KABANATA-6

2832 Words
Redbar "Kumusta naman ang buhay señorito, Insan?" tanong ni Drix kay Damien. Nakaupo sila ngayon sa dating puwesto sa loob ng Redbar. Marami na rin ang mga tao sa paligid n’yon. Nagkibit-balikat si Damien at inisang lagok ang baso na may laman na alak bago sinagot si Drix. "Okay lang. Minsan boring," simpleng tugon niya. Humagalpak naman ng tawa ang baliw niyang pinsan kaya napamaang siya na napatingin rito. Anong nakakatawa sa sinabi niya? Tsk! Totoo naman na boring talaga minsan. Kaya nga inaabala niya ang sarili sa pagtatrabaho at pagbisita sa mga bata dito sa Baguio, para malibang siya. Hindi naman kasi porque' nasa sayo na ang lahat eh, masaya na. Idagdag pa na wala siyang love life. Ayaw naman kasi niya mag-nobya. Kung bakit ay nasa kaniya na iyon. "Sa lagay na 'yan boring ka pa? Gamitin kasi ang ka-guwapuhan para maka-sungkit ng binibini," natatawang saad ni Drix sa kan'ya. Palibhasa kasi ay gawain ng pinsan niya iyon para mang-uto ng mga babae. Baliw talaga! "Hindi ako katulad mo, Drix." ani niya sa pinsan at inisang lagok ulit ang basong may laman na alak. Napahawak pa sa dibdib si Drix at umaktong nasaktan sa sinabi niya. Naiiling na lang siyang tinignan ito. "Sus naman, Insan. Thirty-two ka na. Sino pa kasi ang inaantay mo? Kating-kati na sina Tita at Tito na magka-apo!" wika ni Drix na sinamahan pa iyon ng pag-iling. "Wow, ha. Baka nakakalimutan mo na magka-edad lang tayo? At teka nga, bakit ako? Bakit hindi na lang ikaw ang mag-seryuso na sa buhay, Drix?" Balik-tanong niya kay Drix na ikinaguso naman ng bibig nito. Natawa siya. Tinamaan 'ata ang pinsan niya sa kan’yang sinabi. Masyado naman kasing babaero ang pinsan niya noon. Pero ewan niya lang ngayon kung nagbago na ba si Drix. Bali-balita kasi na may naging girlfriend ito tapos hiniwalayan ang pinsan niya dahil nga sa pilyo talaga si Drix. Hindi na i-kuwento ni Drix sa kan'ya ang tungkol doon. Baka kasi hindi naman talaga sineryuso ng pinsan niya. At isa pa, wala naman siya sa lugar para manghimasok kaya hindi na rin niya iyon inusisa pa. Magkukuwento ito kung gusto nito. Saglit naman silang napatahimik na dalawa. Nang bigla ay may naisipan siyang itanong sa pinsan pero nag-aalangan siyang itanong iyon dahil nakabusangot na ang mukha nito. Pero sadyang makati rin ang dila niya kaya hindi siya nakatiis. "Drix?" tawag niya sa pinsan. Humarap naman ito sa kan'ya na nakangunot ang noo. Tumaas pa ang kabilang kilay nito na ikinatatawa naman niya. "What?" supladong sagot nito. Parang ayaw na lang tuloy niya magtanong. Pero 'di bale na. "Do you know—" napatikhim siya, "w-where is she?" kinagat niya ang dila. Fuck! Kailan ka pa naging nerbyuso Damien? Kinutusan niya ang sarili. Ipinatong ni Drix ang hawak na baso sa mesa at matiim siyang tinitigan sa mga mata. Parang iniisip pa nito kung sino ang tinutukoy niya. Matagal pa bago ito nakasagot. "Who?" "Si T-trina?" patanong na sagot ni Damien sa pinsan. "Ewan ko sayo! Ikaw ang tinatanong ko, tapos ako rin tatanongin mo!" asik ni Drix na bakas sa mukha ang pagkairita. Parang ang sarap na naman batukan ng mokong na ‘to! Nagtatanong lang e. "Ang suplado naman. Parang hindi na matanong," nakanguso na saad ni Damien. Nagkunwari siyang nagtampo. "So, si Trina nga?" balik-tanong ni Drix. Nakangunot ang noo nito sa kan'ya. At mukhang hindi nga siya matiis ng pinsan niya. Konting lukot lang ng mukha niya ay ayos na! "Oo nga," sabat ni Damien. At nilagok ulit ang hawak na baso. Medyo kinakabahan siya sa isasagot ni Drix. Hindi niya maiwasang makaramdam ng excitement dahil baka alam ni Drix kung nasaan ang dalaga ngayon. Magkaibigan ang mga ito kaya sigurado siya na may alam si Drix. Ngayon niya lang din ulit na tanong kay Drix ang tungkol sa babae, dahil ngayon lang naman nagpakita ang magaling niyang pinsan. "Seriously," Drix shrugged. "Ang alam ko ay sa Amerika siya ngayon," Kinuha nito ang cellphone sa bulsa at parang may hinahanap pa ito roon. "Wala pala akong contact ni Trina kasi nawala ‘yong dating cellphone ko. Na-i-snatch." mahabang litanya ni Drix. "Ganoon ba?" maikling sagot ni Damien. Aminado siyang nalungkot sa sinabi ng pinsan. Umasa pa naman siya na alam nito kung saan nakatira ang dalaga ngayon. Sinabi pa ni Drix na hindi raw nito kabisado ang number ng kaibigan. At kung gusto daw niya na makuha ang numero nito ay puntahan daw niya ang opisina ng daddy nitong si Limuel Vergara na ikinagulat pa niya nang malaman iyon. Nakilala niya kasi ito sa event kanina at hindi niya naman alam na iyon pala ang ama ni Trina. "Sana naitanong ko kung nasaan ang maganda niyang anak, s**t!" bulong ni Damien na narinig naman ni Drix. "Ano’ng sabi mo?" ulit pa nito. "Wala," mabilisang sagot niya. "Wala daw, eh, narinig ko kaya ang sinabi mo," saad pa ni Drix na may makahulugang tingin na ipinukol sa kan'ya. "Narinig mo naman pala, ba’t ka pa nagtatanong?" wika niya bago tinungga ang alak sa baso. Binatukan naman siya ni Drix kaya nabuga niya ang iniinom. "What’s your problem man?!" asik niya sa pinsan habang pinupunasan ng tissue ang bibig. "Loko, baka utusan mo akong kunin ang number ni Trina sa daddy niya. Ngayon pa lang uunahan na kita. Ayoko ko!" nakangusong wika ni Drix. "Wala naman akong sinasabing ganoon, ah! Ang advance mo naman mag-isip," ani niya kay Drix. "Inuunahan lang kita. Takot kasi ako sa daddy ni Trina, mukhang mangangain kasi ng tao ‘yon." natatawa na sagot ni Drix kaya napatawa na rin siya sa tinuran nito. Maya-maya pa ay nagpaalam itong pupunta sa Restroom. Kaya naiwan siyang mag-isa sa puwesto nila. Habang hinihintay ang pagbalik ni Drix ay um-order muna siya ng panibagong alak at sinimulang salinan ang sariling baso. Kapag pumupunta siya dito sa Redbar ay naaalala niya si Trina. Paano niya naman kasi hindi maalala ang babaeng 'yun? Eh, dito niya sa lugar na 'to inangkin si Trina nang paulit-ulit hanggang sa mapagod sila pareho. At alam niyang siya ang naka-una sa dalaga dahil birhen ito nang ipagkaloob ang sarili sa kan'ya. Bagay na ikinasaya naman ng puso niya. Pero kahit hindi naman ito birhen ay wala naman magbabago sa pagtingin niya sa dalaga. At isa pa, nagkaroon na ito ng puwang sa puso niya unang gabi pa lang na makita niya ito. Na ‘Love at first sight’ yata siya. Noong gabing may nangyari sa kanila hindi lamang iyon basta s*x para sa kan'ya dahil puno ng pagmamahal at pag-iingat niyang inangkin ang babaeng iyon. Sinabi niya rin sa sarili noon na liligawan niya si Trina, at papakasalan. Dahil iyon kaagad ang pumasok sa isipan niya. Dahil para sa kan'ya, wala na siyang hahanapin pang iba dahil natagpuan na niya ang kagaya ni Trina. Sayang lang dahil matapos ang gabing iyon ay hindi na niya ito nakita. Kahit si Drix ang tanongin niya ay mukhang wala din alam ang pinsan niya dahil wala rin ito sa sarili nang tanongin niya ito noon. Nasaktan siya, at nanlumo dahil ni anino ni Trina ay hindi na talaga niya nakita pa. Pero hindi siya nawawalan ng pag-asa na makikita niya ulit ang dalaga balang-araw kahit na walang kasiguraduhan na may katugon ang nararamdaman niya para dito. Ang gusto niya lang ay makita ulit ito. Baka sakali kasi na kapag nakita niya si Trina ay masasagot na ang hindi niya maipaliwanag na damdamin para dito. Gusto niyang masigurado ang kan'yang nararamdaman kung bakit hanggang ngayon ay nababaliw pa rin siya sa dalaga. ... Medyo naparami na ang inom ni Damien pero ang pinsan nito na si Drix ay hindi pa rin bumabalik sa kinauupuan nito. Napailing ang binata, inisip nito na baka nauna na naman umuwi si Drix. Itinuloy na lang niya ang pag-inom kahit na nakakaramdam na siya ng paghilo. "Ang daya talaga ng mokong na ‘yon. Malakas ang loob mag-aya ng inuman tapos iiwanan din naman pala ako," wika niya. Sumalin ulit siya ng alak sa baso at nang akma niya sana ‘yon iinomin ay napatigil siya nang makita ang isang babae na palapit sa direksyon niya. Pakembot-kembot pa ang mga balakang nito habang papalapit sa kan'ya. Masasabi niyang maganda ang babae at sexy dahil na rin sa magandang hubog ng katawan nito. Sa tingin niya rin ay anak-mayaman ang babae at kilalang tao ito dahil hindi ka naman makakapasok sa Redbar kung hindi ka isang VIP. "Hello, handsome! Remember me?" anang babae nang makalapit kay Damien. Namukhaan niya ito. Ito ang babaeng pinakilala ng Mommy niya sa kan'ya kanina sa event. Anak daw ito ng isang Congressman dito sa Baguio. Si Amanda Torres. Hindi siya umimik bagkus itinuloy na lang niya ang paglagok sa basong hawak. Tumabi ang babae sa kan'ya, idinantay nito ang kamay sa ibabaw ng mga hita niya. Pa-simple pa nito iyon ginawa. "Mukhang mag-isa ka ah. Alam kung natatandaan mo ako kaya hindi na ako magpapakilala pa. Gusto mo ba ng makakasama ngayong gabi?" mapang-akit na bulong ng babae sa may tenga ni Damien. Nakaramdam naman siya ng init ng katawan dahil sa ginagawa ng kamay nito sa hita niya. O mas tamang sabihin na, sa gitnang bahagi ng hita niya. At isa pa ay sumasanib na rin ang espiritu ng alak sa katawan niya kaya lalo pa siyang nakakaramdam ng init. Idinikit pa ng babae ang malulusog nitong dibdib sa kan’yang katawan kaya lalo niya pa naramdaman ang pagtayo ng kan’yang alaga. Hinuli niya ang kamay nito na akmang bubuksan sana ang zipper ng pantalon niya. "Stop." pagpigil niya sa babae. Pero hindi ito natinag sa sinabi niya. Itinuloy pa rin nito ang ginagawa hanggang sa tuluyan nitong maibaba ang zipper ng kan’yang pantalon. Mabilis ipinasok ng babae ang kamay sa loob ng pantalon niya upang hawakan ang nag-uumigting niyang p*********i. Kaya napamura siya dahil sa ginawa nito. "Hmm…ang laki niya Damien," malanding sabi nito. "s**t!" nakapikit na sambit niya. At dahil na rin sa naparami ang kaniyang nainom ay naipikit na lang niya ang mga mata upang damhin ang ginagawa ng babae sa p*********i niya. "You like it babe?" malambing na tanong ng babae habang tinataas-baba ang kan’yang alaga. Hindi nito alintana kung may makakita man sa ginagawa nito. At wala din naman siyang pakialam kung may makakita o wala. Buti na lang at medyo madilim sa parte kung saan sila nakaupo kaya ligtas sila sa mga taong naroroon. "Y-yeah," tanging nasambit ni Damien. Pakiramdam niya ay inaantok na siya. Inumpisahan ng babaeng halikan ang leeg ni Damien habang busy naman ang mga kamay nito sa p*********i ng binata. At si Damien naman ay nakasandal lang sa couch at nakapikit na ang mga mata. Wala itong ginawa kundi ang manigas lang sa kinauupuan nito. Dahil sa marami na itong nainom ay hinayaan na lang nito ang ginagawa ng babae sa katawan nito. Pinakiramdaman lang ni Damien ang sarili. Kinuha pa ng babae ang mga palad ni Damien at dinala iyon sa malulusog nitong dibdib. Napamulat naman ng mga mata si Damien dahil do’n. "Hold it babe," utos ng babae habang pinagduldulan ang mga dibdib sa kamay ni Damien. Parang gusto nitong ipahiwatig sa binata na lamasin ang mala-papaya nitong mga dibdib. Pero si Damien ay wala sa kan’yang sarili. Inagaw niya ang kan’yang kamay na hawak ng babae at dinala iyon sa likod ng ulo niya para i-unan habang nakasandal pa rin siya sa upuan. "Huwag mo 'kong utusan," nakapikit ang mga mata na wika niya sa babae. Ayaw pa naman niya sa lahat ay ang inuutusan siya. Bakit hindi na lang nito hawakan ang sariling dibdib? Bakit siya pa ang uutusan nito? Tsk! Nagulat pa siya nang biglang bitawan ng babae ang p*********i niya at malakas siya nitong hinampas sa dibdib. "Ouch!" gulat na sabi niya na hinihimas ang dibdib kung saan siya hinampas ng babae. Napa-ubo pa siya dahil sa lakas ng pagkahampas nito. Siguro napahiya ito sa kan’yang sinabi. "Ang killjoy mo naman! D’yan ka na nga! Buwesit!" gigil na bulyaw ng babae sa kan'ya. Pero napatawa lang si Damien at ibinalik sa loob ng pantalon ang alaga niya na umurong na. Na nanguluntoy na dahil nawalan na ng gana. Well, as usual naman. "Dito na talaga ako kanina pa. Sino ba ang lumapit sa’kin?" nakangising tanong niya. At inisang lagok ang hawak na baso. Alam niyang nabitin ang babae. Buti na lang hindi siya katulad ni Drix dahil ang pinsan niyang iyon ay hindi pinapalampas ang sinumang babae na magpapakita ng motibo rito. Napakahilig naman kasi ng baliw na iyon. "Buwesit!" ulit pa ng babae at nagdadabog pa itong umalis. Iniwanan siya ng isang irap at masamang tingin. Napatawa si Damien sa sarili. Kung bakit kasi sa tuwing may kaganapan na gano'n ay bigla na lang e-eksena si Trina sa kan’yang isipan. Hindi lang isang beses nangyari ito kundi maraming beses na din. Kaya wala siyang maikama na babae dahil foreplay pa lang ay ume-eksena na si Trina. Kaya ayun, ang alaga niyang sawa na kasing tigas ng bato at sampung pulgada ang haba ay bigla na lang umuurong. Nang hindi pa rin bumabalik si Drix ay nagpasya ng umuwi si Damien. Kahit ramdam niya ang hilo ay diretso pa rin niyang tinungo ang kotse na nakaparada sa hindi kalayuan sa labas ng Redbar. Bago siya tuluyang makapasok sa loob ng kotse ay may napansin siyang bata na umiiyak hindi rin kalayuan sa kotse niyang nakaparada. Nakaupo ito sa sahig at nakasubsob ang mukha sa mga tuhod habang panay ang hikbi at iyak. Dahil likas na maawain siya sa mga bata at magaan ang loob niya sa mga ito ay nagpasya siyang lapitan ang bata kahit na dumo-doble na ang kan’yang paningin. Muntik pa siyang sumemplang sa daan dahil naging tatlo na ang kan’yang paningin. Kasalanan ‘to ni Drix! Paninisi pa niya sa pinsan sa isipan. "Hey, buddy, what's wrong?" tanong niya nang tuluyang makalapit sa bata. Tumayo siya sa harapan nito. Tumingala sa kan'ya ang bata. Hilam sa luha ang mukha nito habang tumutulo pa ang sipon sa ilong. Agad niyang kinuha ang malinis na panyo sa bulsa at inalok ito sa batang lalaki. "Here," At kinuha naman ‘yon ng batang lalaki at pinunasan ang madungis nitong mukha. "Salamat po," magalang na wika nito. Umupo siya sa tabi ng bata. Sa lapag. "Ano’ng nangyari? Nasaan ang mga magulang mo? Gabi na, ah," tanong niya rito. Saglit itong tumigil sa pag-iyak at tumingin sa kan'ya. "Umalis po ako sa bahay dahil sinasaktan ako ng Tito ko," sagot nito at muling humikbi. Nahabag naman ang damdamin ni Damien. Naawa siya sa bata. "Gano'n ba? Bakit? Nasaan ba ang mga magulang mo?" sunod-sunod na tanong niya. “Patay na?” anito na tila pinag-iisipan pa ang sasabihin. “Si Tito na lang po ang meron ako, pero lagi naman niya akong sinasaktan. At wala raw siyang pakialam sa’kin kahit na mamatay man ako," muli itong humikbi kasabay ng paglandas ng mga luha nito sa pisngi. Lalong naawa si Damien sa bata kaya inalo niya ito. Pinilit niya maging tuwid ang paningin kahit na hilong-hilo na siya. Hindi niya puwedeng pabayaan ang batang ito lalo't dis-oras na ng gabi. Marami pa naman ang masasama ang loob sa panahon ngayon at walang pinipili sa bibiktimahin nila bata man o matanda. Kaya isasama na lang niya ito sa Hotel. Hindi naman siya siguro pagkakamalang kidnapper, sa guwapo ba naman niyang ito. "Gusto mo ba sumama sa’kin ngayon? Medyo delikado na kasi kung dito ka pa rin sa labas. Baka mapahamak ka, eh." ani niya sa bata. Maging kargo de-konsensya niya pa kapag may nangyaring masama sa bata. "O-okay lang po ba, Sir? Natatakot rin po kasi ako, baka mahuli ako ni Tito... T-tapos sasaktan na naman niya ako. Wala din po kasi akong mapupuntahan ngayon," wika ng bata na pinagkatitigan pa ang kan’yang mukha. Parang kinikilatis siya nito ng maigi kung mabuti ba siyang tao o hindi. Ngumiti si Damien kahit ramdam niya na kumukulo na ang dugo niya sa Tiyuhin ng bata. Bakit naman kasi nito sinasaktan ang ganito ka-guwapong bata? "Oo naman, at saka tawagin mo na lang akong Kuya Damien," nakangiting sagot niya. Ginulo-gulo pa niya ang buhok nito. "Maraming salamat po, Kuya Damien." Lumabas ang magkabilang biloy nito sa pisngi nang ngumiti ito. "Ako naman po si Boyong. Ang totoo ko naman pong pangalan ay Benedict," pakilala nito sa sarili. "Nice to meet you, Benedict. Ang ganda naman ng pangalan mo. Pero Boyong na lang ang itatawag ko sayo, ha." Tumayo siya at inilahad ang kamay sa bata. "Tara, umuwi na tayo medyo nahihilo na kasi ako, eh." natatawa na wika niya kay Boyong. "Sige po." Inalalayan pa siya ng bata sa paglalakad patungo sa kotse dahil muntik na naman siyang sumemplang sa daan. At siyempre sinisi na naman niya sa isipan ang pinsang si Drix. Fuck you, Moron! Matapos mo akong lasingin basta mo na lang akong iiwan!" pagmumura niya kay Drix sa kan’yang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD