Episode 5- The who?

1172 Words
"Wag ka na lang sumama, kung ayaw mo?" wika ni Shiley kay Katelyn habang naka harap si Shirly sa salamin at nag aayos para family dinner nila para pag-usapan ang nalalapit na kasal ng Ate Shirly n'ya. "Hindi naman sa ayaw kong sumama Ate, kaso lang alam mo naman na ayaw akong makita nila lola." "Ang sabihin mo takot ka lang na mapahiya at mapagalitan. Takot kang mawalan ng mana, takot kang maagaw ko ang lahat sa'yo kaya nag pa-playing safe ka na lang para protektahan ang mamanahin mo." deretsong wika ni Shirly habang nakatingin sa kanyang reflection sa salamin. Palihim naman na napakuyom ng kamay si Kate at pilit na lang na inignora ang sinabi ng kapatid. "Mag bibihis lang ako mauna ka na susunod na lang ako." sagot ni Kate na tumayo saka lumabas ng silid ng kapatid. Sa iisang condo lang sila nakatira, utos na din ng Ate n'ya simula ng mag trabaho s'ya sa hospital. "Uminom ka ng gamot mo bago ka pumunta baka umiral nanaman ang pagiging bipolar mo mag dala ka nanaman ng kahihiyan sa buong pamilya." bilin pa nito bago s'ya tuluyan na lumabas ng kuwarto. Napatingin si Kate sa harapan ng salamin saka huminga ng malalim na napatingin sa kamay na nag sisimula nanaman manginig, ganun s'ya kapag nakakaramdam s'ya ng galit at pinipigilan n'yang lumabas, pumikit s'yang napaupo sa sahig habang tinatakpan ang dalawang tenga dahil umuugong nanaman iyon. Nakakarinig nanaman s'ya ng malalakas na sigawan at pagkabasag ng malakas ng salamin. It was her parents during ng accident ng mga ito na kasama s'ya sa backseat, may bumangga sa likuran nila noon na isang van pauwi na sila galing sa Bagiuo, she was only 10 years old back then. Tumalsik ang kotse nila patungo sa kabilang lane, agad s'yang niyakap ng ina na katabi sa backseat habang ang ama naman n'ya ay nasa unahan ng kotse katabi ng driver. It was a tragic accident, paglipat ng sasakyan nila sa kabilang lane sakto naman na may padaan na pang pasaherong bus, the last thine she remember, niyakap s'ya ng ina ng mahigpit ganun din ang ama na nagawang makapunta sa backseat para yakapin sila ng Mommy n'ya. Then naramdaman na n'yang tumilapon ang kotse nila hanggang sa mahulog sa bangin. Pag gising n'ya nalaman na lang n'ya na patay na ang parents n'ya. At hindi n'ya alam kung bakit hindi s'ya naiyak, gusto n'yang umiyak pero hindi n'ya magawa. Isinisi sa kanya ng mga lolo at Lola n'ya magulang ng Mommy n'ya ang kamatayan ng parents n'ya kung hindi daw sana s'ya nag yaya na umuwi mag bakasyon sa Bagiuo hindi mangyayari ang aksidente. Aksidente ang lumabas sa imbestigasyon wala naniwala sa kanya ng sabihin n'ya na may bumangga sa likuran ng kotse nila sa bundok. Walang namatay sa mga sakay ng bus mga sugatan lang dahil nagawang kabigin ng driver ng bus ang manibela pakabila upang hindi malaglag sa bangin ang bus. Wala kahit isang tistigo na mag papatunay na hindi aksidente ang nangyari dahil nagkataon na nasa pakurba silang daan noon at wala silang kasalubong na sasakyan. S'ya lang ang natirang survivor na sakay ng kotse namatay ang parents n'ya ganun din ang driver. Kung hindi s'ya na protektahan ng mga magulang marahil patay na din sana s'ya. Muli s'yang tumayo at kinuha ang gamot sa medicine cabinet at kumuha ng dalawang tableta. Anti-depressant medicine yun after kasi ng accident wala na s'yang matitinong alala. May mga phase ng buhay n'ya na parang nabura, nag undergo s'ya ng psychological test na palihim na pinagagawa ng Ate n'ya lingin sa kaalaman ng mga lolo at lola n'ya. Malinaw naman n'yang na aalala ang lahat pero kahit s'ya sa sarili n'ya pakiramdam n'ya para s'yang isang storya na puno ng loophole. May mga eksena na parang kulang na hindi n'ya ma alala, kaya pinatingnan na s'ya ng ate n'ya noon pero wala naman nakita ang mga doctor. Minsan kasi nangyari muntik na n'yang mapatay ang Ate n'ya habang na tutulog ito, malakas ang ulan noon she was only 16 years old back then, pinagtabuyan s'ya paalis ng mga lolo at lola n'ya ng pumunta s'ya sa mansion ng mga ito na hindi n'ya maalalang dahilan kung bakit s'ya pumunta doon. Sakto naman na dumating ang ate n'ya na isinama na lang s'ya sa condo nito at dun na muna s'ya pinatulog. Then during midnight sakal-sakal na n'ya si Ate Shirly n'ya at naka ibabaw na s'ya rito, hindi rin n'ya maalala kung bakit? Simula nun pinatingnan na s'ya ng kapatid sa isang doctor dahil nga parang nag iibang tao s'ya then wala s'yang ma alala kung bakit. Napatingin s'ya sa salamin saka huminga ng malalim ng kumalma na ulit ang t***k ng puso n'ya. Wala naman s'yang paki-alam sa mamanahin n'ya. Ang tanging gusto lang naman n'ya may maniwala sa kanya na hindi accident ang nangyari sa parents n'ya, call it crazy pero may mga pag kakataon na nakikita n'ya ang magulang n'ya. Hindi n'ya alam kung guni-guni na lang n'ya iyon o totoo ang sinasabi ng Ate n'ya na may problema na s'ya sa utak na kahit Doctor hindi na alam kung paano s'ya gagamutin. Pakiramdam n'ya kaya nag papakita sa kanya ang parents n'ya dahil nga hindi nabigyan ng hustisya ang kamatayan ng mga ito, hindi naman n'ya alam kung paano bibigyan ng hustisya ang kamatayan ng mga ito kung walang testigo at walang maniniwala sa kanya. - - - - - - - - Panay ang pilig ni Kate ng ulo, dahil nanlalabog ang paningin n'ya. Kanina pa s'ya nasa loob ng ladie's room at kahit anong hilamos n'ya hindi mawala ang pang lalabo ng paningin n'ya na parang na hihilo s'ya na hindi n'ya mawari. Kailangan na n'yang umuwi, hindi na s'ya puwedeng bumalik sa dinner ng pamilya n'ya. Nasa isang hotel sila ngayon kasama ang pamilya ng lalaking mapapangasawa ng Ate Shirly n'ya. Hindi n'ya gustong gumawa ng eksena kaya uuwi na lang s'ya para safe, masama na nga ang tingin sa kanya ng mga lola n'ya ng makita s'ya. Umiwas na lang s'ya ng tingin para wag na s'yang mapuna ng mga ito. Paglabas n'ya ng restroom, sakto din naman na may isang lalaking guwapo ang lumabas sa kabilang pinto ang men's room tumawa ito sa kanya at nakipag high five pa sa kanya. "Sabi ko mag papari ako pero bakit naman nag pakita ka pa sa akin Miss Beautiful, o baka naman lasing lang ako kaya maganda ka sa paningin ko." wika pa nito pero hindi na n'ya pinansin dahil nanlalabo na talaga ang paningin n'ya pero bago pa n'ya maihakbang ang mga paa, nanlambot na ang mga tuhod n'ya at tuluyan ng bumagsak. Naramdaman na lang n'ya ang pag poprotesta pero hindi na n'ya nagawang mag salita ng maramdaman na umangat na s'ya sa ere ng buhatin s'ya ito. "Tara, samahan mo akong umakyat sa langit at gagawa tayo ng mga munting anghel." hagikgik pa ng lalaki na humimig pa na parang tunog wedding march.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD