"Kate may nag hahanap sa'yo?" wika ng kapwa nurse n'ya ng pumasok s'ya sa nurse information after n'yang mag painom ng gamot sa isang pasyente na kunan na din n'ya ng BP at temperature.
"Sino?" tanong pa n'ya ng ipatong sa mesa ang dalang basket.
"Si Ma'am." sabay turo nito sa babae nasa harapan ng countertop nila na nakatalikod sa kanya ng pumasok s'ya sa nurse information. Ngingiti na sana s'ya ng lumingon pero nagulat s'ya ng makilala ang babae kaya nabura ang ngiti n'ya.
"I guess kilala mo ako base sa reaction mo." malamig na wika ng babaeng nag alis ng suot na shades.
"Sorry po ma'am medyo busy po kasi ako now mara____."
"Gusto kitang maka-usap."
"Sorry po tala____.'
"Mamili ka mag kakahiyaan tayong dalawa dito o sasama ka sa akin." nagkatinginan naman ang 3 nurse pang naroon dahil sa sinabi ng magandang babae na nasa counter.
"Sa pag kakaalam ko, major stockholder ng hospital na ito ang pamilya ng asawa ko. Ngayon mamili ka kakausapin mo ako ng maayos o hihiyain kita rito hanggang sa mawalan ka ng trabaho. Your choice," napakagat labi naman si Kate na huminga ng malalim na lumabas ng nurse information agad naman tumalikod ang magandang babae na malaki na pala ang tiyan siguro mga 7 months or 6 na iyon sa hula ni Kate.
"Kelan pa ang relasyon n'yo ng asawa ko?" tanong nito ng sakay na sila ng elevator.
"Wala po." nakaramdam naman ng konsensya si Kate ng makitang nag pahid ito ng luha.
"Ma'am masama po sa buntis ang na sstress, maniwala po kayo o sa hindi wala po kaming relasyon ng asawa n'yo." napatingin s'ya ng may inilabas ito ID na inabot sa kanya. Shool ID n'ya iyon na marahil na laglag sa bulsa n'ya noon nag tungo s'ya sa hotel room ni Dale.
"Then explain bakit nasa loob yan ng hotel room ng asawa ko."napakagat labi naman si kate na nag isip ng alibi na kapani-paniwala.
"Si sir Ivan po ang kakilala ko talaga, lasing po si Sir Dale inutusan po ako ni Sir Ivan na ihatid sa hotel si Sir Dale, kaso po pinag intay po ako ni Sir Dale sa hotel room n'ya ng bayad n'ya. Naligo po s'ya bigla kailangan kopo kasi yung bayad sana kaso pinag intay n'ya po ako ng matagal kaya nainis po ako kinuha ko po yung mga damit n'ya saka ko po itinapon. Pasensya na po wag na po kayong umiuyak, hindi po kayo niloloko ni Sir Dale." ani Kate.
"Ilang taon ka na?" tanong pa ni Adeline ng nasa cafeteria na sila ng hospital pasimple s'yang nakatingin sa suot na rilo 15 minurtes lang s'yang puwedeng mawala sa post n'ya as tea break n'ya. Puro sip-sip pa naman ang mga kasama n'ya ngayon sa shift.
"Wag kang mag-aalala ako bahala sa'yo."
"Bago pa lang po kasi ako Ma'am kaya hindi pa po kayo puwedeng maging bratenella."
"Mukha ka naman mabait."
"Hindi po ako mabait sa totoong buhay nag papanggap lang po ako." pgil ang ngiting wika ni Kate na ikinangiti naman ni Adeline,
"So, nag sisinungaling ka lang kanina just to_________."
"Naku hindi po!" sunod-sunod na iling ni Kate kasama pa ang kamay.
"Guwapo at yummy po si Sir Dale pero pangako po kung magugunaw man po ang mundo at s'ya na lang ang natitirang lalaki sa mundo___."
"Hindi mo pa rin s'ya papatulan." dugtong ni Adeline.
"Papatulan po, sayang po kasi." sagot ni Kate sabay peace sign na tinawanan naman ni Adeline.
"Your funny, hindi ka ipokrita tulad ng ibang babae na nangangarap na agawin sa akin si Dale na bait-baitan at pinalalabas na ako ang bit**y.'
"Karapatan n'yo naman po ang maging b***h* lalo po at asawa kayo." napatango naman si Adeline.
"Kunwari dumating ang time na lalapitan ka ni Dale at alokin ng relasyon tatangapin mo ba? maging honest ka please." saglit na napaisip si Kate saka bumuga ng hangin.
"pag iisipan ko po s'yempre lalo na if the price is right." birong ngiti ni Kate na ikinangiti naman ni Adeline.
"Pero s'yempre po kung mangyari man po yan sa tunay na buhay. It's a no po! fairytale love story po ang gusto ko, ayoko po ng forbidden romance." naku! ha, puwede ba Katelyn makikipag s*x ka na nga sana kung 'di mo lang nalaman na may asawa... talandi ka rin kasi porket guwapo! sita ni Kate sa sariling konsensya.
"Duty ka diba?" napalingon naman silang dalawa ng isang doctora ang lumapit na may dalang cup of coffee.
"Ate." lalo naman sumama ang mukha ni Shirly.
"How many times na sasabihin ko sa'yo na wag mo akong tatawagin na ate kapag naka duty tayo." mariin na sita pa nito.
"Sorry po." nakayukong sagot ni Kate.
"Naka duty ka pero kapal ng mukha mo para mag palipas ng oras dito sa cafeteria.'
"Excuse me lang sa pag kaka alam ko allowed na mag 15 minutes tea breaks ang hospital _______."
"I'm not asking your opinion so stay out of it." mataray na wika ng Ate Shirly n'ya.
"Bumalik ka na sa post mo, at wag kang mag intertain ng bisita during working hours na iintindihan mo ba."
"Opo,"
"Ikaw ba ang superior n'ya. I'm Adeline Lagdameo." pakilala pa ng babaeng kausap n'ya na senenyasan ni Kate na wag ng mag salita pero hindi naman nag papigil ang buntis na babae. Pagak naman na tumawa ang kapatid n'ya.
"Ipagyayabang mo ba sa akin na pamilya mo ang may-ari ng hospital na ito, sa pag kakaalam ko iyon ang pinakap-ayaw ng mga Lagdameo ang ipangalandakan na mayaman sila at maimpluwensyang pamilya. Ampon ka ba?'
"Doc Shirly.' pigil ni Kate sa braso ng kapatid na ipiniksi lang ni Shirly.
"Kung wala kang magawa sa mansion n'yo wag kang mang abala ng hospital staff dito dahil kami kasi yung mga tipo ng tao na nag papakapagod para alng maka tulong sa mga pasyenteng nag aakyat ng pera sa pamilya n'yo. Kapag ba may nangyaring masama sa pasyenteng binabantyan ni Nurse Kate sasagutin mo ba ang consequence hindi naman diba kaya umuwi ka na sa inyo at alagaan ang sarili mo since buntis ka pa naman at mukhang kulang ka sa vitamins." sabay turo sa paa nitong manas.
"Tara na Nurse Kate, tapos na ang tea break mo.' wika ng kapatid na nauna ng tumalikod.
"Pasensya na po ma'am una na po, ganyan lang po talaga ang Ate ko, matandang dalaga na po kasi kaya dragonesa na.' bulong pa ni Kate.
"Katelyn.' tawag pa ng kapatid kaya nag mamadali ng sumunod si Kate.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
Nag kakagulo ang buong nurse information ng dumating si Kate galing sa ibang pasyente n'ya. Nagulat pa s'ya ng pag pasok n'ya ng bigla s'yang sampalin ng kapatid n'ya na kadarating kasama ang ilang nurse na mukhang galing sa round.
"Sinong nag utos sa'yo na bigyan ang pasyente ko ng pred 20, alam mo bang eclampsia patient s'ya tapos tuturukan mo ng pred 20mg. You almost killed her," sigaw pa ng ate shirly n'ya.
"Pero iyon ang naka lagay sa chart n'ya." mangiyak-ngiyak na sagot ni Kate galit naman na kinuha ni Shirly ang chart at isinaksak sa dibdib n'ya.
"Ayan ang chart n'ya saan d'yan na naka lagay na Pred 20 ang ibigay mo. Bob* ka!" sigaw pa ng kapatid panay na ang iyak na tiningnan ni Kate ang chart. At nagulat s'ya dahil naging pred 10 na lang ang naka lagay dun, nag mamadaling nag tungo si Kate sa computer at tiningnan ang record pred 10 nga lang pero pred 20 ang nakita n'ya kanina.
"Say goodbye to your license nasa operating room ngayon ang pasyente dahil may pumutok na ugat sa ulo n'ya at balak ng pamilya ng pasyente na ipakulong ang ______."natigil sa pag sasalita si Shirly ng iharap n'ya rito ang cellphone n'ya na kinuha naman nito. Buti na lang talaga naisipan n'ya na picturan ang chart kanina dahil nag tataka din s'ya bakit pred 20 ang naka lagay sa chart e alam n'ya may history nga ng highblood ang pasyente at mahina ang t***k ng puso nito.
"May nag bago ng chart, hindi yan yung chart kanina. I-check n'yo sa CCTV turo pa n'ya sa CCTV na nasa itaas ng nurse information.
"Sino ang gumawa nito?" galit na sigaw ni Shirly,
"Hindi kayo aamin? gumawa kayo ng kabobohan tapos ibang tao ang gusto n'yong managot.' sigaw pa ni Shirly.
"Fine! Ayaw n'yo umamin puwes mabulok kayo sa kulu____."
"Ako po Doctora.' kandaiyak na amin ng isang nurse na ikinapikit ni Kate saka inis na nag walk out, paano pala kung wala s'yang picture ng original chart s'ya ang makukulong at mawawalan ng lisensya. Nasampal pa s'ya ng ate n'ya na hindi man lang muna inalam ang totoo. Kung puwede lang suntukin ito ginawa n'ya pero kapatid n'ya ito kaya kailangan n'yang mag behave. Dahil malaki ang atraso n'ya rito kaya ganun na lang ang pakitungo nito sa kanya kaya kailangan n'yang mag tiis hanggang sa mapatawag na s'ya nito sa kasalanan na matagal na n'yang pinag sisihan.
************
Napatingin naman si Kate sa isang can drinks na naka umang sa tapat ng mukha n'ya habang panay ang iyak at sinok n'ya habang nasa fire exit s'ya ng hospital at umiiyak. Kanina pa s'ya roon at wala s'yang paki-alam kung mapagalitan s'ya dahil nawala s'ya sa post n'ya.
"Bakit ang mga babae masyadong iyakin? Sobrang sakit ba ng sampal para indahin mo ng matagal." napatayo bigla si Kate ng makilala ang lalaki. Anong ginagawa nito sa hospital at sinundan pa s'ya sa fire exit, paano nito na laman na nandun s'ya nakita ba nito ang pananampal sa kanya kanina ng Ate n'ya.
"Ilagay mo dyan sa mukha mong na mumula." utos pa nito sa kanya na iniumang ang can drinks na malamig.
"No thank you." tanggi n'ya na lalampasan sana ito pero pinigilan s'ya sa braso saka hinila at isinandal sa pader.
"Or maybe I can kiss you to ease the pain.' alok nito na inilapit nito ang mukha sa kanya na akmang hahalikan s'ya ng biglang umigkas ang ulo n'ya at binigyan ito ng headbutt sapol ito sa nguso na nasapo nito ng bumagsak sa sahig. Nakita pa ni Kate na nay lumalabas na dugo sa kamay nito pero wala s'yang paki-alam.
"Baboy." anggil pa n'ya rito sabay alis at iniwan itong nag mumura.