Episode 4- Silent Hero

1271 Words
Panay ang mura ni Dale habang nakatingin sa salamin ng restroom ng hospital, putok ang labi n'ya dahil sa pag kaka headbutt sa kanya ng nurse. Grabe s'ya na nga ang nag magandang loob na tulungan ito dahil na aawa s'ya rito ng makitang sampalin ito ng isang doctor. Tapos hindi man lang nag sorry ng malaman na hindi naman pala ito may kasalanan na sinunod lang nito ang nasa chart, muntik pa itong mawalan ng lisensya ng dahil lang sa pag kakamali ng ibang nurse. Ang worst of all tinawag pa s'yang baboy, kung ibang babae baka sinunggaban na s'ya. Sinunggaban nga s'ya headbutt naman ang binigay sa kanya. Umupa pa s'ya ng tao para lang hanapin ito at nalaman n'yang nurse pala ito sa hospital na pag-aari ng pamilya nila. Katelyn Villegas ang pangalan fresh graduate ng BS nurse at board passer pa with flying color. Kahapon gitil na gitil s'yang madala ito sa kama pero ng makita n'ya itong sampalin at umiyak parang gusto na lang n'ya itong yakapin at patahanin na lang saka parusahan ang mga umaway rito. He felt he wanted to protect her from harm. "Hay! Ano bang paki-alam ko sa kanya. Kainis!" bulong pa n'ya na kumuha ng tissue at pinunasan ang mukha ang nguso na naampat na ang pag dudugo. Sakto naman labas n'ya ng men's room padaan naman ang doctor na nanampal kay Katelyn kasama ang ilang nurse na nasa likuran nito. Mabilis n'yang pinigilan ito sa braso na ikinahinto nito sa pag lalakad na nilingon s'ya. Ngumiti naman s'ya pero mas more sa ngisi iyon. "Next time na gagamitin mo yang suot mong white gown to trample your subordinate dahil lang nurse sila at ahead ka, make sure na walang makakakita. Dahil next time na makitang kong lumapat yang kamay mo sa mukha ng tulad nila." ani Dale sabay tingin sa mga nurse na kasama nito. "Titiyakin kong hindi mo na masusuot yan puting gown na suot mo, sayang bagay pa naman sa'yo." ani Dale sabay bitaw rito at tumalikod. "And who do you think you are para takutin ako." galit na tanong ni Shirly na sinundan ng tingin ang lalaki humarap habang patalikod na nag lalakad na ngumiti. "I'm Dale Andrew Lagdameo and I'm the king of my world." sagot nito saka idinipa ang dalawang braso sabay kindat na impit na ikinilig ng mga nurse na kasama ng doctor pero agad din mga natahimik dahil sinamaan ng tingin. - - - - - - - Nag salubong ang kilay ni Dale ng makita ang dalagang nurse na nakaluhod sa harapan ng isang lalaking umiiyak. Sabog-sabog ang buhok ni Kate na mukhang sinaktan ng lalaki. Umiiyak si Kate pero tahimik lang itong naka yuko. "Akala mo ba mababalik ang buhay ng asawa ko kahit lumuhod ka pa d'yan mag hapon o habang buhay pa. At hindi dapat ikaw ang nasa harapan ko kundi yung nurse na nag kamali. Kilala kita Nurse Kate, intern ka pa lang. Gustong-gusto ka ng asawa ko, hindi ka naman mag kakamali kung hindi sila ang nag kamali. Kaya tumayo ka na d'yan dahil batas na ang bahalang mag parusa sa nurse na gumawa ng record ng asawa ko." "Single parent lang po s'ya, may 2 anak na binubuhay at special child pa ang isa. Kaya ako na lang po ang sasag____." naputol ang sasabihin ni Kate ng magulat ng biglang may humawak sa braso n'ya at sapilitan s'ya itinayo saka hinila. "Ano ba!" inis na pilit na binabawi ni Kate ang braso na hawak ng lalaking ito nanaman. "May utak ka pa ba? Bakit mo aakuin ang kasalanan ng iba ha, ano ka santa? hindi ka tutubuan ng pakpak kahit gawin mo yun." "Ano bang pakialam mo. Ano ba bitawan mo ako!" inis na wika ni Kate habang hila-hila s'ya nito, napangibit naman si Dale na napadaing ng bigla s'yang suntukin ni Kate sa tagiliran dahilan para mabitawan n'ya ito at masapo ang nasaktan na ribs cage. "Sumo-sobra ka na ha! Nakakasakit ka na." sigaw naman ni Dale na panay ang daing na hinihimas ang nasaktan na tagiliran. "Bakit ka kasi nakiki-alam. Sorry." wika ni Kate. "Hindi ako nakiki-alam pero ayoko lang nakakakita ng babaeng bob*. Ang ganda-ganda mo tapos sasayangin mo nag-iisip ka ba?" wika pa ni Dale saka bumuga ng hangin. "Listen kalimutan mo na yung inalok ko sa'yo the other day dahil after what I saw, hindi na ikaw yung babaeng gusto kong madala sa kama. Nakaka irita ang tulad mo, sisirain mo ang buhay mo para sa ibang tao, my God!" napailing pa si Dale na nag tungo na sa harapan ng elevator. "Bagay sa'yo ang uniform mo na yan kaya wag mong hubarin para lang sa ibang tao. And I guess pinag hirapan mo din ng ilang taon bago mo narating ang tinutungtungan mo ngayon kaya sana wag kang tanga." ani Dale na pumasok na sa elevator habang nakatingin na lang si Kate rito. May point naman ito bakit ba n'ya ginawa ang ginawa n'ya, ano bang mabuting naitulong sa kanya ni Nurse Dianna, bakit ba s'ya na dala sa pag mamakaawa nito kanina. Humakbang na s'ya pabalik sa nurse information ng maulinigan n'ya ang mga naka duty na nurse. Hindi muna s'ya nag pakita dahil narinig n'ya ang pangalan n'ya ang pinag-uusapan ng mga ito. "Paano kung hindi akuin ni Kate ang pagkakamali mo paano ka na?" "Na ngako s'ya na tutulungan n'ya ako, pag 'di s'ya tumupad sa pangako ipag kakalat ko na kabit s'ya." "Huh!" "Kabit nino?" takang tanong ng 2 pang nurse. "Remember yung babaeng buntis na nag punta the other day, asawa s'ya ng isang may-ari nitong hospital. Adeline Lagdameo ang sinabi n'yang pangalan. Hindi ko alam kung sino sa mga Lagdameo ang asawa n'ya pero tingin ko binantaan n'ya si Kate na layuan ang asawa n'ya kaya nandito s'ya." "Talaga kaya siguro ang bilis n'yang naka pasok dito sa hospital, idagdag pa na kapatid n'ya si Dra. Villegas." "Diba top 3 s'ya sa board passer ng nurse licensure exam." "Oo, pero kahit na hindi basta-basta makakapasok dito ang isang nurse, yung internship n'ya si Dra. Villegas ang nag asikaso kaya tinanggap s'ya." wika pa ng isa pero hindi totoo yun, sariling sikap ang pag-aapply n'ya ng intership sa hospital na yun at university recommendation. Walang tulong galing sa pamilya n'ya, kahit nga pag-aaral n'ya sariling sikap n'ya halos 2 hours lang ang tulog n'ya araw-araw para lang maka tapos sa pag aaral. Pinag-aaral naman s'ya ng kolehiyo ng mga Lolo at lola n'ya pero ang perang binibigay ng mga ito ay good for 1 semestral lang nahihiya naman s'yang sabihin na 2 sem sa loob ng isang taon dahil bago pa n'ya mahingi ang isang sem na tuition ang dami na n'yang narinig na masasakit na salita galing sa mga Lola at Lolo n'ya. Uungkatin pa kung anong klase s'yang anak kaya namatay ng maaga ang parents n'ya. Na kung hindi dahil sa kanya buhay pa sana ang parents n'ya. Wala naman s'yang maalala sa nakaraan n'ya kaya hindi n'ya maalala ang mga sinasabi ng Lola at Lolo n'ya kaya hinahayaan na lang n'ya. Hindi n'ya alam kung anong nangyari sa kanya pero may ilang parte alala n'ya ang hindi n'ya maalala, tulad ng kamatayan ng parents n'ya. Kasalanan ba talaga n'ya kaya kahit ate n'ya galit sa kanya, huminga ng malalim si Katelyn saka tumalikod na lang. Tama si Dale Lagdameo, wag n'yang sirain ang buhay n'yang pinag hirapan n'yang buoin. Hindi n'ya pamilya ang mga ito kaya bakit n'ya aakuin ang kasalanan ng mga ito. Hayaan ng batas ang humusga kay Nurse Diane.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD