuwan. Hindi niya maiwasang isipin kung ano ang gagawin ng dalawang iyon sa pribadong silid na iyon. Inaamin niya, nakaramdam siya ng kirot sa dibdib. Siyempre, ilang taon niya ding iginuhit ito sa isipan niya. Maging sa puso niya yata. Tumingin siya kay Dennis kapagkuwan. Saka lang niya napansing titig na titig ito sa iniinom niya. “Ayaw mo ba talaga ng alak? Kahit ladies drink lang? Like wine,” suhestiyon nito. Matagal bago siya nakapagsalita. Wala naman sigurong masama kung uminom siya. Minsan lang naman. Sa pagkaka-alam niya nakakatulong ito minsan para makalimot, kahit sandali lang.. “Libre ba?” tanong niya dito. “Yes, libre ‘to ng boyfriend ni Ma’am. Isa kasi sa may-ari si Sir Axel ng bar na ito,” paliwanag nito. So, talagang mayaman ang ama ng anak niya? Hindi naman siguro kawalan kay Axel kung umorder siya ng maraming alak. Hindi naman yata ito maghihirap. “Ahhh, okay.” Tumango-tango siya rito. “Sige. Puwede mo ba ako i-order?” Ngumiti ito sa kan’ya. “Wait,” anito at tumalikod na. Sinundan niya ito ng tingin na palapit sa counter. Mayamaya ay bumalik ito. “For you, a champagne cocktail,” nakangiting sabi ni Dennis. Kaagad na kinuha niya iyon. Itinabi niya ang juice sa gilid. Dahil hindi naman siya sanay uminom, napa-ismid siya ng malasahan iyon. Para sa kan’ya mapait na ‘yon. OA niya pero ‘yon ang nalalasahan niya. Wala naman kasi siyang hilig sa alak kahit Gin man lang. Kalaunan, nagustuhan niya ang lasa kaya inubos niya iyon at humingi ulit kay Dennis. Naka-tatlo yata siya. Pang-apat na niya ito kung sakali. Nagtatakang kinuha niya ang dala ni Dennis. Hindi na iyon ang iniinom niya kanina. “A-anong tawag dito?” aniya dito. Natawa ito ng mahina. “Bloody Mary. Try mo, masarap din ‘yan,” “Talaga?” Tumango naman ito kaya kaagad na tinikman niya. Pakiramdam niya groggy na siya dahil sa dalawang klase ng alak na iyon. Naghalu-halo na sa tiyan niya. Ikaw na kasi hindi sanay uminom. Ang lakas ng loob niya. Parang gusto niyang maghilamos sa banyo kaya tinanong niya ang binatang driver. "S-saan ang banyo dito?" aniya kay Dennis na hinihilot ang sintido sabay kapa ng pisngi. Itinuro nito sa kan'ya ang signboard na umiilaw. "Samahan kita-" "'Wag na, Dennis. Si Ma'am ang bantayan mo. Baka mapano 'yon." Sabay sulyap sa second floor. Baka mapano sa langit. Sabagay, mukhang tuwid ang daan papuntang langit, napangiwing sabi niya sa sarili. "Sure ka?" "Oo. Diyos ko, ako pa ba? Saka walang magkakainteres sa mahirap na kagaya ko." Natawa ito sa sinabi niya. "Maganda ka kahit mahirap ka lang." Sakay nito sa sinabi niya. "Hindi nakakabuhay ang ganda, Dennis. Nganga siya kapag pinatulan ang kagaya kong dala na," aniya sabay diin sa salitang dala. Iminuwestra pa niya ang kamao at idinuldol sa bibig ng dalawang beses. "Ikaw nga din, guwapo. Para kang hindi driver." Ngumiti siya pero umiling-iling ito sa sinabi niya. Pakiramdam niya gumaganda ang mata niya kaka-beautiful eyes niya. Salamat naman sa nainom niya. Naglalakad siya noon papasok sa hallway kung saan naroon ang banyo. May dalawang pinto siyang natatanaw. Kaagad na sinipat niya ang picture na nakadikit sa pintuan. Ng masigurong pambabae ang nakadikit sa pintuan. Tinulak niya iyon. Dahil nakaramdam na rin siya ng tawag ng kalikasan. Umihi muna siya bago naghilamos ng mukha. Wala siyang makitang tissue para sana punasan ang mukhang hinilamusan kaya kinapa niya ang panyo sa bulsa niya bago lumabas. Sa labas na lang niya tutuyuin ang mukha. May mga pumasok na kasi na mga babaeng maiingay sa banyo. Bigla siyang nahiya sa suot niya ng tingnan pa ang mga ito. Nakailang hakbang pa lang siya palayo sa banyo ng may bumangga sa kan'ya. Dahilan para mahulog ang panyo niya, na ipapampunas niya sana sa mukha. Akmang pupulutin niya ng tapakan iyon ng kung sino. "Bakit mo inap-" Napatigil siya sa pagsalita ng mapagsino iyon. Biglang nag-unahan sa pagtahip ang dibdib niya. Lasing na ba siya? Pati ba naman dito nakikita niya ang mukha nito. Per in fairness, ang guwapo talaga nito. "Nakakainis!" biglang naisatinig niya. Kumunot ang noo ng guwapong mukha nito. Si Axel nga talaga! "Madumi na ang panyo kaya bakit mo pupulutin? Para gamitin ulit? Tsk," anito sabay iling. Nakaramdam siya ng inis. Hindi niya na lang pinansin ang sinabi nito. May side naman na hindi pa madumi kaya niya pupulutin talaga. Hinawakan niya ang paa nito at pilit na tinanggal sa pagkakaapak sa panyo pero sadyang malakas ang binata. Lalo nitong diniinan ang pagkaka-apak nito. "Sir, ano ba!" aniya ng tingalain ito. Naka-krus na ang mga braso nito na nakatingin sa kan'ya. Titig na titig ito kaya napalunok siya. Nagbaba siya ng tingin at pilit na tinanggal ang paa nito. "Ang kulit mo, Miss. Madumi na nga, eh," anang baritonong boses nito. Nag-angat ulit siya ng paningin. "Mawalang galang na po, Sir. Pero paki mo ba? E, sa akin naman ang panyong inaapakan mo. Mahal ang pagkakabili ko niyan kaya pakitanggal po ng paa niyo, Sir. Lalong dumumi dahil sa sapatos niyo." Umangat lang ang kilay nito. "Magkano ba 'yan?" "Fifty pesos!" pasigaw na sagot niya. Biglang napaubo si Axel sa sinabi niya. Hindi niya alam kung tawa ba ang pinakawalan din nito. Pero nakakainsulto. "Mahal na 'yon sa'yo? Fifty pesos? As in sengkuwenta lang?" Tumawa pa ito. Kaagad na lumukot ang mukha niya sa sinabi nito. Nila-lang lang nito ang sengkuwenta? Kagigil, ha! E, 'di Ikaw na ang mayaman! sigaw niya sa isip. "Oo, mahal. Kaya, pakitanggal na po," aniya pero sa matigas na himig. Hindi ito natinag kaya lalong nadagdagan ang inis niya. Akmang kukurutin niya ang binti nito ng may tumawag sa kan'ya. "Helena!" Lumingon siya kay Dennis na lakad takbo. "Akala ko napano ka na. Ang tagal mo kasi. Halika na, at hinahanap ka na ni Ma'am," halata ang pag-aalala nito sa kan'ya. Tumingin pa ito kay Axel. Yumuko pa ito bilang respeto. Tumayo siya kapagkuwan at tiningnan si Axel. Sinulyapan niya din ang panyo niya. Okay. Good bye, Armando C! Bibili na lang ako kapag sumahod na ako. malungkot na sabi niya habang nakatingin sa panyong inapakan ni Axel. Iginiya siya ni Dennis palayo sa hallway na 'yon. Nanghihinayang talaga siya sa panyo. Katas iyon ng online at offline selling niya. Sa Divisoria pa niya iyon binili. Napatingin siya sa boss na naglagay ng make-up. Hindi niya maiwasang matawa sa loob-loob. Marahil, nahulas dahil sa biyaheng langit nito, at ni Axel. Ngumiti ito ng makita siya. Whoah! Ngiti pa lang parang nakarating nga ng langit. Tinampal niya ang ulo dahil sa isiping iyon. Gumanti siya ng ngiti sa boss kapagkuwan. Mukhang uuwi na sila. Napatingin siya sa relo niya. Madaling araw na pala. Napahawak siya sa ulo. Parang nawala yata ang lahat ng ininom niya dahil kay Axel kanina. Ngayon niya lang napagtantong mayabang ito. Buti na lang hindi namana ng anak nila. Muli, nakaramdam na naman siya nglungkot. Napaiwas siya ng tingin ng makitang niyakap ni Axel ang boss mula sa likod. Nagkatinginan lang sila ni Dennis. Bago pa man maghalikan ang mga ito sa harapan nila ay inakay na siya ni Dennis palabas. Iniwan nila ang dalawang wala ring pakialam sa paligid. Napangiti siya ng mapakla pagkalabas. Kailangan na talagang sabihin niya sa anak na hindi na mabubuo ang hinahangad na pamilya nito. Mabilis lang naman sigurong maka-move-on. One sided love lang naman ang meron sila ng ama ni Lexxie. Malay ba ni Axel, e lasing ito nang gabing iyon at nakainom pa ng party drugs. Sino lang ba siya? Wala nga siyang maipagmamalaki. Walang-wala naman siya sa boss, na nobya nito. Mayaman na, ubod pa ng ganda. Hindi na siya nagtaka ng makitang kasama ito ng boss hanggang sa labas. Kapit-tuko talaga ang boss niya kay Axel. Nakaramdam tuloy siya ng inis, na hindi naman dapat. “Hmmn, sarap anuhin,” gigil na kausap niya sa sarili. Hindi naman narinig ng mga ito dahil tumigil pa para magharutan. Mabilis na kumilos si Dennis para pagbuksan ng pinto ang dalawa. Siya na ang nagbukas ng pinto ng pasenger seat, na nasa harapan. Sa unahan siya naupo dahil hindi naman puwedeng makitabi sa mga ito. Baka masipa niya lang ang mga ito palabas sa sobrang inis. Sa labas lang siya nakatanaw dahil naasiwa siya tumingin sa salamin. Kitang-kita niya kasi sa salamin ang ginagawa ng mga ito. Bahagya lang niyang ipinikit ang mga mata. Nakikinita na niya ang magiging reaksyon ng anak kapag sinabi niyang wala naman talagang ama na sumusuporta dito. Mukhang matinding paliwanagan ang mangyayari sa kanila nito. Napatingin siya sa singsing niya. Hinawakan niya iyon at nilaro. Sinadya niyang bilhin ito para maipakita lang sa anak na kunwari ay kasal siya sa ama nitong nasa abroad kuno. At para din hindi na magtanong ang mga kapitbahay nila. Mura lang ang pagkakabili niya sa silver na singsing na ito. Muli siyang napapikit. Hindi sinasadyang napatingin siya sa salamin ng magmulat siya. Saktong nakatingin din pala si Axel sa salamin. Saglit na nagtama ang paningin nila. Iniwas niya ang tingin at ibinalik ang atensyon sa labas. Siya ang ipinagbukas ni Dennis ng pintuan pagkadating sa bahay ng boss dahil nagpaka-gentleman si Axel sa amo niyang si Winona. Sabagay, girlfriend, e. “Salamat,” nakangiting sabi niya sa driver. Hinintay niyang makababa ang boss para kunin ang ilang gamit nito na naroon sa likod. Hinatid niya iyon hanggang sa silid ng boss. Nilagpasan niya ang dalawa kanina. Naupo pa kasi ang mga ito sa sofa. Nag-uusap pa. Pagbalik niya ay sinabihan siya ng boss na magpahinga na. Kaya mabilis na tinungo niya ang quarter nila. Siya lang ang bukod tanging walang kasama sa quarter. Pagkatapos maglinis ng sarili sa banyo, na nakalaan sa lahat ng kasambahay ay nahiga na siya. Pero pabaling-baling lang siya. Hindi mawala sa isip niya ang ama ni Lexxie. Hindi niya lang kasi lubos maisip na makikita pa ito, at nobyo pa pala ng boss niya. Kahit yata mag-tumbling siya higaan hindi siya makatulog. Kaya, lumabas siya para magtimpla ng gatas. Nakalagay ang gatas nila sa dirty kitchen samantalang ang sa amo ay nasa dining area. May malinis na kitchen doon na nakalaan lang sa amo at sa mga bisita nito. Pagkatapos magtimpla ay naupo siya sa upuan. Nakataas na ang isang paa niya. Napatigil siya pagtaas ng kanang paa ng may naglapag ng panyo sa mesa. Napa-angat siya ng tingin. Bigla siyang napako sa posisyon ng mapagsino iyon. Ang lalaking gumugulo lang naman ng isipan niya. “I’m sorry sa inasta ko kanina. Kunin mo bilang kabayaran sa panyong inapakan ko.” Humaba pa ang nguso nito sa gawi ng panyong nasa mesa, saka mabilis na tumalikod ito. Ni hindi man lang hinintay nito na tumanggi siya. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakatingin sa nilabasan nito. Bumaba ang tingin niya sa panyong binigay nito. Kinuha niya iyon. Wala sa sariling inamoy niya iyon. Napapikit siya ng masamyo ang mabangong amoy ng panyo. Ganitong-ganito ang amoy ni Axel nang gabing iyon. Hindi niya maiwasang balikan ang pangayayring iyon. Bigla siyang nakaramadam ng init kaya napamulat siya. Ibinalik niya ang tingin sa pintuan ng kusina baka kasi nakita siya nito na inaamoy iyon. Kanina pa kaya inaabangan nito ang paglabas niya? Para ano? Para humingi ng paumanhin? Bigla niyang ipinilig ang ulo. Ah, basta hindi niya nagustuhan ang inasta nito kanina. Magkaiba sila ng mundong ginagalawan kaya ganoon na lamang ito makapag-lang ng singkuwenta pesos. Isang kilong bigas at itlog din kaya ang mabibili no’n! Kaya nakakapang-hinayang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD