PROLOGUE
Hindi alam ni Trina kung ano ang gagawin matapos sabihin ng Daddy Limuel niya na magpapakasal siya kay Andrew, sa susunod na buwan. Dahil matagal nang kasunduan iyon ng pamilya nila. At isa pa ay maliban sa magkasosyo ang pamilya nila sa negosyo ay magkaibigan rin ang mga ito. Kaya ganoon na lang siguro kagusto ng Daddy niya na makasal siya sa binata. At ganoon din ang gusto ng ama ni Andrew.
"Anak, I want the best for you," madamdamin na wika ni Limuel sa anak.
Umiling-iling si Trina sa sinabi ng ama. Malaki ang respeto niya sa ama pero huwag naman sana ang ganito.
"Sa tingin mo ba, dad, makakabuti itong pagpilit mo sa'kin na makasal sa lalaking hindi ko gusto?" naiinis na sagot niya.
Hindi naman sa ayaw niya kay Andrew pero sana ‘wag naman siyang madaliin ng ganito. Gusto niya pang gawin ang mga bagay na gusto niya, sa isiping hindi na niya iyon magagawa pa kapag nakasal na siya sa binata.
"For me? Yes, anak! Dahil kilala ko ang pamilya ng mapapangasawa mo." kampanteng sagot naman ni Limuel.
Pero hindi pa rin sang-ayon si Trina sa sinabi ng ama. Gaano ba ka kilala ng Daddy niya si Andrew? Mukhang wala ngang gusto sa kan'ya ang binatang iyon!
Ang pagkakaalam niya ay sinusunod lamang nito ang gusto ng Tito Romano niya. Ang Daddy ni Andrew.
Malalim ang pagbuntonghininga ni Trina. Napahawak na rin siya sa sentido dahil tila sumakit yata ang ulo niya.
"E, ang mapapangasawa ko kilala mo ba, dad?" tanong niya sa ama.
Saglit namang natahimik si Limuel. Hindi alam kung lalapitan ba ang anak na nagbabadya na ang mga luha sa mga mata.
Napa-hikbi na ang dalaga dahil hindi nito maiwasang sumama ang loob sa ama.
Parang ang dating kasi no'n kay Trina ay pinamimigay na lang siya ng ama.
"Hindi mo na ba ako mahal, dad? Bakit gano'n na lang kadali sayo na ipakasal ako sa taong kailanman ay hindi ko naman ginusto?" humihikbing sumbat ni Trina sa ama.
Natarantang nilapitan naman ni Limuel ang anak. Wala naman siyang gusto kundi ang mapabuti lamang ang kalagayan ni Trina. Sakaling kunin man siya ng maykapal ay nasisiguro niyang nasa maayos ang nag-iisa niyang prinsesa.
"Trina, anak, alam mo namang para lang—"
Pero hindi na tinapos ni Trina ang sasabihin ng Daddy niya. Mabilis siyang tumalikod at umakyat sa hagdan patungo sa kuwarto niya. Saka mabilis niyang sinara ang pinto at ini-lock.
...
Dahil sa frustrations ay umalis si Trina sa kanilang bahay nang hindi nagpapaalam. Sinilip niya muna ang Daddy niya, at nang makita niya itong nasa library habang kausap sa telepono ang Daddy ni Andrew, ay kinuha niya ang pagkakataon na iyon para makalabas ng bahay na wala ni anumang ingay na nilikha.
Pumunta siya sa kaibigang si Drix na nasa Baguio. Alam niyang naroon ang kaibigan dahil tinawagan niya ito kanina para ipaalam ang kan'yang balak. Nag-commute nalang siya papunta doon. Gabi na rin nang makarating siya sa nasabing lugar.
Sinalubong naman kaagad siya ni Drix nang makababa siya ng taxi.
Hindi niya sinabi kay Drix ang tungkol sa kasal. Mas maigi na kung wala itong alam sa nangyayari sa kaniya.
Para hindi na rin ito mag-alala pa. At ayaw niya na dagdagan pa ang isipin ng kaibigan dahil napansin niya lately na mukhang may pinagdadaanan rin ito.
Ang dinahilan na lamang niya sa kaibigan ay gusto niya lamang mag-bakasyon dahil lagi siyang hinihigpitan ng Daddy niya.
Totoo naman na mahigpit sa kaniya ang Daddy niya. Dahil nag-iisang anak lang siya nito. At ang Mommy niya ay matagal ng namatay simula noong ipanganak siya.
Hindi naman siya galit sa Daddy niya, nagtampo, oo. Dahil pakiramdam niya ay ayaw na siya nitong makasama. Ayaw niyang na-i-istress ang Daddy niya kasi may sakit ito sa puso. Pero sa ginawa niya ngayon ay siguradong nag-aalala na iyon, sana lang ay hindi nito sinilip ang kuwarto niya. Inayos niya kasi ang mga unan para iporma na tao, tapos sinakluban niya iyon ng kumot para kunwari na siya iyon bago siya umalis kanina.
Sana lang talaga ay hindi pumasok sa room niya ang Daddy niya. Tatawagan naman niya ito upang ipaalam kung nasaan siya ngayon.
Nang makarating si Trina sa bahay ni Drix ay doon niya nakilala ang pinsan nitong si Damien Greyson. Unang kita palang niya sa binata ay nahumaling na siya kaagad sa taglay nitong kaguwapuhan, at sa mala-adonis nitong katawan.
“s**t! May ganito palang tao?” naibulong ni Trina sa sarili. Sa hindi malamang kadahilanan ay nanubig bigla ang bagang niya.
Kakaiba rin kasing tumingin ang lalaki sa kan'ya. Tila hinihigop nito ang kaluluwa niya.
Nagulantang lang si Trina nang magsalita si Drix. Kaya naalis ang titig niya sa binata.
“Sam, siya pala ang pinsan kong si Damien,” pangiti-ngiting wika ni Drix. Kinindatan pa siya ng baliw niyang kaibigan. Hindi niya alam kung para saan ang pagkidnat nito sa kan'ya. Inikotan na lang niya ito ng mga mata.
“At mas guwapo pala ako sa kan'ya, 'diba?” dagdag pa ni Drix na tumataas-baba ang magkabilang kilay.
Sabay pa silang napatawa ni Damien.
Kahit kailan talaga napaka-hilig nitong magbuhat ng sariling upuan. Napailing-iling na lang siya at sinundot sa tagiliran ang kaibigan na ikinasigaw nito sabay kanta.
“Huwag d’yan, may kiliti ako d’yan!” anito ni Drix. Hinampas niya pa ito sa balikat.
Pero natigil sila sa kakulitan ng biglang tumikhim si Damien. Noon lang niya naalala na nandoon pala ang binata. Ngumiti siya rito saka inilahad ang kamay para makipagkamay sa binata.
"Trina."
Agad naman kinuha ni Damien ang kamay ng dalaga saka masuyong hinalikan iyon.
Samantalang hindi naman maipaliwanag ni Trina ang kuryenteng dumaloy sa kan'yang buong katawan ng makadapuang palad niya si Damien.
Nakuryente ba ako? Bakit parang nanginginig ang mga binti ko? Tanong niya sa isipan.
Kakaiba kasi ang nararamdaman niya.
Parang may gustong kumawala sa kan'yang katawan, at hindi niya alam kung ano iyon.
Parang naiihi siya na hindi naman. At pakiramdam niya ay parang may mga paru-parong nagliliparan sa kan'yang sikmura.
“Damien.” pakilala rin ng binata habang hindi inaalis ang titig sa mga mata niya.
Para tuloy siyang hinihigop ng kung ano. Dahil iyon ang ang nararamdaman niya ngayon. Marami na siyang lalaking nakilala at nakadapuang palad pero hindi naman ganito ang nararamdaman niya.
“Ito na ba ang sinasabi nilang 'Love at first sight?” bulong niya sa sarili, “or kilig at first sight?” dagdag pa niya sa isipan.
Naputol ang pagmumuni-muni ni Trina nang akbayan siya ni Drix.
“Sure ka na ba na dito ka magtatago—este maglalagi, Sam?” ani ni Drix.
“O-oo, Kuya. Mas maigi na kung dito na muna ako. Tatawag naman ako kay dad para ipaalam kung nasaan ako. Sa ngayon kasi ay gusto ko munang lumayo sa bahay.” seryusong saad niya kay Drix.
“Gano'n ka higpit si Tito Limuel sayo, huh?” hindi makapaniwala na tanong ni Drix.
Si Drix ay kaklase niya simula palang
Highschool sila. At naging matalik na magkaibigan sila. Kaya kilala rin nito ang ugali ng Daddy niya. Madalas din kasi pumunta si Drix sa bahay nila. Pero takot ito sa Daddy niya. Kakaiba kasing magalit ang Daddy niya, idagdag pa na may sakit ito sa puso kaya nakakatakot talaga. Nakakatakot galitin dahil baka bumulagta na lang ito sa sahig.
Napabuntonghininga na lang siya. Alam naman niya kung gaano siya kamahal ng Daddy niya. At ang ginagawa nito ay para lang naman sa kaniya. Pero minsan hindi niya maiwasang masakal sa kahigpitan ng ama. Siguro dahil sa nag-iisa lang siyang anak kaya gano'n ito sa kan'ya. Naiintindihan naman niya iyon. Kaya siya umalis hindi dahil sa nagalit siya sa ama, umalis siya para i-refresh muna ang sarili. Dahil sa ngayon ay gulong-gulo pa ang isipan niya.
“Hayaan mo na, Kuya. Masyado lang istrikto si Dad sa akin. Alam mo na...dalawa lang kami. Pero mahal ako no'n ng sobra.” nakangiting sagot niya kay Drix.
Samantalang tahimik naman namang nakikinig si Damien sa dalawa. Hindi niya maalis-alis ang tingin sa mukha ng dalaga. Hindi yata siya magsasawang titigan ito kahit abutan man siya ng umaga.
Ang ganda niya talaga!
...
Biglang nag-aya si Drix na mag-night club sila kinagabihan. At ang napiling Club ay ang pagmamay-ari ng kaibigan nitong si Trevor.
Ang RedBar.
Hindi naman iyon kalayuan sa lugar.
Nang makarating sila sa lugar ay napahanga sa ganda si Trina. Dahil ang Bar na pinuntahan nila ay hindi lang simpleng Bar. Kundi mamahaling bar na kung titigan mo ay parang nasa bahay ka lang, sa isang maganda at malaking bahay, dahil sa kakaiba nitong desenyo.
Hindi ka rin basta-basta makakapasok sa lugar na iyon dahil kadalasan ay VIP lang ang puwede doon. Mga kilalang tao lang.
"Ang ganda naman dito," aniya ni Trina na halata sa boses ang kamanghaan sa lugar
Nilibot nito ang tingin sa buong paligid. Halos lahat ng mga tao na naroroon ay puro mayayaman at kilalang tao. Napatingala siya sa ikalawang palapag ng bar.
"Drix, ano naman ang meron sa taas?" tanong niya.
"Mga kuwarto. Sakaling malasing ng sobra ang isang customer ay puwede silang kumuha ng kuwarto para magpalipas ng gabi dito. Parang hotel no? Kaya kapag nandito ako ay diyan na rin ako natutulog." sagot ni Drix.
Tumango-tango naman siya.
"Naku, siguradong mag e-enjoy ka ngayong gabi, Sam." dagdag pa ni Drix na inumpisahang buksan ang mga bote ng alak na nasa harapan nila.
‘Sam’ ang tawag ni Drix sa kan'ya noon pa pa man. Short cut iyon ng Samyr. Ayaw nito sa first name niya. At ewan niya kung bakit.
Si Damien ay tahimik lang na pinagmamasdan ang dalaga na tinutungga ang hawak na bote. Pang lady's drink lamang ang binigay ni Drix dito dahil hindi naman daw ito sanay uminom.
Napalingon siya sa paligid. Maraming tao na ang naroroon. May kani-kaniyang kuwentuhan, meron din na suma-sayaw na sa dance floor. May napansin pa siyang dalawang pares na gumagawa ng milagro sa medyo madilim na parte ng lugar.
Si Drix na kanina lang ay katabi nila sa upuan, ngayon ay nasa dance floor na rin at may isinasayaw na babae. Mukhang may tama na ito ng alak dahil naka-ilang bote na rin sila. Pasuray-suray na nga ang loko pero nagagawa pang hipuin ang pang-upo ng babaeng kasayaw nito.
Kahit kailan talaga napaka-babaero ng lokong ‘to. Ani niya sa isipan.
Si Damien ay biglang tumayo para lapitan si Trina na mukhang may tama na rin ng alak. Inilahad niya ang kamay sa dalaga para ayain itong sumayaw. Mabilis naman iyong tinanggap ni Trina na medyo nahihilo pa.
Kahit pang lady's drink lang ang inomin ni Trina ay may tama pa rin iyon dahil nakarami na siya.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Damien nang mapansin na medyo umiiba na ang itsura ng dalaga. Sa gitna na sila ng dance floor at masuyong isinasayaw ang dalaga na ngayon ay nakahilig na sa kan'yang dibdib. Amoy na amoy pa niya ang mabangong buhok ng dalaga. Mahaba iyon, sa tantiya niya ay hanggang bewang ng dalaga.
"Oo naman," mabilis na sagot ni Trina na pilit tinatago ang hilo na nararamdaman. Ayaw niyang umalis sa pagkahilig sa dibdib ng binata dahil ambango nito. Hindi masakit sa ilong niya ang ginamit nitong perfume.
Okay lang malasing basta ganito ka
guwapo at kabango ang aalalay sa'kin! kinikilig na bulong niya sa isipan.
Inamoy-amoy pa niya lalo ang dibdib ni Damien. Alam niyang sa loob ng damit na iyon ay ang naghihimutok nitong kakisigan. Sigurado din siya na may abs ang binata dahil sinundot-sundot niya ang tiyan nito. At matigas nga.
“Trina...” bulong ni Damien sa may tenga ng dalaga. Biglang umiinit ang katawan ni Damien dahil sa ginawa ng dalaga.
Nanayo naman ang balahibo ni Trina sa katawan dahil sa pagdampi ng bibig ni Damien sa kaniyang tenga. Dinig rin niya ang malakas na t***k ng puso ng binata dahil nakahilig siya sa dibdib nito.
Umangat siya ng tingin para sana tignan ito. Pero dahil nakatunghay pala si Damien sa kaniya ay nagkasalubong ang kanilang mga labi.
Hmp!
Hindi makagalaw si Trina. Pakiramdam niya ay nakuryente siya ng libo-libong boltahe. Agad nanginig ang kaniyang mga tuhod. At naging mahigpit ang kaniyang kapit sa damit ni Damien.
Shit! Baka mapunit ko ang damit niya!
Naramdaman niyang gumalaw ang bibig ng binata, ipinasok nito ang dila sa loob ng kan'yang bibig. Hindi niya napigilan ang ungol na kumawala sa kaniyang bibig.
"Hmm..."
Hindi na rin niya pansin ang paligid dahil naka-focus na lang siya sa mga halik ni Damien.
Naging mapusok pa ang mga halik ni Damien. Kaya nadarang ng tuluyan si Trina at hindi na rin nito naiwasang hindi tugonin ang halik ng binata.
Naghalikan sila hanggang sa kapusan sila pareho ng hininga. Gustong-gusto niya ang mga halik ni Damien. Kaya hinabol niya pa ulit ang labi ng binata.
Nakaramdam pa siya ng pagkabitin nang bigla itong tumigil at tinitigan siya ng matiim sa mga mata. Agad siyang napasimangot. Nakaramdam pa siya ng inis dahil tumigil ito habang sarap na sarap siya. Gusto niya tuloy batukan ang lalaking ito.
"Bakit naman naging ganiyan ang mukha mo?" tanong ni Damien na nagulat rin sa pagbabago ng mukha ng dalaga. Inisip ng binata na baka nagalit ito sa paghalik niya. Pero ramdam naman niya kanina na nagustuhan din naman iyon ng dalaga. At hindi naman ito tumutol. Nagulat pa siya nang biglang sumagot si Trina. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito.
"Bigla ka na lang kasi nanghahalik.Tapos bigla ka rin titigil! Nabitin tuloy ako!" maktol ng dalaga na nakasimangot na. Handa na sana talikuran ang binata para bumalik sa upuan nang may maalala ito.
Huli na para ma-realize ni Trina ang mga nabitawang salita. Bigla siyang napatutop sa bibig. Nang lingunin niya si Damien ay malapad na ang pagkakangiti nito sa labi.
Bigla siyang napahiya at napayuko.
"s**t!"
Mabilis humakbang pabalik ng upuan si Trina dahil sa nerbyus na nararamdaman. At walang anu-anong nilagok ang alak na nasa kaniyang baso. Hindi siya makatingin ng maayos kay Damien na ngayon ay nasa tabi na niya. Kumuha rin ito ng alak at nagsalin sa baso. At inisang lagok iyon. Pareho silang hindi mapakali.
Sabay pa sila napatingin sa isa't isa. At sabay rin napatawa.
"Nasaan na kaya si Kuya Drix?" kapagkuwan ay tanong ni Trina.
"Baka nauna na siyang umuwi." tugon ni Damien sa dalaga. Panay ang lagok niya sa alak na nasa baso.
Kailangan ko pa ng alak. Mukhang ninerbyus ako! s**t!
Napabuntonghininga si Trina. Siguro nga nauna nang umuwi si Drix. At siya ngayon ay naiwan kasama ang pinsan nitong guwapo. Napangiti siya sa pilyang naisip.
Ang daya naman ng kaibigan niya pero ayos lang, dahil nandito naman si Damien.
Pero biglang pumasok sa isip niya ang tungkol sa kasal. Ayaw niya pa makasal lalo na kung sa taong hindi naman niya mahal. Pero may magagawa pa ba siya? Sa tingin niya ay wala na. Dahil kailangan niyang sundin ang gusto ng Daddy niya. Planado na 'yun saka ayaw naman niyang mabigo ang ama. Dahil iyon lang naman ang hinihiling nito. Ang pumayag siya na magpakasal kay Andrew. Siguro alam naman ng ama niya ang ikakabuti niya, kaya sige na lang. Papayag na siya kahit labas iyon sa ilong niya.
Pero ngayong gabi bago siya magpatali sa kasal ay hahayaan niya muna na ang sarili ang masusunod, kahit ngayong gabi na lang.
Mag-e-enjoy siya ngayong gabi. At bahala na ang bukas. Tama, e-enjoy niya ang gabing ito kasama si Damien!
“Okay ka lang ba?” may himig pag-aalala ang boses ni Damien. Nakatitig na pala ito sa kan'ya ng matagal hindi niya lang napansin dahil kung saang lupalop na naman lumipad ang isip niya.
Tumango naman si Trina saka ngumiti sa binata para ipakita na okay lang siya kahit na ang totoo ay hindi naman talaga.
Parang gusto niya sanang i-kwento kay Damien ang tungkol sa pagpapakasal niya kay Andrew, gusto lang naman niyang i-share baka kasi gumaan ang pakiramdam niya, pero naisip niya na para sa ano pa? Hindi naman siya kaanu-ano ni Damien. Baka kaawaan lang siya ng binata.
Naparami pa ang kanilang nainom habang maraming bagay din silang pinag-usapan ni Damien. Pero hindi kasama roon ang pagpapakasal ni Trina kay Andrew. Hindi niya iyon binanggit sa binata.
Sa gabing iyon ay nagkalagayan ng loob sina Damien at Trina. Kumbaga vibes na silang dalawa. Na-i-kwento din ni Damien sa dalaga na nag-iisang anak lang siya. At kaya siya nasa Baguio ay upang bisitahin ang Bahay-ampunan na pinamamahalaan ng kan'yang mga magulang, dahil kapag ready na raw siyang gampanan iyon, ay sa kan'ya na ipapamahala.
Balak kasi ng mga magulang ng binata na sa US na tumira.
Napahanga naman si Trina sa binata dahil sa edad nitong Bente-nueve ay marami na itong negosyo na hinahawakan. Single raw ito saka wala pang asawa bagay na ikinatuwa ng puso ni Trina. Samantalang siya, Bente-tres palang pero magpapakasal na sa taong hindi naman niya mahal. Ang saklap talaga. Pero naiisip niya rin na kaya siguro gustong-gusto ng Daddy niya na magpakasal siya kay Andrew ay dahil sa kaibigan nitong si Romano. May sakit kasi ang matandang iyon saka kung ano ang hihilingin sa ama niya ay sinusunod naman ng ama niya. Pero kutob niya lang naman iyon. Hindi naman siya sigurado.
Hanggang sa tuluyan na silang tinamaan ng nakakalasing na alak. Napansin ni Damien na papungay-pungay na ang mga mata ng dalaga kaya inaya na ni Damien ang dalaga na umuwi, pero hindi pumayag si Trina. Gusto pa nito mag-enjoy kasama ang binata. Bagay na ikinatuwa rin ng binata dahil gano'n din naman ang gusto niya, ang makasama buong magdamag ang dalaga.
Pareho silang may tama ng alak pero alam pa rin ang nangyayari sa paligid. Si Trina na pupungay-pungay ang mata ay nakahilig na sa balikat ng binata habang sapo naman ng binata ang bewang ng dalaga.
"Gusto mo na bang umuwi, Sweetheart?" malambing na tanong ni Damien kay Trina. Habang kinikilig naman si Trina sa endearment ng binata sa kan'ya. Nagsitayuan pa ang kan'yang balahibo sa batok dahil tumatama roon ang hininga ni Damien. Kumurap-kurap muna siya bago sumagot.
"Puwede bang dito na lang tayo ma–" napahikab ang dalaga, "...tulog?" ani niya na tiningala si Damien.
Ang pungay ng mga mata ng binata habang nakatunghay ito sa kan'ya.
Shit! Ang lakas ng tama niya sa binata. Parang mas nahihilo pa siya sa mga titig ni Damien kaysa sa alak na iniinom niya!
Napatitig naman si Damien sa magandang mukha ng dalaga. Pababa ang mga tingin niya sa mapupula nitong labi. Kanina pa niya pinipigilan at tinitimpi ang sarili na 'wag sunggaban ang mga labi nito na animo'y naghahamon ng halikan sa t'wing mapapasulyap siya roon. Nag-iinit na rin ang kaniyang katawan pati ang sa gitnang bahagi ng kaniyang hita.
Shit! Napapamura siya sa isipan. Parang hindi na yata niya kayang pigilan ang sarili. Idagdag pa ang kabog sa kaniyang dibdib. Nakakabingi iyon sa pandinig. Naging sunod-sunod ang paglunok ni Damien nang kinagat ng dalaga ang pang ibabang labi nito.
"Stop biting your lips, Trina..." paos ang boses na wika niya. Baka kasi sungggaban niya iyon kapag hindi tumigil ang dalaga sa pagkagat sa bibig nito. Kanina ay napipigil pa niya ang sarili, pero baka sa pagkakataong ito ay hindi na.
Nagulat pa siya nang damhin ng mga daliri ni Trina ang kan'yang mga labi.
"K-kung gusto mo akong h-halikan ulit," tumigil ang dalaga saka napalunok pa ito, "p-puwede bang... doon na lang sa taas?" sambit ng dalaga sa malamyos na tinig.
Hinaplos pa ni Trina ang mukha ni Damien. Guwapong-gwapo siya sa binata, parang gusto na niya itong iuwi sa kanilang bahay, pero paniguradong malilintikan siya sa ama kapag ginawa niya iyon.
"Sigurado ka ba?" tanong ni Damien.
Gusto naman siguraduhin ni Damien na nasa tamang katinuan pa ang dalaga. Dahil oras na pumasok sila sa kuwartong nasa taas ay wala nang urungan iyon.
"Dahil oras na umakyat tayo doon, at nakapasok sa loob ay hindi ka na puwedeng umatras, sweetheart." paalala pa niya sa dalaga.
Tumango naman ang dalaga saka ngumiti ito sa kan'ya. "Maaaring madami akong nainom, pero nasa tamang katinuan pa ako, Damien... Kaya dalhin mo na ako sa taas." tugon ng dalaga.
Iyon lang ang inaantay ni Damien na sabihin ng dalaga. Ngayon na tiyak niyang nasa tamang katinuan pa ito ay hindi na niya ito palalampasin pa. Saka handa siyang panagutan ang dalaga kung ano man ang mangyayari sa kanila ngayong gabi. Dahil oras na maangkin niya ito ay wala nang puwede pang umangkin sa dalaga.
Mabilis niya itong hinila paakyat sa taas. Binigyan siya ng susi ni Trevor para sa isang VIP room. Nang makapasok sila sa loob ng kuwarto ay uhaw na sinunggaban niya ng halik ang mga labi ni Trina.
Naging mapusok iyon hanggang sa pareho sila kinapusan ng hininga.
Mabilis nilang natanggal ang saplot ng bawat isa. Pinagmasdan ni Damien ang kahubaran ng dalaga. Kan'yang dinama, hinaplos at hinalikan ang bawat parte ng maseselang bahagi ng katawan ni Trina. At nang siya’y magsawa roon ay saka niya inangkin ang dalaga.
"A-aray!" nakangiwing sambit ni Trina na siyang ikinatigil ni Damien sa paggalaw.
Ramdam ni Trina ang pagkapunit ng kung ano sa p********e. Nanigas ang kan'yang katawan dahil parang binibiyak siya ng sakit na iyon. Parang hinahati ang kaluluwa niya.
"s**t! You're a virgin, sweetheart? Bakit hindi mo kaagad sinabi sa’kin? Dapat nagdahan-dahan ako! I'm sorry." nag-aalalang wika ni Damien. Panay ang halik niya sa noo ni Trina para kahit doon man lang ay maibsan ang sakit na nararamdaman ng dalaga.
Shit!
Ang laki pa naman niya. Biglaan kasi ang pagpasok niya sa dalaga dahil hindi na niya na kontrol pa ang sarili.
Pero hinalikan siya ni Trina sa mga labi saka ngumiti ito.
"Ituloy mo lang, Damien. Huwag mong itigil, ayokong mabitin..." mahinang untag ng dalaga. Saka ito na mismo ang humalik sa mga labi ni Damien na agad naman tinugon ng binata.
Hanggang sa napuno ng ungol, halinghing, sigaw, at mura ang silid na iyon na nililikha ng dalawang tao na natupok sa init ng temptasyon.
Inangkin ang labi ng bawat isa, at sumasabay sa bawat galaw, nagmistulang tugtog ang kanilang ingay sa loob ng silid na iyon. Hanggang sila’y napagod.
Magkayakap na bumagsak ang kanilang katawan sa malambot na kama.
Nang dahil sa unang pagkikita na iyon ay nagkaroon sila nang hindi maipaliwanag na damdamin para sa isa't isa.
At si Trina, kailanman ay hindi siya magsisisi na ibinigay niya ang sarili kay Damien. Sa lalaking kakakilala palang niya.