"Pakipot ka pa! Mag papabuntis ka lang din pala." wika ni Dale ng makita si Kate ng humarap ito sa kanya na hindi na maitago ang malaki nitong tiyan. Hindi naman tumugon si Kate na naupo lang sa harapan n'ya. "Hirap na hirap ka na ba dito? Sa sitwasyon mo na titiyak kong nasa impiyerno ka na." "Hindi ko alam ang sasabihin ko pero ang bata sa sinapupunan ko hindi s'ya parte ng pag kakamali ko kaya tingin ko hindi naman impiyerno ang kinasadlakan ko. 3 beses akong kumakain dito, nag tatrabaho kami at kumikita ako pursyentuhan sa mga______." napapikit si Kate na napangibit lang ng bayuhin ni Dale ang kamay n'yang nakapatong sa mesa. "Itikom mo yang bibig mo kung ayaw mong masaktan." "Wag ka na lang din pumunta ng pumunta dito para 'di ka na rin masaktan." sagot naman ni Kate. "Pumupunta