KABANATA-13

1706 Words

Hindi niya alam kung naiihi ba siya o nadudumi dahil hindi siya mapakali at nababalisa siya sa kinauupuan ngayon. Nasa hapag silang apat. Katabi niya si Dero habang kaharap naman niya si Damien na halos hindi rin ginagalaw ng binata ang pagkain sa pinggan nito. Nakamasid lang ito sa bawat galaw niya kung kaya’t naiilang siya ng sobra. Pakiramdam niya ay inaaral ng binata ang bawat galaw niya. Ultimo ang pagsusubo niya ng pagkain sa sarili ay kinahihiya niya dahil pati roon ay nakasunod ang tingin ng binata. Parang gusto niya tuloy bulagain si Damien, baka sakali kasi na kumurap-kurap ito. Aminado siyang walang nagbago sa nararamdaman niya para kay Damien hanggang ngayon. Kung ano ang feelings niya noong una niya itong makilala sa RedBar ay ganoon pa rin iyon ngayon. Mas lumala pa nga yat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD