Episode1-Unang pasilip
"Anong pakiramdam na isa ka na ngayon license nurse, ang astig 1 take lang ng board kasama ka pa sa topnotcher ang bongga." napapalakpak pang puri ng kaibigan habang nasa isang bar sila na pag-aaari ng kuya ni Ashley na kaibigan n'ya. High school bestfriend n'ya ito pero sa ibang bansa ito nag cocollege at sa ngayon naka bakasyon lang ito.
"Grabe nga hindi ako makapaniwala nagawa kong tuparin ang pangarap nila Mommy at Daddy,"
"Anong plano mo ngayon mag wowork ka na ba dun sa hospital kung saan ka nag intership." ngumiti naman sunod-sunod na tumango si Kate.
"Oo, may offer na sila sa akin at next week mag s-start na ako."
"Wow! Ang galing-galing naman ng frieny ko napaka ganda na nga napaka brainy pa."
"Syempre ako pa ba?"
"Gusto mo munang mag bakasyon muna sa US with me kahit 1 week lang bago ka mag start sa work."
"Ayoko wala akong budget alam mo naman na hindi ako binibigyan ng allowance nila Lolo, pinag-aaral lang nila ako pero hindi nila sagot ang baon ko." sumimangot naman si Ashley.
"Ibang klase din naman kasi yan pamilya mo grabe, ikaw itong tunay na apo pero ikaw ang gini-gipit samantalang yung ampon nila sa Us pa pinag-aral ng medicine utak talangka naman."
"Ui! Hindi naman board passer din naman si Ate Shirly."
"Hmmp! Hanggat hindi pa s'ya 5 years resident doctor sa hospital wala pa rin akong bilid sa ate mong sipsip." napangiti naman si Kate sa kaibigan na mainit ang dugo sa Ate n'ya kahit noon nasa high school pa lang sila. Napapagalitan kasi lagi ito ng ate n'ya at inuutusan na layuan s'ya dahil bad influence daw ito sa kanya. Ang hindi alam ng pamilya n'ya s'ya ang bad influence dito na pipilitan itong mag sinungaling para lang pagtakpan s'ya sa tuwing tumatakas s'ya at hindi makakauwi sa gabi.
"Mukhang type ka ng lalaking yun," nguso ng kaibigan sa isang lalaking nag iinom sa isang table na nakatingin sa kanya pero nagulat s'ya ng makilala kung sino ang kasama nitong kainuman pero nag patay malisya na lang s'ya.
"Wag mo ng tingnan."
"Bakit? kilala mo sila?"
"Oo, dati kong boss yun nasa kaliwa at alam n'ya may amnesia ako kaya hindi na ako bumalik sa trabaho." natawa naman si Ash.
"Nag paka stage actress ka nanaman?"
"Alam mo naman na dun ako magaling at saka alam mo din naman na pag-aartista talaga ang gusto ko ayaw lang sila Lolo." napatango naman si Ash.
"Ang guwapo nila parehas grabe, sarap nilang dilaan mula paa hanggang ulo, tapos isusubo ko ang dapat isubo." natawa naman si Kate na hinampas sa balikat ang kaibigan.
-
-
-
-
-
-
-
-
"Wag mong masyadong katitigan, ipapaalala ko lang sa'yo ikakasal ka na 2 weeks from now." ani Ivan sa kaibigan na sinalinan ng alak ang baso.
"I can't stop starring at her, parang gusto ko s'yang i take home." tumawa naman si Ivan.
"Don't even think about it."
"And why not hindi pa naman ako kasal?" ngisi ni Dale na nilingon si Ivan bago muling tinitigan ang babae sa dulong table malapit sa bar. Ang ganda n'ya ngumiti at tumawa, ang puti nito na kahit madilim ang ilaw ng bar lutang na lutang ito. Maganda ang kurba ng makapal nitong kilay na natural na natural sa tingin n'ya. Napaka perfect din ng tangos ng ilong nito na bumabagay sa medyo manipis nitong labi na napapahiran ng mapulang lipstick na kumikintab na parang kay sarap kagatin at sipsipin. And damn her perfect slender body, malaki ang dibdib nito ganun din ang balakang na mabilog na mabilog pa. Hindi n'ya maiwasan na isip na kung meron na kayang naka hawak sa katawan nito.
"Stop!" tapik sa kanya ni Ivan na tumatawa marahil na pansin nitong pinag nanasaan na n'ya ang babae.
"Gusto ko s'yang dalahin sa playroom ko."
"Mukhang tinamaan ka nga ng malakas." napatingin si Ivan sa dalaga na sakto din lumingon ngumiti s'ya at kinindatan pa ito na kitang biglang na gulat ng makita s'ya.
"Kay Adeline mo na lang ilaan yang libog mo pag-uwi mo."
"Gagi, alam mong buntis na si Adel at ayoko na nahihirapan s'ya. You know me when it comes to s*x." ngisi ni Dale, hindi s'ya sadist pero gusto n'yang pinahihirapan ang babae pag dating sa kama. Mas ginaganahan s'ya makipag s*x kapag nakikita n'yang halos mag makaawa na sa sarap ang mga babaeng dinadala n'ya sa playroom n'ya. Bihira s'yang magkagusto sa isang babae, hindi naman s'ya chickboy o playboy pero kapag may nagustuhan s'yang babae hindi puwedeng hindi n'ya madadala sa playroom n'ya ang babae at handa s'yang mag bayad ng mahal madala lang sa playroom n'ya ang babaeng magugutuhan n'ya.
At si Adeline na nga ang huling babae na dinala n'ya sa playroom n'ya and it's been 3 years hindi na s'ya nag dala pa ng babae sa playroom n'ya. Wala sa plano nila ni Adel ang pag bubuntis nito pero since nandun na hinayaan na lang n'ya at pinangakong pakakasalan ito. At ito na nga after ng ilang buwan na preparation 2 weeks from now ikakasal na sila. 4 na buwan na s'yang walang s*x dahil hindi n'ya kayang makipag s*x sa babaeng buntis ewan n'ya pero parang na didiri s'ya sa katawan ng isang buntis. Mahal n'ya si Adeline sure naman s'ya dun yun nga lang talagang hindi n'ya gustong makipag s*x dito. At kaya naman n'yang mag tiis hanggang sa makapanganak ito. Hindi naman n'ya akalain na mag magugustuhan s'ya biglang babae.
"You're planning to cheat on her."
"No, I'm not... this is just a pure lust na kailangan ko lang ilabas nothing more."
"Bahala ka, basta may isa lang akong advice, ang babaeng may ganyan kagandang mukha may itinatagong nakakatakot na lihim."
"And I don't even care." wika ni Dale sabay tayo para lapitan na ang babae dahil hindi na n'ya kayang tiisin ang nararamdaman na urge feeling.
******************
"Gosh! Papalapit yung isang guwapo dito sa table natin. My God! Kalma ka lang girl." ani Ash na tinawanan naman ni Kate.
"Gaga! Ikaw ang kumalma halatang-halata kang masyado e." saway ni Kate sa kaibigan.
"Grabe mag kaka orgas* yata ako ng wala sa oras." bulong pa ni Ash na tinawanan ni Kate na napataas ang tingin ng makita ang isang kamay at panyo na ipinatong sa ibabaw ng mesa nila ni Ash. Nagtataka na napatingin s'ya sa panyo lalo na ng ngumiti ang lalaki sa tabi n'ya.
"Wanna go with me?"
"Where?" tanong ni Kate.
"Somewhere that you might lose your sanity." sagot ni Dale.
"Yes, sumagot ka na get rid of your virginity." bulong naman ni Ash na ikinangiti naman ni Dale, at virgin papala ang babaeng natipuhan n'ya. What a jackpot no wonder kung bakit ang ganda pa ng bilog ng dibdib nito at ang balakang dahil wala pang lumalaspag dito. Mukhang s'ya pa ang mauuna kung mapapayag n'ya ito, mukhang nag dadalawang isip pa ang babae. Kaya kinuha n'ya ang wallet at nag labas ng calling card na ipinataong sa ibabaw ng panyo na ipinatong din n'ya sa mesa sabay tuon n'ya ng kamay sa mesa at sa likod ng upuan ng babae habang binabasa nito ang naka sulat sa card n'ya.
"Hindi ako masamang tao at galante din ako sa mga babaeng na titipuhan ko. Pihikan ako when it comes to women kaya masuwerte ka dahil i like you." napangiti naman si Kate na kagat labi pang nilingon ang lalaki bigla parang naumid ang dila ni Dale at bumilis ang kalabog ng puso n'ya na ngayon lang n'ya naranasan. Bumibilis lang ang t***k ng puso n'ya kapag katatapos n'yang makipag s*x. Ngunit sa titig pa lang ng babaeng ito hindi n'ya mawari pero parang nakakaramdam s'ya ng kaba na may halong excitement.
"Dale Andrew Lagdameo, Executive director of Blue pearl palace hotel. Diba yun yun pinaka malaking 5 star hotel dito sa Pilipinas."
"Yes, you're right Babe and soon I will be the CEO of that famous hotel." sagot ni Dale na tumayo ng deretso.
"Think about it but don't make me wait for to long." wika nito sabay kindat na umatras bago tumalikod na lumabas na ng bar kasunod ang kaibigan nito. Nag mamadali naman kinuha ni Ash ang panyo at tumili ito ng makita ang key card na naka singit sa panyo na parang ito pa ang tuwang-tuwa na may nag yaya sa kanya na makipag one night stand. Kaya ba n'yang makipag one night stand sa isang estranghero na lalaki. Na ubod ng guwapo at yaman lugi pa ba s'ya kung dito n'ya isusuko ang virginity n'ya. Pero paano kung serial killer ang lalaki ito or con artist. Paano kung hindi ito ang totoong Dale Andre Lagdameo na naka lagay sa calling card. Masayang lang ang virginity n'ya kung maibigay n'ya sa maling tao. Pero ang guwapo talaga ng lalaki tapos ang bago pa amoy baby cologne na humahalo sa amoy ng fabric conditionaire.
"Grabe! S'ya si Dale Andrew Lagdameo.' tili pa ng kaibigan na kilig na kilig na iniharap ang cellphone sa kanya na mukhang nag google pa talaga ito.
"|Lakas na gumora ka na. Bilis mag hugas ka ng puday ng mabuti. Kapag tinanong ka n'ya kung puwedeng iputok sa loob sabihin mo oo."
"Gagi! Paano kung mabuntis ako?'
"Yun ang target, mag pabuntis ka tapos pikutin mo na. Minsan lang kumatok ang ganito kagandang opportunity kaya bilis-bilis," halos pag tulakan na s'ya ni Ash na tumayo at sumunod sa lalaki na tinawanan na lang ni Kate ang idea ng kaibigan.