KABANATA-5

2386 Words
Night charity event Baguio, city Damien wore a formal attire for the night event. Pinaliguan na rin niya ng pabango ang sarili para masigurado na mabangong-mabango siya. Sinipat niya nang maigi ang sariling repleksyun sa salamin bago tinungo ang pintuan palabas ng Hotel na inuukupa niya. Malapit lang ito sa Event na gaganapin sa lugar. Pinili niya talaga na dito ganapin para masaksihan mismo ng Charity na napili niya. Ang ‘Home for the children of Baguio’. Nang makalabas ng Hotel ay agad siyang sinalubong ng maraming tanong ng mga media. Bawat madadaanan niya ay kinukuhanan siya ng litrato. Tahimik lang siya at diretsong tinungo ang kotse kung saan maghahatid sa kan'ya sa Event na pupuntahan ngayong gabi. Umuwi rin ang mga magulang niya galing Amerika kahapon, para um-attend ng nasabing Event. At sigurado siyang nauna na ang mga ito sa Charity ball. Syempre magpapahuli pa ba ang mga parents niya? Malamang hindi. Nag-umpisa nang maglakad ang kotse na sinasakyan niya habang siya ay prente naman na nakaupo roon. Naramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone na nasa bulsa niya kaya mabilis niya 'yun kinuha. At nang makita kung sino ang caller ay nagulat pa siya. Kaya mabilis niya itong sinagot. "Hey, strong head!" malakas na tumawa si Drix mula sa kabilang linya. "Anong nakain mo’t napatawag ka?" he asked. "Well. Wala naman," Tumawa ulit ito, "gusto ko lang sabihin na nakauwi na ako," Drix answered. Biglang bumukas ang kasiyahan sa kan’yang mukha dahil sa sinabi ni Drix. Nakauwi na pala ito galing Amerika. Pabalik-balik kasi ito sa bansang iyon kaya bihira sila magkita. Maliban sa pinsan niya si Drix ay magkapatid rin ang turingan nilang dalawa. May isa pa itong kapatid na babae. Si Suzette na nasa Amerika din ngayon. "Really? Wow! Can't wait to see you, My lost pinsan!" Damien commented while excitement was visible in his voice. "Woah! Na-miss ako ng honey babe ko!" biro ni Drix na sinabayan pa ng pagtawa na nakakaloko. "Shut up!" hindi rin maiwasan ni Damien ang mapatawa. Na-miss niya rin talaga ang kalokohan nitong pinsan niya. Sa kanilang dalawa kasi si Drix ang mapagbiro, habang siya naman ay tahimik lang na klase ng tao. Pero lumalabas din ang pagiging pilyo niya kapag kasama niya si Drix. Mabuti na lang hindi niya namana ang pagiging babaero nito. Good boy kasi siya! Narinig pa niya na mukhang maingay ang lugar na kinaroroonan ni Drix. May mga nagsasalita rin kasi siyang naririnig sa paligid ng binata kung saan man ito naroon ngayon. "Hey, Nasaan ka ba ngayon? Bakit ang ingay naman ng background mo d’yan?" tanong niya habang ang tingin ay nasa labas ng kotse. Tumigil na kasi ang kotseng sinasakyan niya. At napagtanto niya na nasa lugar na pala sila kung saan gaganapin ang Event ngayong gabi. At marami ng media ang umaabang sa kan'ya sa labas. This is it pansit! wika niya sa isipan. Hindi na sumagot si Drix sa kabilang linya kaya nangunot ang noo niya. Nang tingnan niya ang cellphone ay naka-end na pala ang tawag ni Drix. Napailing na lang si Damien. Inihanda na lang niya ang sarili para lumabas ng kotse. Pero sa kan’yang paglabas ay laking gulat niya ng mukha ni Drix ang sumalubong sa kan'ya. Muntik pa niya itong masuntok dahil sa pagkagulat. At muntik na rin sila maghalikan na dalawa. "What the hell, Lysander!" gigil na bulong niya sa pinsan. Nais niya itong batukan dahil sa kalokohan nito pero hindi niya magawa dahil marami ng mga tao ang naroon at kinukuhanan sila ng mga litrato. Pigil niya ang sariling huwag itong mabatukan. "Surprise, Honey!" nakangising sagot ni Drix sa kan'ya. At tumawa pa ito ng nakakaloko. Gusto niya tuloy bigwasan ang pinsan niya. Pasalamat ito dahil maraming camera ang nakaharap sa kanila. Dahil kung wala, naku na lang talaga! "Kahit kailan talaga magugulatin ka," bulong ni Drix na tumatawa pa. Umiling-iling pa ang loko. Tiningnan na lamang ng masama ni Damien si Drix habang papasok sila sa loob ng Charity ball. Pero ang lokong pinsan niya ay patawa-tawa lang sa kan'ya at tila walang pakialam kung dumidilim na ang anyo niya. Hindi niya pinansin ang mga kababaihan na gustong kunin ang atensyon niya. May mga ilan na nagpapakita ng motibo pero dedma lang iyon sa kan'ya samantalang ang malandi naman niyang pinsan ay todo sa pagpapa-cute sa mga kababaihan. Well, ano pa ba ang aasahan niya sa lalaking 'to? Certified babaero ito, eh. "At sinong hindi magugulat? Eh, muntik na tayong maghalikan,” nakangiting sabi niya na pigil na pigil ang sariling huwag ipakita ang inis. "At hindi ko in-expect na nandito ka pala." Paano kausap niya lang itong mokong na ‘to kanina tapos bigla na lang susulpot sa kung saan. Nawawala, bumabalik, heto na naman. Sabi nga sa kanta. "Surprise nga diba?" natatawang sagot nito. Inakbayan siya ni Drix at binulungan sa may tenga. "Sa Redbar tayo mamaya." Napangisi naman siya. "Okay." pagsang-ayon niya sa sinabi nito. At sabay na nilang sinalubong ang mga taong naghihintay sa kanila. Lalo na ang mga parents niya na parang ilang taon na hindi nakita ang nag-iisang anak. Nagtitili pa ang Mommy niya na mukhang nakakita ito ng artista. At nang makalapit siya rito ay walang anu-anong pinupog siya ng mga halik kahit nasa harapan sila ng media. "Hi, Mom and Dad," magalang na pagbati niya sa mga magulang. "Hello, baby!" anang mommy niya. "Hello, son!" wika naman ng daddy niya. Palinga-linga pa sa paligid niya ang mommy niya na tila ba may hinahanap ito. Kapagkuwan ay binalingan siya. "Nasaan ang ka-date mo ngayon, anak?" usisa na naman ng mommy niya. Heto na naman ang mommy niya eh! "Mom, wala po akong ka-date tonight at huwag na po kayong magtaka ni Dad kung bakit," sagot niya sa ina. Sadyang hindi talaga magpapatalo si Elizabeth. "Hahanapan kita ng jojowain, anak!" bulalas ng mommy niya. Hinila pa siya nito upang dalhin sa isang mesa kung saan may mga kababaihan na naroon na kanina pa malagkit ang mga titig sa kan'ya. "Ma!" tanging nasambit ni Damien habang tinatangay siya ng ina papunta sa mga kababaihan na naroon. ... Nang gabing iyon ay masayang natapos ang Event na dinaluhan ng lahat. Maraming na bilib dahil sa kabaitan ng Pamilyang Greyson, lalo na ang namamahala sa Charity na napili nilang tulungan ay malaki ang naging pasasalamat sa kanila. Dahil malaking tulong ang ginawa ng Pamilyang Greyson para sa mga bata na nasa Bahay-ampunan. At maraming mga bata ang kanilang mabibigyan ng magandang kinabukasan. Maraming mga businessman ang dumalo. Kasama na roon si Mr. Limuel Vergara na bilib na bilib sa binata. Unang kita niya pa lang sa binata pero pakiramdam niya ay matagal na niya itong kakilala. Dahil pamilyar ang mukha ni Damien sa kan'ya, parang nakita na niya ang binata pero hindi niya matandaan kung saan. At si Damien ay nagpasalamat rin sa lahat ng mga dumalo sa Charity event na iyon. Nagpasalamat rin siya kay Mr. Vergara na isa rin sa mayaman at kilalang businessman sa Asia na malaki rin ang tulong na ibinigay sa Charity. Malaking bagay iyon para sa mga bata sa Bahay-ampunan. Nag-usap pa sila ng matagal ni Mr. Vergara hanggang sa magpaalam ito sa kan'ya na lilipat raw sa kabilang mesa para kausapin rin ang ilang kakilalang businessman. Matapos ang lahat-lahat ay bumalik siya sa hotel na tinutuluyan. Mabilis siyang naligo at nagpalit ng damit dahil inaya siya ni Drix na pumunta sa Redbar. At dahil matagal na rin niya na hindi nakakasama ang pinsan ay pinagbigyan niya ito kahit na gusto na niyang magpahinga. Baka kasi magtampo ang pinsan niya kapag hindi niya ito pinagbigyan sa kahilingan nito. Minsan kasi ay may pagkabata-isip ito. Nawala na nga lang ito bigla sa event kanina at hindi niya alam kung saan iyon nagpunta. Naisip niya na baka nakipag-landian na naman iyon. Ang Mommy at Daddy naman niya ay bumalik na rin sa hotel na tinutuluyan ng mga ito. Nagpaalam ang mga ito kanina na mauuna na daw umuwi dahil inaatake na ng rayuma ang Father niya. Napag-alaman din niya na magkakilala pala ang Daddy niya at si Mr. Vergara dahil sinabi iyon ng Mommy niya kanina sa event. Sumakit pa ang ulo niya sa Mommy niya dahil kung sinu-sinong mga babae ang dinadala nito sa kan'ya upang ipakilala. Alangan naman supladuhan niya diba? Syempre nakipag-usap na lang siya ng maayos. Kasalukuyan siyang nagsusuot ng sapatos nang marinig ang tunog ng buzzer, tanda na nasa labas na ng pinto si Drix at inaantay siya. "Masyadong excited ang mokong!" ani niya. Mabilis niyang kinuha ang Leather jacket at cellphone. Kinuha niya rin ang sombrero na nakasabit sa sabitan nito, at sinuot 'yun. Kinuha niya ang pitaka sa table at pinasok iyon sa loob ng bulsa. At mabilis na tinungo ang pintuan kung saan walang tigil ang pagtunog ng buzzer. Parang siraulo ang pinsan niya dahil hindi ito makapag-antay na pagbuksan niya ng pintoan. "Wait, you asshole!" gigil na sigaw niya sa pinsan dahil wala itong tigil sa kakapindot ng buzzer. Nang mabuksan niya ang pinto ay mukha ni Drix na nakangisi ang nabunggaran niya. Binatukan niya ito dahil sa kakulitan nito. "I told you to wait, right? Naririndi ang tenga ko sa kakapindot mo, eh!" inis na wika niya. Sumimangot naman si Drix sa tinuran niya pero saglit lamang iyon. Inakbayan siya nito at binatukan rin. Pareho pa sila napatawa sa kanilang kalokohan na dalawa. Magka-akbay nilang tinungo ang elevator. "Mabuti naman at nakadalo ka ngayon sa event, Drix. Kumusta ka na pala?" tanong ni Damien sa pinsan habang sakay sila ng elevator pababa sa ground floor. "Okay lang naman. Umuwi talaga ako kasi na-miss ko rin dito sa bansa natin. Saka may importanteng bagay ako na dapat gawin dito kaya ako umuwi," sagot ni Drix habang panay ang tingin nito sa cellphone na hawak. "Ganoon ba? At ano’ng importanteng bagay naman iyon?" usisa pa ni Damien. "Saka ko na sasabihin sayo, Insan." sagot naman ni Drix na ikinatango naman niya. Nang tumigil ang elevator ay sabay silang lumabas ni Drix doon. Maraming mga mata ang nakatitig sa kanilang dalawa habang binabagtas nila ang daan papunta sa parking area. Halos lahat ng mga mata na iyon ay nanggagaling sa mga kababaihan sa bawat madaraanan nila. Tila kinikilig ang mga ito sa tuwing masusulyapan nila. "Ang guwapo ko talaga!" ani ni Drix na pangiti-ngiti pa. Nagbubuhat na naman kasi ito ng sariling upuan. Mabilis siyang sumakay sa sariling kotse. At si Drix? May dala rin itong sariling kotse kaya nag-convoy na lang sila patungo sa Redbar. Sa Favorite place nilang mag-pinsan. Ngayong gabi pupunta na naman siya sa lugar kung saan matapos ang halos tatlong taon, ay walang palya siya kung bumisita roon. Lalo na kapag nagawi siya sa Baguio para bisitahin ang Bahay-ampunan. Isa rin ang lugar na 'to kung bakit gustong-gusto niya ang Baguio. Ang RedBar. Dahil minsan sa buhay niya ay may nakikilala siyang babae. Na nagbigay ng hindi maipaliwanag na damdamin sa kan'ya. At dito niya mismo sa lugar na 'to inangkin ang babaeng iyon. Ang babaeng kailanman ay hindi na nawala sa isipan niya magpahanggang ngayon matapos ang gabing nakilala niya ito. ... “Anak, okay ka na ba?!” nag-aalala na tanong ni Trina kay Dero. Hindi niya maiwasang mataranta kanina. Bigla na lang kasi itong nag-reklamo na masakit raw ang tiyan kanina. Kaya imbes na mag-bihis sila para sumama sa Daddy niya sa Baguio ay bumisita na lang sila sa Hospital. Para masiguro ang kalagayan ni Dero. Namimilipit kasi ito sa sakit ng tiyan kanina. "Okay na po ako Mama," Dero commented. "Thank God!" Sinabi na rin ng Doctor na wala namang nakain na sira si Dero. Nasobrahan lang daw ito sa kinain kaya nabusog ng sobra kaya nagkaroon ng kabag na siyang dahilan kung bakit sumakit ang tiyan nito. Magana kasing kumain ang anak niya kanina. Nasarapan ito sa mga pagkaing in-order niya at ayaw magpapigil kaya ayun, kinabag. "Mabuti naman, anak. Pinakaba mo naman si Mama, lalo na si Lolo mo kanina. Muntik na nga siyang hindi um-attend ng event, eh," ani niya na ginulo pa ang buhok ni Dero. Hinalikan pa niya ito sa noo. Nataranta kasi ang Daddy niya kanina. Muntik na talaga ito hindi pumunta sa event na iyon dahil iniisip nito si Dero. Pero nang sinabi ng Doctor na okay lang naman si Dero ay umalis rin ito na ipinagpasalamat na rin niya dahil mukhang mauuna pang atakihin sa puso ang Daddy niya dahil sa ka-over-an nito. Basta pagdating kasi kay Dero ay gano'n ang Dad niya. Siguro gano'n talaga ang mga lolo pagdating sa apo nila. Matapos masuri ng Doctor si Dero ay nagpasundo na sila sa Driver para magpahatid sa hotel na tinutuluyan. Nang nasa loob na sila ng kotse ay kinuha niya ang Cellphone para matawagan ang Daddy niya kung nakarating na ba ito sa Baguio at para ipaalam na rin na okay na si Dero, at pauwi na sila. Iyon kasi ang bilin ng Dad niya kanina bago ito umalis. Habang si Dero naman ay busy kakanood ng cartoons sa tablet nito. Maayos na ang itsura nito, hindi katulad kanina na namumutla. "Dad," tawag niya sa ama ng sagutin nito ang tawag niya. "Yes, baby? Okay na ba si Dero? Magpahatid na lang kayo sa Condo ngayon," sunod-sunod na wika ng ama. "Yes, dad. Okay lang siya. At pabalik na kami ng hotel ngayon. And, sige po, magpapahatid na lang kami sa Condo mamaya," sagot niya sa ama habang ang tingin ay kay Dero. "Okay, anak. Sa charity ball na ako ngayon. Patapos na rin to—" Hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil mukhang may kumausap sa Daddy niya. At nakalimutan na yata nitong tapusin muna ang tawag niya. Pero pinakinggan pa rin niya ito. May pagka-chismosa kasi siya! Medyo maingay sa kinaroroonan nito base na rin sa narinig niya. Wala naman siyang naiintindihan sa mga sinasabi ng Dad niya kaya tatapusin na lang sana niya ang tawag ng may pamilyar na boses siyang narinig mula sa kabilang linya na kausap ng Daddy niya. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang rumagasa ang kaba sa kan’yang dibdib. At bigla na lang din bumilis ang pintig ng puso niya. "What's with that voice, Trina?" tanong niya sa sarili. Natigil ang pakikinig niya nang mawala ang linya mula sa kabila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD