"Lumabas na ba ang autopsy result." tanong ni Dale habang naka upo sa sahig sa loob ng kuwarto nila ni Adeline, nagkalat ang lahat ng lata ng alak at bote ng mga alak na ininom. Pinipilit n'yang magpakalasing para makalimot. Ngunit malalasing nga s'ya at makakatulog pero pag gising na aalala nanaman n'ya ang nangyari. Na wala na ang mag-ina n'ya, namatay din ang baby n'ya 5 days after itong ipinanganak. "Yes sir, tulad ng sinabi ng Dra. Fernandez, may medical malpractice ngang nangyari sa loob ng oparating room." tukoy nito sa tunay na OB gyne ng asawa na dumating na galing ibang bansa. Ito ang nag-utos na ipa-autopsy ang katawan ni Adeline dahil alam daw nitong risky ang naganap na crash c-section dahil sa accidente pero kung maayos ang pag kakagawa ng procedure hindi kailangan mamatay