"Deretsohin mo na ako anong kailangan mo?" tanong ni Shirly habang kaharap si Dale Lagdameo sa isang 5 star restaurant kung saan ito nakipag kita sa kanya. Ngumiti naman si Dale na mula sa secretary kinuha n'ya ang isang malapad na velvet box saka ipinatong sa mesa sa harapan mismo ni Shirly na nag salubong ang kilay. "Ano yan?" wala naman imik na binuksan ni Dale ang box, isang set ng magandang diamond jewerly ang laman nun. "I heard na binabayaran mo ang husgado para pigilan ang parole ng kapatid mo, gusto ko lang malaman kung bakit? Kung sasagutin mo ang tanong ko sa'yo na yan." halata naman nabigla si Shirly sa narinig mula sa kanya. "Gulat ka ba? Alam mo sa totoo lang atat na atat na akong lumabas ang kapatid mo dahil titiyakin ko sa'yo na aanihin n'ya ang lahat ng galit ko at hind